4a's Banghay Aralin-Fil. 8 (Guero, Heljane)

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Mati National Comprehensive High School

(School Assigned)
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino 8
(Year Level)
Heljane I. Guero
(Your Name)
I. Layunin
Sa katapusan ng isang oras, ang mga estudyante ng baitang 8, pangkat abelardo ay
inaasahang:
a. nasusuri ang pang-abay na pamanahon at panlunan sa mga pangungusap F8PB-Id-f-23;
b. nakapagbabahagi ng sariling pangungusap gamit ang mga uri ng pang-abay F8PS-Id-f-21; at
c. nagagamit nang wasto ang mga kaalaman sa pang-abay na pamanahon at panlunan. F8PN-Id-
f-21

II. Paksang aralin


A. Paksa : Pang-abay na na Pamanahon at Panlunan
B. Sanggunian : https://filipino.net.ph/pang-abay/#Pang-abay na Panlunan
K to 12 Gabay Pangkurikulum Filipino
C. Kagamitan : Biswal na pantulong, power point presentation, mga larawan, panulat at
manila paper
D. Pagpapahalaga/
Saloobin : Napapahalagahan ang mga pang-abay sa pagbuo ng mga pangungusap
E. Pagsasanib ng ibang
Asignatura : Pagsasanib ng Gramatika/Retorika

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pamukaw Siglang Gawain
SAYAW TAYO!
- Gagamit ang guro ng ispeker at sasayaw silang lahat ng zumba sa loob ng dalawang minuto.
2. Balik-aral
BALIKAN MO SIYA!
- Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral. Ang mag-aaral na huling tumayo gamit ang “last
man, first man standing”
a. Tungkol saan ang ang ating tinalakay noong nakaraang araw?
b. Ano ang pang-ukol?
c. Magbigay ng tatlong pangungusap na mayroong pang-ukol
3. Pagganyak
Gawain: Ang guro ay magpapakita ng epiko at ang mga mag-aaral ay babasahin ang epiko.

Ang Epiko ni Biag ni Lam-ang

Noong unang panahon, may mag-asawang


nagngangalang Juan at Namongan. Ang mag-
a. Ano ang napapansin ninyo sa mga pangungusap? asawa ay nakatira sa baryo ng Nalbuan. Noong
b. Ano sa tingin ninyo ang ating tatalakayan ngayon? magbuntis si Namongan ay umalis ang asawang
c. Tungkol saan ang epiko? si Juan upang parusahan ang isang grupo ng
igorot.
d. Saang bansa nag-ugat ang epiko?
e. Ang guro ay tatalakayin ang mga pang-abay na pamanahon at panlunan.
f. Magbibigay ang guro ng mga halimbawa ng pang-abay na pamanahon at panlunan.

B. Paglinang na Gawain
1. Paglalahad
KUWENTO MO, ISALAYSAY MO!
- Tatawag ang guro ng mag-aaral at ibibigay ng mag-aaral ang wastong pangungusap.
- Batay sa epikong binasa, bumuo ng mga pangungusap gamit ang sumusunod na salita upang
malaman mo kung nakatutulong ba ang mga salitang salitang ito sa pagsasalaysay ng epiko.
noon noong araw araw-araw
sa araw ngayon tuwing
2. Pagtatalakay
MAKINIG KA!
- Tatalakyin ng guro ang tungkol sa pang-abay (adverb)
Ang pang-abay ay bahagi ng pananalita na nabibigay turing sa pandiwa, pang-uri o sa iba pang
pang-abay. Ang pang-abay o tinatawag na (adverb) sa ingles ay makikilala dahil kasama ito ng
isang pandiwa, pang-uri o isa pang pang-abay na bumubuo ng parirala.

Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na
taglay ng pandiwa. Mayroon itong tatlong uri: may pananda, walang pananda, at nagsasaad
ng dalas.

Pamanahong may pananda


Ito ay ginagamitan ng mga panandang nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula,
umpisa, o hanggang.
Halimbawa:
1. Tuwing linggo nagsisimba kami.
2. Kapag sabado ay naglalaba ako.
3. Kung maliligo tayo.
4. Mula noon hindi na siya nagparamdam.
Pamanahong walang pananda
Ito ay ginagamitan ng mga panandang kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, at
marami pang iba.
Halimbawa:
1. Mamaya ay matutulog na ako.
2. Kahapon ay pumasok ako sa klase.
3. Bukas ay mamali ako ng gulay sa palengke.
4. Ngayon ang laban ni Jema Galanza
5. Masaya kanina si baby.

