0% found this document useful (0 votes)
73 views

Q 1 Exam 2023

Ang dokumento ay tungkol sa unang markahang pagsusulit sa Araling Panlipunan 7. Naglalaman ito ng 25 multiple choice na tanong tungkol sa iba't ibang konsepto sa heograpiya at demograpiya ng Asya, katulad ng rehiyon, klima, likas na yaman, populasyon at implikasyon nito sa pag-unlad.
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
73 views

Q 1 Exam 2023

Ang dokumento ay tungkol sa unang markahang pagsusulit sa Araling Panlipunan 7. Naglalaman ito ng 25 multiple choice na tanong tungkol sa iba't ibang konsepto sa heograpiya at demograpiya ng Asya, katulad ng rehiyon, klima, likas na yaman, populasyon at implikasyon nito sa pag-unlad.
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 8

Division of City Schools

JOHNNY ANG NATIONAL HIGH SCHOOL


Katangawan, General Santos City

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan:__________________________________ Seksyon:____________ Iskor: / 50


Guro: _____________________________________ Petsa: ______________

PANUTO: Basahing Mabuti ang bawat tanong. Ugaliing sumulat ng malinis at iwasan ang mga
anumang erasures. Maaari lamang gumamit ng kulay asul at itim na panulat.

Test I: MULTIPLE CHOICE: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang bago ang aytem.

_____1. Ito ay ang pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig


a. Agham b. Heograpiya c. Kasaysayan d. Araling Panlipunan

_____2. Ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon. Alin sa mga sumusunod ang isinaalang-alang na aspekto sa
paghati nito?

a. Kultural at historikal b. Pisikal at kultural


c. Pisikal at historikal d. Pisikal, kultural at historical

_____3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang sa pisikal na katangian ng Asya?
a. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa o anyong
tubig.
b. Ang Asya ay tahanan ng iba’t ibang uri ng anyong lupa at anyong tubig
c. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng kapaligiran batay sa mga tumutubong halaman.
d. Ang iba’t ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima

_____4. Bakit tinawag na Farther India at Little China ang Timog-Silangang Asya?
a. Dahil napagitnaan ito ng India at China
b. Dahil dito matatagpuan ang mga bansang India at China
c. Dahil, karamihan sa mga naninirahan dito ay mga Hindu at Tsino
d. Dahil sa impluwensiya ng China at India sa kultura ng rehiyong ito.

_____5. Ang Timog-Silangang Asya ay nahahati sa dalawang sub-region, ang Mainland South East Asia at
Insular South East Asia. Ano anong mga bansa ang napabilang sa Mainland South East Asia?
a. Pilipinas, Thailand, Indonesia, Malaysia
b. Myanmar, Vietnam, Singapore, Pilipinas
c. Myanmar, Thailand, Vietnam, Laos, Cambodia
d. Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore

_____6. Ang steppe, tundra, taiga at savanna ay ilan lamang sa mga halimbawa vegetation cover. Alin sa mga
sumusunod ang dahilan ng pagkakaroon ng iba’t ibang vegetation?
a. Dahil sa lokasyon nito c. Dahil sa kapaligiran nito
b. Dahil sa epekto ng klima ito d. Dahil sa lokasyon at kapaligiran nito

______7. Alin sa mga sumusunod na dahilan ang pagkakaroon ng iba’t ibang klima sa Asya?
a. polusyon b. lokasyon c. populasyon d. kapaligiran

_____8. Ang China ay nangunguna sa produksyon ng mais ngunit maliban dito may yamang mineral rin na
nakukuha sa bansang ito. Anong uri ng mineral ang mayaman at nangunguna ang China?
a. carbon b. chromite c. ginto d. tanso
_____9. Alin sa sumusunod ang may kinalaman sa polusyon sa tubig?
a. paglilinis ng mga palaisdaan
b. paggawa ng parke sa dalampasigan
c. pagkakalat at pagtapon ng dumi sa dagat
d. paggawa ng mga palaisdaan mula sa bakawan

