Filipino5-Q2-Test Question

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO V

Pangalan : ____________________________ Baitang/seksyon___________ Iskor:_______


Guro :____________________________________ Paaralan:______________________
PAKIKINIG
Panuto: Basahing Mabuti ang pangungusap .Piliin at bilugang ang letra ng tamang
sagot.
1.Inutosan ka ng iyong nanay na magluto ng adobong manok para sa hapunan. Ano ang
unang hakbang na gagawin mo?
A. Hugasan ang manok at ang mga sangkap nito.
B. Iluto ito sa kawali sa loob ng 40 na minute.
C. Iprito ang manok hanggang magkakulay ng brown.
D. Maglagay ng asin at asukal na ayon sa panlasa.
2. Nagawa mo na ang unang hakbang sa pagluto ng adobong manok .Ano ang
pangalawang hakbang na gagawin mo ?
A. Ihanda ang lahat na sangkap B. Imarinate ang manok sa tatlumpong minuto
C. Ihanda ang lahat na sangkap D. Ilagay sa tamang lalagyan ang naluto
3. Gumuhit ng tatsulok ,sa gitna gumuhit ng bituin at isulat ang paborito mong ulam
sa ibaba ng bituin.
A. B. C. D.

Adobong Adobong
Manok Adobong Adobong
Manok Manok
Manok

Basahin ang mga pangungusap at bilugan ang mga pandiwa na angkop sa


pangungusap.
4. Sa wastong lalagyan natin itatapon ang mga basura at hind sa kalye.
A. ihain B. itatapon C.hiniram D. kakain
5.Maglalaro kami ng Patintero mamayang hapon. Ano ang pandiwa sa pangungusap.
A. . Ihain B. Ihain C. Kakain D.Maglalaro
6. Sa Awit na ‘’Ang Bayan Ko’’ . Ito ay nagpapakita ng _______?
A. Maging kaaway ng Bayan B. Maging malupit sa bayan
C. Maging mapagmataas sa bayan D. Pagmamahal sa bayan
7.Nagsisipag si Kyla na makakuha ng malaking marka kahit mahirap ang aralin. Anong
katangian ang ipinakita ni Kyla?
A. maingat B.magpakumbaba C. mapagmahal D. Masipag
8.Hindi napansin ni Joy na nalaglag ang hawak niyang aklat. Agad itong pinulot at
inabot ni Bel sa kanya.Si Bel ay isang batang______________?
A.makulit B. masipag C. matapat D. matulungin
Tukuyin at bilugan ang titik ng salitang naglalarawan sa bawat pangungusap.
9. Si Ruffa ay di-gaanong maganda na gaya ni Lina. Pinagtatawanan ni Lina si Ruffa sa
harap ng ibang tao sabay sabi na pangit si Ruffa at siya ang pinakamaganda.
A. kulang sa pansin B. marahas C. mayabang D. sinungaling
10.’’Iyon po ang kamay ninyo,Ma’am ,na lagi pong tumutulong sa akin.’’ Sa sinabi ni
Jun,anong katangian ang kanyang ipinakita?
A. Hindi marunong tumanaw ng utang na loob loob sa kanyang guro.
B. Mapagmataas sa kanyang guro.
C. Marunong magpasalamat sa kanyang guro.
D.Matampuhin sa kanyang guro.
11. Salamat at pinaunlakan n’yo ang aking paanyaya.Masaya ako na tinanggap n’yo
ang aking imbitasyon. Ano ang ibig sabihin ng salitang pinaunlakan?
A. timapatan B. tinanggihan C. tinanggap D. tinupad
12.Naalimpungatang natutulog na si Kiray nang nagdatingan ang kanyang mga
kaibigan. Ano ang ibig sabihin ng salitang naalimpungatan?
A. nabigla B. nagising bigla C. naingayan D. napansin
13. Sasakay sila sa malaking salipawpaw upang mabilis na makarating sa
probinsya. Ano ang ibig sabihin sa salitang may salungguhit?
A. Bus Eroplano B. Dyip C. Eroplano D. Tren
Basahin ang binigay na bunga sa bawat pangngusap at bilugan ang letra sa Sanhi sa
ibinigay na pangungusap.
