Balangkas NG Banghay Sa Pagtuturo

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

NORTHERN SAMAR COLLEGES INC


Catarman, Northern Samar

Inihanda nila: ENORLYN P. LEAÑO

Degree Program: BACHELOR OF THE SECONDARY EDUCATION Major in Filipino

Kurso: Fil M12- Panulaang Filipino

Instraktor: G. RONALDO N. VERANO

Petsa: 4 OCTOBRE 2023

Layunin: Nababatid at natatalakay ang paghahanda ng mga kagamitang pagtuturo

Paksa: Balangkas ng Banghay sa Pagtuturo

Nilalaman:

“Masasalamin ang katauhan ng isang guro sa kaniyang maayos na pagpaplano ng mga aralin”.
Ang banghay na pagtuturo ay isang balangkas ng mga Layunin, Paksang-aralin,kagamitan, at
mga hakbang na sunod-sunod na isinasagawa upang matamo anginaasahang bunga:
 Ito ang nagsisilbing bibliya ng guro
 Ito ang nagsisilbing gabay nila upang ang gawain ay maisagawa nang masistematiko.

1
Sa pamamagitan nito, ang guro ay:
a. Makatitipid ng panahon
b. Makatitipid ng lakas
c. Ang pagtuturo ay magiging maayos at masistematiko
d. Magkaroon ng hangganan ang pagtuturo
e. Maihanda ng guro ang angkop na kagamitan, teknik, mga tanong, at pasilidad

Karaniwang uri ng Banghay ng Pagtuturo

1. Masusi - nakatala ang tiyak na tanong ng guro at ang wastong isagit ng mgamagaaral. Sa
pamamaraan, may dalawang kolum o hati kung saan isusulat anggawaing-guro at ang gawaing
mag-aaral.

2. Mala-masusi - higit itong maikli kaysa sa masusi, sapagkat sa halip na maygawaingguro at


gawaing mag-aaral, binabanggit na lamang ang sunod-sunod nagagawin at ng kilos.

3. Maikli - naiiba ang anyo ng banghay na ito sa bahaging pamamaraan. Dito, sapatnang
banggitin kung anong paraan ang gagamitin ng guro o kayay babanggutin sasumusunod na
Gawain sa maikling pangungusap o parirala

Mga Bahagi ng Banghay-aralin

1. Layunin – Maaaring nasa anyong paturol ang layunin o kaya naman ay nasaanyong
patanong.

Halimbawa:
(Anyong Paturol) Naipaliliwanag o maipaliliwanag ang mga barayti ng wika.
(Anyong Patanong) Ano-ano ang barayti ng wika?

May ibat ibang paraan ng pagpapahayag ng mga layuning beheybyural. Ang mga ito ay;

 Pangkabatiran (cognitive)
 Pandamdamin (affective)
 Saykomotor (psychomotor)

2
2. Tapik o Paksa – Ipinapahayag ng balangkas ang aralin sa pamamagitan ngtapik/paksa o
sub-tapik/paksa. Ito ang pinakamakabuluhang salik dahil kungwalang kaalaman ang guro sa
kung anu dapat ang ituro ay hindi ay hindi siyamakasusulat ng epektibong banghayaralin.

3. Kagamitan – ay isang instruksyunal na gamit na kinakailangan upang matamoang layunin


ng pagtuturo at pagkatuto. - Ang basal (abstract) ay nagagawangtahas (concrete) at
napupukaw rin ang interes o kawilihan ng mga mag-aaral saleksyon. Binubuo ito ng mga
batayang aklat, sangguniang aklat (references),aklat-sanayan (workbook), manwal, jornal,
magazin, pahayagan, simulation, mgalaro, puzzle, pelikula, filmstrip, filmslide, computer,
software, chalkboard, audioradio cassette, telebisyon, overhead projector (OHP),
opaque,projector/computer at iba pa (Corpuz at Salandanan, 2003)

4. Paraan – Dito isinaalang-alang ng guro kung paano talakayin ang paksa o aralin.Dapa
isinaalang-alang ang mga sumusunod na katanungan:

 Anong mga estratehiya ang gagamitin?


 Ano-anong mga katanungan ang ilalakip o ipapasagot?
 Ano-anong mga gawain at pagsasanay ang ibibigay sa mga magaaral?

Ayon kay Omstien (1992) ang balangkas ng aralin ay kinasasalalayan ng mga serye ng
katanungan, o tala ng mga gawain at pagsasanay para sa karagdagang pagkatuto. Ang
paraan o pamamaraan ay hindi maaaring ihiwalay sa paksang-aralin at mga mag-aaral.

Ayon kina Villanueva at Mariano (1968: 120), ang kaalaman sa pamamaraan ay


nangangailangan ng lubos na kaalaman sa sikolohiya ngpagkatuto, pilosopiya ng pag-
aaral at ng edukasyon.

5. Pagtaya/Evalwasyon - Pagkatapos ng sinundang salik ay ang sintesis o angbuod ng


aralin.

6. Takdang-aralin - Panghuling layunin ng kasanayan ay para sa higit nakaragdagan at


kadalubhasaan ng pagkatuto

3
May mga kakayahan o katangian dapat taglayin ang mga layuning pagganap, kilala ito sa
akronim na SMART.

S – specific o tiyak
- Ilahad ang tiyak na dapat na magawa ng mga mag-aaral

M- measurable o nasusukat
- Tiyaking maaari itong maobserbahan o makita

A- Attainable o natatamo
- Ang mga kasanayan ay nasa hangganan ng kayang magawa o matamo ngmga mag-aaral
sa nakatakdang panahon o sitwasyon.

R- relevant o makabuluhan
- Iangkop sa pangangailangan ng mga mag-aaral

T- time-framed o may takdang panahon


- Naisasakatuparan sa isang takdang panahon

Sanggunian:

You might also like