1QLCOT 1 - FILIPINO10 DLP - Panghalip

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Patao National High School

Patao, Bantayan, Cebu

Banghay-Aralin sa Filipino 10

DLP No.: Baitang at Markahan:


Asignatura: Oras: Durasyon: Date:
Seksiyon:
10 – Justice 11:00 -12:00 October
9 Filipino 10 – Wisdom 1:00- 2:00 I 1 hour 10, 2023

Code:
Mga Kasanayan:
Nagagamit ang angkop na mga panghalip bilang panuring F10WG-If-g-61
(Taken from the curriculum guide)
sa mga tauhan.
Ang Panghalip ay bahagi ng pananalitang inihahalili o ipinapalit sa pangngalan ng tao. Ito
Susi ng Pag-unawa na
ay may apat na uri. Ang Panghalip Panao, Panghalip Pamatlig, Panghalip Panaklaw,
Lilinagin:
Panghalip Pananong. Ginagamit ito sa araw-araw nating pagkikipagtalastasan.
1. Mga Layunin
Kaalaman Nakilala ang iba’t ibang uri ng panghalip.
Nagagamit ang angkop na mga panghalip bilang panuring sa mga tauhan.
Kasanayan
Nakabubuo ng pangungusap gamit ang mga panghalip.
Kaasalan Naipapakita ang kahalagahan ng uri ng panghalip ayon sa gamit nito.
Naipapakita ang kahalagahan ng wastong paggamit ng mga pang-ugnay sa
Kahalagahan
pangungusap.
2. NILALAMAN Panghalip at Mga Uri Nito
3. Mga Kagamitang CG, PowerPoint Presentation, Video Presentation, Visual Aids, Pinagyamang
Pampagtuturo Pluma10 Aklat 1, mga pahina 122-125
4. Pamaraan (Pamaraang Pabuod)
4.1 Panimulang  Panimulang Panalangin
Gawain (5 minuto)  Pagpapaayos ng mga Upuan
 Pagtatala sa mga lumiban
 Pagbabalik-aral
 Motibasyon:
-Para sa pagpukaw interes o atensyon ng mga mag-aaral, ang guro ay magpapakita ng
isang video presentation https://youtu.be/XXQTWCjgsbQ bilang gabay upang
aawitin ng mag-aaral ang tungkol sa paksang tatalakayin na tinatawag na “Panghalip”
4.2 Mga Alamin at Kilalanin Mo!
Estratehiya/Gawain (3 Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang wastong panghalip na bubuo sa pangungusap.
minuto) Pagkatapos ay tukuyin kung ang panghalip na ginamit sa pangungusap ay panao,
pamatlig, panaklaw o pananong.

Hayun Ano Ako Sinuman/g Lahat

1. _______ ang maitutulong mo sa kalikasan?


2. Tutulong _________ sa pagpapanatili ng kalinisan sa aking kapaligiran.
3. Ang _________ ay may tungkuling dapat gampanan sa ating pamayanan.
4. Ang _________ lumalabag sa batas ay pinarurusahan.
5. _________ ang mga ibong nagliliparan pabalik sa kanilang pugad!
 I-proseso ng guro ang kasagutan ng mga mag-aaral.

4.3 Pagtatalakay Panghalip at mga Uri Nito


(20 minuto) Ang panghalip ay bahagi ng pananalitang inihahalili o ipinapalit sa pangngalan.

May Apat ng Uri ang Panghalip

1. Panghalip Panao – mga panghalip na ipinapalit o inihahalili sa ngalan ng tao. Ang


panghalip panao ay may panauhan, kailanan, at kaukulan.
 Panauhan ng Panghalip Panao – taong tinutukoy sa panghalip.

 Unang Panauhan- tumutukoy sa taong nagsasalita.