_____10. Alin ang tumutugon sa mabilis na pagtaas ng temperatura sa daigdig sanhi ng akumulasyon ng
carbon dioxide at singaw ng mainit na hangin na napigil ng masa ng malamig na hangin sa loob ng daigdig?
a. climate change b. global warming c. pollutants d. greenhouse gases

_____11. Ano ang mangyayari kung ang kabataang tulad mo ay magpapalaganap ng mga programa na
susuporta sa ikabubuti ng kapaligiran at kapakanan ng mga Asyano?
a. magkakaroon ng pagkakaisa tungo sa pag-unlad ng ekonomiya
b. magiging maunlad ang lahat ng bansa dahil sa bagong teknolohiya
c. magpapatuloy ang ugnayan ng mga bansa sa pagsulong ng kaalaman
d. magpapatuloy ang kasaganahan ng likas yaman para sa susunod na henerasyon

_____12. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan ng tao na pangalagaan ang kalikasan?
a. responsibilidad itong ipinagkatiwala sa kaniya na dapat niyang gampanan
b. sa kalikasan nakadepende ang hinaharap ng tao dahil sa biyayang taglay nito
c. sa kalikasan nanggagaling ang mga materyal na bagay na bumubuhay sa kaniya
d. Ang kalikasan ay kakambal ng kaniyang pagkatao, ito ang bubuhay sa kaniya at bilang
kapalit,
kailangan niya itong alagaan at pahalagahan.

_____13. Alin sa mga sumusunod na ang tumutukoy sa dami ng tao na naninirahan sa isang lugar o bansa?
a. migrasyon b. populasyon c. literacy rated. population growth rate

_____14. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa tinatayang pagtaas ng populasyon bawat taon?
a. migrasyon b. populasyon c. literacy rated. population growth rate

_____15. Maraming Pilipino ang nandarayuhan sa ibang bansa upang doon magtrabaho. Ano kaya ang epekto
nito sa pag-unlad ng Pilipinas?
a. Dadayuhin ang bansa dahil luluwag na ang mga pook pasyalan dito.
b. Babagal ang pag-unlad ng Pilipinas dahil kulang na ang lakas-pagawa nito.
c. Uunlad ang Pilipinas ng mas mabilis dahil liliit ang bilang ng mga taong walang trabaho.
d. Gaganda ang bansa dahil marami ang magpapagawa ng maganda at modernong bahay dahil sa
perang ipapadala ng mga kamag-anak na OFW.

_____16. Sa sumusunod na usapin, alin ang direktang epekto ng maliit na bahagdan ng literacy rate?
a. patuloy na pagbaba ng kalidad ng lakas-paggawa ng isang bansa
b. pagtaas ng kaso ng krimen dahil sa kawalan ng trabaho ng mga mamamayan
c. pagtaas ng antas ng buhay ng mga mamamayan dahil sa pagkakaroon ng magandang trabaho
d. patuloy na pagbaba ng lebel ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan dahil sa kawalan ng
oportunidad sa iba’t ibang larangan

