#Jia Fee - Buod Sa Fil-Ed 208
#Jia Fee - Buod Sa Fil-Ed 208
#Jia Fee - Buod Sa Fil-Ed 208
NG DULAANG PILIPINO
Noong Setyembre 29, 1979, nagpulong na muli ang mga ngunguluhan ni Gng. Felicidad
S. San Luis: pangkat ng mga kinauukulan: ang Panlalawigang Lupon sa Kultura na
pina- mag-aaral at kawani na may kakayahan sa pantanghalan sining at konektado sa
Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños (datapwat hindi nila opisyal na kinakatawan
ang Peman- tasan), sa pangunguna nina Prop. Leo T. Rimando, Reynold Pimentel, at
Luis Sevilla: at mga kinatawan ng Pambayang Lupon ng Kultura ng Siniloan, Pangil,
Famy, Mabitac, Liliw, Nagcarlan, Pagsanjan, Pila, at Santa Cruz.
Sa pulong na nabanggit, inilahad ang pagsusuri: mahirap mapakilos ang mga pangkat-
pangkultura dahil kundi man nakatali ang mga namamahala sa kani-kanilang gawain
fidagdag pa ang kakulangan ng suportang pinansiyal), iilan o walang kabataang
kalahok sa mga gawain. Kayat napag- kaisahang magdaos ng mga sama-aral sa
pantanghalang sining, na lalahukan ng mga kabataan sa mataas na paaralan (magmula
ika-2 antas). Inilinaw rin na bukod sa interes at kakayahan sa sining, dapat may
kakayahang mamuno ang mga lalahok sa sama-aral.
Alinsunod sa napagkasunduan, itinakda ang mga sama- aral at idinaos gaya nang
sumusunod:
Oktubre 26-28- Sama-aral sa Siniloan
(Nilahukan ng mga kabataang taga-Siniloan, Pangil, Famy, at Mabitac)
Nobyembre 9-11 Sama-aral sa Liliw
(Nilahukan ng mga kabataang taga-Liliw at Nag- carlan)
Disyembre 15-17 - Sama-aral sa Pagsanjan
(Nilahukan ng mga kabataang taga-Pagsanjan, Pila, at Santa Cruz)
Nilayon ng mga sama-aral ang sumusunod:
1. Magkaisa sa pananaw ukol sa Kulturang Pilipino.
2. Linangin ang kakayahan ng mga kalahok sa pantang- halang sining.
3. Buuin ang isang samahan sa pantanghalang sining.
ANG LIKAS NA HILIG SA PALABAS
325
Bago pa man idaos ang mga sama-aral, napagkaisahan na sa pulong noong Setyembre 29
na tawagin ang kilusang ito ng PASILAG o Pantanghalang Sining ng Laguna. Iwi nangki
ito sa katawagan sa pangkat ng mga kabataan sa sining-biswal ang ASILAG (Anak
Sining ng Laguna).
Pawang "live-in" ang mga sama-aral (tatlong araw, dala- wang gabi) at tinampukan
ng: mga lektura ukol sa Kasay- sayan ng Dulang Pilipino, mga lektura-pagsasanay
ukol sa sining, mga laro, atbp. Tampok ang pagtatanghal ng mga eksena sa iba't
ibang dula (bilang paglilinaw ng Dulang Pilipine) at pagtatanghal mismo ng mga
kalahok ng kani- kanilang dula.
Sapul noong mga unang sama-aral, nakapagdaos na ng iba't ibang sama-aral sa mga
bayan, panimula man o kaya'y pagpapatuloy ng PASILAG sa mga bayan ng Paete, Pakil.
Rizal at Lungsod ng San Pablo.
Ang mga sumusunod ay ang mga produksiyon na nilikha ng PASILAG:
a. IBON MAN MAY LAYANG LUMIPAD. 3-yugtong dula (akda ni Ll. Sevilla) na nilahukan
ng 110 kasapi at itinanghal sa Panlalawigang Sentro ng Kultura, Santa Cruz noong
Agosto 9, 10, 1980.
b. SINAKULONG PILIPINO, makabagong sinakulo na nilahukan ng 50 kasapi at itinanghal
sa: Panlalawigang Sentro ng Kultura: Santa Cruz noong Abril 13-14, 1981; Pakil
noong Abril 15, 1981 at Barangay Punta, Calamba noong Abril 18, 1981.
k. ALAB NG DIBDIB, SIKLAB NG AWIT, 3-yugtong dula ukol sa kasaysayan ng mga awitin
ng sambayanang Pilipino (akda ni Ll. Sevilla) na itinanghal noong Hunyo 27-28, 1981
sa Panlalawigang Sentro ng Kultura, Santa Cruz. Itinanghal din sa Rizal noong Hulyo
11, 1981; Paete, Hulyo 18, 1981; at sa Santa Cruz muli noong Agosto 1, 1981.
Nilahukan ito ng 107 kasapi.
d. SAMU'T SARING PASIKLAB NG PASILAG, 3-yugto ng mga tula at awit na nilahukan ng
mga kasapi sa mga sangay ng Paete, Pakil, Famy, Pangil, at Siniloan.