Ap10 q3 m1 Na
Ap10 q3 m1 Na
Ap10 q3 m1 Na
AP10 Q3 M1 - n/a
10
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 1:
Mga Isyu at Hamong Pangkasarian
AIRs - LM
Downloaded by dfvsgnvfdfcs ([email protected])
lOMoARcPSD|36759964
Araling Panlipunan 10
Ikatlong Markahan - Modyul 1: Mga Isyu at Hamong Pangkasarian
Unang Edisyon, 2021
Tagapamahala:
Sapulin
Ang bahaging ito ng modyul ay isunulat upang pagtuunan ng pansin ang iba’t
ibang isyu at hamon tungkol sa Kasarian at Lipunan. Ito ay naglalaman ng mga
gawain na hahamon sa kaalaman at kasanayan ng mag-aaral na masuri at
maunawaan ang mga usaping may kinalaman sa Kasarian at Lipunan.
Makatutulong ang pag-unawang ito na malinang sa iyo ang pagpapahalaga,
pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang kasapi ng isang pamayanan,
bansa at daigdig.
Simulan
4. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, ang mga lalaki ay pinapayagang
magkaroon ng maraming asawa subalit maaring patayin ng lalaki ang kanyang
asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki. Anong
heneralisasyon ang ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
D. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng
lalaki noon kaysa sa kababaihan
9. Bawat dekada sa bansa natin ay may umusbong na ibang kultura. Piliin kung sa
anong dekada pinaniniwalaang umusbong ang Philippine Gay Culture?
A. Dekada 50 B. Dekada 60 C. Dekada 70 D. Dekada 80
13. Sa bansa natin ay maraming miyembro ng Ladlad, sino itong mga babae na ang
kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may pusong lalaki at umiibig sa
kapwa babae?
A. Bisexual B. Gay C. Lesbian D. Transgender
14. May mga taong di nila maipaliwanag kung minsan ang pakiramdam na
umaatake sa kanila, anong grupo ng mga tao ang nakakaramdam ng atraksyon
sa dalawang kasarian?
A. Bisexual B. Gay C. Lesbian D. Transgender
Panuto: Basahin at suriin ang sumusunod na bahagi ng awit at sagutin ang mga
sumusunod na katanungan sa iyong sagutan papel.
SIRENA
Ebe Dancel & Gloc-9
Kompositor
*Mula sa https://genius.com/Gloc-9-sirena-lyrics
Mga Tanong:
Gawain 3: Suri-Simbolo
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na simbolo. Kanino kaya tumutukoy ang mga
ito?
1. 2. 3.
Pinagkuhanan: https://www.cleanpng.com/free/lgbt-symbols.html
Mga Tanong:
1. Madali mo bang natukoy ang kahulugan ng unang dalawang simbolo?
ng pangatlo?
Lakbayin
Mga Isyu at Hamong Pangkasarian
Bawat lipunan sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay nagkakaroon ng paghahati
sa mga miyembro nito ayon sa kasarian. Sa kasaysayan, sa anumang lipunan sa
daigdig, lalaki ang karaniwang inaasahang bumuhay sa kaniyang mag-anak.
Mauugat ito sa Panahong Paleolitiko na lalaki ang nangangaso at nangangalap ng
pagkain para sa ikabubuhay ng pamilya. Nakakabit naman sa kababaihan ang
tungkulin na alagaan ang mga anak at maging abala sa mga gawaing-bahay.
Samakatuwid, noon, ang mga lalaki ay nagtatrabaho sa labas ng bahay at ang mga
babae ay inaasahang manatili sa loob.
Sa kasalukuyan, bunsod na marahil ng pag-unlad at paglaganap ng ideya ng
feminismo, nagkaroon na ng malaking pagbabago sa gampanin ng babae. Sa ating
bansa, masasabing sa kasalukuyan ay hindi na mahigpit ang lipunan sa pagtatakda
ng gampanin ng babae at sa lipunan. Bukod sa lalaki at babae naging hayag o
lantad na rin ang mga tinatawag na LGBT (lesbian, gay, biseksuwal, at transgender)
na nagnanais din na matanggap at kilalanin ang kanilang karapatan bilang
mamamayan.
