Aralin-3 2

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

ARALIN 3.

2
PANITIKAN: MULLAH NASSREDDIN
(ANEKDOTA MULA SA PERSIA/IRAN)
ANG ARALIN 3.2 AY TUNGKOL SA ANEKDOTANG PERSIA(IRAN)
NA KAKIKITAAN NG MGA KASABIHAN,REHILIYON SA PANINIWALANG
SUFISM,PAGPAPAUNLAD NG ISANG INDIBIDUWAL SA PAMAMA-
GITAN NG PANDAMA.MASUSURI RIN ANG KANILANG MATAPAT NA
PAKIKIPAMUHAY SA KAPWA AT MGA NAIAMBAG NG KANILANG
MAHUSAY NA MGA MANUNULAT SA MUNDO NG PILOSOPIYA AT
PANINIWALA.
SA PERSIA (IRAN),ANG KANILANG MGA LUPAIN,MGA TAO NA
BINABANGGIT KASAMA NG MEDO,AT MGA PERSIANO AY
MAGKAKAUGNAY NA MGA BAYAN NG SINAUNAG TRIBONG
ARYANO.MAYAMAN SA SINING TULAD NG PAGPANA AT
PANGANGABAYO.ANG PAGSASABI NG KATOTOHAN AY MAKIKITA
SA LITERATURANG NAIAMBAG NILA SA MARAMING BANSA SA
DAIGDIG.
MULLAH NASSREDDIN
ISINALIN SA FILIPINO NI
RODERIC P. URGELLES
Mullah Nassreddin
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e


Din (MND) ang pina
kamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa
kanilang bansa.
Lagi itong naaalaala ng mga Iranian na dating mga
Persiano noong
sila ay mga bata pa. Libo-libong kuwento ng
katatawanan ang
naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang lipunan.
Tinagurian din siya
ng alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa
mapagbiro at puno ng
katatawanang estilo sa pagsulat
Nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao ang kaniyang mga naisulat mula noon
magpasahanggang ngayon.Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng
isang talumpati sa harap ng maraming tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong siya,
“Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Sumagot ang mga nakikinig “Hindi,” kung
kaya’t kaniyang sinabi “Wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang
aking sasabihin at siya ay umalis. Napahiya ang mga tao.
Inanyayahan siyang muli upang magsalita kinabukasan. Nang muli niyang tanungin
ang mga tao ng katulad na katanungan ay sumagot sila ng “Oo,” sumagot si Mullah
Nassreddin “Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayangin
ang marami ninyong oras” muli siyang umalis. Ang mga tao ay nalito at nataranta sa
kaniyang naging sagot. Sinubukan nilang muli na anyayahan si Mullah Nassreddin
upang magbigay ng pahayag at muli siyang nagtanong “Alam ba ninyo ang aking
sasabihin?” Handa na ang mga tao sa kanilang isasagot ang kalahati ay nagsabi ng
“Hindi,” at ang kalahati ay sumagot ng “Oo,” kung kaya’t muling nagsalita si Mullah
Nassreddin “Ang kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sa
kalahati na di alam ang aking sasabihin,” at siya ay lumisan.

You might also like