Yunit 5

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

170

MGA TIYAK NA
YUNIT SITWASYONG
5 PANGKOMUNIKASYON

Sa pagtatapos ng yunit na ito, ang mga mag-aaral

ay inaasahang:
a. napaghahambing ang kaniya-kaniyang kakanyahan ng
mga tiyak na gawaing pangkomunikasyon katulad ng
lektyur, simposyum, worksyap o seminar.
b. natatalakay ang mga tiyak na hakbang upang makabuo
ng mga gawaing pangkomunikasyon katulad ng lektyur
o lecture, simposyum o symposium, worksyap, pantas-
ara o seminar.
c. nakapaglulunsad ng alinman sa mga sumusunod na
LAYUNIN gawaing pangkomunikasyon.
d. nasusuri ang mga kahalagahan at mga kapakinabangan
ng bawat uri ng tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon.

BALANGKAS NG ARALIN

1. Forum
a. Pag-oorganisa at Pagpaplano ng Forum
2. Lektura
a. Mga Mungkahi sa Epektibong Lektyur
3. Pantas-Aral
4. Worksyap o Workshop
5. Simposyum o Symposium
6. Kumperensya o Conference
7. Kondukta ng Pulong/ Miting/ Asembliya
a. Pag-oorganisa ng Pulong
b. Mga Dapat Iwasan sa Pulong
c. Mga Uri ng Pagpupulong

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG

KAGAMITANMacaraeg et al. 111
171

FORUM

Ang forum ay isang pagtitipon o asembliya na

bukas para sa publiko upang magkaroon ng talastasan
o diskusyon kung saan ang pananaw o opinyon ng mga
tao tungkol sa isang isyu ay maaaring maibahagi.
 Isang masusing pag-uusap tungkol sa isang
paksa na humihingi ng opinyon sa miyembro
o kasapi ng kapulungan. https://tinyurl.com/5n6wj9xb
 Nalilinaw asa paksa sa suliranin o sa iba pang bagay na inilatag ng kapulungan
o tagapagsalita sa mga kasapi o tagapakinig.
 Open Forum o Malayang talakayan – nagaganap sa isang pormal na
pagpupulong.
 Madalas na nahahawig sa debate sapagkat ang paksang tinatalakay ay
maaring pagtalunan.

Mga dapat isaalang-alang sa isang forum:

Layunin, pagpaplano at pagsasagawa
- Bakit kailangan ang forum.
- Ano ang nais makamit sa gagawing forum.
- Maghahanap ng maaring magingisponsor sa gagawing forum.
- Magtalaga ng mga taong mangangasiwa sa pagsasagawa ng forum.
- Ilahad ang mensaheng mahalaga at makatotohanan.
- Pag-isipang mabuti ang daloy ng isasagawang forum.

Paano nakikilahok sa ganitong pag-uusap?

1. Maghanda para sa talakayan
2. Magbigay ng opinyon sa paraang may pagsasaalang-alang.
3. Magkaroon ng positibong kontribusyon.
4. Maging magalang.
5. Magbigay ng mahalaga at sapat na impormasyon.
6. Magtala.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG

KAGAMITANMacaraeg et al. 112
172

Bilang lider ng ganitong pag-uusap, ano ang kailangang gawin?

1. Maghanda nang mabuti.
2. Ihanda ang pasilidad.
3. Dumating nang maaga.
4. Kailangang maistablis ang isang atmosperang “ business-like “.
5. Gabayan ang diskusyon.
6. Hikayatin ang partisipasyon ng mga dumalo.
7. Kailangang nakapokus sa agenda o usapin.
8. Kailangang matutong magbigay ng konklusyon.
9. Batiin ang mga nagsipagdalo.
10. Humingi ng paumanhin sa mga bagay o insidenteng hindi inaasahan.

