Filipino10 Q2 M7

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

10

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 7
Mga Akdang Pampanitikan ng mga
Bansa sa Kanluran
( Pangwakas na Gawain)

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa Ikalawang Markahan hinggil sa mga Akdang Pampanitikan ng Kanluran-Pangwakas na Gawain.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang denisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampublikong paaralan upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Ang modyul na ito ay hinati gaya ng nakasaad sa ibaba:

 Aralin 1- Paggamit ng Hatirang Pangmadla ( Social Media)


 Aralin 2- Iba’t Ibang Anyo ng Panitikan
 Aralin 3- Pokus ng Pandiwa
 Aralin 4- Uri ng Tayutay
 Aralin 5- Tayahin

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Natutukoy at nabibigyang –kahulugan ang mga salitang karaniwang nakikita sa social media (F10PT-
IIIg-h-75);
2. Nabibigyang-puna ang mga nababasa sa mga social media( pahayagan,TV, Internet tulad ng fb, e-mail,
at iba pa) (F10PB-IIIi-j-79);
3. Natutukoy ang mga popular na anyo ng panitikan na karaniwang nakikita sa mga social media (F10PD-
IIg- h-73);
4. naNaisusulat at naibabahagi sa iba ang sariling akda (F10PU-IIIi-j-77);
5. nagagamit ang kahusayan sa gramatikal at diskorsal na pagsulat ng isang organisado at makahulugang
akda. (F10WG-Iii-j-70)

2
Aralin
Paggamit ng Hatirang Pangmadla
1 ( Social Media)

Tuklasin

Sa bahaging ito, kilalanin natin ang pinakapaksa ng ating talakayan sa araw na ito.
Alam mo bang kung ano ang hatirang pangmadla ( social media)?
Ang hatirang pangmadla ( social media) ay pakikipagtalastasan gamit ang makabagong teknolohiya o kagamitan (
gadgets) sa kapwa kahit ito ay nasa malayong lugar at bansa.
Ang mga kagamitan sa hatirang pangmadla ay radio, telebisyon, computer, internet, selpon, tablet, laptop at iba pa.
Social media ay paggamit ng websayt at mga gadgets sa pakikipagtalastasan sa mga tao kahit ito pa ay nasa malayong
lugar. Napapadali nito ang transaksyon sa mga negosyo, edukasyon, ekonomik, pulitika, medesina. relihiyon,
transportasyon,pagbabalita at iba pa.
Ano ang hatirang pangmadla?
Ang hatirang pangmadla ay komunikasyon na ginagamitan ng mga makabagong teknolohiya sa pakikipagtalastasan
gaya ng pahayagan, radyo, telebisyon at internet na gumamit ng ng selpon, laptop, tablet, at kompyuter.
Malaking tulong ang social media para sa mga mag-aaral, matulungan nito na madiskubre ang mga kakayahan nila sa
pagsulat, paggawa ng iskrip sa pagbabalita at dula, paggawa ng video na mapakinabangan sa mababahagihan at
makabasa nito
Talahanayan 1. Uri ng Social Media
Uri ng hatirang Gamit
pangmadla
Weblog ginagamit para gawing online diary ( talaarawang nasa internet)
Twitter nagbibigay ng kakayahan sa gumagamit nito na magpadala at basahin ang
mga mensahe na kilala bilang tweets.
Youtube dito ang mga video ay maaaring husgahan ayon sa dami ng “likes” at ang
dami ng mga nakanood ay parehong nakalathala.
Friendster nakatuon ito sa pagtulong ng mga tao na makakilala ng bagong kaibigan,
makibalita sa mga lumang kaibigan at magbahagi ng mga nilalamang midya
sa web.
Facebook dito maaring magdagdag ng mga kaibigan at magpadala ng mensahe.

Instagram dito naipapakita ang mga larawan o guhit na nais ibahagi sa iba.

Suriin
Ang pokus ng ating talakayan ay nakatuon sa pagsulat ng ating sariling akda. Sa Modyul 2 kung saan ay
may pitong akdang pampanitikan sa mga bansa sa Kanluran ang ating napag-aralan. Kaugnay nito

3
gagawa ka ng sariling akda na subukin nating ilathala sa pahayagang pampaaralan o kaya’y ibabahagi sa mga kaibigan
sa social media.
Huwag kalimutan ang gamit ng pokus ng mga pandiwa sa pagsusulat nito ngunit ang pinakamahalaga din ay makikilala
muna natin ang uri ng social media
Social media ay tinumbasan sa Filipino na hatirang pangmadla na ibig sabihin, pakikipagtalastasan ito gamit ang iba’
ibang gadget o teknolohiya para sa mabilisang transaksyon sa anumang gusto nating iparating sa mga kinauukulan sa
iba’t ibang ahensya ng pamahalaan mapribado o pampubliko man.
Narito ang mga uri ng Social Media;
a. blog – ay pikaikling salita mula sa weblog, naglalaman ito ng mga Komentaryo o balita ukol sa ilang mga paksa.
Blogging ang tawag sanagsusulat o gumagawa ng blog at blogger naman ang tawag sa nangangalaga sa blog.
b. twitter- nagbibigay kakayahan sa gumagamit na magpadala at basahin ang
mga mensahe na kilala bilang mga tweets.
c. youtube- multimedia sharing site ang tawag rito, maaari ibahagi ang mga
video at nagbibigay –daan para sa magamit ( user) nito na mag-upload, makita, at ibahagi ang mga video clips.
d. friendster- ginagamit rin ang websayt na ito sa pagtatala at pagtutuklas ng
ng mga bagong pangyayari, mga banda, kinagigiliwang libangan at
marami pang iba.
e. facebook – dito maaari tayong magdagdag ng mga kaibigan at magpadala ng mensahe sa kanila, at baguhin
ang kanilang sanaysay upang ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili.
f. Instagram- dito maibabahagi ang mga larawan o guhit na nais ipakita sa
mga kaibigan at bagong kakilala.
Para sa iyo, upang mahasa mo nang maigi ang kasanayan, tuloy lang ang pagsagawa ng pagsasanay.
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tumbas sa Ingles sa salita/ parirala sa nasa Hanay A. Isulat ang titik ng sagot sa
sagutang papel.
Hanay A Hanay B