14. Napakahusay at taos puso ang kanyang pag -awit kaya______________?
A. hindi niya napaghadaan ang pagsali sa paligsahan
B. Nakamit ni Jey ang unang gantimpala sa paligsahan
C. natakot siyang sumali sa paligsahan
D. unti-unting nawalan siya ng gana sumali sa paligsahan
15.Tumaas hanggang tuhod ang tubig baha kung kaya’t___________________?
A. lumikas na ang mga tao mula sa kanilang mga bahay
B. nag party sa loob ng bahay
C. nagtanim ng mga gulay sa bakuran.
D. natulog sila ng mahimbing sa loob ng bahay
Basahing Mabuti ang pangungusap,hanapin ang bunga sa bawat pangungusap
at bilugan ang letra sa tamang sagot.
16.Pinutol ang mga kahoy kaya nakalbo ang kagubatan.
A. Bumaha ng bumaha B. Nakalbo ang kagubatan
C. Natuyo ang sapa D. Pinutol ang mga kahoy
17. Si Ana ay kumain ng maraming kendi kaya palaging sumakit ang kanyang ngipin.
A. Dahil sa matatamis na kendi B. kumain ng maraming kendi
C. Palaging sumakit ang kangyang ngipin D. Sumakit ang tiyan ni Ana.
18.Ito ay tumutukoy sa isang pag-uulat tungkol sa buhay ni Andres Bonifacio sa
kanyang nalikha sa ibang tao.Ito ay ___________?
A. Katanyagan B. Malikhain C. Talambuhay D. Talento
19. Bilang isang mag-aaral anong katangian sa talambuhay ni Andres Bonifacio ang
nais mong tularan?
A. Manluluko B. Mapagmataas C. Masinungaling D. Matapat
Basahing mabuti ang mga pangungusap ayon sa gamit ng Pandiwa sa panahunan sa
pasalaysay tungkol sa mga pangyayari sa kwentong’’ Ang Diwata ng mga Tala’’bilugan
ang titik sa tamang sagot.
20. Pagsapit ng gabi,narinig niya ang apat na diwatang naliligo sa lawa.
A. naliligo B. nagtatawanan C. naglilinis D. natutulog
21. Noong unang panahon ,may isang binatang nagmamay-ari ng malawak na taniman
ng tubo sa tabi ng lawa.
A. naglilinis B. Nagluluto C . nagmamay-ari D. taniman
Sumangguni sa diksiyonaryo. Pillin ang salitang angkop gamitin sa bawat
pangungusap.Bilugan ang titik ng tamang sagot.
22. Mapula ang kanyang mga __________.
A. labí B. labî C. labi D. labï
23.Inaabangan ko ang palabas ng mga _______ sa langit tuwing gabi.
A. talá B. tala C. talâ D. tála
24. Bumisita ang pamilyang Cruz sa bahay ng kanilang Lolo Ardie at Lola Dina. Sa
pintuan nasalubong nila ang kanilang Lolo at Lola. Ano ang kanilang unang gagawin?
A. Mano po lolo, mano po lola. B. Pasensya na wala kaming regalo
C. Saan ba TV ninyo dito? D. Tabi muna lolo at lola dadaan ako.
25.Nasalubong mo ang isang matandang babae na nais tumawid sa daan. Ano ang
gagawin mo bilang bata?
A. Hali ka loLa,tatawid na tayo B. Pababayaan mo siya.
C. Talikuran mo siya. D. Tumawid kana diyan
26. Ano ang pang-uri?
A. Salitang naglalarawan B. Salitang nagpapahayag ng kilos
D. Salitang ngalan ng Tao, hayop, bagay, o lugar D. Salitang panghalili
27. Ano-ano ang kaantasan ng pang-uri?
A. Isahan, dalawahan, maramihan B. lantay, pahambing, pasukdol
C. Tao, bagay, hayop, o lugar D. unahan, gitna, hulihan
28. Alin as mga sumusunod ang pang-uri?
A. ikaw B. kamangha-mangha C. tumakbo D. uranggutan
Para sa bilang 29-30, piliin ang pang-uri sa paglalarawan ng tao, bagay,hayop at pook.
29. Ang aso ni Mark ay malambing at matalino.
A . malambing at matalino. B. malambing at bobo.
C. masungit at bobo. D. matalino at pangit

