Filipino Classroom Observation

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO VI

I. Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagtitipon ng mga datos na


kailangan.
F6EP-IVg-6

Mag-obserba ng “social distancing” sa Pangkatang Gawain

KBI: Pag-iingat sa mga Babasahin/Aklat

II. A. Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian sa pagtitipon ng mga datos na


kailangan.
III. B. K to 12 – CG (MELC), F6EP-IVg-6 / C. tsart, plaskard, larawan, tarpapel,
powerpoint,sanayang papel,digital quiz
D. Estratehiya: Differentiated Instruction, Groupwork, Reporting
E. Integrasyon: English, Araling Panlipunan, Music, Health
Literacy and Numeracy

IV. Pamamaraan:
A. Panlinang na Gawain:
1. Awit
2. Pagbaybay:
sanggunian, impormasyon, isyu, aklat, datos
3. Pagsasanay:
Isulat ang titik ng uri ng pelikula na nasa larawan.

4. Balik-aral:

1|Page
- Punan Mo, Letra Ko!

1. P_ha_a_a_ 3. D_k_y_na_y_ 5. m_p_

2. A_la_ 4. g_ob_

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin:


1) Pagganyak:
- Tingnan ninyo ang larawan. Anu-ano ang nakikita ninyo sa
larawan? Ano ang tawag ninyo sa larawan? Mahalaga ba ito sa
atin? Bakit mahalaga ang silid-aklatan?

2) Paglalahad:
- Ngayon, pag-aaralan natin ang gamit ng pangkalahatang
sanggunian sa pagtitipon ng mga datos na kailangan.

3) Paghawan ng Balakid

2|Page
a. Sanggunian - isang ugnayan sa pagitan ng mga bagay kung saan
ang isang bagay ay nagtatakda, o gumaganap bilang isang paraan
upang umugnay o kumawing sa isa pang bagay.
b. Datos- mga impormasyon na nakukuha base sa isang obserbasyon o
pag-aaral. Ito ay maaring sa anyong numero,salita,sukat at katotohanan.
c. Pagsaliksik - ang sistematikong pagsusuri o pagsisiyasat ng isang
paksa, pangyayari, at iba pa.
d. Pagtitipon-agsasama sama para sa isang pagdiriwang,salo-salu, at
katulad.
Bago ang teksto ,basahin muna natin ang mga dapat gawin
sa loob ng silid-aralan.
HOUSE RULES:
1.Huwag Maingay
2.Umupo ng matuwid
3.Makinig sa Guro/ Kung May Nagsasalita
4. Huwag magsalita ng sabay-sabay
5.Tumayo Kaagad Kung tinatawag sa pagsagot.
6.Laging magsuot ng face mask
7.I-maintain ang social distancing sa klase.
8.Palaging maghugas ng kamay
4) Pagbasa ng teksto: “Kailangan Pala Kita” (tarpapel)
(Literasi)
“Kailangan Pala Kita”
Kuwento ni: Mariciel B. Juson
Natapos ang klase ni Joy ng alas-12 ng tanghali . Kumain na muna siya ng tanghalian kasabay ang
kanyang pamilya. Pagkatapos kumain ay nagpahinga muna siya at saka niya ginawa ang kanyang mga
takdang-aralin.” Kuya,may diksyunaryo ka bang tagalog?”tanong niya. Sagot naman ng kanyang kuya
,”Oo kuhanin mo sa book shelf natin at hanapin mo doon.” Kailangan ko rin ng ensayklopedya at
almanake para sa iba ko pang mga asignatura” dagdag ni Joy.”Basta,hanapin mo lang doon ang mga
kakailanganin mong mga sanggunian sa iyong pagsasaliksik at kung mayroon kang hindi maunawaan
sa iyong pagsasaliksik agad mo akong tawagin,”tugon ng kanyang kuya.
Agad-agad hinanap ni Joy ang mga sanggunian na kanyang kailangan sa kanilang book shelf.
Tinawag na rin niya ang kanyang kuya upang ipaliwanag sa kanya ang mga ibang bagay na hindi niya
lubos na maintindihan. Tinuruan na rin siya kung paano gamitin ang mga ito at laking tuwa niya dahil
sa kanyang kuya ay marunong na siyang gumamit ng ensayklopedya at almanake. Tanging alam
lamang niya ang paggamit ng diksyunaryo. Natapos ni joy ang kanyang mga gawain at nagpasalamat
siya sa kanyang mabait na kuya. Biglang may naalala si Joy ,” Tatay ,nasaan po ang pahayagan na
binilo mo kaninang umaga?Kailangan ko po ang balita tungkol sa nangyayari sa ating bansa.
Maguulat nga pala ako sa aming klase bukas,”tanong ni Joy.”Kunin mo sa ibabaw ng lamesita at
tapos ko na iyon basahin”, sagot ng tatay.
Agad na tumalima si Joy at ginawa niya ang kanyang iuulat sa klase bukas. Masayang-masaya si Joy
at natapos na niya lahat ang kanyang takdang-aralin.
“ Kailangan Pala Kita!” sabay napangiti si Joy.” Marami akong nakuhang mga impormasyon sa iba’t
ibang sanggunian sa aking pagsasaliksik,” sambit pa niya sa kanyang sarili.