____ 1. ibahagi A. comments


____ 2. hatirang pangmadla B. likes
____ 3. husgahan C. message
____ 4. gagamit D. online diary
____ 5. komentaryo E. seen
____ 6. makita F. site
____ 7. mensahe G. sharing
____ 8. sayt H. social media
____ 9. talaarawang internet I. user
____10. weybsayt J. website

Isaisip

Panuto:Magtala ng tiglilimang mabuti at di mabuting naibigay ng hatirang pangmadla


( social media) sa mga nitezens.
Mabuting Naibigay Di Mabuting Naibigay
1.______________________________ 1..____________________________
2.______________________________ 2. ____________________________
3.______________________________ 3.____________________________
4.______________________________ 4..____________________________
5.______________________________ 5.____________________________

4
Isagawa

Sa bahaging ito, gagawa ka ng isang sanaysay tungkol sa Lakas ng Kababaihan (Women Empowerment). Isalaysay
ang bagong kakabaihan sa kasalukuyan.
Panuto: Pumili kung alin sa mga kababaihan ang pamilyar sa iyo. Ibahagi ang kanilang mga naranasan para sa
ikatagumpay ng kanilang mga pangarap, buhay, pamilya at sa bayan na pinaglilingkuran.
A. Corazon C. Aquino. B. Lenie Robredo
C. Gloria Macapagal Arroyo C. Mel Tiangco
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Tayahin

Piliin mula sa pagpipilian ang tamang sagit. Isulat ang titik ng sagot sa inyong papel.
1. Pinaikling salita ng weblog.
A. blog B. e-blog C.web D. w-blog
2.to ay multi media site na maaaring mag-upload, makita, at ibahagi ang mga video clips.
A. blog B. facebook C. twitter D. youtube
1. Ang websayt na ito ay ginamit din sa pagtatala at pagtutuklas ng mga bagong pangyayari, mga banda,
kinagigiliwang libangan at marami pang iba.
A. facebook B. friendster C. twitter D. youtube
2. Lahat ito ay gamit ng social media maliban sa isa.
A. Magamit bilang online diary C.Makapagbahagi ng video sa isang pangyayari
B. Makapagpadala ng balita D.Makapagbigay ng maling impormasyon
3. Ang mensaheng nababasa sa twetter ay kilala bilang ___________.
A. blogging B. message C. tweets D. voice
4. Tao o mga taong nangangalaga ng blog.
A. blog B. blogger C. blogging D. blogs
7.Tawag sa pagsusulat sa blog.
A. blog B. blooger C. blogging D. blogs
8.Ito ay salitang tumbas ng mensahe sa facebook
A. diary B. likes C. message D. sharing

9. Ang sagisag na ito ay sa _____________.


A. blog B. facebook C. twitter D. youtube

10. Ang representasyon sa icon na ito ay _____________.


A.blog B. facebook C. twitter D. youtube
11.Kilala bilang multi media sharing sites.
A.. blog B. facebook C. twitter D. youtube

12.Pinagtuunan nito ang pakipagkaibigan at pakipag-ugnayan sa dating mga kaibigan.


A. facebook B. friendster C. twitter D. youtube
13. Ang katumbas ng salitang video clips.
A.koleksyon ng mga petsa ng mga pangyayari

5
B.kuhang larawan sa isang pangyayari
C.mga larawan ng tanawin
D. totoong pangyayari kinunan gamit ang kamera
14.Katumbas ng Online diary sa Filipino.
A. .Dasalan sa interne B. Dyurnal sa facebook
C. Guhitan sa interne D. Talaarawan sa internet
15.Lahat na ito ay bigay ng youtube maliban sa isa.
A. nakapagbibigay –aliw sa mga nitizen
B nakapagbigay –daan sa gumamit na maka-upload ng mga video
C. nakapagbigay ng kalituhan sa gumamit nito
D. nakapag- update sa mga pangyayari sa entertainmen

Karagdagang Gawain

Basahin at unawain mong mabuti ang sitwasyon na ito.