30. Ang kwento ni Pedro ay nakakatuwa at kapupulutan ng aral.


A. nakakatakot at kapupulutan ng aral B. nakakatakot at walang aral
C. nakakatuwa at kapupulutan ng aral D. nakakatuwa at wang aral
31. Si Marco ay ( A. mapagbigay B. mas mapagbigay C. pinakamapagbigay D. tunay
na mapagbigay ) sa kanyang mga kaibigan.
32. ( A. Matulis B. Mas Matulis C. Pinakamatulis D.Pinakamatutulis ) ang lapis ko
kaysa sa iyo.
Sa bilang 33-35,piliin ang tamang kahulugan ng mga salitang may salungguhit.
33. Malaking suliranin ng mega magsasaka ang mega pesteng kumakain ng kanilang
pananim.
A. kasiyahan B. kalungkutan C. pananagutan D. problema
34. Ang maging presidente ang lagi niyang ninanasa .
A. ginagawa B. hinahangad C. inaalala D. mahalaga
35. Gustong makatulong ni Andrew sa kanyang amo ngunit ang mga taong ito na
kanyang pinaglilingkuran ang may kagagawan ng suliranin.
A. kamag-anak B. Katiwala C. naninilbihan D. taong pinagsisilbihan
36. May mga pamantasang nagpapa-aral ng libre sa mga matatalinong mag-aaral.
A. Mataas ang bayad B. Doble ang bayad C. maliit ang bayad D. walang bayad
Basahin ang tekstong nasa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Si Andres Bonifacio ay masikap at matalinong mag-aaral. Nagsikap siyan bumasa at sumulat. Tinulungan niya ang
kanyang sarili sa pamamgitan ng pagbabasa ng mga lathalaing sinulat ng mga Pilipino.
Bungan g pang-aabuso, napilitang lumaban si Andres Bonifacio sa mga Espanyol at kanyang itinatag ang Katipunan.
Noong Agosto 23, 1896, nagtipun-tipon ang mga Katipunero sa Pugadlawin, at sabay-c na pinunit ang kanilang sedula
bilang tanda ng paglaban sa pamahalaan ng mga Espanyol.
Bagamat kulang sa armas at kakayahang pang-militar, naitaguyod ni Andres Bonifacio ang malawakang
paghihimagsik laban sa lakas ng Espanyol. Siya ay tinawag na “Ama ng Katipunan” dahil sa dakilang nagawa niya sa bayan..
37. Bakit sinabing masikap at matalinong mag-aaral si Andres Bonifacio?
A. Hindi sinabi sa teksto ang dahilan
B. Siya ay nag-aral sa mga sikat na paaralan.
C. Siya napabilang sa mga matatalinong bata sa kanyang paaralan
D. Tinulungan niya ang kanyang sarili upang siya ay makapag-aral.
38. Bakit itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan?
A. Dahil sa marami siyang tauhan
B. Dahil sa pang-aabuso ng mga Espanyol
C. Dahil siya ay isang magiting na kawal
D. Nais niyang maging pinuno ng mga kawal na Pilipino
39. Ano ang pinakaangkop na pamagat ng tekstong iyong binasa?
A. . Andres Bonifacio: Ama ng Katipunan B. Andres Bonifacio: MagitIng na Tao
C. Andres Bonifacio: Ama ng Katipunan D. Bonifacio: Ang Katipunero

40. Anong grupo ang itinatag ni Bonifacio laban sa mga Espanyol?


A. Kaisahan B. Kalayaan C. Katipunan D. Katapangan
41. Kailan itinatag ni Bonifacio ang Katipunan?
A. Agosto 10, 1986 B. Agosto 24, 1896 C. Agosto 13, 1896 D. Agosto 23,
1896
Pag-aralan ang bar graph at mapang na nasa ibaba at sagutin ang mga tanong ayon
dito.
42.Aling purok ang may pinakamaraming nagawa?

