Alvarez, H - Buod - Ang Bugtong NG Manok at Agila

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Bugtong ng Manok at Agila

ni Alvin B. Yapan

May isang agila na pinalaya mula sa Eagle Conservation Center at sinabi ng mga pulis
na iyon daw ang nabaril ng mangangaso pero pilit na itinatanggi ng mangangaso dahil manok
daw ang lasa ng kanyang nabarili na kanyang niluto nang umaga ding iyon. Hindi raw
maaaring magkamali ang mangangaso sa kanyang panlasa sapagkat siya ay dati nang
nakakain ng manok dahil sa binigay na sisiw ni Gng. Imperial. Naging mahaba ang pagtatalo
sa presinto tungkol sa nawawalang agila. Marami ang nakiisyoso, kanya kanya silang tugon
at opinyon sa usapin hanggang umabot sa gabi ang nasabing pagtatalo. Ang pagpapatulog sa
kulungan ang naging desisyon ng kapulisan sa kanya sapagkat kung agila man ang binaril
niya, lasang manok man o hindi, dapat pa rin siyang makulong dahil mahigpit na
ipinaglalaban ang karapatan ng mga hayop sa kanilang komunidad. Nagkaroon siya ng oras
sa pagninilaynilay tungkol sa naging pangyayari sa tanggapan ng pulisya. Habang siya ay
nakakulong ng gabing iyon siya ay biglang naging ibon. Tinulungan siya ng mga aso upang
makatakas sa kulungan. Siya ay nagpakalayolayo mula sa kanilang baryo upang wala sa
kanyang makakilala bilang aswang at namuhay na isang ibon. Marami siyang
nakasalumuhang iba’t -ibang hayop. Pinayuhan siya ng mga ito na magpahuli na upang
makuha ang kanyang pangangailangan gaya ng damit. Tanggap niya na siya ay isang hayop
at nagdesisyon na tanggapin na ang buhay ng isang ibon. Ngunit sa paglipas ng araw siya ay
bumabalik sa pagiging tao.

ALVAREZ,H_BUOD_ANG BUGTONG NG MANOK AT AGILA

You might also like