Activity Sheet 1 Filipino

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Gawaig Pagkatuto

Name of Student:______________________________________
Learning Area-Grade Level_______________________________
Reference vModule:___________________________________
Date:_______________________________________________

Magandang araw mga bata, ngayon ay magkakaroon tayo ng isang


panibagong aralin. Nakakatiyak akong mayaman ang iyong isipan sa
pagbibigay ng sariling hinuha sa mga bagay na narinig o nabasa mo.
Upang higit pang malinang ang iyong kasanayan, gagabayan kita sa
pagsagot sa mga gawaing ito. Sa Gawaing ito, inaasahang
nakapagbibigay ka ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayayri
bago, habang, at matapos ang pagbababasa.
Tara! Tayo ng tuklasin ang panibagong aralin!

Talasalitaan:

Hinuha- pagbuo ng sariling palagay, pasiya o kalalabasan ng


pangyayari na nakabatay sa mga detalyeng inilahad sa kwento
o seleksyong binasa upang maibigay ang tamang paglilinang o
pagpapahayag ng pasiya o desisyon

Pangyayari- mga kaganapan sa buhay ng isang tao


o isang lugar

Pagbasa- isang proseso ng pagkuha at pag-unawa


sa mga ideya o kaisipan sa mga sagisag na
nakalimbag upang mabigkas nang pasalita.
Ano ba ang alam mo na sa ating aralin, subukin mo nga?

Panimulang Pagsubok:

Panuto: Basahin at unawain ang seleksyon. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat sa
sagutang papel ang iyong sagot.

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Bakit masaya sina Tina at Oscar sa kanilang bagong kapaligiran?

a. Higit na malinis ito kaysa pinanggalingang lugar

b. Higit na marami ritong tao kaysa pinanggalingan

c. Higit na marumi ito at mabaho kaysa pinanggalingan

2. Kung malinis at maganda ang kapaligiran, ano ang nagiging bisa nito sa mga tao?

a. Wala silang kasiglahan

b. Nawawalan sila ng pag-asa


c. Nagkakaroon sila ng kasiglahan
3. Ano kaya ang ginawa ng magkapatid sa kanilang bakuran?

a. ginawa itong laruan

b. tinambakan ito ng basura

c. tinamnan ito ng mga halaman at gulay

4. Makapagtatanim na sila ng mga halaman sa paligid ng kanilang bahay. Anong kapaligiran mayroon
sila?

a. Malayo sa polusyon

b. tinambakan ito ng basura

c. tinamnan ito ng mga halaman at gulay

5. Bakit kaya labis ang katuwaan nina Tina at Oscar sa bago nilang nilipatang bahay?

a. Malaya silang makipagkwentuhan sa sinumang tao

b. Kahit na maliit ang kanilang bahay ito ay sarili na nila.

c. Malawak ang kanilang bakuran.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Alam mo ba…..
Ang pagbibigay ng wastong paghihinuha sa pangyayari sa
bansa o pagbuo ng sariling palagay, pasiya o kalabasan ng
pangyayari ay nakabatay sa mga detalyeng inilalahad. Dito
nililinang ang kakayaha sa pagbibigay ng pasiya o desisyon.

Failano, “ Paghihinuha sa Saloobing Pandamdamin”

Basahin mo.
ANG DASAL NG MAGSASAKA
Kami ay puspusang gagawa
Sa pagbubungkal ng lupa
Kalingain Ninyo nawa
Diyos naming mapagpala.
Yaring mga bukid naming
Sa ulan Iyong diligin,
Sa tubig at araw ay busugin
Upang palay palusugin.
O, Diyos ng kabutihan
O, Diyos na walang hanggan
Kami nawa ay biyayaan,
Ng saganang aning palay.
Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa tulang binasa.
1. Bakit kaya nagdarasal ang mga magsaaka?
2. Ano ang mangyayari sa mga tanim kung labis naman ang ulan?
3. Ano ang mahihinuha mong katangian ng mga magsasaka?

