Ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil
sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan. Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan
Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring
maging subhetibo o obhetibo. Subhetibo ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan ng napakalinaw at halos madama na ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa totoong buhay. Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan
Obhetibo naman ang paglalarawan kung ito’y may
pinagbatayang katotohanan. Halimbawa, kung ang lugar na inilarawan ng isang manunulat ay isa sa magagandang lugar sa bansa na kilala rin ng kanyang mga mambabasa, gagamit parin siya ng sarili niyang mga salitang maglalarawan sa lugar subalit hindi siya maaaring maglagay ng mga detalyeng hindi taglay ng kanyang paksa. Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan
Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog ng
damdamin at isipan ng tao.
Ang pangunahing layunin ng pagsulat ay ang mapabatid
sa mga tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman at mga karanasan ng taong sumusulat. Kaya naman , napakahalaga na bukod sa mensaheng taglay ng akdang susulatin, kailangan ang katangiang mapanghikayat upang mapaniwala at makuha ang atensyon ng mga mambabasa. Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan
Ayon naman kay Mabilin, sa kanyang aklat na
Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012), ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang bahagi.
1. personal o ekspresibo - nakabatay sa pansariling
pananaw, karanasan, naiisip o nadarama ng manunulat 2. panlipunan o sosyal - makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan
Sa pangkalahatan, narito ang kahalagahan o ang mga
benepisyo na maaaring makuha sa pagsusulat.
1.Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga
kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong paraan. 2.Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang imbestigasyon o pananaliksik. Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan
3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring
pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon. 4.Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat. Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan
5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga
bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan. 6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap. 7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyong mula sa iba’tibang batis ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat. Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan
1. Isang benepisyong makukuha sa pagsusulat ang
magdudulot ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan. 2. Ito ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat na maaaring panlipunan o sosyal kung saan ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip o nadarama ng manunulat. Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan
3. Ang isang indibidwal na gumagawa nito ay
kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang isipan mula sa kasanayang pagsusulat. 4. Maaaring magkasabay na maisagawa ang layuning personal at panlipunan partikular sa mga akdang pampanitikang naisulat at binibigkas na bunga ng sariling pananaw ng may-akda sa pamamgitan ng pagtatalumpati. Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan
5. Ang pagsusulat ay isang pambihirang gawaing
pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan. Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan
Kailangan nating mabatid ang mga dapat tandaan sa pagsusulat
partikular ng akademikong pagsulat. Narito ang mga iilan:
1. Wika- Nagsisilbing behikulo para maisatitik ang mga
kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ipabatid ng taong nais sumulat. Dapat matiyak kung anong uri ng wika ang gagamitin upang madaling maunawaan sa uri ng taong babasa ng akda. Nararapat magamit ang wika sa malinaw, masining, tiyak, at payak na paraan. Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan
2. Paksa- Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na
tema ng isusulat ay isang magandang simula dahil dito iikut ang buong sulatin. Kailangan na magkaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat upang maging makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.
3. Layunin- Ang layunin ang magsisilbing gabay sa paghabi
ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat. Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan
4. Pamaraan ng Pagsulat- May limang paraan ng pagsulat:
a. Paraang Impormatibo- Ang pangunahing layunin nito ay
magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa. b. Paraang Ekspresibo- Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hingil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral. Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan
c. Pamaraang Naratibo- Ang pangunahing layunin nito ay
magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod. d. Pamaraang Deskriptibo- Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at nasaksihan. Ito’y maaaring obhitibo at subhetibo. e. Pamaraang Argumentatibo- Naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan. Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan
5. Kasanayang Pampag-iisip- Taglay ng manunulat ang
kakayahang mag-analisa upang masuri ang mga datos na mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat. Kailangang makatuwiran ang paghahatol upang makabuo ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag at maging obhetibo sa sulating ilalahad.
6. Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat-
Dapat ding isaalang-alang sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan
7. Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin- Ito ay
tumutukoy sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon mula sa panimula hanggang sa wakas na maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan ang isang komposisyon. Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan
1. Teknikal na Pagsulat - Layunin nitong pag-aralan
ang isang proyekto o kaya naman bumuo ng isang pag-aaral na kailangang para lutasin ang isang problema o suliranin sa isang tiyak na disiplina o larangan. Isang praktikal na komunikasyong ginagamit sa pangangalakal at ng mga propesyonal na tao upang maihatid ang teknikal na impormasyon sa iba’t ibang uri ng mambabasa. Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan
2. Reperensyal na Pagsulat – Layunin ng sulating ito
na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at disertasyon at mairekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa. Karaniwang makikita ito sa huling bahagi ng isinagawang pananaliksik o kaya naman ay sa kabanatang naglalaman ng Review of Related Literature (RRL). Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan
3. Dyornalistik na Pagsulat– May kinalaman ito sa
mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag tulad ng pagsulat ng balita ,editoryal, lathalain,artikulo at iba pa . Ito ay isinusulat ng mga mamamahayag, journalist, reporter at iba pang bihasa sa pangangalap ng mga totoo, obhetibo, at makabuluhang mga balita at isyung nagaganap sa lipunan sa kasalukuyan na kanilang isinusulat sa mga pahayagan, magasin, o kaya’y iniuulat sa radyo at telebisyon. Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan
4. Akademikong Pagsulat – Isa itong intelektwal na
pagsulat . Ang gawaing ito ay nakakatulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ayong kay Carmelita Alejo et.al. Layunin nitong ipakita ang resulta sa pagsisiyasat o ng isang ginawang pananaliksik. Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan
5. Malikhaing Pagsulat – Layunin nitong maghatid
ng aliw,makapukaw ng damdamin at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Mabibilang sa uring ito ang maikling kwento , dula, tula, malikhaing sanaysay, gayundin ang mga komiks, iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika, pelikula at iba pa. Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan
6. Propesyonal na Pagsulat – Sulating may
kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. Halimbawa sa guro , pagsulat ng lesson plan , paggawa at pagsusuri ng kurikulum, para sa doctor o nars – paggawa ng medical report , narrative report tungkol sa physical examination sa pasyente at iba pa. Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan
1. Ito ay magsisilbing giya sa paghabi ng mga datos o
nilalaman ng iyong isusulat. Kailangang matiyak na matutugunan ng iyong isusulat ang motibo ng pagsusulat nang sa gayon ay maganap nito ang iyong pakay sa katauhan ng mga mambabasa. 2. Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo at at masining na pamamaraan mula panimula ng akda o komposisyon hanggang sa wakas nito. Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan
3. Mahalagang magkaroon nito ang isusulat. Ito ay
magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat ay napakahalaga upang maging malaman, makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin. Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan
4. Sa pagsulat, dapat taglayin ng manunulat ang
kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong nahalaga, o maging ng mga impormasyong dapat isama sa akdang isusulat. 5. Ito ay magsisilbing behikulo ito upang maisatitik ang mga kaalaman, kaisipan, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat. Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan
6. Isa itong intelektwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay
nakakatulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ayong kay Carmelita Alejo et.al. Layunin nitong ipakita ang resulta sa pagsisiyasat o ng isang ginawang pananaliksik. Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan
7. Layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng
damdamin at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Mabibilang sa uring ito ang maikling kwento, dula, tula, malikhaing sanaysay, gayundin ang mga komiks, iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika, pelikula at iba pa. Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan
8. Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang
natutuhan sa akademya o paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. 9. Layunin nitong pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman bumuo ng isang pag-aaral na kailangang para lutasin ang isang problema o suliranin sa isang tiyak na disiplina o larangan. Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan
10. Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang
mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at disertasyon at mairekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa. PFPL