Laganap na ngayon ang maling pagbabalita. Bunga nito natakot at nagdulot ng gulo ang mga balita na nakita at nabasa
nila lalo sa facebook. Ikaw ay may akawnt sa fb. Bilang kabataan na aktibo sa fb, ano kaya ang magagawa mo para
maiwasan o mapigilan ang pagpapalaganap sa maling balita?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Aralin
Mga Anyo ng Panitikan na Mababasa sa
2 Hatirang Pangmadla (Social Media)

MODYUL 2- MGA PANITIKAN NG MGA BANSA SA KANLURAN

6
Natutunan ko sa modyul Natuklasan ko na … Masasabi ko na …
na ito ay…
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________

Tuklasin

Sa bahaging ito, kilalanin natin ang pinakapaksa ng ating talakayan sa araw na ito.
Ano ang Panitikan?
Ang panitikan ay isang pag-aaral. Ito ay sinulat at inilimbag na kasaysayan ng isang bansa o panahon. Ito at
repleksyon sa buhay ng mga tao sa isang lugar. Maaari din itong nilimbag na babasahing propaganda o para
sa politikal na hangarin.
Ang mga anyo ng panitikan:

Talahanayan 1. Anyo ng Panitikan

Anyo ng Panitikan Gamit


Tula Isang anyo ng panitikan na may matalinghagang pagpapahayag ng
isipan at damdamin.
Sanaysay Ito ay maaaring tumalakay sa anomang isyu sa kapaligiran.
Dagli Mga sitwasyong may mga nasasangkot na tauhan ngunit walang
aksiyong umuunlad,gahol sa banghay, mga paglalarawan lamang.
Nobela Itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng panitikan.
Dula Itinatanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.

Maikling kuwento Ito ay may iisang balangkas at nangingibabaw ang pakikipagsapalaran


ng pangunahing tauhan laban sa kanyang kinaharap na suliranin.

Mitolohiya Ito ay tradisyunal na salaysay na isinilang mula sa sinapupunan ng

7
kultura ng tradisyong oral.

Talumpati Sanaysay ito na binigkas.

Suriin
Ang sentro ng ating talakayan ay nakatuon sa pagkilala ng mga anyo ng panitikan. Sa Ikalawang Markahan may pitong
akdang pampanitikan sa mga bansa sa Kanluran ang ating napag-aralan.

Malalaman natin ngayon ang iyong husay sa pag-aalala sa katuturan ng bawat isa.

Ang panitikan ay napakahalagang limbag na karunugan na nagsasalamin sa mga gawi,paniniwala, tardisyon, kultura,
edukasyon, relihiyon at iba pang may kaugnayan sa pag-unlad ng kabuhayan at buhay ng grupo ng tao sa iang lugar.

Anyo ng Panitikan:

a. Tula –may matalinghagang pagpapahayag ng isipan at damdamin.Naglalaman ng kaisipang naglalarawan ng


kagandahan, kariktan, at kadakilaan.
b. Sanaysay- Ito ay maaaring tumalakay sa anomang isyu sa kapaligiran.May pamagay, panimula, katawan at
wakas.
c. Dagli- Mga sitwasyong may mga nasasangkot na tauhan ngunit walang aksiyong umuunlad,gahol sa banghay,
mga paglalarawan lamang.Kuwento na pawang sitwasyon lamang.
d. Nobela- Itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng panitikan. Maraming pangyayari ang
inilahad.
e. Dula – Itinatanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Karamihan sa mga dulang itinanghal ay
hango sa totoong buhay. Ilan sa sangkap ng dulay ay tauhan, iskrip at direktor.
f. Maikling Kuwento- Ito ay may iisang balangkas at nangingibabaw ang pakikipagsapalaran ng pangunahing
tauhan laban sa kanyang kinaharap na suliranin.

g. Mitolohiya- Ito ay tradisyunal na salaysay na isinilang mula sa sinapupunan ng kultura ng tradisyong oral.

h. Talumpati- Sanaysay ito na binigkas o inihahayag sa entblado. May tema, panimula. katawan at wakas.

Pagsasanay 1. Naaalala Mo ba?


Sa pamamagitan ng Circle Organizer, punan ng mga natutunan mo sa mga aralin tungkol sa
panitikan/gramatika. Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel.

Aralin 1
____________
________
Aralin 7
Aralin 2
__________
___________
__________ _________
Panitikan ng mga Bansa sa Kanluran
8
a._______________________________

b.______________________________
Aralin 6
Aralin 3
__________
__________
__________
__________

Aralin 5 Aralin 4

__________ __________
__________ ________

Pagyamanin

Panuto: Gawin sa sagutang papel ang gawaing nasa ibaba.


Itapat ang mga akda sa Hanay sa A sa Hanay B sa anyo na kinabibilangan na anyo ng panitikan at ang may-akda o
nagsalin nito sa Filipino. Isulat ang titik ng sagot sa patlang na laan.

Hanay A Hanay B
______1. Aginaldo ng mga Mago A . Anonymous
______2. Ang aking Pag-ibig B. Elizabeth Browning
______3. Ako Po’y Pitong Taong Gulang C Bibliya ( Hukom 16)
______4. Ang Matanda at Ang Dagat D. Ernest Hemingway
______5. Babang -Luksa E. Sheila C. Molina
______6. Moses. Moses F. Rogelio Sicat
______ 7. Pakikipagsapalaran ni Samson G. Rufino Alejadro
______8. Sintahang Romeo at Juliet H. Diosdado Macapagal
______9. SinaThot at Loki sa Lupain ng Mga Higante I. Snorri Sturluso
_____10. Talumpati ni Dilma Rouseff J. William Shakespeare

Isaisip

Sa puntong ito, ibigay ang nauunawaan at natutunan mo sa mga akda sa Kanluran at sa Pilipinas.Ibahagi ang iyong
paninindigan sa mga dula.
Panitikan

Pilipinas ( Moses,Moses ) England ( Sintahang Romeo at Juliet)