_____17. Ang India at China ay ang mga bansang may pinakamalaking populasyon sa Asya. Ano ang maaring
epekto ng patuloy na paglaki ng populasyon sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan nito?
a. Nangangahulugang magkakaroon ng mas masikip na paligid at maruming pamumuhay ang mg tao.
b. Dahilan kung bakit nahihirapan ang pamahalaan sa pagbibigay ng kaukulang serbisyo sa mga
mamamayan ng lipunan.
c. Nagbibigay solusyon sa kakulangan ng lakas-paggawa ng isang bansa na isang mabisang paraan upang
mapaunlad ang kabuhayan ng mga mamamayan.
d. Nagiging hadlang upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ngtao tungo sa pag-angat ng
kabuhayan ng mamamayan at ng lipunang kinabibilangan nito.
_____18. Paano nakakahadlang sa pag-unlad ang malaking populasyon ng bansa?
a. Nakakapagdulot ito ng kalituhan sa pamamahagi ng ayuda dahil sa dami ng tao.
b. Pagkaubos ng likas na yaman ng bansa dahil marami ang nangangailangan.
c. Nahihirapan ang pamahalaan na matugunan ang mga pangangailangan ng bawat mamamayan.
d. Nagkakaroon ng problema sa kaayusan at katahimikan ng bansa
Suriin ang talahanayan ng populasyon ng mga bansa at sagutin ang mga mga tanong kaugnay nito
_____19. Kung isasaayos mo ang mga bansang nasa talahanayan ayon sa laki ng populasyon, ano ang tamang
pagkakasunod-sunod nito?
a. Philippines, China, at India c. China, India, at Philippines
b. India, Philippines, at China d. Philippines, India, at China.

_____20. Makikita sa talahanayan kung gaano kasikip ang isang bansa. Kung susuriin mo ito batay sa dami ng
mga tao sa bawat kilometro kwadrado, anong bansa ang mangunguna?
a. India b. China c. Pilipinas d. Timog Korea

Suriin ang talahanayan ng populasyon ng mga bansa at sagutin ang mga tanong
kaugnay nito.

_____21. Batay sa talahanayan, ang bansang Japan ang may pinakamababa na bahagdan ayon sa bilis ng
paglaki ng populasyon. Ito ay may pinakamaliit na bahagdan ng batang populasyon ngunit may
pinakamalaking bahagdan ng may edad na 15-65. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Pagbaba ng ekonomiya ng bansa.
b. Mabilis tumanda ang mga tao sa Japan.
c. Mahusay ang programa ng pamahalaan hinggil sa pagpaplano ng pamilya.
d. Ang mabagal na paglaki ng populasyon at pagrami ng matatanda sa kasalukuyan ay maaring maging
problema sa lakas paggawa sa hinaharap.

_____22. Makikita sa talahanayan na ang India ang may pinakamalaking populasyon. Ano ang masamang
epekto nito sa kanilang bansa?
a. Masaya ang lipunan dahil sa dami ng tao.
b. Pagkaubos at pagkasira ng likas na yaman.
c. Polusyon sa hangin at pagdami ng depressed area.
d. Nahihirapan ang pamahalaan na matugunan ang mga pangangailangan ng bawat mamamayan.

_____23. Makikita sa talahanayan sa itaas na bumababa ang bilang ng mga batang populasyon ng mga piling
bansa sa Asya at makikita rin na bumababa ang bahagdan ng bilis ng paglaki ng populasyon ng bansang Sri
Lanka at Japan. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Impluwensiya ng relihiyon.
b. Mahusay ang programa ng pamahalaan sa pagpaplano ng pamilya.
c. Pagbabagong dulot ng edukasyon at mataas na antas ng pamumuhay.
d. Karamihan sa kanilang bansa ay matatanda kaya hindi na magkakaanak.

_____24. Bakit mahalaga na mabatid ang bahagdan ng paglaki ng populasyon ng isang bansa?
a. upang makagawang kampanya para sa migrasyon.
b. upang magkaroon ng ideya tungkol sa dami ng lakas paggawa.
c. upang magkaroon ng ideya ang mga tao kung bubuo ng maliit o malaking pamilya.
d. upang magsisilbing batayan ng pamahalaan sa pagbuo ng patakaran

_____25. Sa patuloy na pagdami ng tao ay patuloy rin ang pagdami ng pangangailangan ng


ikabubuhay nito. Ito ay implikasyon ng _____.
a. Agrikultura b. Ekonomiya c. Kultura d. Pananahanan
_____26. Sa mga sumusunod na usapin alin ang hindi direktang dahilan ng mabilis na
pagkawala ng biodiversity sa Asya?
a. polusyon
b. Patuloy na pagtaas ng populasyon
c. Pagkakalbo o pagkasira ng kagubatan o deforestation
d. Walang habas na pagkuha at paggamit ng mga likas na yaman.