Tagapakinig
 Alamin kung sino ang nais na maging tagapakinig.
 Pagpapalaganap ng impormasyon sa gaganaping forum.
 Maging malikhain sa pagpukaw ng atensyon sa maaring maging tagapakinig sa
gagawing forum.
Tagapagsalita
 Wastong pagpili ng mga tagapagsalita sa gagawing forum.
 Kailangang angkop sa tagapagsalita sa kanyang magiging paksa.
 Gumawa ng mga pananaliksik na makatutulong sa pagpapaklilala ng mga
tagapagsalita.

Dalawang Uri ng Forum

1. Pampublikong Forum
Ang pampublikong forum ay pagtitipon ng walang ekslusyun na maisagawa sa isang
bahagi ng daan (street), parke (park) o maging sa maliit na eskenita (sidewalk).
2. Di publiko o Ekslusibong Forum
Ito ay ang mga pagpupulong ng isang pangkat na maaaring limitado lamang sa
isang organisasyonal o samahan, dito ay ekslusibong pinag-uusapan ang mga layunin,
gawain, proyekto at tunguhin.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG

KAGAMITANMacaraeg et al. 113
173

MUNGKAHING Pasanaysay!
GAWAIN 32
Pangalan:___________________________ Petsa:____________

Kurso at Taon/Seksiyon:________________ Iskor:____________

Panuto: Batay sa iyong pagkakaunawa, ilahad ang suliranin, layunin at kahalagahan ng

forum. Isulat ito sa pasanaysay. (20 puntos)

____________________________________________

_____________________________________________________________

____________________________________________________________

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG

KAGAMITANMacaraeg et al. 114
174

LEKTURA

Ang lektura ay tumutukoy sa oral na

presentasyon ng mga impormasyon o karunungan na
kailangan ng mga tao para sa partikular na paksa o
asignatura. Kasama rito ang pagbabahagi ng mga
kritikal na impormasyon mga teorya at iba pa.
Karaniwan na nakatayo sa harap ng maraming tao sa
loob ng isang silid o tiyak na lugar ang isang lektyurer
o tagapagsalita upang magsagawa ng pagtalakay sa
https://tinyurl.com/2p8f85j3
paksa ng kanyang lektyur.
Si Bligh (1972), ay naniniwala na ang lektyur ay isang paraan ng pagtalakay na
ginagawa sa pamamagitan ng walang tigil na pagsasalita ng dalubguro. Higit na naging
detalyado ang depinisyon nina Percival at Ellington (1998) sa konseptong ito na
nagsasabing ito ay isang pamamaraan ng pagtuturo na kinasasangkutan ng linyar na
komunikasyon mula sa aktibong tagapagsalita tungo sa mga pasibong tagatanggap ng
impormasyon.
Adbentahe (advantages) ng lektura:
 Madaling pagkakalantad sa mga bagong kaalaman.
 Madaling pangasiwaan ang isang napakalaking pangkat
ng mga tagapakinig manood.

Di adbentahe(disadvantages) ng lektura:
 Pasibo ang pamamaraan ng partisipasyon ng mga
tagapakinig o mag-aral sa proseso ng komunikasyon
 Isang daluyan lamang (one-way) ang proseso ng komunikasyon.

Mga mungkahi sa epektibong lektura

A. Pagkakaroon ng kahandaan
Ang magsasagawa ng lektyur ay kailangang bumuo ng balangkas at mga
katulong na biswal (visual aid/audiovisual) na may pagsasaalang-alang na interes ng
mga inaasahang tagapakinig o tagapanood upang makuha ang kanilang atensyon sa
isasagawang lektyur. Kung sakali man na ang nagsasagawa ng lektyur ay madalas na