Halimbawa: ako, ko, tayo, kami
 Ikalawang Panauhan- tumutukoy sa taong kinakausap.
Halimbawa: ikaw, ka, kayo, mo
 Ikatlong Panauhan- tumutukoy sa taong pinag-uusapan.
Halimbawa: sila, siya, niya

 Kailanan ng Panghalip Panao – tumutukoy sa dami o bilang ng taong


tinutukoy ng panghalip.
 Isahan (ako, siya, akin, ikaw, mo, niya, kanya, ko, at iyo)

 Maramihan (Kasama na rito ang dalawahan) (dalawahan: kata, kita)


(maramihan: atin, amin, kayo, tayo, sila, inyo, nila, kanila)

 Kaukulan ng Panghalip na Panao – tumutukoy sa gamit ng panghalip sa


pangungusap
 Palagyo – mga panghalip panaong ginagamit bilang simuno o paksa ng
pangungusap.
Halimbawa: Siya ay nagkaroon ng matibay na panindigan.
 Palayon – mga panghalip na ginagamit bilang layon ng pandiwa.
Halimbawa: Ang lupa ay ipinagbili niya.
 Paari – mga panghalip na inihahalili sa pangngalang itinuturo o inihihimaton.
Halimabawa: Hindi ipinagbibili ni Edith ang kanyang lupa.
2. Panghalip Pamatlig – mga panghalip na inihahalili sa pangngalang itinuturo o
inihihimaton. Ang panghalip pamatlig ay may panauhan at uri din.
Panauhan Uri
Pronominal Panawag Patulad Panlunan
Pansin
Una – malapit ito, nito, dito (h) eto ganito narito/nandito
sa taong
nagsasalita
Ikalawa – iyan, niyan, (h) ayan ganyan nariyan/
malapit sa diyan nandiyan
taong kausap
Ikatlo – iyon, noon, (h)ayun ganoon naroon/
malapit sa doon nandoon
taong pinag-
uusapan
3. Panghalip Panaklaw – mga panghalip na sumasaklaw sa kaisahan, dami, o
kalahatan ng tinutukoy.
Narito ang mga panghalip na panaklaw:
 iba, lahat, tanan, madla
 anuman, alinman, sinuman, ilanman, kailanman
 saanman, gaanuman, magkanuman

4. Panghalip Pananong – mga panghalip na ginagamit sa pagtatanong o pag-


uusisa na pumapalit sa isang pangngalan, pariralang pangngalan, o panghalip.
Mahalaga ito upang makilala ang pagkakaiba ng panghalip pananong sa iba
pang uri ng mga salitang nagtatanong tulad ng pang-uring pananong at pang-
abay na pananong.
Ang panghalip pananong ay maaaring maging isahan o maramihan.

Isahan Maramihan
Sino Sino-sino
Ano Ano-ano
Kanino Kani-kanino
Alin Alin-alin

Hindi kasama sa mga panghalip pananong ang mga salitang pananong na saan,
nasaan, kailan, bakit, paano, at gaano dahil ang mga ito ay pang-abay na
pananong gayundin ang mga salitang pananong na magkano, ilan, at pang-ila
dahil ang mga ito naman ay pang-uring pananong.

4.4 Abstraksiyon Pagsagot sa mga sumusunod ng tanong:


(5 minuto)
1. Ano ang panghalip?
2. Ano-ano ang mga uri ng panghalip?
3. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga uri ng panghalip?
4. Ano-ano naman ang mga halimbawa ng panghalip panao? Pamatlig?
Panaklaw? Pananong?
5. Paano makatutulong ang paggamit ng panghalip?

 Iproseso ng guro ang kasagutan ng mga mag-aaral.


4.5 Aplikasyon Sagot ko! Puntos Natin.
(10 minuto) A. Panuto: Gamit ang pass the ball sa paraan ng pagbilang ng mga-aaral 1 hanggang ay
5 siyang sasagot sa online quiz na isasagawa gamit ang online activity quiz sa laptop.
Pindutin lamang ang wastong sagot mula sa pahayag o mga tanong sa bawat bilang.

