Banghay Aralin 9-Konsepto at Palatandaan NG Pambansang Kaunlaran
Banghay Aralin 9-Konsepto at Palatandaan NG Pambansang Kaunlaran
Banghay Aralin 9-Konsepto at Palatandaan NG Pambansang Kaunlaran
College of Education
TEACHING INTERNSHIP
2nd Semester of A.Y. 2022-2023
I. MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng Aralin na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang
1. Nauunawaan ang kahulugan ng pag-unlad;
2. Napahahalagahan ang pagtatapos ng pag-aaral tungo sa sariling kaunlaran at sa
pagpapaunlad ng bansa; at
3. Nakapaghahambing ng kaibahan sa pamumuhay ng taong nakapagtapos at di-
nakapagtapos.
III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Magdarasal ang lahat sa pamumuno ng
isang mag-aaral.
2. Pagbati ng guro
Tutugon ang mga mag-aaral
3. Pagpapaalala ng mga alituntunin
sa loob ng klase
Ano nga ulit ‘yong tatlong alituntunin natin
sa loob ng klase?
Ang 3M mam (Makinig, Makilahok,
Matuto)
4. Pagtatala ng Liban
Beadle, maaari mo bang sabihin kung sino
ang mga lumiban ngayong araw?
(sasabihin ng Beadle ang mga lumiban)
5. Pagbabalik Aral
Ano ang pag-unlad?
Ayon sa Diksyunaryo, ito ay
pagbabago mula sa mataas na antas
ng pamumuhay/
Ayon kay Fajardo, ang pag-unlad ay
isang progresibong proseso ng
pagpapabago ng kondisyon ng tao./
Ayon naman kay Todaro at Smith ito
ay may tradisyonal at makabagong
paraan/
Ayon kay Sen ang kaunlaran ay
matatamo lamang kung mapauunlad
ang yaman ng mga tao kaysa sa
yaman ng ekonomiya nito.
Magaling. Batid koy mayroon na kayong
mga naintindihan sa pagpapakahulugan
ng pag-unlad ayon sa iba’t ibang
sanggunian.
B. Pagganyak
Mayroon akong inihandang mga larawan
dito. Ano ang inyong nakikita sa unang
larawan?
Dalawang tao/Magkasintahan.
Ano-ano kaya ang mga trabaho nila?
Pulis at guro.
Sa tingin ninyo klas, ano kaya ang
magiging buhay nila kapag sila ang
magkakatuluyan?
Maayos na pamumuhay. Hindi
maghihirap.
Ano naman ang inyong nakikita sa
ikalawang larawang ito?
Dalawang tao/Magkasintahan.
Halimbawa:
Ang pagpapababa ng antas ng
kahirapan, kawalan ng trabaho,
kamangmangan, hindi
pagkakapantay-pantay ay binubuo
ng iba’t ibang proseso at ito ay ang
pag-unlad
Ang bunga o resulta naman nito.ay
ang pagsulong.
Halimbawa:
Sa pagbubuntis nangangailangan
ng maayos na pangangalaga sa
kalusugan.
Kapag hindi naalagaan
magreresulta sa pagkalaglag ng
bata at depression ng ina.
Ibang iba ito sa magiging buhay ng
mag-asawang nakapagtapos.
Halimbawa:
19 taon na pag-aaral = 22 taong
gulang
Average life span (60 taongulang) -
22 taong gulang= 38 taong
masaganang pamumuhay
Kabaliktaran ito sa mga hindi
nakapagtapos.
Halimbawa:
Parehong propesyonal=kunti lang
ang anak= malaki ang badyet
Parehong hindi
nakapagtapos=maraming
anak=maliit ang badyet
IV. PAGTATAYA
Para sa karagdagang puntos, kumuha ng isang ½ crosswise at gawin ang mga
sumusunod:
1. Paghambingin ang buhay ng nakapagtapos at di-nakapagtapos ng pag-aaral gamit
ang Venn Diagram sa ibaba (10pts.)
Nakapagtapos Di-Nakapagtapos
V. KASUNDUAN/TAKDANG ARALIN
Basi sa ating tinalakay patungkol sa pag-unlad, gumawa ng isang maikling
sanaysay patungkol sa kung ano ang magiging buhay mo sampung taon mula ngayon.
Inihanda ni:
Angelica C. Guno (BSED-AP 4)
Gurong nagsasanay