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG

KAGAMITANMacaraeg et al. 115
175

kabahan sa tuwing humaharap sa maraming tao, makatutulong ang ibayong

paghahanda upang mapaglabanan ang kaba o takot.
B. Pagkakaroon ng pokus
Makatutulong din ang pagkakaroon ng pokus upang maayos na maisakatuparan
ang gagawing lektyur. Ang pamamahagi ng balangkas sa mga mag-aaral o partisipant
ng lektyur ay maari ding makatulong sa makabuluhang pagtalakay.
C. Pakikilahok ng tagapanood o tagapakinig
Tungkulin ng nagsasagawa ng lektyur na pahalagahan ang kanyang mga
tagapakinig, manunuod, at lahat ng partisipant upang maging makabuluhan ang
anuman na kanyang gagawing pagtalakay. Iminumungkahi na kilalanin kung sino ang
partisipant o kalahok sa lektyur upang maiangkop ang kahandaan ng lektyurer sa mga
bagay na makapupukaw ng interes ng tagapakinig o kalahok.
D. Pagkuha ng komento o tugon (feedback)
Ang pagkuha ng komento o tugon buhat sa mga naging partisipant o kalahok at
napakahalagang bahagi ng isang lektyur sapagkat maari itong maging sanligan ng
lektyurer sa implementasyon ng kanyang mga isasagawang lektyur sa darating na mga
pagkakataon. Kung ang pagtugon at positibo, nangangahulugan na ang lektyurer ay
naging matagumpay sa kanyang tungkulin sa pagsagawa ng lektyur.
Kalakasan ng Lektura
 Ito ay mahalaga sa pagkakalantad ng mga bagong kagamitan at kaalaman.
 Nagdudulot ng mataas na antas ng kontrol ng dalubguro sa klase.
 Nagbibigay ito ng pormat na tugma upang mapangasiwaan ang isang
napakalaking pangkat ng mga tagapakinig at tagapanood.
Kahinaan ng Lektura
 Nailalagay ang mga mag-aaral sa pasibong pamamaraan ng komunikasyon.
 Ito ay isang daluyan lamang o linyar ang nagiging komunikasyon.
 Ang pagtalakay ay nakasasalay sa kasanayan o kahusayan ng tagapanayam sa
kanyang isinasagawang pagtalakay.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG

KAGAMITANMacaraeg et al. 116
176

MUNGKAHING Positibo o
GAWAIN 33 negatibo?

Pangalan:___________________________ Petsa:____________
Kurso at Taon/Seksiyon:________________ Iskor:____________
Panuto: Ilahad ang mga maaring positibo at negatibong dulot sa pagsasagawa ng
lektura bilang gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino lalo na sa mga mag-aaral sa
isang klase. (20 puntos)

POSITIBO

NEGATIBO

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG

KAGAMITANMacaraeg et al. 117
177

PANTAS-ARAL
Ang pantas-aral o seminar ay isang pormal na
akademikong instruksyon na maaring magmula sa isang
unibersidad o pamantasan, mga komersyal o propesyunal
na organisasyon.

Ito rin ay isang interaktibo na paraan ng

pagtuturo ng pangkat, na karaniwang nagbibigay-daan sa
isang madla upang makakuha ng pinakamataas na
kaalaman. Ang pakikipag-ugnayan ng madla sa
https://tinyurl.com/4cmx3vrm
tagapagturo ng seminar ay nagbibigay-daan para sa debate at diskusyon batay sa mga
bagong ideya na nabuo mula sa mga tagapakinig. Ito naman ay humahantong sa isang
mas proactive, kagiliw-giliw na sesyon kung saan ang parehong madla at ang sariling
tagapagturo ay may karanasan sa pag-aaral. Ang mga seminar ay maaaring may
dalawang uri. Binayaran o libre at ang layunin ay maaaring mag-promote ng isang tatak
o pag-usapan lamang ang isang paksa.

