MGA Tiyak Na GAWAING PANGKOMUNIKASYON

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

MGA GAWAING

PANGKOMUNIKASYON
A. Lektyur o Lecture
Ang lektyur ay tumutukoy sa oral na presentasyon ng mga
impormasyon o karunungan na kailangan ng tao para sa
isang partikular na paksa. Maraming halimbawa ang
lecture tulad ng sermon ng pari sa kanilang homiliya,
pagbebenta ng mga negosyante sa kanilang target na
mamimili. Karaniwang nakatayo sa harap ng maraming tao
sa isang silid o tiyak na lugar upang maisagawa ang
pagatatalakay ng paksa.
Mga Mungkahi sa Epektibong Lektyur o Lecture

1.Pagkakaroon ng kahandaan
2.Pagkakaroon ng pokus
3.Pakikilahok ng mga tagapanood o tagapakinig
4.Pagkuha ng komento o feedback
Pagkakaroon ng Kahandaan

Isa sa mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng lectyur ay ang


pagkakaroon ng layunin ng isinasagawang pagtatalakay. Ito ang
bahagi na siyang magbibigay ng direksyon sa gawain at siyang
magdidikta sa mga bagay na dapat matutunan ng mga kasali sa
lektyur o lecture at kung bakit ito dapat na matutunan.
Ang magsasagawa ng lektyur ay kailangang bumuo ng balangkas at
mga katulong na audiovisuals na any pagsasaalang-alang sa inetres
ng mga inaasahang tagapakinig o tagapanood upang makuha ang
kanilang atensyon sa isasagawang lektyure o lecture.
Pagkakaroon ng Pokus
Makatutulong din ang pagkakaroon ng pokus
upang maayos na maisaktuparan ang gagawing
lektyur o lecture.
Pakikilahok ng Tagapakinig o Tagapanood
1. Kilalanin kung sino ang participant o kalahok sa lektyur upang maiangkop ang kahandaan ng makikipanayam o
lecturer sa interes o bagay na makapupukaw ng kanilang atensyon.

2. Maaring lagyan ng drama ang pagtatalakay katulad ng paggamit ng sipi, biswal, anekdota, at iba pang mga material na
mag kaugnayan sa paksa.

3. Maaring gumamit ng niba’t ibang estratehiya upang mapukaw ang atensyon ng bawat participant sa pakikiisa sa
lektyur o lecture katulad ng mga sumusunod: paggamit ng multimedia, pakikipagbaliktaktakan, maliit na
pagpapangkat o small- group techniques, at marami pang iba.

4. Iugnay ang pagtalakay sa mga bagay na makatotohanan para sa mga participant batay sa kani-kanilang mga karanasan.

5. Gawing aktibong participant ang mga kalahok sa pamamagitan ng manaka-nakang pagtawag sa kanilang atensyon o
kaya ay pagtatanong.
B. Simposyum o Symposium

Ito ay isang pormal na pagtitipon sa akademikong


tagpuan na kung saan ang mga partisipant ay mga
paham o eksperto sa kani-kanilang larangan. Dito
tinatalakay ang mga opinyon ng mga paham sa isang
partikular na paksa na maaaring magkaroon ng
malayang talakayan matapos makapagsalita ang isang
indibidwal.
C.Pantas-aral o Seminar
◦ Pormal na akademikong instruksyon na maaaring ibigay ng isang pamantasan
o kolehiyo, komersyal o propesyunal na organisasyon. Tungkulin nitong lipunin
ang mga maliit na pangkat para sa mahalagang pag-uusap sa isang paksa. Ang
magsasagawa ng seminar ay lagging handa upang maisguro ang pagiging epektibo
sa iniaatas na paksa at sa madla.

◦ Upang mapagtagumpayan ang naturang seminar, kinakailangan ang mga


sumusunod na sangkap tulad ng Layunin, Paksa, Tagapagsalita,
Manonod/Tagapakinig o dadalo at Pagdarausan.
D.Worksyap o Workshop

◦ Kinabibilangan ng mga elementong taglay ng isang seminar bagamat ito ay


nakapokus sa “hands-on-practice” na idinisenyo upang aktwal a magabayan ng
tagapagsalita o tagapangasiwa ang mga partisipant sa pagbuo ng isahang output na
bahagi ng pagtalakay.

◦ Ayon nga kay Jolles (2005), ang training workshop ay mayroong dalawang anyo:
General workshop na ibinibigay sa magkakaibang partisipant at closedworkshop na
inihanda batay sa pangangailangan ng espisipikong pangkat ng tao.
1. Pagpaplano – kabilang na rito ang paksa, partisipant, bilang ng
partisipant, oras na laan, mga gawaing nakahanda, mga kagamitan
at presentasyon.