Basahin ang bawat talata at ibigay ang angkop na hinuha. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
papel.
1. Maagang naulila sa ina ang tatlong magkakapatid. Nasa ikaanim na baitang ang panganay.
Palaging malungkot ang kanilang Itay. Hatinggabi na kung umuwi at lasing pa ito. Ano ang
mahihinuha mong nararamdaman ng magkakapatid sa kanilang ama?
a. Natutuwa ang magkakapatid
b. Magtatampo at sasama ang loob ng magkakapatid
c. Naisipan nilang humingi ng tulong sa pamahalaan
2. Bagong lipat sina Mildred sa Maynila. Dala nila ang kaunting naiipong pera. Nagsimula sila sa
pagtitinda ng pagkain sa harapan ng kanilang bahay. Dumarami ang bumibili nito araw- araw.
Ano ang mahihinuha mo sa pangyayaring ito?
a. Hindi pinapansin ng mga tao ang kanilang paninda
b. Masama ang ugali ng nagtitinda.
c. Nagustuhan ng bumibili ang kanilang pagkain.
3. Tuwing bisperas ng Pasko palaging pinapatulog nang maaga ni Aling Mely At Mang Jose ang
mga bata. Bago magsitulog nagsasabit muna sila ng medyas para sa pamasko ni Santa Claus.
Hatinggabi na kung dumarating si Santa Claus. Ano kaya ang mangyayari sa kanilang mga
medyas?
a. Tatangayin ng kanilang aso.
b. Malalaglag sa ibaba ang mga medyas.
c. Lalagyan ng pamaskong handog ni Santa Claus.
4. Sa lahat ng mga batang mag-aaral sa ikaanim na baitang, namumukod si Berto dahil siya ay
matalino. Isa sa mga katangian ni Berto ay mapangarapin. Dahil mahirap sila, gusto niyang
yumaman. Madalas niyang sabihing “Umulan sana ng maraming pera”. Ilang sandal pa‟y may
narinig siyang mabibigat na butil na bumagsak sa bubungan. Narinig niya sa mga kapitbahay na
umuulan ng salapi. Kumuha siya ng palanggana para pagsahuran ng salapi. Nagugutom siya sa
kahahakot ng pera at wala siyang mabilhan ng pagkain dahil sirado ang mga tindahan. Tinanong
niya ang pulis kung bakit walang nagtitinda. May pera na sila sagot ng pulis. Tinawag siya ng
kanyang ina at niyugyog. Sa palagay ninyo, ano kaya ang ginagawa ni Berto?
a. Naglalaro buong araw sa paligid.
b. Natutulog at nanaginip. c. Nakipagkwentuhan sa kanyang nanay.
5. Paano mapatunayan na si Berto ay isang batang mapangarapin?
a. Siya ay mabait.
b. Gumagawa siya ng pagkakakitaan ng pera.
c. Nagngangarap siya na uulan ng pera.

Dahil madali mo lang nasagutan Panuto: Basahin ang kuwento at ibigay ang sagot sa mga
ang unang pagsaanay, heto ang isa hinuha sa pangyayari. Isulat ito sa sagutang papel.
pang gawaing magpapatibay ng
iyong kaalaman.
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ano kaya ang ginawa ng mga tao pagkatapos makapagpaliwanag ang pulis?
a. Hindi na sila kumibo.
b.Sinunggaban nila ang pulis.
c. Dinaluhong pa rin ang pulis
2. Ayon sa batas, kailan maaaring parusahan ang isang tao?
a. pagkatapos makapagpaliwanag ang pulis
b. pagkatapos makapagpasiya ang pulis
c. pagkatapos mapatunayan sa hukuman na tunay siyang nagkasala
3. Ano ang maaaring kasalanan ng tsuper?
a. pagsunod sa trapiko
b. pagtingin sa pulis
c. mabilis na pagpapatakbo
4. Sa pangyayari, ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi pa dumating ang mga pulis?
a. Namatay na ang ina ng bata
b. Binugbog na ng mga tao ang tsuper
c. Napabayaan ang kalagayan ng bata at ina
5. Upang maiwasan ang aksidenteng naganap, ang dapat gawin ng bata ay ______
. a. Tumakbo nang mabilis sa pagtawid sa daan
b. Maghanap ng pulis bago tawagin ang ina
c. Mag-ingat sa pagtawid sa daan