9
Tema.: Tema:
1 ___________________________ 1.____________________________
Pagpapahalagang moral Pagpapahalagang Moral
1.___________________________ 1.____________________________
Pagpapahalagang Panlipunan Pagpapahalagang Panlipunan
1.___________________________ 1.____________________________

Isagawa
Malaman natin ngayon kung talagang nauunawaan mo ang kahalagahan ng panitikan sa buhay ng tao. Gawin ang
Gawain.
Panuto: Pumili ng isang paksa sa talaan at ang gawan ng sanaysay.
a. Lakas ng kababaihan b. Pag-aabuso sa lakas ng bata(child labor)
a. Kahirapan d. Pakikipagsapalaran ( survivorship)

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Tayahin
Panuto:Piliin mula sa pagpipilian ang tamang sagit. Isulat ang titik ng sagot sa inyong sagutang papel.
1. Isang sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring tumalakay sa anomang isyu
sa kapaligiran. Isa itong matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa.
A. editoryal B. talambuhay C. talumpati D. sanaysay
2. Isang uri ng akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan na may mga sitwasyong nasasangkot ang
tauhan ngunit walang aksiyong umuunlad,gahol ang banghay at mga paglalarawan lamang.
A..komiks B. kuwentong bayan C. dagli D. maikling kuwento
3. Isang uri ng tula na nagmula sa Italy na may labing-apat na taludtod at sampong
pantig sa bawat taludtod.
A. alegorya B. haiku C. soneto D. tanaga
4. Ang “ Aginaldo ng mga Mago” ay isang __________________.
A. dula B. maikling kuwento C.mitolohiya D. tula
5.Tungkol ito sa paglalarawan sa walang kamatayang pag-ibig nina Romeo at Juliet na humantong sa
isang trahedya na sinulat ni William Shakespeare. Ito ay nabibilang sa ____________________.
A. dula B. maikling kuwento C. mitolohiya D. tula
6.Binubuo ito ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing n pangyayari ng buhay ng mga tao.
A. maikling kuwento B. nobela C mitolohiya D. tula
7.Isang anyo ng pagsusuri o rebyu tungkol sa binasang teksto.
A. Komentaryo B. Pagbabasa C. Pagbubuod D. Suring –basa
8.Isang uri ng pagtalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang likhang -sining.
A. Komentaryo B.Pagbalita C. Panunuri D. Reaksyon
9.Natatanging kuwento na kadalasang tumalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala at ang kanilang mga
karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao.
A. Dula B. Kuwentong bayan C. Mitolohiya D. Tula

10
10.Isang anyo ng panitikan na may matatalinghagang pagpapahayag ng isipan o damdamin.
A. Dagli B. Nobela C. Talinghaga D. Tayutay
11.Isang uri ng akdang pampanitikan na naglalarawan ng tunay na pagkatao ng pangunahing tauhan.
A. Dagli B. komiks C. Maikling Kuwento D. kuwentong -bayan
12.Ang “Moses.Moses” ay halimbawa sa akda na ____________________.
A..Dula B. Maikling kuwnto C.mitolohiya D. Tula
13. Ito ay pagpapaikli ng isang teksto na binasa na kahit maikli na ito hindi nawawala ang nilalaman at
mensahe ng isang akda.
A. Komentaryo B. Pagbabasa C. Pagbubuod D. Suring –basa
14.Isang uri ng pagtalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang likhang-sining.
A. Komentaryo B. Pagbalita C. Panunuri D. Reaksyon
15.Isang anyo ng panitikan na may matatalinghagang pagpapahayag ng isipan o damdamin.
A. Nobela B. Maikling Kuwento C. Pelikula D. Tula

Aralin 3 Pokus ng Pandiwa

Tuklasin

Alam mo bang kung ano ang pandiwa?


Ang pandiwa ay isa sa Bahagi ng Pananalita ( Part of Speech). Salita ito na nagbibigay buhay sa mga
pangungusap o mga pagpapahayag man. May pokus ito.
Ano halaga ng Pokus ng Pandiwa sa loob ng pangungusap ?
Ang Pokus ng Pandiwa ay ang relasyon ng salitang kilos sa paksa o simuno ng pangungusap. Layunin nito
na mas mapalinaw ang mensahe na nais iparating sa kausap
Ang mga Uri ng Pokus ng Pandiwa

Talahanayan 1. Uri ng Pokus ng Pandiwa


Mga pokus ng Pandiwa Gamit
Pokus na Tagaganap Tinatawag itong aktor pokus kung ang kilos sa loob ng
pangungusap ay nakatuon sa simuno.
Pokus sa Layon Ito ay tumbas sa gol pokus ang kilos ay nakatuon sa layunin ng
pandiwa.
Pokus sa Ganapan Pokus lokasyon naman ang tawag kung ang tuon ng pandiwa ay
lugar na pinangyarihan ng kilos.
Pokus sa Sanhi Kung ang dahilan ang tuon ng pandiwa sa pangungusap.

Pokus na Tagatanggap Ito ay tinatawag na benipisyal Pokus kung ang kilos ay pinagtuunan
ang tatanggap.
Pokus na Patunguhan Tawag rito ay direksyunal pokus kung ang tuon ng pandiwa ay ang
lugar na pupuntahan.
Pokus sa Gamit Ito ay instrumental pokus kung ang kagamitan ang pinagtuunan ng
kilos.