A. Purok 1 B. Purok 2 C. Purok 4 D. Purok 6

43. Aling mga purok ang magkapantay ang proyektong nagawa?

A. Purok 1 at 3 B. Purok 1 at 2 C. Purok 2 at 3 D. Purok 2 at 5

44. Aling purok ang may 60% proyektong nagawa? _____________________________

A. Purok 2 B. Purok 3 C. Purok 4 D. Purok 7

MAPA NG METRO MANILA

45.Ilang lungsod ang bumubuo sa Metro Manila?

A. 5 B. 6 C.8 D. 10

46. Ilang bayan ang mayroon sa Metro Manila?

A. 2 B.3 C.4 D. 6

47-50 Basahin ang journal at sagutin ang mga tanong na nasa ibaba
Ang Journal-I ni Tanya
Nang nagsimula ako sa Filipino 4, hindi ko inaasahang mas mahirap ang
trabaho. Pagkatapos ng isang taon sa wikang Filipino inakala ko na maging magaling
ako rito. Hindi ko ginamit ang wika nang madalas at marami akong nakalimutan. Pero,
ngayon sinisikap kong Mabuti na magsanay sa paggamit nito.
Sa pagbasa, hirap ako sa mga salita at sa pagbigkas nang maliwanag sa mga
salita. Sa ibaang araw, naghahalu-halo ang mga salita at di ko makita ang mahalagang
pantig. Ngayon, binabasa ko nang malakas ang ating leksiyong pag-aaralan gabi-gabi at
binabasa ko ulit ang ating mga sanaysay na napag-aralan natin. Mas naging maalam
ako sa pagbigkas ng mga titik at pantig.
Sa pagsusulat, nagsasanay ako sa pandiwa. Nagsulat ako ng panahon ng pawatas
perpektibo, imperpektibo at kontemplatibo. Bumuo ako ng mga pangungusap para
masanay sa paggamit ng tamang panghalip. Pag-aaralan ko ang tsart na panauhan at
panghalip. Dapat, at gusto kong memoryahin ang buong tsart.
Sa pagsasalita, nakikipag-usap ako sa nanay at tatay ko. Kapag tinawagan ko
sila nag-uusap kami sa Filipino. Iwinasto nila ako kapag mali ang pagsasalita ko ng
Filipino. Kapag umuuwi ako sa bahay, sinisikap kong kausapin ang pamilya ko sa
filipino. Pinipilt komg husayan ang pagbigkas ng mga salita.
47. Tungkol saan ang journal ni Tanya?
A. Tungkol sa kanyang mga magulang
B. Tungkol sa kanyang mga pangarap sa buhay
C. Tungkol sa kanyang mga pangarap sa buhay
D. Tungkol sa pagnanais nya na matutong magbasa at magsulat ng Filipino
48. Ano ang kanyang ginawa sa unang araw ng journal?
A. Hinusayan ang pagbigkas ng mga salita.
B. Nakipag-usap sa kanyang mga magulang.
C. Sinusulat niya kung papaano siya nagsanay.
D. Sinusubukang di magkamali sa pagsasalita.
49. Bakit sa palagay mo mahalaga sa kanya ang matuto ng Filipino?
A. Para maging tanyag siya sa paaralan.
B. Para maging matagumpay sa buhay.
C. Para maipagmalaki siya ng kanyang mga magulang.
D. Para siya ay maging mahusay sa pagbasa at pagsulat ng Filipino.
50. Anong klaseng bata si Tanya?
A. Mapagbigay B. Masayahin C. Masigasig D. Matulungin

You might also like