Sa araling ito ay matutunghayan natin ang mga konseptong may kinalaman sa
Kasarian at Lipunan at ang gender roles sa Pilipinas at sa iba’t ibang lipunan sa
mundo. Sa bahaging ito masusukat ang iyong dating kaalaman sa paksa. Halina’t
lakbayin natin ang aralin.
Oryentasyong Seksuwal
B. Dekada 60
10
C. Dekada 80-90
D. Dekada 90s
• Isang malaking yugto para sa lesbian activism sa Pilipinas ang naganap nang
sumali ang di-kilalang samahan na Lesbian Collective sa martsa ng
International Women’s Day noong Marso 1992.
• Ito ang kauna-unahang demonstrasyon na nilahukan ng isang organisadong
sektor ng LGBT sa Pilipinas.
• Ang pinaniniwalaang simula ng LGBT movement sa Pilipinas.
• Itinatag ang ProGay Philippines noong 1993
• Metropolitan Community Church noong 1992
• UP Babaylan noong 1992
• CLIC (Cannot Live in a Closet)
• Lesbian Advocates Philippines (LeAP)
• Akbayan Citizen’s Action Party (Unang partidong politikal na kumonsulta
sa LGBT community)
• Lesbian and Gay Legislative Advocacy Network o LAGABLAB - noong
1999.
• September 21, 2003, itinatag ni Danton Remoto, propesor sa Ateneo de Manila
University, ang political na partido na Ang Ladlad.
• Sa simula, hindi pinayagan ng COMELEC ang Ang Ladlad na tumakbo sa
halalan 2010 dahil sa basehang imoralidad. Subalit noong Abril 2010, ang
partidong ito ay ganap nang pinaygan ng Kataas-taasang Hukuman ng
Pilipinas na sila ay lumahok sa halalan.
11
Sa mga rehiyong ito ng mundo, mahigpit ang lipunan para sa mga babae lalo
na sa mga miyembro ng komunidad ng LGBT. Matagal ang panahong hinintay ng
mga babae upang mabigyan sila ng pagkakataong makalahok sa proseso ng pagboto.
Nito lamang ikalawang bahagi ng ika-20 siglo nang payagan ng ilang bansa sa Africa
at Kanlurang Asya ang mga babae na makaboto.
Ang paglalakbay rin ng mga babae ay napipigilan sapagkat may ilang bansa na
hindi pinapayagan ang mga babae na maglakbay nang mag-isa o kung payagan man
ay nahaharap sa malaking banta ng pang-aabuso (seksuwal at pisikal).
Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), may 125 milyong
kababaihan (bata at matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa
29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Napatunayan ng WHO na walang
benepisyong-medikal ang FGM sa mga babae, ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri
ng gawain dahil sa impluwensiya ng tradisyon ng lipunang kanilang ginagawalan.
Ang Female Genital Mutilation o FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari
ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang benepisyong medikal. Ito ay
isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong walang bahid dungis ang babae
hanggang siya ay maikasal. Walang basehang-panrelihiyon ang paniniwala at
prosesong ito na nagdudulot ng impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at maging
kamatayan.
Sa bahagi ng South Africa, may mga kaso ng gang-rape sa mga lesbian (tomboy)
sa paniniwalang magbabago ang oryentasyon nila matapos silang gahasain. Bukod
12
pa rito, ayon na rin sa ulat na inilabas ng United Nations Human Rights Council
noong taong 2011, may mga kaso rin ng karahasang nagmumula sa pamilya mismo
ng mga miyembro ng LGBT.
New Guinea
Taong 1931 nang ang antropologong si Margaret Mead at ang kanyang asawa
na si Reo Fortune ay nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa Papua New Guinea upang
pag-aralan ang mga pangkultura pangkat sa lugar na ito. Sa kanilang pananatili
roon nakatagpo nila ang tatlong (3) pangkulturang pangkat; Arapesh,
Mundugamur, at Tchambuli. Sa pag-aaral sa gampanin ng mga lalaki at babae sa
mga pangkat na ito, nadiskubre nila ang mga pagkakatulad at pagkakaiba nito sa
bawat isa, at maging sa Estados Unidos.