_____27. Malaking bahagi ng kalupaan ng Asya ay sakop ng Tsina. Bagama’t malawak ang Tsina, bakit
nagsisiksikan ang mga naninirahan sa silangang bahagi nito?
a. dahil ito ay isang kapatagan
b. dahil ito ay isang kabundukan
c. dahil ito ay isang talampas
d. dahil ito ay binubuo ng kabundukan at talampas.

_____28. Kung ikaw ay naninirahan sa isang burol, alin sa mga sumusunod na gawain ang iyong maaaring
maging hanapbuhay?
a. pagsasaka b. pagpapastol c. pagmimina d. pangingisda

_____29. Bakit mahalaga ang yamang gubat sa aspekto ng ekonomiya?


a. Ito ay pinagkukunan ng maraming produkto tulad ng goma, troso, papel, herbal at iba pa
b. Ito ay nagsisilbing tahanan ng mga mababangis na hayop.
c. Ito ay nakakatulong upang mapigilan ang pagbaha.
d. Ang mga puno sa gubat ay nagbibigay ng lilim at preskong hangin.

_____30. Ang mga bansang sa Timog Silangang Asya ay kilalang nag-aangkat ng mga produktong palay. Ito
rin ang isa sa mga pinagkukunang kabuhayan ng mga naninirahan dito. Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng
kasaganaang ito?
a. mainam na klima c. malamig na panahon
b. malawak na lupain d. masisipag namagsasaka

______31. Alin sa mga susmusunod na pahayag ang hindi kabilang sa paghahating-heograpiko ng Asya?
a. Ang Kanlurang Asya ang ay kinabibilangan ng mga bansang Arabo.
b. Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating kabilang sa Soviet Union.
c. Ang pagahating-heograpiko ay nakatulong sa pagkakawatak ng mga bansang Asyano.
d. May mga rehiyon sa Asya na iba’t iba ang kultura at katangiang pisikal ngunit nagkakaisa.

_____32. Malaking bahagi ng hangganan ng Asya ay mga anyong tubig. Alin sa mga sumusunod ang
pinakamalaking lawa sa mundo na makikita sa kanlurang bahagi ng Asya?
a. Caspian Sea b. Dead Sea c. Lake Baikal d. Mediterranean Sea

_____33. Kung ang ginto ay yamang mineral, alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng yamang tubig?
a. dalandan b. hipon c. pilak d. troso

_____34. Alin sa mga suliraning pangkapaligiran na bunsod ng urbanisasyon ang lubahang napakasalimuot at
epekto ng lahat usaping pangkalikasan?
a. problema sa solid waste c. polusyon sa hangin at tubig
b. polusyon sa hangin at tubig d. pagkawala ng biodiversity

_____35. Ang Kanlurang Asya ay sagana sa yamang mineral. Alin sa mga sumusunod na bansa dito ang
itinuturing na pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo sa mundo?
a. Iraq b. Kuwait c. Oman d. Saudi Arabia

_____36. Kung isa kang kasapi ng Youth for Environment (Yes-O) o Supreme Secondary Learner
Government (SSLG) at naatasan ng punongguro na magmungkahi ng mga programang panngkalikasan sa
paaralan, alin sa mga sumusunod na krayterya ang dapat matamasa ng nasabing proyekto?
a. pangmatagalan b. panandalian c. makasunod lamang d. magastos na proyekto
_____37. Alin sa mga sumsusunod ang tumutukoy s amabilis na pagkaubos ng mga puno sa kagubatan na
kasalukuyang suliranin sa mga bansang Asyano katulad ng Bangladesh, Indonesia at Pilipinas?
a. alkalinaization b. deforestation c. reforestation d. salinization