Sangkap na matagumpay na maisakatuparan ang pantas-aral:

a. Layunin
Ang layunin ng isang seminar o dahilan ng gagawing pagtitipon. Mahalaga rin
na nakakapaloob dito ang petsa, lugar na pagdarausan, istilo ng silid, audio na
pangangailangan, upuan para sa mga kalahok at iba pa.
b. Paksa
Ang paksa o usapin na tatalakayin.
c. Tagapagsalita
Mahalaga ang tagapagsalita sila ang magbabahagi ng kanilang kaalaman tungkol
sa paksa ng seminar.
d. Manunuod o dadalo/kalahok
Sila ang mga audience o tagapakinig sa gaganaping seminar.
e. Lugar na Pagdarausan
Dito gaganapin ang isang seminar.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG

KAGAMITANMacaraeg et al. 118
178

Uri ng Seminar:

Pambansang
Seminar

Internasyunal
Mini- Uri ng na Seminar
Seminar
Pantas-Aral

Pangkalahatang
Seminar

 Mini-Seminar
Ang seminar na ito ay inoorganisa at isinasaayos upang talakayin ang paksa sa
klase.
 Pambansang Seminar
Ito ay isang samahan na inoorganisa sa pambansang antas.
 Internasyunal na Seminar
Ang ganitong seminar ay isinasaayos ng UNESCO at iba pang-internasyunal na
organisyon.
 Pangkalahatang Seminar
Ito ay inoorganisa sa departmental na lebel o institusyonal na lebel.

Mga komite sa pantas-aral:

Tagapangulo
 Tagapanguna sa pagsasagawa at pagdedesisyon sa isang seminar.
Kalihim
 Kaagapay ng Tagapangulo sa pagbalangkas ng seminar.
Tagapangulo sa usaping teknikal
 Tagapangasiwa sa teknikal na mga gawain sa isang seminar.
Tagapagsalita
 Tagapaglahad ng mga impormasyon na may kinalaman sa paksa.
Tagapakinig
 Mga inaasahang dadalo sa isasagawang seminar.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG

KAGAMITANMacaraeg et al. 119
179

MUNGKAHING Sariling
GAWAIN 34 Pagpapakahulugan

Pangalan:___________________________ Petsa:____________
Kurso at Taon/Seksiyon:________________ Iskor:____________
Panuto: Ibigay ang sariling pagpapakahulugan sa paksang ating natalakay patungkol
sa mga uri ng seminar. (20 puntos)

PAMBANSANG SEMINAR

MINI- SEMINAR

INTERNASYUNAL SEMINAR

PANGKALAHATANG-SEMINAR

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG

KAGAMITANMacaraeg et al. 120
180

WORKSYAP

Ang worksyap ay kinabibilangan ng mga elementong

taglay ng isang seminar, bagamat ang malaking bahagi nito
ay nakapokus sa “hands-on practice”. Ito ay idinisenyo upang
aktwal na magabayan ng tagapagsalita o tagapangasiwa ang
mga partisipant sa pagbuo ng isang awtput na bahagi ng
pagtalakay. https://tinyurl.com/2
Ang “training workshop” ay isang uri ng interaktibong pagsasanay na kung saan
ang mga partisipant ay sumasailalim sa mga gawaing huhubog sa kanilang kasanayan
sa halip na maging mga pasibong tagapakinig lamang.
Dalawang uri ng worksyap:
 General worksyap- ang gawain ay ibinibigay sa magkakaibang partisipant
 Closed partisipant- ay ibinibigay sa espisipikong pangkat ng tao.
Ang worksyap ay isang maikling programang pang-akademiko na idinisenyo
upang turuan ang mga partisipant ng praktikal na kasanayan, pamamaraan o ideya na
maari nilang gamitin sa kanilang trabaho o pang-araw-araw. Binubuo ito ng maliit na
bilang ng mga partisipant (karaniwan ay nasa 6 hanggang 15) upang mabigyan ng
personal na atensyon at pagkakataon na sila ay mapakinggan ng tagapamahala o
tagapagsalita. Kinasasangkutan ito ng mga aktibong partisipant na maaaring
makaimpluwensya sa direksyon ng worksyap. Kinasasangkutan din ito ng malayang
pagpapalitan ng impormasyon ng mga partisipant sa halip na dominasyon ng ideya ng
tagapagsalita. Karaniwan itong natatapos sa presentasyon na nabuo sa loob ng sesyon
ng worksyap.
Salik ng worksyap:
1. Kasapi- binubuo ng maliit na grupo na karaniwang mayroong anim hanggang
labing-lima.
2. Interes- nakadisenyo para sa pare-parehong tao o interes na parehong sangay.
3. Karanasan- inihanda sa panibagong gawain o paksa ng talakayan na kailangan ng
pag-eensayo.
4. Aktibong Partisipasyon- kailangan ang ibayong partisipasyon na maaaring
makaimpluwensya sa direksyon sa worksyap.
5. Awtput- natatapos ang gawain sa pagkakaroon ng presentasyon ng awtput.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG

KAGAMITANMacaraeg et al. 121
181

MUNGKAHING Paglalarawan
GAWAIN 35

Pangalan:___________________________ Petsa:____________
Kurso at Taon/Seksiyon:_______________ Iskor:____________
Panuto : Sa paksa na natalakay patungkol sa worksyap, ilarawan ng may kahusayan at
may kabuluhan. Magbigay ng sariling ideya kung paano magiging epektibo ang pagbuo
ng isang worksyap. (20 puntos)

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG

KAGAMITANMacaraeg et al. 122
182

SIMPOSYUM

Ang simposyum ay isang pormal

na pagtitipon sa akademikong tagpuan na kung saan
ang mga partisipant ay mga paham o eksperto sa kani-
kanilang larangan. Tinatalakay ng mga eksperto o
paham ang kanilang mga opinyon o pananaw sa
partikular na paksa ng pagtalakay. Karaniwan na
nagkakaroon ng talakayan matapos na ang
tagapagsalita ay makapagbabahagi na ng https://tinyurl.com/444ex2u4

kanyang saloobin sa pamamagitan ng kanyang talumpati.

 Pangkatang talakayan tungkol sa isang tiyak at napapanahong isyu.
 Maraming inaasahang tagapagsalita na magbabahagi ng mga
impormasyon tungkol sa isang paksa o napapanahong usapin sa mga
inimbitang tagapakinig o kalahok.
 Tinatawag din itong kumperensiya.
ILANG DAPAT TANDAAN SA PAGSASAGAWA NG SIMPOSYUM:
1. Paghahanda ng bulwagan
2. Pagpapaalam sa madla ng mga detalye ng simposyum
3. Pagbuo ng programa para sa simposyum
4. Pakikipag-usap sa caterer
5. Kagamitan
Kalakasan ng Simposyum
 Nagtataglay nang mas maayos na organisasyon ng gawain at paghahanda dahil ang
mga kinakailangang salik ay nakahanda.
 Nabibigyan ng pagpapalalim ang mga talakayan buhat sa iba’t ibang opinyon at
kaalaman ng mga tao.
 Akma ang gawaing ito para sa mga malawak na tema ng talakayan.
Kahinaan ng Simposyum
 Nagdudulot ng hindi pagkakaroon ng aktibong talakayan buhat na ito ay limitado
lamang.
 Nagkakaroon ng overlapping of the subject na maaaring matalakay ng iba pang
kasama sa simposyum.
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG
KAGAMITANMacaraeg et al. 123
183

MUNGKAHING
Pasanaysay
GAWAIN 36

Pangalan:___________________________ Petsa:____________

Kurso at Taon/Seksiyon:________________ Iskor:____________

Panuto: Ibigay ang iyong sariling opinyon patungkol sa katnungan na nasa ibaba sa
pamamagitan ng sanaysay. Ilahad ito nang may kaayusan at malikhaing
pagpapahayag. (20 puntos)

Dapat bang isulong muli ang MARTIAL LAW sa

ating bansa? Para sa iyong palagay ito ba ay
mahalaga.