1. Ito ang mga salitang ipinapalit sa pangngalan at panghalip.


a. Pandiwa b. panghalip c. pang-uri d. pandiwa
2. Alin ang panghalip panao na nasa unang panauhan at maramihan?
a. Akin b. Kayo c. Sila d. Tayo
3. Anong pangungusap ang gumagamit ng panghalip panaklaw?
a. Kunin mo na ang mga aklat.
b. Ito ang dalang bag ni Mike.
c. Ang iba ay umalis na kahapon.
d. Sino ang kumain ng tsokolate?
4. Aling mga panghalip ang nabibilang sa iisang uri?
a. madla, pawang, ilan, at sinuman b. ito, ganyan, hayan, at doon
b. kami, tayo, akin at iba d. iyo, ako, mo at saan
5. Aling panghalip pananong ang gagamitin kung gusto mong malaman ang
tirahan ng iyong kaibigan?
a. Kailan b. Saan c. Ano d. Magkano

B. Bumuo ng pangungusap gamit ang iba’t ibang uri ng panghalip.


1. Panghalip Panao (Kaukulang Panghalip na Palagyo at Palayon)
2. Panghalip Pamatlig
3. Panghalip Panaklaw
4. Panghalip Pananong

4.6 Pagtataya
(10 minuto)
Assessment Method Nagagamit ang angkop na mga panghalip bilang panuring sa mga tauhan.
Observation (F10WG-lf-g-61)
Conferencing
Analysis of Learners’ Products A.Panuto: Palitan ng angkop na panghalip ang pangngalan ng mga
Test tauhan at ibang pangngalang may salungguhit. Isulat ang iyong sagot sa
patlang.

Ang ama ni Erwin ay si Roland. Si Roland ay isang arkitekto. Noong


bata pa si Erwin (__________), palaging isinasama si Erwin ng
(__________) ama ni Erwin, sa mga proyekto ni Roland (__________)
sa Tagaytay. Sa Tagaytay (__________), madalas sa mga golf courses
na pagmamay-ari ng mga kliyente at kaibigan ni Roland (__________).
Tuwang- tuwa si Erwin sa kanilang pagbisita sa mga golf course at
pinangarap ni Erwin (__________) na maging golfer din tulad ng mga
kaibigan ng (__________) ama ni Erwin.
B. Salungguhitan ang mga panghalip na ginamit at isulat sa linya
kung ito ay may uring panao, pamatlig, panaklaw, o pananong.
_____________1. Sinong tauhan sa pelikulang Up ng Pixar ang
maihahalintulad kay Edith at Nanay Magloire?
_____________2. “Ako po”, ang tiyak na isasagot ni Carl Fredricksen.
___________7e__3. Anumang halaga ang ialok kapalit ng bahay ay
hindi tinanggap ni Carl.
_____________4. Sa bahay na ito kasi naiwan ang magagandsng alaala
ng asawang si Ellie.
_____________5. Sila ay nagsama nang matagal na panahon hanggsng
sa yumao ang maybahay.
4.7 Takdang-Aralin (2 minutes) Pag-aralan ang tungkol sa isang nobelang Pranses na pinamagatang
Reinforcing/strengthening the day’s lesson “Ang Munting Prinsipe”.
Enriching/inspiring the day’s lesson
Enhancing/improving the day’s lesson
Preparing for the new lesson

4.8 Panapos na Gawain Paghahanda sa pagtapos ng klase.


(2 minutes)
5. Remarks
6. Reflections
A. No. of learners who
earned 80% in the evaluation

B. No. of learners who


require additional activities for remediation

C. Did the remedial lessons


work? No. of learners who have caught up with
the lesson.
D. No. of learners who
continue to require remediation.

E. Which of my learning
strategies worked well? Why did these work?
F. What difficulties did I
encounter which my principal or supervisor can
help me solve?
G. What innovation or
localized materials did I use/discover which I
wish to share with other teachers?

Prepared by:
Name: Jean Rose Y. Cueva School: Patao National High School
Position/Designation: Teacher 1 Division: Cebu Province
Contact Number: 09387829716 Email Address: [email protected]

You might also like