Banghay Aralin Sa Batayang Kaalaman Sa Mapanuring Pagbasa - Kahulugan NG Pagbasa
Banghay Aralin Sa Batayang Kaalaman Sa Mapanuring Pagbasa - Kahulugan NG Pagbasa
Banghay Aralin Sa Batayang Kaalaman Sa Mapanuring Pagbasa - Kahulugan NG Pagbasa
II- Nilalaman
a. Paksa: Batayang Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa – Kahulugan ng Pagbasa
b. Sanggunian: De Laza, C. 2016. Pagbasa at Pagsulat ng Iba’t ibang Teksto tungo sa
Pananaliksik. Pah. 4-5. Manila: Rex Book Store, Inc.
c. Mga Kagamitan: Notebook, Panulat, Graphic Organizers, Manila Paper, Pangmarka
III- Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Panalangin
Pagbati sa klase.
Pagtsek ng Atendans
Pagtala ng Liban/Huli sa klase
Pagpuna sa kaayusan/Kalinisan sa klase
B. Pagganyak
Magpapakita ang guro ng halimbawa ng mga larawan na may kinalaman sa Pagbasa.
Mga Gabay na Tanong:
Ano ang ipinapahiwatig ng mga nakapaskil sa pisara?
Mahilig din ba kayong magbasa?
Ano ang Pagbasa sa sarili niyong pagpapakahulugan.
Magbigay ng halimbawa ng libro/akda na pinakapaborito mong binasa.
Ang tatalakayin sa araw na ito ay tungkol sa Kahulugan ng Pagbasa.
C. Aktibity
INDIBIDWAL NA GAWAIN
Ilista ang anumang uri ng akda, materyales, o genre ng panitikan na tumatak sa iyo.
Isulat ang mga ito at ang mga hinihinging impormasyon sa talahanayan.
D. Analisis
GAWAING PANDALAWAHAN – FACSTORMING WEB
Punan ang facstorming web ng mga kahulugan ng Pagbasa na makikita mula sa
internet.
PAGBASA
E. Abstraksyon
INDIBIDWAL NA PAGBASA
Kahulugan ng Pagbasa
Ang pagtitiyak ng depinisyon ng pagbasa ay mahalaga upang makabuo ng paraan ng
ebalwasyon sa pagkatuto nito. Para sa isang mag-aaral na panimulang nagbabasa ang
pag-alam sa kahulugan, kahalagahan, at mga kasanayang matututuhan rito ay mahalaga
upang maging mas epektibo at makabuluhan ang kabuuang karanasan sa pagbasa.
Maraming edukador ang nagsasabi na ang pangunahing layunin ng pagbasa ay pagbuo
ng kahulugan na kinapapalooban ng pag-unawa at aktibong pagtugon sa binabasa.
Ayon kina Anderson et al. (1985), ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng
kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Ito ay isang kompleks na kasanayan na
nangangailangan ng koordinasyon ng iba’t iba at magkakaugnay na pinagmumulan ng
impormasyon. Sa kahulugang ito, mahihinuha na hindi lamang ang teksto ang
pinagmumulan ng kahulugan kapag nagbabasa ang isang tao, kundi ang iba pang
posibleng makapagpapalalim at makatutulong sa pag-unawa sa kahulugan. Sa pagbasa,
mahalaga ang imbak na kaalaman (stock knowledge) ng isang nagbabasa upang mas
malalim na maunawaan ang mga konsepto at impormasyong natatagpuan sa tekstong
binasa. Mahalaga rin ang mga nauna nang kaalaman sa wika at pagkaka-ayos nito
upang maunawaan ang binabasa. Ang mga kaalaman na ito ay maaaring makuha mula
sa pinakikinggan, nakikita, at kabuuang pagdanas ng isang mambabasa sa realidad,
lagpas pa sa nababasa mula sa teksto.
Sa pagpapakahulugan sa pagbasa nina Wixson et al. (1987) tinukoy nila ito bilang isang
proseso ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng iteraksyon ng: 1) imbak o umiiral
nang kaalaman ng mambabasa; 2) impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa; at 3)
konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa. Sumusuhay ang pagpapakahulugan
nila Wixson sa naunang inilahad na kahulugan ng pagbasa sapagkat binibigyang-diin
nito ang kahalagahan ng kontektsto ng pagbasa at imbak na kaalaman ng mambabasa.
Ang pagbasa ay isang kompleks na kognitibong proseso ng pagtuklas sa kahulugan ng
bawat simbolo upang makakuha at makabuo ng kahulugan. Mahalaga ang interaksyon
sa pagitan ng teksto at mambabasa na hinuhulma ng mga paniniwala, kaalaman, at
karanasan ng mambabasa at ng kultural at panlipunang kontekstong kinalalagyan niya.
Ang proseso ng pagbasa ay nangangailangan ng patuloy na pagsasanay, pagpapaunlad,
at pagpipino ng kasanayan. Dagdag pa, kailangan ang pagiging malikhain at kritikal na
pag-iisip sa pagbasa.
F. Aplikasyon
Hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay bubuo ng isang S3QR
Form na may kinalaman sa paksa na isusulat sa manila paper.
A. Summary (Buod)
Pamantayan
Nilalaman – 10
Gamit ng Wika – 10
Kaayusan – 5
Kabuuan – 25
IV- Pagtataya
Ibahagi sa klase ang naisagawang S3QR Form.
Pamantayan:
Pagtalakay sa Paksa – 10
Estilo ng Pagtatalakay – 10
Ginamit na Biswal – 5
Kabuuan – 25
V- Takdang Aralin
Alamin kung ano ang Intensibo at Ekstensibong Pagbasa. Isulat sa kwaderno ang mga
detalye na iyong nakalap.
Inihanda ni:
Sandralyn P. Martinez
SST – I