11
Suriin

Ang sentro ng ating talakayan ay nakatuon sa pagkilala sa kahalagahan ng Pokus ng Pandiwa sa pagsusulat
ng sariling akda.
Masusubok natin ngayon ang iyong husay sa pag-aalala sa mga katuturan ng bawat pokus ng pandiwa.
Ang pandiwa ay mahalagang salita sa ating pangungusap o pahayag. Ito ang nagbibigay –buhay at
nakapagbigay ito ng mas malinaw na mensahe tungo sa kausap.
Ang pokus ng pandiwa ay ang relasyon ng pandiwa o salitang kilos sa paksa ng ating pangungusap o
pahayag. May mahalagang gampanin ito sa ating mga sulatin lalo pa laging may pagsusulat ang kaakibat sa
bawat pagtatapos ng ating mga aralin.
Pokus ng Pandiwa

a. Pokus Tagaganap- ang paksa ng pangungusap ay ang tagagawa ng kilos.


b. Pokus sa Layon- kung ang layon o layunin ang paksa sa pangungusap.
c. Pokus sa Ganapan- kung paksa ay lugar na pinangyarihan ng kilos.
d. Pokus sa Sanhi – kung ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan sa kilos sa loob ng pangungusap.
e. Pokus Tagatanggap- kung ang pinaglalaanan ng kilos ang siyang paksa ng
pangungusap.
f. Pokus Diresyunal- nagsasaad ng direksyon ng kilos ang tuon ng paksa sa
pangungusap.
g. Pokus sa Gamit- kung ang kasangkapan o bagay na ginamit upang maisagawa ang kilos sa
pangungusap.
Para sa iyo, upang malinang mo nang maigi ang kasanayan, tuloy lang sa
pagsagawa ng pagsasanay. Subukin mong gawin ang pagsasanay 1.
Pagsasanay 1. Basahing maigi ang pangungusap, kilalanin ang pokus ng pandiwa na sinalungguhitan sa
loob nito. Titik ng sago tang isulat sa patlang,
A. Direksyunal B. Gamit C. Ganapan D. Pinaglalaanan
E. Sanhi FTagatanggap F. Tagaganap
_____1. Tinungo ni Rihawani ang madawag na kagubatan.
_____ 2. Ipinambaril niya sa usa ang dalang baril sa akalang ordinaryong hayop lang iyon, ngunit iyon pala si
Rihawani, ang diyosa.
_____ 3. Pumitas ng mga ligaw na bulaklak sa kagubatan ang dayuhan para sa kanyang anak na dalaga.
______4. Tumakbo ng mabilis si Thjalfi upang mahabol ang kalaban.
______5. Ipinagkatiwala ni Samson ang kanyang sekreto sa dalaga.
______6. Ipinanghampas ni Thor ang dalang masa sa natutulog na higante.
______7. Ikinabahala ng buong daigdig ang nakatatakot na pnademya na Covid.
______8. Pinagtaguan ni Eliezar ang sisidlan ng kagamitan panlinis sa kanilang silid –aralan.
______9. Ipampunas sa pawis sa noo ni Grace ang panyo niyang hawak.
______10. Ikinagalit ng ama ang pagsisinungaling ng anak.
Panuto:Gamitin sa sariling pangungusap ang mga salita.
1. Pinaglanguyan _________________________________________.
2. Ibili _________________________________________.
3. Ipantabas _________________________________________.
4. Pinasyalan _________________________________________.
5. Nagluto _________________________________________.

12
6. Ikinainis _________________________________________.
7. Ibinenta _________________________________________.
8. Ipinagpitas _________________________________________.
9. Dadalawin __________________________________________.
10. Ipinambalot __________________________________________.

Isaisip

Masusubok natin ang iyong galing sa mga pokus ng pandiwa. Magsalaysay ng dalawang talata tungkol sa
isang pangyayari na di mo malilimutan. Salungguhitan ang mga pandiwang ginamit sa inyong sagutang papel.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Tayahin

Panuto: Piliin mula sa pagpipilian ang tamang sagit. Isulat ang titik ng sagot sa inyong
sagutang papel.
1. Tawag sa relasyon ng pandiwa sa paksa ng pangungusap.
A. Paksa B.Panlapi C. Panaguri D. Pokus
2. Ang paksa ang siyang layon ng pangungusap. Ito ay nasa pokus na ___________________.
A. Gamit B. Pinaglalaanan C. Sanhi D.Tagaganap
3.Sa pangungusap na, “ Pinaglabhan ng mga kababaihan ang ilog,” anong pokus ng pandiwa ang may
salungguhit?
A. Ganapan B. Direksyunal C. Layon D. Pinaglalaanan
4.(Akyat ) namin ang puno ng bayabas sa bakuran ni Nanay Loling.
Anong pandiwa ang dapat gamitin upang mabuo ang diwa ng pahayag na nasa pokus na ganapan?
A. Inakyat B. Inaakyatan C. Kaaakyat D. Pinag-akyatan
5. Si Bernadeth ay kumanta nang buong galing sa palatuntunan ng Araw ng Kalayaan sa plasa. Ang
pokus ng pandiwa ay ____________.
A. Layon B. Pinaglalaanan C.Tagaganap D. Sanhi
6. Aling pangkat ng pandiwa ang nasa pokus tagatanggap?
A. iIbinili, ipagtimpla, ipaglaba B. ikinalungkot, ikinatuwa, ikinasawi
C. ipinambili,ipansulat, ipanghakot D. lumikas, nag-ani, magsusulat
7. Ikinatakot ng mga tao sa mundo ang mabilis na paglaganap ng pandemyang Covid 19. Anong pokus
ng pandiwa ang salitang may salungguhit.
A.Ganapan B. Gamit C. Layon D. Sanhi
8. Inihampas ni Thor ang maso sa natutulog na higante. Ang salitang may salungguhit ay nasa pokus na
__________________.
A. Ganapan B. Gamit C. Layon D. Sanhi
9. Pinaglaruan ang plasa ng mga bata tuwing linggo ng hapon. Ang salitang may salungguhit ay
nabibilang sa pokus na _____________.
A. Ganapan B. Layon C. Pinaglalaana D. Tagaganap

