Unang Markahan-TULA (Ang Guryon)

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BAITANG 9- Unang Markahan Agosto 29-Setyembre 1, 2023

ARALIN: TULA (Ang Guryon)

TUKLASIN
I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto
1. Natutukoy ang mahahalagang elemento (persona, sukat at tugma, talinghaga
at estilo) at detalye (paksa, nilalaman at kaisipan) ng tula.
2. Naipaliliwanag ang nakapaloob na pahiwatig, simbolo, talinghaga, at
larawang diwa/ imahen sa tula.
3. Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan ng tula batay sa sariling pananaw,
moral, katangian at karanasan ng tao.
II. Proseso ng Pagkatuto
A. AKTIBITI
HANAP-SALITA
PANUTO: Mula sa kahon ng mga titik o letra, hanapin ang mga salitang maaaring
mabuo at isulat sa kapirasong papel.

B. ANALISIS
1. Mula sa mga nabuong salita, ano ang kasingkahulugan ng mga salita ito?
2. Papaano mangarap ang isang Gen Z sa panahon ngayon?

C. ABSTRAKSYON
A. Paglinang ng Talasalitaan
BUKLURAN
Panuto: Ang klase ay hahatiin sa apat na pangkat. Sa anyo ng laro na kung
saan ang bawat pangkat ay pipili ng titik na kasingkahulugan ng mga salitang
ipapaskil ng guro. Ang magiging puntos ng pangkat ay siyang magsisilbing
iskor
ng bawat miyembro.
A

B
1. Solo’t paulo =hugis at tali
2. magkiling = tumabingi
C
3. Ikit = libo’t pabilog
4. Mapapabuyo =mahimok D

B. Pagpapabasa ng Tula
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat saknong ng Tulang “Ang
Guryon” ni Ildefonso Santos. Sa pagtuklas ng mensahe ng tula, sagutin
ang mga sumusunod na tanong.

C. Pagsagot sa mga tanong:


1.Ano ang damdaming ipinakikita sa tulang binasa?
2. Sa inyong palagay, sino ang nagsasalita sa tula?
3. Batay sa iyong pang-unawa, ano ang simbolismo ng Guryon?

D. APLIKASYON
GAWAIN A: Suri’t Siyasat
Sa pagsusuri ng mga akda gaya ng tula, mahalaga na nababatid ang
mga elemento nito. Upang tayain ang inyong kaalaman sa pagkilala ng bawat
elemento na nakapaloob sa akda, ang bawat pangkat ay bubuo ng
infographics tungkol sa mga bahagi nito sa loob ng 15 minuto.
Pamantayan sa Infographics
Nilalaman Nailahad ang wasto at kompletong impormasyon 60%
sa Gawain.
Disenyo Nagpapakita ng kakaiba at mapalamuting anyo ng 30%
awtput.
Kaayusan Naihanay nang maayos ang mga pigura at 10%
impormasyon.
Kabuoan 100%
GAWAIN B. Sa iyong palagay, ano-ano ang tungkulin ng Ama at ng anak na
dapat nilang gampanan? Isulat ang mga ito sa loob ng kahon. Ipaliwanag ang
kahalagan ng paggampan sa mga tungkuling ito. (5 minuto)

TUNGKULIN NG AMA TUNGKULIN NG ANAK


________________________ ________________________
________________________ ________________________
________________________ ________________________
________________________ ________________________

E. Pagtataya
1. Ang solo’t paulo sa ikalawang saknong ng tula ay sumisimbolo sa ____.
A. Sukat B timbang ng tao C. desisyon sa buhay D. hugis at tali
2. Ano ang sinisimbolo ng saknong?
A. Mga pagsubok sa buhay C. Hanging dala ng mga bagyo
B. Hanging Amihan at Habagat D. Mga taong sagabal sa pagpapalipad
3. Ang may-akda ng tulang “Ang Guryon” ay si ________.
A. Ildefonso Santos C. Pat Villafuerte
B. Jose Rizal D. Jose Corazon De Jesus
4. Sa huling tanong ng tula, binibigyang-diin ng sumulat ang __________.
A. Kahalagahan sa paglalarawan ng matatag na paniniwala sa Diyos.
B. Kailangan higpitan ang hawak sa guryon.
C. Hayaang lumipad ang guryon sa pinakamataas.
D. Laging subaybayan kung saan magsuot ang guryon.
5. Bakit kailangang laging may gabay ang mga magulang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak, tulad ng
tulang, “Ang Guryon”.
A. Ang pagmamalasakit ng magulang sa anak ay tanda ng pagmamahal.
B. Ang pagmamalasakit ng magulang ay upang maabot ng mga anak ang pangarap sa buhay.
C. Nais ng mga magulang na maging masaya at Maganda ang buhay ng mga anak.
D. Lahat ng nabanggit
6. Sino ang nagsisilbing tagapagsalaysay sa tulang, Ang Guryon?
A. Magulang ng isang bata
B. Magulang na may malasakit sa kanyang anak
C. Magulang na hindi kapiling ang anak
D. Magulang na nagsusustento sa anak
7. Anong aral ang makikita sa tulang, “Ang Guryon”?
A. Maging matatag sa buhay sa anumang mga pagsubok
B. Mula sa Bibliya, Santiago 4:6 “Ang mapagpakumbaba ay kinalulugdan ng Diyos, kaya huwag
magmataas.”
C. Kahit malayo na ang lipad, huwag kalimutang magpasalamat at manalig sa Maykapal.
D. A, B at C.
8. Ano ang ibig sabihin ng salitang guryon?
A. Eroplanong papel B. Saranggola C. Papel de hapon D. Pangarap
9. Anong klaseng buhay ang binanggit sa tulang, “ Ang Guryon”.
A. Lumalaban at nagwawagi B. Lumilipad at matatag C. Manipis at matayog D. Marupok at malikot
10. Alamin ang tamang sukat sa bahagi ng tula.
A. 8 B.12 C.16 D.18
F. Sintesis
Gaano Katayog ang iyong Pangarap?
Panuto: Mula sa mensahe ng tula, ibahagi ang iyong pangarap para sa sarili at pamilya.
E. Kasunduan:
Magsaliksik ng Dalawang (2) Tula na naisulat sa panahon ng kasarinlan ng
Pilipinas. Isulat ito sa inyong kwaderno na iwawasto kinabukasan.

Prepared by:
Vincent A. Ortiz
Secondary School Teacher I
Checked by:
Jobbelle M. Zalameda
Filipino Coordinator
Noted by:
Melba G. Gonzales
Principal III

You might also like