_____38. Alin sa mga sumusunod ang nangungunang produktong ipinanluluwas ng Pilipinas sa mundo?
a. ginto b. kopra c. langis d. rubber

_____39. Sakop ng China ang 7% ng lupa sa buong mundo na maaaring bungkalin at pagtaniman. Ano ang
pangunahing pananim butil sa bansang China.
a. barley b. mais c. palay d. trigo

_____40. Ang mga Asyano ay nahahati sa iba’t ibang pangkat batay sa wika at etnisidad na kinabibilangan.
Ano ang tawag sa pagpapangkat na ito?
a. etniko b. etnolingguwistiko c. kultural d. grupo

_____41. Bakit magkakaiba ang ang kultura at uri ng pamumuhay ng mga pangkat etnolingguwistiko sa Asya?
a. Sa pagkakaiba ng kanilang heograpiya at kultura c. Sa pagkakaiba ng pananamit
b. Sa pagkakaiba ng relihiyon d. wala sa pagpipilian

_____42. Bakit mahalaga na mabatid ang bahagdan ng bilis ng paglaki ng populasyon ng isang bansa?
a. Upang mabatid kung bata o matanda ang populasyon.
b. Upang magamit sa pagpaplano ng pamilya.
c. Upang maunawaan ang kahalagahan ng yamang tao
d. Uoang maging batayan ng pamahalaan sa pagbuo ng mga patakaran o programa na
makapagpapabagal o makapagpapabilis ng pagdami ng tao.
_____43. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainan na paraan upang makontrol ang mabilis na paglaki ng
populasyon?
a. Pagpapaliban ng maagang pag-aasawa.
b. Pamamahagi ng contaceptives sa mahihirap na pamilya.
c. Patuloy na pagbibigay ng tamang edukasyon sa mag-asawa sa pagkontrol ng paglaki ng pamilya.
d. Lahat ay tama.

_____44. Ang biodiversity ay pagkakaiba-iba at katangi-tanging anyo ng lahat ng buhay na bumubuo sa


natural na kalikasan. Alin sa mga sumusunod ang hindi direktang dahilan ng mabilis na pagkawala ng
biodiversity sa Asya?
a. patuloy na pagtaas ng populasyon. c. pag-abuso sa lupa
b. pagtatapon ng basura sa mga ilog at dagat d. pagkabutas ng ozone layer

_____45. Maraming suliraning pangkapoligiran sa Asya na namiminsala sa kalupaan, katubigan at hangin nito.
Alin sa sumusunod na suliraning pangkapaligiran ang hindi pumipinsala sa yamang lupa ng Asya?
a. deforestation b. desertification c. red tide d. overgrazing

_____46. Simula noong 1989 hanggang 2003, ang Aral Sea sa Hilagang Asya ay lumiit ng lumiit ang sukat
nang mahigit sa apat na beses at humantong sa pagkakahati sa dalawa-ang Large Aral Sea at Small Aral Sea.
Ano ang implikasyon nito?
a. Ang suliraning katulad nito ay nakakaalarma.
b. Ang kontinente ng Asya ang may pinakamabilis na antas ng paglala ng mga suliraning
pangkapaligiran.
c. Malaki ang epekto sa buhay ng maraming tao ang pagbabago ng kalagayan ng kalikasan, kung
kaya’t dapat maging aktibo ang iba’t ibang samahang pangkalikasan sa bawat rehiyon na bumuo ng
mabisang solusyon para dito
d. Dahil ito sa global warming.

_____47. Ano ang iyong mahihinuha sa pahayag na “ for every 10 people ni the world, 6 are from Asia”?
a. Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa mundo
b. Ang Asya ay biniyayaan ng yamang tao at lakas-paggawa
c. Animnapung bahagdan (60)% ang kabuuang populasyon sa daigdig ay nasa Asya
d. Ang Asya ay may maliit na populasyon.