13
10. ( lungkot ) ng Nanay ang balitang nasagip niya sa may palengke kanina. Ang wastong salita na
aangkop sa salita sa loob ng panaklong ay ____________.

A. Ikinalungkot B. Kalungkot C. Malungkot D. Nalungkot


11. Ikinalito ng mga tao ang maling balita tungkol sa dami ng nagkasakit sa Covid. Anong pokus ng
pandiwa ang salitang may salungguhit?
A. Gamit B. Ganapan C. Layon D. Sanhi
12. Ipinamputol ni Kaloy ang itak a mga sanga ng kahoy. Ang salitang may salungguhit ay nasa pokus na
_.
A. Gamit B. Layon
B. Tagaganap D. Sanhi

13. Pinagpulungan ang himnasyo ng lungsod ng mga opisyal ng kapulisan sa aming rehiyon. Ang salitang
may salungguhit ay nabibilang sa pokus na _____________.
A. Ganapan B. Layon C. Pinaglalaana D. Sanhi
14. (Tanim ) ang ate ng mga bulaklak at mga gulay kanina. Ano ang wastong salitang aakma sa salita na
nasa loob ng panaklong.
A. Itinanim B. Magtanim C. Nagtanim D. Taniman
15. ( Pumitas ) ni Moana ng maraming hinog na bayabas ang mga pinsan.
Ano ang angkop na salita para mabuo ang diwa ng pangungusap?
A. .Kapipitas B. Nagpitas C. Pinatasan D.
Pumipitas

Aralin
Ang mga Uri ng Tayutay
4

Balikan

Ang mga matatalinghagang mga salita o pahayag ay hindi tuwirang inihahayag ang literal na kahulugan.
Ginagamit ito ng mga awtor upang mapapataas ang pandama ng mga mambabasa.

Ang talinghaga na ginagamit samga akda sa Ikalawang Markahan ay nag-uugnay sa mga karanasan,
pangyayari at bagay-bagay na alam ng taumbayan sa Kanluran at ibinahagi para maunawaan at makunan ng
aral sa buhay.
Hanapin sa talalaan ang kinabibilangan ng mga pahayag. Isulat ang titik ng sagot sa sagutang papel.
a. Pagmamalabis b. Pagtutulad
c. Pagtatao d. Pagwawangis
_____1. Lumuluha ang daigdig sa pagpanaw ni Mother Theresa ng Calcutta.
_____2. Galit ang dagat kaya iniluwa ang tole-tolenadang basura sa dalampasigan na itinapon ng mga tao
sa pusod nito.
_____3. Bituing nagniningning sa kasikatan si Nadine Lustre sa pinilakang tabing.

14
_____4. Animo’y tupa sa kaamuhan ang naging kabiyak ni Ate Dulce.
_____ 5. Agila sa talas ang mga mata ni Kadio kahit malayo pa ang tao na paparating alam niya na niya
kung sino ito.
______6. Ang balat ni Adeline ay parang porselana.
______7. Ngumiti ang mga bulaklak sa liwanag ng buwan.
______8. Polot sa tamis ang pananalita ng binatang nanliligaw pa sa dalagang
napupusuan.
______9. Umiyak ng timba-timba si Luningning nang malamang nagtanan ang
kasintahan.
_____10. Ang buhay ay guryon, marupok, malikot,
Dagiti’t dumagit saan man sumuot…

Tuklasin

Sa bahaging ito, kilalanin natin ang pinakapaksa ng ating talakayan sa araw na ito. Alam mo bang kung ano
ang Tayutay?
Ang tayutay ( figure of Scpeech) ay isang pampanitikang paraan ng pagpapahayag na ginagamitan ng mga
matatalinghagang salita. (Ang mga salita rito ay di- patitik o hindi tahas ang kahulugan, ginawa ito upang
lumikha ng larawan. Maaaring di- pangkaraniwan ang paglalahad nupang magkaroon ng tangi at higit ang
bisa.)

Uri ng Tayutay

Talahanayan 1. Uri ng Tayutay

Uri ng Tayutay Gamit


Pagtutulad Isang payak at lantarang paghahambing ng dalawang bagay na di- magkatulad.
Pagwawangis Isang paggamit ng pahiwatig na paghahambing.
Pagmamalabis Isang pahayag na may sangkap na paunlad at patas, mula sa isang karaniwang
kalagayan hanggang sa karurukan ng kahalagahan o kawilihan.
Pagtatao Pagtukoy sa isang bagay na di- nadarama o kaya’y walang buhay na parang
bagang ito’y buhay at kaanyuan.

Suriin

Ang tuon ng ating talakayan ngayon ay ang pagkilala uri ng tayutay na magagamit mo sa pagsusulat ng sarili
mong akda. Masubok natin ang iyong husay sa pag-aalala sa mga katuturan ng mga uri ng tayutay.