Panuto: Tapusin ang kwento sa ibaba. Ibigay ang maaaring hinuha ng kwento.
Sitwasyon:
Maraming natatakot na sa napabalitang pandemyang nararanasan ng bansa. Madalas hindi
makatulog si Rodel dahil sa kaiisip nitong sakit na COVID. Nabalitaan niya kasi sa telebisyon na
marami na ang namamatay at nawalan ng trabaho dahil sa sakit na ito.Kaya napag-isip isip niya
ang mga dapat gawin.
Ibigay ang iyong hinuhang mga pamamaraan o gawain tungkol sa sakit na COVID-19, bago
mangyari ito, habang at pakatapos.
A.Bago___________________________________________________
_______________________________________________________
B. Habang_________________________________________________
_______________________________________________________
C. Pakatapos_______________________________________________
_______________________________________________________
Panapos na Gawain:

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang kuwento. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat
angiyong sagot sa sagutang papel.
Isang Aral

Anak mayaman si Roberto. Hindi niya gaanong nadarama ang taas ng mga bilihin sapagkat lagi
siyang maraming pera mula sa kanyang mga magulang. Wala siyang taros sa paggasta. “ Isasama ko si
Roberto sa lalawigan,” ang sabi ng pinsan ng Nanay ni Roberto, isang araw. “ May ipapakita ako sa
kanya.”

Ipinasyal si Roberto ng kanyang Tiyo sa lalawigan. May nakita silang isang matandang lalaking
paupo-upo sa harap ng simbahan. Marumi at gusgusin ang ayos nito. Payat at maputla pa. “ Noong
araw, pinakamayaman ang matandang iyan dito,” ang sabi ng Tiyo ni Roberto. “

Hindi niya natutuhang pahalagahan ang kanyang salapi kaya nagkaganyan siya.” Hindi nakakibo
si Roberto. Natigilan siya at nag-isip nang malalim. May nabuo na siyang gagawin pagbalik niya sa
Maynila. Buo na ang kanyang pasya.

A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.


1. Ano kaya ang naging katapusan ng kwento? a. Nagbago si Roberto sa takot na maghirap.
b. Nagpatuloy pa rin si Roberto sa walang takot sa paggasta.
c. Hindi niya pinansin ang ipinakita sa kanya ng kanyang tiyo. Sa wakas ay narrating mo
2. Ano ang hindi magandang ugali ni Roberto? ang dulo ng aralin.
a. tamad Binabati kita. Ang husay
b. laging nagagalit mo KID!!!!
c. pagiging gastador
3. Ano kaya ang hindi ginawa ng matandang lalaking nakita nina Roberto?
a. Hindi siya tumulong sa mahihirap
. b. Hindi niya itinago ang kanyang pera.
c. Hindi niya natutuhang pahalagahan ang kanyang pera
4. Sa ugali ni Roberto sa simula, may pagbabago pa kayang magaganap sa kanyang buhay kung
hindi siya isinama ng kanyang tiyo sa lalawigan?
a. Wala, kasi naniniwala siyang mayaman sila.
b. Wala
c. Mayroon dahil may nabuo na siyang pasiya
5. Sa buhay ng tao, kailangan bang pangalagaan ang ibinigay na biyaya?
a. Oo, dahil talagang nakalaan na iyan para sa iyong buhay
b. Pabayaan lang kung ano‟ng nasa tao.
c. Hindi papansinin dahil talagang lalago ito para sa iyo.
Reference: Department of Education, Region V(Bicol)

You might also like