Panghalip G4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

Magandang Umaga!

Grade 4
Panghalip
Grade 4
Panghalip
❏ salitang ipinapalit o inihahalili sa
mga pangngalan
Uri ng Panghalip

Panghalip Panghalip
Panao Pamatlig

Panghalip Panghalip
Panaklaw Pananong
Panghalip Panao
❏ humahalili sa ngalan ng tao
Panghalip Panao

Unang Panauhan - panghalip panaong tumutukoy sa taong nagsasalita na


may kailanang isahan, dalawahan, o maramihan.
Halimbawa:

Isahan - ako, ko, akin

1. Naglalaro ako sa likod ng aming bahay.


2. Gusto ko ng hinog na mangga.
3. Akin ang lapis na ito.
Panghalip Panao
Halimbawa:

Unang Panauhan

Dalawahan - kata, kita

1. Kata mamasyal sa Cebu.


2. Nakita kita sa may Evia.
Panghalip Panao
Halimbawa:

Unang Panauhan

Maramihan - tayo, kami, amin, natin

1. Mamasyal tayo sa Luneta Park.


2. Kami ay kumain ng masarap na sinigang.
3. Sa amin ang bahay na ito.
4. Kunin natin ang mga sinampay sa likod ng bahay bago pa umulan.
Panghalip Panao
Ikalawang Panauhan- panghalip panaong tumutukoy sa taong kinakausap na
may kailanang isahan, o maramihan.

Halimbawa:

Isahan - ikaw, ka, mo, iyo

1. Ikaw ay aking nakita sa palengke.


2. Saan ka pupunta?
3. Nagustuhan mo ba ang pagkain?
4. Sa iyo pala ang nakita kong aklat.
Panghalip Panao
Halimbawa:

Ikalawang Panauhan

Maramihan - kayo, inyo, ninyo

1. Kayo ay aking mga kamag-aral.


2. Sa inyo pala ang bahay sa kabilang kanto?
3. Kinuha ninyo ang aming tanim.
Panghalip Panao
Ikatlong Panauhan- panghalip panaong tumutukoy sa taong pinag-uusapan na
may kailanang isahan, o maramihan.

Halimbawa:

Isahan - siya, niya, kaniya

1. Siya ay masipag na bata.


2. Kinain niya ang tinapay sa mesa.
3. Ang magandang halaman na ito ay kaniya.
Panghalip Panao
Halimbawa:

Ikatlong Panauhan

Maramihan - sila, nila, kanila

1. Sila ay nagtungo sa silid aklatan.


2. Dinalaw nila sa ospital si Maria.
3. Ang bahay na malapit sa dagat ay kanila.
Panghalip
Pamatlig
❏ tawag sa mga panghalip na humahalili sa
ngalan ng tao at bagay na itinuturo
Panghalip Pamatlig
Unang Panauhan- ang pangngalang itinuturo ay malapit sa
taong nagsasalita.
Halimbawa:

Ito, ire, nito, nire, ganito, ganire, dito, dine, heto

1. Ito ang aming hardin. Dito kami nagtatanim.


2. Masama ang aking pakiramdam nitong mga nakaraang araw.
3. Heto ang aking mga lumang damit.
4. Ganito ang pagluluto ng masarap na puto.
Panghalip Pamatlig
Ikalawang Panauhan- ang pangngalang itinuturo ay malapit sa
taong kinakausap.
Halimbawa:
Iyan, niyan, ganyan, diyan, hayan
1. Maganda ang damit na hawak nyo inay pero hindi po iyan ang nais kong isuot
sa kaarawan ni Gina.
2. Ang telang pinabili sa akin ni Ana ay may 5 metro ang haba. Sapat na siguro
ang haba niyan para sa gagawing niyang mga costumes.
3. Ganyan ang aklat na nais kong basahin.
4. Huwag ka ng umalis ng bahay. Pupuntahan na lamang kita diyan.
5. Ganyan ang aklat na nais kong basahin.
6. Hayan na ang hinahanap mong susi.
Panghalip Pamatlig
Ikatlong Panauhan- ang pangngalang itinuturo ay malapit sa
taong pinag-uusapan.
Halimbawa:
iyon, hayun, doon, ganoon, gayon
1. Ang bahay na iyon ay pamana ng kanyang lola sa kanyang ama.
2. Hayun ang pusang hinahabol mo.
3. Doon na lamang tayo magkita sa eskwelahan upang gawin ang ating
proyekto.
4. Ganoon din ang aming alagang aso.
5. Kailangan nating pangalagaan ang kalikasan nang sa gayon ay hindi
tayo nito parusahan.
Panghalip
Pananong
❏ katagang ginagamit sa pagtatanong na
maaaring tungkol sa tao, bahay, panahon, lunan
at pangyayari
Panghalip Pananong
Halimbawa:
ano alin sino kanino sinu-sino
anu-ano alin-alin kani-kanino

1. Ano ang pangalan mo?


2. Anu-ano ang kinain mo kanina?
3. Sino ang kumuha ng pera?
4. Sinu-sino ang kasama mo sa Luneta?
5. Alin-alin ang maaari pang gamitin?
6. Kani-kanino mo ibibigay ang mga regalo?
7. Alin sa mga kulay ang madalas mong ginagamit sa pagpipinta?
8. Kanino galing ang pagkain na ito?
Panghalip
Panaklaw
❏ tawag sa mga panghalip na sumasaklaw
sa kaisahan, dami o kalahatan ng
pangngalang tinutukoy
Panghalip Panaklaw
Halimbawa:
madla ilan alinman kapwa lahat
saanman sinuman
1. Matigas ang ulo ng madla.
2. Ilan lang ang nakatapos ng pag-aaral.
3. Alinman sa mga prutas ay maaari mong kainin.
4. Lahat ng tao at hayop ay binigyang buhay ng Diyos.
5. Bawat isa ay may tatanggaping tulong mula sa gobyerno.
6. Ang sinumang hindi sumunod sa utos ng hari ay parurusahan.
7. Saanman kayo magpunta ay mahahanap pa rin kayo.
Maraming Salamat!

You might also like