15
Ang tayutay ay isang pampanitikang paraan sa pagpapahayag. Ginagamitan ito ng mga salitang hindi lantaran
ang kahuluan, yaong salitang matatalinghaga.

May mga uri ang tayutay na na mababasa sa mga akdang tulad ng maikling kuwento, nobela, dula, at tula.
Ang mga salitang ito ang nagbibigay ng makulay at makabuluhang kahulugan sa akda.

Uri ng tayutay:

a. Pagtutulad- isang pghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa pangkalahaang anyo subalit


may mg magkatulad na katangian.Ginagamitan ng salitang sumasagisag ng pagkakatulad gaya ng
gaya ng, tulad ng, katulad ng, anaki’y , animo;y, kawangis, kasing- at iba pa.
Halimbawa:
1. Kawangis sa init ng araw ang lagablab ng galit ni Itay nang malamang nagbulakbol sa pag-aaral
si Kuya.
2. Kasimputi ng bulak ang suot na damit ni Criselda.
b. Pagwawangis- naghahambing ng dlawang bagay ngunit tuwiran ang ginagawang paghahambing.
(Isang paggamit ng pahiwatig na paghahambing.
Halimbawa:
1. Ahas sa katrayduran ang matalik mong kaibigan, inagaw ang asawa mo.
2. Kalabaw sa kasipagan iyang si Kuya Delyo ko.
c. Pagmamalabis- pagpapalabis sa normal na paglalarawan upang bigyan ng kaigtingan ang nais
ipahayag.
Halimbawa:
1. Sa sobrang gutom ko, makauubos ako ng tatlong lechong manok nito.
2. Nagdurugo ang puso ni Bhing nang malamang pumanaw na ang nanay.
d. Pagtatao – ito ay paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga walang buhay.
1. Lumuluha si hustisya sapagkat labis na ang pang-aabuso ng kapitalista sa kanilang manggagawa.
2. O! Tukso lumayo at lubayan mo ako
3.
Pagsasanay 1. Gawin ang Sketch Appriation Graphic (SAG). Tungkol ito sa tayutay.

__________________ __________________

____________________

____________________ ___________________

16
Pagyamanin

Hanapin sa bahagi ng tula ng ”Ang aking Pag-ibig” ang mga tayutay na ginamit. Itala sa iyong papel at
kilalanin kung anong uri ng tayutay ito. At ibigay ang nais nitong ipakahulugan.

iv vi
Kasinlaya ito ng mga lalaking Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay
Dahil sa katwira’y hindi paaapi, Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Kasinwagas ito ng mga bayaning Na nang mangawala ay parang nanamlay
Marunog umingos sa mga papuri. Sa pagkabigo ko at paghihinayang.
v vii
Pag-big ko’y isang matinding damdamin Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na
Tulad ng lumbay kong di makayang bathin, Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
Noong ako;y isang musmos pa sa turing At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Na ang pananalig ay di masusupil. Malibing ma’y lalong iibigin kita.

1. Tayutay: _____________________________________________
Ipakahulugan: ____________________________________________
2. Tayutay: ___________________________________________
Ipakahulugan: ___________________________________________
3.Tayutay: ___________________________________________
Ipakahulugan: ____________________________________________
4.Tayutay: _____________________________________________
Ipakahulugan: _____________________________________________
5. Tayutay: _____________________________________________
Ipakahulugan : _______________________________________________________

Isagawa

Panuto:Gamitin sa sariling pahayag ang sumusunod sa inyong sagutang papel.


1. Parang araw ________________________________________________
2. Kalapati sa kabaitan _________________________________________
3. Animoy anghel ______________________________________________
4. Saksakan sa ganda ___________________________________________
5. O buhay ____________________________________________________

Tayahin

Panuto: Piliin mula sa pagpipilian ang tamang sagit. Isulat ang titik ng sagot sa inyong sagutang papel.
1.Tawag sa salitang nag-uugnay sa mga karanasan, pangyayari at bagay-bagay na alam na
taumbayan.

