Major 19
Major 19
Major 19
Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng Lungsod ng Rosario
Teodoro M. Luansing College of Rosario
Namunga, Rosario, Batangas
I. Layunin
a. Nailalahad ng mga mag-aaral ang kanilang pag-unawa sa paksang ang Tayutay.
b. Naiisabuhay ng mga mag-aaral ang mga aral sa paksang tatalakayin.
c. Naiipahayag ang kaalam tungkol sa paksang ang Tayutay.
d. Naisasaalang-alang at naisasadamdamin ang kahalagahan ng Tayutay.
e. Nakikilahok ang mga mag-aaral sa anumang aktibidad na gagawin.
Nilalaman
Paksa: Tayutay
Sanggunian: https://www.slideshare.net/johndeluna26/tayutay-
46977850?fbclid=IwAR2RPB05kA4dtHTzjqPfdFWECw6Lno_bESjjQ40i6Ltfbieo_L6UxrCTCtw
Kagamitan: Biswal, sampayan, at laptop
Kahalagahan Pangkatauhan: Pagpapahalaga sa paksang Tayutay na makakapagpalawak sa kaalaman ng mga
mag-aaral
II. PROSESO NG PAGKATUTO
Gawain ng Mag-aaral
Panimulang Gawain
1. Panalangin
Mangyari tumayo ang lahat at damhin natin ang (Yuyuko at taimtim na magdadasal ang mga mag-
presensya ng Panginoon. aaral)
3. Pagsasaayos ng Silid-Aralan
Bago tayo magsimula nais kong ayusin ninyo muna
ang inyong mga upuan at pulutin ang mga kalat na
makikita ninyo sa inyong paligid.
4. Pagtatala ng Liban
Sa kalihim ng klase, mangyaring isalaysay mo ang
mga mag-aaral na wala sa mga oras na ito.
Maraming salamat.
5. Pagbabalik-Aral
Bago tayo tuluyang magbukas ng panibagong
talakayan, tayo muna ay magbalik-aral sa ating
pinagtalakayan noong nagdaaang araw.
Ano ang tinalakay natin noong nakaraang araw? Ang tinalakay po natin noong nakaraang araw ay
Tekstong Naratibo.
A. Aktibiti
“PANGUNGUSAP KO, KOMPLETUHIN MO”
B. Analisis
- Ano ang masasabi ninyo sa mga pangungusap na Ito po ay nagsasaad ng mga matatalinhagang
sinagutan ninyo? pagpapahayag ng damdamin.
- Ano ang naramdaman ninyo ng matapos ninyo ang Masaya po ang naramdaman naming.
aktibidad?
C. ABSTRAKSYON (TALAKAYAN)
Ngayon dadako na tayo sa ating talakayan.
- Tungkol saan ang pag-aaralan natin ngayon batay Ito po ay maaaring patungkol sa paksang tayutay.
sa ginawa nating aktibidad?
MAHUSAY!
Halimbawa:
1. Tila yelo sa lamig ang kamay ng nenenerbyos na
mang-aawit.
2. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituin sa
ningning.
3. Tila maamong tupa si Juan kapag napapagalitan.
METAPORA O PAGWAWANGIS – Tiyak na
paghahambing ngunit hindi ginagamitan ng pangatnig.
Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga
pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na
inihahambing. Ito ay tinatawag na metaphor sa ingles.
Halimbawa:
1. Siya ay langit na di kayang abutin nino man.
2. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
3. Ahas siya sa grupong iyan.
PERSONIPIKASYON O PAGSASATAO -
Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga
katangiang pantao-talino, gawi, kilos, ang mga bagay na
walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang
nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiriwa, at
pangngalang-diwa. Personification sa ingles.
Halimbawa:
1. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
3. Sumayaw ang mga dahoon sap ag-ihip ng hangin.
APOSTROPE O PAGTATAWAG – Isang panawagan o
pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
Halimbawa:
1. O tukso! Layuan moa ko.
2. Kamatayan nasaaan kana? Wakasan mo na ang
aking kapigtahian.
PAGMAMALABIS O HYPERBOLE
(EKSAHERASYON) – Ito ay lagpalagpasang
pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao,
bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang
katangian, kalagayan o kalayuan.
Halimbawa:
1. Namuti ang kanyang buhok kakahintay sayo.
2. Abot langit ang pagmamahal niya sa akin.
3. Nabiyak ang kanyang dibdib sa sobrang
pagdadalamhati.
PAGPALIT SAKLAW O SINEKDOKE – Isang bagay,
konsepto, kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang
binabanggit.
Halimbawa:
1. Hingiin mo ang kanyang kamay.
2. Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa
inang bayan.
PAGHIHIMIG O ONOMATOPEYA – ito ang mga
paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay isang
kahulugan onomatopoeia sa ingles.
Halimbawa:
1. Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan,
halumigmig nitong hangin, ay bulong ng kalikasan.
2. Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na
tinanggap.
PAG-UYAM – Mga pananalitang nangungutya sa tao o
bagay sa pamamgitan ng mga salitang kapag kukunin sa
tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa
tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam.
Halimbawa:
1. Kay kinis ng mukha mong butas-butas sa kapipisil
mo ng tigyawat.
2. Talaga palang masipag ka, wala kang ibang ginawa
kundi ang matulog maghapon.
D. APLIKASYON
Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa dalwang grupo
upang magsagawa ng pangkatang gawain at
bibigyan lamang ng sampung minuto upang
isagawa ang pangkatang gawain.
UNANG PANGKAT
(Shyra, Jaira, Monica, Jessa)
Magbigay ng sampung pangungusap na may
personipikasyon.
PANGALWANG PANGKAT
(Josue, Princess, Cyril, Arabella)
Magbigay ng sampung pangungusap na may
pagmamalabis.
Presentasyon 25
Nilalaman 15
Partisipasyon 10
Kabuuan 50
Pagpapahalaga
1. Bilang isang mag-aaral, gaano kahalaga sayo ang Para po sa akin, mahalaga po ito sapagkat nailalahad
tayutay sa pang araw-araw mong gawain. po natin ang ating mga saloobin o nais sabihin sa
pamamagitan ng iba’t-ibang salita na hindi tayo
nakakagamit ng hindi kaaya-ayang salita.
2. Nagagamit ba ninyo ang tayutay? Sa anong Opo, nagagamit po namin ito sa tuwing nakikipag-
pagkakataon ninyo ito nagagamit? usap kami sa aming kapwa.
Paglalahat
1. Ano muli ang tayutay? Ang tayutay po ay ito ay sinadyang paglayo sa
karaniwang paggamit ng salita upang gawing mabisa,
matalinhaga, makulay at kaakit-akit ang
pagpapahayag.
2. Ano ang pinagkaiba ng Simili at metapora? Ang simili po ay di-tiyak na paghahambing na
ginagamitan ng mga pangatnig at ang metapora naman
po ay tiyak na paghahamabing ngunit hindi
ginagamitan ng pangatnig.
Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.
Susi sa Pagwawasto
1. B
2. A
3. C
4. A
5. A
Bahagdan ng Pagkatuto:_____________
Inihanda ni:
John Michael A. Hornilla
Gurong Nagsasanay
Binigyang Pansin ni:
Bb. Zophia Marie Faye M. Atienza, LPT
Gurong Tagapagsanay