2. Paghahanda – kabilang na ang lugar ng pagdarausan, kagamitan


na kailangan sa aktwal na worksyap, pagkain para sa partisipant at
tagapagsanay, dokumentasyon at ebalwasyon.
3. Implementasyon – na binubuo ng panimula, nilalaman at wakas.
E. Kumperensya o Conference

Ito ay tumutukoy sa isang pormal na pagpupulong na


kung saan ang partisipant ay bibigyan ng
pagkakataon na makapagbigay ng kani-kanilang
pagtalakay sa iba’t ibang paksa sa iba’t ibang
larangan. Mas malawak ang delegado ng
kumperensiya kaysa simposyum.
1.Pagpapasya sa tema;
2.Magpasya sa mga maaaring makasama sa pangkat;
3.Ihanda ang plano para sa budget at paggugulan nito;
4.Paghahanap ng sponsor para sa mga gastusin;
5.Pagpapasya sa araw at lugar na pagdarausan;
6.Pagpapatala at promosyon; at
7.Pagpapasya sa mangangasiwa sa iba’t ibang komite;
Ang mga komite ay nahahati sa pito at ito ang mga sumusunod:
1. Komite para sa Pagpaplano
2. Komite para sa Administrasyon
3. Komite para sa Promosyon ng gawain
4. Komite para sa mga mamamahala sa isponsor
5. Komite para sa Dokumentasyon
6. Komite para sa Ebalwasyon
7. Komite para sa Seguridad
F. Iba pang Gawaing Kinasasangkutan ng
Komunikasyon

Taunang Pangkalahatang Pagpupulong (Annual General


Meeting). Ito ay pagpupulong ng mga shareholder ng
isang korporasyon kung saan ang bawat isa ay binibigyan
ng pagkakataon na alamin sa mga Board o Directors o
Board of Trustees kung ano ang progreso ng organisasyon.
Sa pagkakataong ding ito karaniwang ginaganap ang
eleksyon para sa mga bagong Board of Directors.
Ang Conclave ay karaniwang inuugnay saa
eleksyon ng bagong Santo Papa, subalit, hindi
ito nangangahulugan na ito ay para lamang sa
okasyong ito. Maaaring ding gamitin ang
conclave sa mga sikretong pag-uusap o closed
door meetings na kinasasangkutan ng mga
indibidwal na makapangyarihan at
maimpluwensya.
Ang Galas ay tumutukoy sa glamorosong
okasyon na kinabibilangang ng malaking
hapunang piging (dinner party) na may
kasamang kasiyahan at paggawad ng
parangal. Ang kasuotan ng mga kalahok ay
pormal at magarbo.
Ang Bangkete (Banquets) ay katulad din ng
gala sa antas ng pananamit ng mga kalahok
at lugar na pagdarausan nito. Ito ay piging
na karaniwang inihahanda ng malalaking
kumpanya para iangat ang moralidad ng
kanilang mga manggagawa.
Paglulunsad ng mga produkto (product
launching). May mga industriya na
isinasagawa ang malawakang paglulunsad
ng kani-kanilang mga produkto upang
makakuha ng mataas na antas pagkilala ang
kanilang mga produkto. Karaniwan silang
nagbibigay ng halimbawa o sample ng mga
produkto ng kanilang ipinakikilala.
Pabilog na talakayan(round table discussion).
Ang bilog na hapag ay naglalarawan ng
pagkakapantay-pantay ng mga partisipant sa
gawaing ito. Bawat isa sa kanila ay
kanikanilang karapatan na mapakinggan at
maging bahagi ng pagtalakay bagamat
mayroong isang pangunahing tagapagsalita (key
note speakers). Malaking bahagi ng gawaing ito
ang talakayan o diskusyon.
Small Group Communication. Ang
komunikasyong ito ay kinasasangkutan ng
tatlo o higit pang kasapi ng pangkat na ang
layunin ay impluwensyahan ang iba gamit
ang berbal at di-berbal na komunikasyon.
Ito ay kadalasang makikita sa simbahan,
tindahan, palengke o umpukan.
Pampublikong Komunikasyon. Isang konteksto na
nangangailangan ng paghahanda dahil sa pormal nitong kakanyahan
na kung ikukumpara sa komunikasayon sa isang maliit na pangkat.
Kadalasan itong nagaganap sa mga bulwagan, silid-aralan at
ballrooms

Konggreso. Ito ay karaniwang ginagawa taun-taon sa bawat


disiplina, binibigyan ng pagpapahalaga ang mga tagumpay at mga
nakamtan ang isang larangan. Karaniwan itong dinadaluhan ng mga
pinuno sa larangan, at nagtatampok sa mga serye ng pagtalakay.
Break out session. Ito ay bahagi ng isang malaking konperensya na
dinisenyo o inayos upang gumawa ng mas maliit na pangkat na laan
lamang para sa mga indibidwal na nais makibahagi sa mga espisipikong
pagtalakay sa sesyon na ito.

Press Conference. Ang press conference ay inoorganisa o binubuo ng


isang taong laman ng mga balita upang linawin ang usapin hinggil sa
kanya, magbigay ng tiyak na impormasyon, at bigyan ng pagkakataon ang
media na makapagbigay ng mga kaugnay na katanungan sa usapin hinggil
sa kanya.
Komunikasyong Social Media. Isa sa mga gamiting uri ng
komunikasyon ang social media tulad ng Facebook, Instagram,
Twitter, Youtube at marami pang iba sa pamamagitan ng
pagpapaaskil ng larawan, artikulo, impormasyon o mga balita
na hindi nakikita o naririnig sa mga telebisyon at radyo.
Video Conferencing. Ang interaksyon sa pagitan ng dalawa o
higit pang taong nasa magkaibang lokasyon sa pamamagitan ng
pagtatawagan na may kasamang video.
Panayam o interview. Ito ay pormal na
pakikipag-usap ng isang tao sa iba pang tao
upang makakuha ng mga kinakailangang
impormasyon para sa espisipikong layunin
katulad ng pangangalap ng balita at paghahanap
ng posibleng empleyado sa isang kumpanya.

You might also like