Banghay Aralin 9 4thQ

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

CHUA INTEGRATED SCHOOL

Masusing Banghay-Araling Panlipunan


Baitang-9 Ekonomiks

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa
ekonomiya at sa bansa;
2. Nabibigyang-halaga ang sektor ng Agrikultura sa pagpapa-unlad ng bansa.
3. Naipapakita ang ugnayan ng Sektor ng Agrikultura sa patakarang pang ekonomiya ng bansa

II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Ang Sektor ng Agrikultura
Sangguian: Ekonomiks (Araling Panlipunan) Modyul para sa mag-aaral
Pahina: 363-385
Kagamitan: Laptop, powerpoint presentation, marker
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtatala ng liban
d. Balik aral
B. Pagganyak
Magpapakita ng video ng “Magtanim ay ‘di biro ang guro at sasagutin ng mga mag-aaral ang tanong
na ibibigay ng guro.
1. Ano ang pumasok sa isip mo nung narinig o napanood mo ang ang ‘Magtanim ay ‘Di Biro?
C. Pagtalakay

Dahil sa lawak at dami ng mga lupain, napabilang ang Pilipinas sa mga bansang agrikultural dahil
sa malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga gawaing agrikultura. Malaking bilang ng
mamamayan ang nasa sektor na ito ng ekonomiya na ipinapakita sa talahanayan.
Industriya = 5 M
Agrikultura = 12 M
Paglilingkod = 18 M

AGRIKULTURA – malaking bahagi ng ekonomiya ang nakadepende dito. Nahahati ang sektor ng
agrikultura;
1. Paghahalaman (farming)
2. Paghahayupan (livestock)
3. Pangingisda (fishery)
4. Paggugubat (forestry)

Kahalagahan ng Agrikultura

1. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain.


2. Pingkukunan ng materyal para makabuo ng bagong produkto.
3. Pinagkukunn ng kitang panlabas
4. Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.
5. Pinagkukunan ng sobrang manggagawa mula sa sektor agrikultura patung sa sektor ng
industriya at paglilingkod.

D. Pangkatang Gawain
Hahatiin ang grupo sa dalawa, bawat grupo ay magtatanghal ng maikling dula na nagpapakita ng
kahalagahan ng sektor ng agrikultura.
E. Paglalahat
1. Batay sa ating pinag-aralan, ano-anu ang bumubuo sa sektor ng agrikultura?
2. Sa iyong palagay, paano ba nakakatulong ang sektor ng agrikultura sa ating ekonomiya?
IV. Pagtataya
Isulat ang salitang TAMA kung ang payag ay tama at isulat naman ang salitang MALI kung ang
pahayag ay mali.

____________1. Dahil sa lawak at dami ng mga lupain, napabilang ang Pilipinas sa mga bansang
agrkultural.
____________2. Nahahati ang sektor ng agrikultura sa paghahalaman, paghahayupan,pangingisda,
pagtro-troso at pagugugbat.
____________3. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain
____________4. Pinagkukunan ng ginto at metal ang sektor ng agrikultura
____________5. Kakaunting bahagi ng ekonomiyanay nakadepende sa sektor ng agrikultura.

V. Takdang Aralin

1. Ano ang sektor ng Industriya?


2. Paano mabuo ang mga produktong papel, sardinas, furniture or muwebles? Ipaliwanag.

Prepared by:
Hannah A. Pendatun

You might also like