_____48. Ang Asya ay napapalibutan ng iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga ilog at karagatan. Bilang isang
kasapi ng Non Government Organization(NGO), paano ka makakatulong sa pangangalaga nito.
a. Magpaskil ng slogan na “Huwag manirahan dito”.
b. Maglunsad ng fun run para makalikom ng pondo.
c. Huwag hayaan ang mga tao na manirahan sa pampang.
d. Magmungkahi ng pagpapatayo ng tulay na magdurugtong sa mga anyong tubig.

_____49. Amg paglawak ng industriya ay simbolo ng isang maunlad na bansa. Ano ang negatibong epekto ng
modernisasyon nsa ating kapaligiran?
a. Pagkakaroon ng polusyon sa lupa, hangin at tubig
b. Pagkaubos ng suplay ng pangunahing mineral.
c. Pagdagsa ng tao sa sentro ng industriyalisasyon
d. Paglikas ng mga taong apektado ng pagbabago.

_____50. Ang India ang isa sa mga bansang my malaking agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap.
Bilang isang tagapayo ng punong ministro, ano ang iyong maimumungkahi upang masolusyonan ang nasabing
suliranin?
a. Maaaring lakihan ang buwis na ipapataw sa mayayaman
b. Gawing sapilitan ang pagpaplano sa pamilya ng mga mahihirap.
c. Gawing sapilitan ang pagpaplano sa pamilya ng mayayaman\
d. Bigyan ng sapat na kalinga ang mahihirap.

“Sometimes we’re tested not to show our weaknesses, but to discover our strengths”.

Inihanda ni: Iniwasto nina: Sinuri ni: Inaprubahan ni:

Mary Joy B. Pantinople Cyril John E. Cervantes Aurora C. Silva Isidro D. Salanio
Guro AP Department Head Master Teacher I Principal I
Test II: MODIFIED TRUE OR FALSE: Isulat ang salitang Tama kung wasto ang pangungusap at kung
mali ay palitan ng tamang salita ang nakasalungguhit upang maging tama ang pangungusap.

_______31. Maliit lamang ang kinikita ng mga bansa sa Kanlurang Asya mula sa industriya ng langis.
_______32. Ang steppe ay isa sa mga uri ng vegetation cover sa Asya, Ito ay may malalalim na ugat o deeply
rooted tall grasses.
_______33. Ang Malaysia ang pinakamayaman sa natural gas sa Timog Silangang Asya.
_______3malaking4. Responsibilidad nating mga tao na pangalagaan ng ating likas na yaman dahil dito tayo
nabubuhay.

_______35. Niyog ang pangunahing panluwas na produkto ng Heneral Santos.


_______36. Magkaugnay ang likas na yaman at vegetation cover sa Asya.
_______37. Ang Global Warming ay ang pagtaas ng temperature sa daigdig dahil sa pagdami ng carbon
dioxide methane, at iba pang uri ng gas sa kapaligiran.
_______38. Ang bansang Indonesia ang pinakamalaking kapuluan na makikita sa rehiyon Asya.
_______39. Ang Literacy Rate ang ginagamit sa pagtukoy sa bahagdan ng populasyong ng isang bansa na may
kakayahang bumasa at sumulat?
_______40. Populasyon ang tumutukoy sa pandarayuhan o paglipat ng lugar o tirahan.

Test III: LARAWAN-SURI: Base sa obserbasyon ano ang ibig iparating ng larawan?41-45

Test IV. Ipaliwanag. 46-50


Paano nakaapekto ang heograpiya ng isang bansa sa pamumuhay ng mga Asyano?
Rubriks
Nilalaman 3
Organisasyon 2
Kabuuan 5

Prepared by:

MARY JOY B. PANTINOPLE


Subject Teacher Checked by:
CYRIL JOHN E. CERVANTES
AP Department Head
Evaluated by:

AURORA C. SILVA
Academic Head

Noted by:

ISIDRO D. SALANIO
Principal I

_____________________
Pangalan at Lagda ng Magulang/ Guardian

You might also like