Pamanahong nagsasaad ng dalas


Ito ay ginagamitan ng mga salitang nagsasaad ng dalas. Halimbawa nito ay ang mga
salitang araw-araw, taun-taon, oras-oras, linggo-linggo, at marami pang iba.
Halimbawa:
1. Kumain ng prutas araw-araw upang maging malusog ang iyong katawan.
2. Ako ay nagliligo araw-araw.
3. Taun-taon pinagdiriwang natin ang pasko.
4. Oras-oras siyang kukain
5. Linggo-linggo kaming namamasyal.

Ang pang-abay na panlunan ay isang uri ng pang abay kung saan ito ay
naglalarawan kung saan naganap o magaganap o gaganapin ang kilos ng pandiwa. Ilan sa mga
panandang ginagamit dito ay ang mga salitang sa, kina, o kay. Sa pamamagitan ng pang-abay na
panlunan, ating masasakot ang katanungan na “saan”. Ang salitang sa ay ginagamit kapag ang
kasunod ay isang pangngalang pambalana o isang panghalip. Ang salitang kay o kina ay
ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantangi na pangalan ng isang tao.
Halimbawa:
1. Sa mainit na lungsod nagtatrabaho ang aking ina.
2. Sa isang malaking mansyon nakatira ang dilag na dalaga.
3. Sa Davao ako ipinanganak.
4. Sa lalawigan ng Davao Oriental nakakubli ang mga magagandang tanawin.
5. Nakisabay ako kina Alexa pauwi.
6. Kay Lala ka humingi ng tawad.
Gabay na tanong:
1. Ano ang napansin mo sa mga halimbawa na ibinigay sa itaas?
2. Paano nakatutulong ang mga pang-abay na pamanahon sa pagsasaylay ng epiko?

C. Paglalahat
- Tatawagin ng guro isa-isa ang mga mag-aaral at bawat isa sa kanila ay magbibigay ng isang
pangungusap na mayroong pag-abay na pamanahon at isang pangngusap na mayroong pang-abay
na panlunan.

D. Paglalapat
Pangkatang Gawain
•Pangka 1 – Bubuo ang unang pangkat ng dayalogo na may mga pang-abay na pamanahon batay
sa larawan na ibibigay sa kanila at isasabuhay nila sa harap.

• Pangkat 2 – Magbigay ng apat na halimbawa ng pangungusap na may pang-abay na


pamanahon. Lapatan ng tono ang mga pangungusap at iparinig ito sa klase.
• Pangkat 3 – Mag-isip ng mga pangyayari sa isang pook. Gamit ang pang-abay na panlunan,
gumawa ng maikling kuwento at isabuhay ito.
• Pangkat 4 – Bubuo ang ikaapat na pangkat ng dayalogo na may mga pang-abay na panlunan
batay sa larawan na ibibigay sa kanila at ibabahagi ito sa klase.
Pamantayan
Nilalaman 5
Kawastuhan 5
Kooperasyon 5
Presentasyon 5
Kabuuan 20 puntos

IV. Pagtataya
Panuto: Kilalanin at suriin ang mga salitang nakasalungguhit. Tukuyin kung anong pang-abay
ito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Maraming mga masasarap na pagkain sa kantina.
a. pang-abay na panlunan b. pang-abay na pamaraan c. pang-abay na pamanahon

2. Araw-araw nagtatrabaho si Aling Marta para sa kanyang anak.


a. pang-abay na panlunan b. pang-abay na pamaraan c. pang-abay na pamanahon

3. Maraming mga magagandang laruan sa plasa.


a. pang-abay na panlunan b. pang-abay na pamaraan c. pang-abay na pamanahon

4. Ang pag-eehersisyo tuwing umaga ay nakakatulong sa ating kalusugan.


a. pang-abay na panlunan b. pang-abay na pamaraan c. pang-abay na pamanahon

5. Sa bagong beach resort idaraos ang kasal nina G. Daniel at Bb. Kathryn.
a. pang-abay na panlunan b. pang-abay na pamaraan c. pang-abay na pamanahon

V. Takdang Aralin
Panuto: Magsaliksik at pag-aralan ang tungkol sa pang-abay na pamaraan at pang-agam. Isulat
sa isang kalahating papel ang kahulugan ng mga ito.

Nabatid ni:
Gng. Marian Gail M. Pito
Gurong Tagapagsanay

You might also like