Halimbawa NG Abstrak Na Pagsulat

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Halimbawa ng Abstrak mula sa aklat na “Filipino Pagbasa at Pagsulat sa Piling Larangan

(Akademik) sa panulat ni Eugenio Y. Evasco et.al”

Mga Hilig Basahing Literatura ng mga Mag-aaral sa Grade 11 ng Paaralang Apolinario

Mabini

Mahalaga ang pananaliksik na ito upang malaman ang susunod na mga akalat na bibilhin

ng paaralan para mas higit na impormasyon at karunungan ang mga mag-aaral sa

Paaralang Apolinario Mabini sa susunod na taon. Nakipanayam ang may akda sa 300 mag-

aaral at sinaliksik din ang mga nilalabas na aklat sa aklatan. Nakita sa resuta ng

pananaliksik na ang karaniwang binabasa ng mga mag-aaral sa Grade 11 ay mga

literaturang pantasya tulad na lamang ng seryese ng graphic novel na Trese ni Budjette

Tan at Mythology Class ni Arnold Arre. Kasama rin sa kanilang binabasa ang ilang nobela

sa mga seryeng Ingles na Twilight at Harry Potter. Sa pananaliksik na ito, napatunayan na

ang mga mag-aaral sa Grade 11 ng Paaralang Apolinario Mabini ay mahilig magbasa ng

mga literaturang pantasya. Inirerekomenda ng mananaliksik na damihan pa ang mga

ganoong uri ng akda sa aklatan at gamitin din itong batayan sa pag-aaral para sa malalim

pang pagtingin sa kulturang Pilipino.

You might also like