17
A. bugtong B. talinghaga C. tayutay D. salawikain
2.Isang pampanitikang paraan sa pagpapahayag na ginagamitan ng mga salitang di-patitik o di-tahas
ang kahulugan.
A.talata B.talinghaga C. tayutay D. parirala
3. Paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga bagay na walang buhay. Anong uri ng tayutay ito?
A.Pagmamalabis C. Pagtatao C Pagtutulad D. Pagwawangis
4. “Ang buhay ng tao ay parang kandila, habang umiikli’y nanatak ang luha.”
A. Pagmamalabis C. Pagtatao C. Pagtutulad D. Pagwawangis
5.Ang buhay ay gulong minsan nasa ilalim, minsan ay nasa ibabaw.
Halimbawa ito sa tayutay na _______________________.
A. Pagmamalabis B. Pagtatao C. Pagtutulad D. Pagwawangis
6.Ito ay isang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa pangkalahatang anyo subalit may
mga magkatulad na katangian.
A. Pagmamalabis B. Pagtatao C. Pagtutulad D. Pagwawangis
7.Pagpapalabis sa normal na paglalarawan upang bigyan ng kaigtingan ang nais ipahayag.
A. Pagmamalabis B. Pagtatao C. Pagtutulad C.Pagwawamgis
8.Ito ay paghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran ang ginagawang paghahambing.
A. Pagmamalabis B. Pagtatao C. Pagtutulad D. Pagwawangis
9. … nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral,
nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw;
Ito ay halimbawa ng tayutay na _________________.
A. Pagmamalabis B. Pagtatao C. Pagtutulad D. Pagwawangis
10. Hayan na naman si Buwan, sumisilip sa guwang ng aking bintana.
Ang pahayag na ito ay halimbawa sa tayutay na _________________.
A. Pagmamalabis B..Pagtatao C. Pagtutulad D. Pagwawangis
11. Kasintaas ng lipad ng agila ang pangarap mo, kay hirap abutin.
Ito ay nasa tayutay na ___________________.
A.. Pagmamalabis B.Pagtatao C. Pagtutulad D. Pagwawangis
12. Namutla sa takot ang bata nang pumasok ang gurong nakasalamin.
Ang pahayag ay nabibilang sa tayutay na ________________
A. Pagmamalabis B. Pagtatao C. Pagtutulad D. Pagwawangis
13. Kapayapaan dumito ka na sa aming bayan.
Ang pahayag na ito ay nabibilang sa tayutay ni ______________.
A. Pagmamalabis B. Pagtatao C. Pagtutulad D. Pagwawangis
14. Di ko akalain na tinik sa buhay ko ang tinuturing kong matalik na
kaibigan. Ang pahayag na ito ay nasa tayutay na _______________.
A. Pagmamalabis B. Pagtatao C. .Pagtutulad D.Pagwawangis
15. Siya ay katulad ng bituin na laging nagliliwanag at sa madilim na gabi
buhay ko siyang naging tanglaw ko. Ang pariralang may salungguhit sa
pahayag ay nasa tayutay na ________________.
A. Pagmamalabis B.Pagtatao
C. Pagtutulad D.Pagwawangis

Karagdagang Gawain

Panuto: Suriin ang halaw sa bahagi ng Tulang- “Ang Pamana”.Sagutin ang mga tanong .

18
“ Ngunit Inang” ang sagot ko, “ ang lahat na kasangkapan
Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ibig ko’y ikaw Ina, ang ibig ko’y ikaw Inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
Aanhin ko iyong piyano kapag ikaw ay namatay
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagka’t di ka maaring pantayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O ina ko, ika’y walang kapantay.

1. Paano ipinadama ng anak ang pag-ibig sa ina?


Sagot . __________________________________________________
2. Ano ang gagawin niya sa kanilang yaman?
Sagot __________________________________________________
3. Ano ang hinihilinh niyang pamana sa Diyos?
Sagot: __________________________________________________
4.Ano ang ibang katawagan ng kasangkapan?
Sagot: ____________________________________________________
5.Anong tayutay ang ginamit sa tula? Kopyahin ang linya na magpatotoo nito.
Sagot: ___________________________________________________

Aralin5 Lingguhang Pangwakas na Gawain

Tayahin

Ang ating lagumang gawain sa buong linggo ay pagsusulat.


Susulat kayo ng tatlo hanggang limang talatang opinyon tungkol sa
napapanahong isyu sa ating bansa at mundo .
Nasa talaan ang pagpipiliang paksa

A. Covid 19 B. Ekonomiks C. Edukasyon D. Terrorism bill

Isaalang –alang rubriks sa pagsusulat


Pamantayan 15 15 10 10 Kabuuan
Orihinalidad/Sining/ Estilo ng Pagkakasulat
Makatotohanan at Napapanahong Isyu
Kakintalan/Mensahe/Tema

19
Wasto at angkop na Gamit ng Gramatika at Retorika
Hikayat at Kawilihin sa Mambabasa
Kabuuan

Susi sa Pagwawasto

Aralin 3 Aralin 4

Subukin/Tayahin Subukin/Tayahin
Aralin 2
1. D 6. C 11. A 1. B 6. C 11. C
Subukin/ Tayahin 2. B 7. A 12. A
3. A 8. B 13. A 2. C 7. A 12. A
1. D 6. C 11. C 4. D 9. A 14. C
2. C 7. D 12. A 5. C 10. A 15. C 3. B 8. D 13. B
3. C 8. C 13. C
4. B 9. C 14. C 4. C 9. A 14. D
5. A 10. C 15. C Balikan- Nasa guro ang pagpapasya kung tama.
5. D 10 B 15. C
Suriin
Balikan- Nasa guro ang pagpapasya kung tama. Balikan
1. A 6. B
Suriin- Nasa guro ang pagpapasya kung tama. 2. B 7. C 1. B 6. C
3. C 8. C
4. F 9. B 2. B 7. B
Pagyamanin-
5. D 10. E
1. G 6. F 3. D 8. D
2. B 7. C
3. A 8. J Pagyamanin- Nasa guro ang pagpapasya kung 4. C 9. G
4. D 9. I tama
5. D 10. D
5. B 10. E
Isaisip- Nasa guro ang pagpapasya kung tama.
Suriin – Nasa guro ang
Isaisip- Nasa guro ang pagpapasya kung tama. Isagawa- Nasa guro ang pagpapasya kung tama. pagpapasya kung tama

Isagawa- Nasa guro ang pagpapasya kung tama Karagdagang gawain- Nasa guro ang pagpapasya Pagyamanin- Nasa guro ang
kung tama. pagpapasya kung tama..

Karagdagang Gawain- Nasa guro ang pagpapasya. Isaisip- Nasa guro ang
pagpapasya kung tama.

20

You might also like