Nang marating nina Mead at Fortune ang Arapesh (na nangangahulugang
“tao”), walang mga pangalan ang mga tao rito. Napansin nila na ang mga babae at
mga lalaki ay kapwa maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak, matulungin,
mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat.
Samantala sa kanilang namang pamamalagi sa pangkat ng Mundugumur (o
kilala rin sa tawag na Biwat), ang mga mga babae at mga lalaki ay kapwa matapang,
agresibo, bayolente, at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang
pangkat.
At sa huling pangkat, ang Tchambuli o tinatawag din na Chambri, ang mga
babae at mga lalaki ay may magkaibang gampanin sa kanilang lipunan. Ang mga
bababe ay inilarawan nina Mead at Fortune bilang dominante kaysa sa mga lalaki,
sila rin ang naghahanap ng makakain ng kanilang pamilya, samantala ang mga
lalaki naman ay inilarawan bilang abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig
sa mga kuwento.
Binabati Kita!!
Sa araling ito, natunghayan mo ang iba’t ibang konsepto sa kasarian, maging
ang mga uri ng kasarian. Nailatag din sa araling ito ang kasaysayan ng mga
LGBT sa Pilipinas at ang iba’t ibang gender roles sa ibang bahagi ng daigdig.
13
Galugarin
Gawain 4: Basa-Suri!
Mga Tanong:
14
Sex Gender
Kahulugan Kahulugan
______________________________________ ______________________________________
______________________________________ _______________________________________
______________________________________ _______________________________________
______________________________________ _______________________________________
Katangian Katangian
_______________________________________ ______________________________________
_______________________________________ _______________________________________
_______________________________________ _______________________________________
_______________________________________ _______________________________________
Mga Tanong:
15
Panahong Pre-Kolonyal
Panahong Espanyol
Panahong Amerika
Panahong Hapones
Kasalukuyang Panahon
Mga Tanong:
16
Basahin ang mga salitang nakatakda. Itala sa kahon sa ibaba ang mga
salitang sa tingin mo ay tumutukoy sa mga lalaki, babae, at LGBT, maaaring
mag-ulit ng mga salita. Ipaliwanag ang kasagutan. Isulat ang sagot sa papel.
17
Palalimin
KONTRIBUSYON
2. 2. 2.
3. 3. 3.
Mga Tanong:
18
Gawain 9:
19
Sukatin
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
3. Sa bansa natin ay maraming miyembro ng Ladlad, sino itong mga babae na ang
kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may pusong lalaki at umiibig sa
kapwa babae?
A. Bisexual B. Gay C. Lesbian D. Transgender
20
9. Bawat dekada sa bansa natin ay may umusbong na ibang kultura. Piliin kung sa
anong dekada pinaniniwalaang umusbong ang Philippine Gay Culture?
A. Dekada 50 B. Dekada 60 C. Dekada 70 D. Dekada 80
14.Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, ang mga lalaki ay pinapayagang
magkaroon ng maraming asawa subalit maaring patayin ng lalaki ang kanyang
asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki. Anong
heneralisasyon ang ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
D. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng
lalaki noon kaysa sa kababaihan
21
22
Karagdagang Gawain
Panuto: Gamit ang format na nasa kahon ikaw ay magsusulat ng isang sanaysay na
iyong ilalahad ang mga natutunan mo mula sa paksa na iyong binasa at
mga gawaing sinagutan. Ilagay ang sagot sa papel.
23
Sanggunian
A. Mga Aklat
• Antonio Eleanor L., Dallo Evangeline M., Imperial Consuelo M., Samson Maria
Carmelita B., at Soriano Celia D. Kayamanan Mga Kontemporaryong isyu,
Binagong Edition
• Sarenas Diana Lyn R., Pedrajas Teresita P., Belen Walfredo P., Global Times
Living History, Kontemporaryong Isyu, K to 12 Curriculum Compliant
• https://www.wattpad.com/134515586-lgbt-101-ano-ang-lgbtqipa%2B
• https://genius.com/Gloc-9-sirena-lyrics
• https://www.cleanpng.com/free/lgbt-symbols.html
26