________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
____________________________________________________________

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG

KAGAMITANMacaraeg et al. 124
184

KONPERENSYA O CONFERENCE
Ang konperensya ay tumutukoy sa isang pormal na pagpupulong na kung
saan ang kasali o partisipant ay binibigyan ng
pagkakataon na makapagbigay ng kanilang
pagtalakay sa iba't ibang paksa.
Nagkakaroon ng malaking mga delegado at
mga kalahok ang konperensya na maaaring mula sa
iba’t ibang panig ng mundo.
Ang konperensya ay maaring ganapin sa iba’t
ibang larangan at hindi naman kailangan na palaging https://tinyurl.com/mrymyt29
nakasentro ito sa larangan ng akademya.

Hakbang sa pagbuo ng isang konperensya (conference)

1. Pagpapasya ng tema
2. Pagpapasya sa maaaring makasama sa pangkat para sa
pagpaplano o pangangasiwa
3. Paghahanda ng plano sa budget at mga pangugulan nito
4. Pagpapasya para sa araw at lugar na pagdarausan ng gawain
5. Pagpili ng mga tagapagsalita
6. Pagpapatala at Promosyon

Salik ng Konperensya:
 Komite sa Pagpaplano
Mamahala sa pagbuo ng konsepto ng konperensya at magiging tagapagdaloy ng
programa.
 Komite para sa Promosyon ng Gawain
Kailangan ipakilala sa publiko ang gawain na maaaring sa social media.
 Komite sa Pamamahala sa Isponsor
Magtatalaga sa paghahanap ng isponsor na mapagkukunan ng mga gagastusin sa
mga pangangailangan ng konperens.
 Komite sa Ebalwasyon
Namamahala sa pagkakaroon ng ebalwasyon ng gawain upang higit na mapaunlad
ang susunod na gawain na may kaugnayan dito.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG

KAGAMITANMacaraeg et al. 125
185

MUNGKAHING
Hambingin mo!
GAWAIN 37

Pangalan:___________________________ Petsa:____________
Kurso at Taon/Seksiyon:________________ Iskor:____________
Panuto: Hinggil sa iyong sariling pagkakaunawa. Ilahad ang pagkakaiba at Pat
pagkakatulad ng konperensya at simposyum. (15 puntos)

KONPERENSYA SIMPOSYUM

PAGKAKATULAD

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG

KAGAMITANMacaraeg et al. 126
186

MGA BABASAHIN AT SANGGUNIAN

Chegg Inc. (2002-2022) Katitikan ng pulong. https://tinyurl.com/4vumrdxb.

Delfin, S. (2015). Mga tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon (Group 3- FILE
Project). https://tinyurl.com/3ds37svp
Gene, J. (2020). Sitwasyong pangkomunikasyon: forum, simposyum at panayam
o interbyu. https://tinyurl.com/5n6kzxb4
Layosa, J. (2019). Kondukta ng pulong/miting/asembliya. https://bit.ly/3vSezKS
Maranan, L. (2020). FIL1-Modyul 4- Aralin 1-3- mga tiyak na sitwasyong pang
komunikasyon. https://tinyurl.com/yj4xspby
Minor, J. (2021). Fil1 w14 | mga tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon
https://tinyurl.com/2c3vfjvj
Prof. Lei (2020) Iba’t ibang pormal na gawaing pangkomunikasyon
https://tinyurl.com/4xvn2aku
Vargas, H. (2021). Mga tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon gamit ang wika
https://tinyurl.com/mby34wtb

Mga karagdagang
panood na
konektado sa mga
natalakay na paksa.

https://tinyurl.com/5n6kzxb4 https://tinyurl.com/2c3vfjvj

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO: SUPLEMENTARYONG

KAGAMITANMacaraeg et al. 127

You might also like