5) Pagtalakay #1:

3|Page
- Pagsagot sa mga tanong:
a. Anu-ano ang mga hinahanap ni Joy?
b. Bakit niya kailangan ang mga ito?
c. Sa paanong paraan siya tinulungan ng kaniyang kapatid?
d. Mula sa pahayagan, tungkol saan ang iuulat niya sa klase?
e. Bakit nasabi niya sa kaniyang sarili na, “Kailangan Pala Kita”.
f. Anong oras natapos ni Joy ang kaniyang klase?
g. Mayroon bang silid-aklatan dito sa ating paaralan? Sa inyong
lugar mayroon din bang silid-aklatan?
h. Bilang mag-aaral ,sa paanong paraan makatutulong ka sa inyo
ang diksyunaryo, ensayklopedya ,at iba pang sanggunian tulad
sa pahayagan?
i. Sa inyong palagay, mahalaga ba ang sanggunian sa mga mag-
aaral? Bakit?

6) Pagtalakay ng Bagong Konsepto #2: (larawan ng mga sanggunian)


- Tingnan ang sumusunod nag mga larawan. Ito ang mga uri ng
sanggunian. Ang sanggunian ay tumutukoy sa mga aklat o
babasahin na karaniwang unang binabasa Nagbibigay ito ng
karagdagang impormasyon para sa mga mambabasa at ginagamit
ito sa pagtitipon ng mga datos na kailangan.

 Mga Uri ng Pangkalahatang Sanggunian:

Diksyunaryo Pahayagan

Isang uri ng aklat ng mga Isang uri ng paglilimbag na


salita at ng mga kahulugan at naglalaman ng balita,
minsan mga etimolohiya nila. impormasyon at patalastas,
kadalasang na imprenta sa
4|Page mababang halaga. Ito ay
maaaring pangkalahatan o may
espesyal na interes, at
kadalasan itong inilalathala ng
Ensayklopedya

isang libro o hanay ng mga libro na


nagbibigay ng impormasyon sa
maraming mga paksa o sa
maraming aspeto ng isang paksa
at karaniwang nakaayos ayon sa
alpabeto.
Tesawro

ito ay nagbibigay ng
listahan ng
kasingkahulugan ng
salita. Minsan ay
naglalaman din ito ng
kasalungat ng salita

Ang globo ay ang modelo ng mundo. Ito ay hugis


Globo bilog na kinapapalooban ng mga lugar/bansa sa
buong mundo. Dito rin natin makikita ang iba't-
Almanak ibang bahagi ng globo tulad ng ekwador, hilaga Internet
at
timog polo, meridian, idl (international date line),
isang uripunong
ng isang sistema na ginagamit
meridiano, tropiko ng kaprikorn at kanser
pangkalahatang nang buong mundo upang
at iba pa. Dito rin makikita ang iba't-ibang bansa
sanggunian na mapagkonekta ang mga
sa iba't-ibang kontinente at mga kapuluan maging
nagbibigay kompyuter o grupo ng mga
mga katubigan.
impormasyon sa mga kompyuter na dumadaan sa
mahahalagang tao at iba’t-ibang klase ng
bagay. telekomunikasyon katulad ng
linya o kable ng telepono,
satellites, at ibang
komunikasyon na hindi
Atlas gumagamit ng
kable(wireless) na kung saan
isang kalipunan ng ang mga iba’t-ibang
mga mapa, partikular impormasyon ay
na ng daigdig o rehiyon mapaparating at mababasa
ng mundo, subalit ng publiko.
mayroon ding mga atlas
ng iba pang mga Mapa
planeta at ng kanilang
mga satelayt sa sistem ang paglalarawan
ang solar. ng kalawakan gami
t ang mga simbulo
5|Page
at pinapahiwatig
ang kaugnayan ng
bawat bagay,
rehiyon at tema ng
Gawain:

1. Nagbibigay ng mga kahulugan ng salita, pagbigkas, pagbabaybay


at pagbabantas. a. almanac b. diksyunaryo
2.Babasahin kung saan dito mababasa ang mga nangyayari sa loob at labas ng bansa.
a. pahayagan b. tesawro
3. Teknolohiyang maaring pagkunan ng impormasyon gamit ang kompyuter,tablet,piling telepono.
A. a. internet b. globo

C.Mga Pangkatang Gawain:

1. Pagbibigay ng panuntunan sa pagsasagawa ng Pangkatang Gawain.


2. Rubriks sa Pangkatang Gawain:
Mga Batayan 5 3 1
1. Nilalaman Naibibigay ang May kaunting Maraming
buong husay ang kakulangan ang kakulangan sa
hinihingi ng nilalaman na nilalaman na
takdang paksa sa ipinakita ipinakita

6|Page
pangkatang
Gawain.
2. Presentasyon Boung husay at Naiulat at Di-gaanong
malikhaing naiulat naipaliwanag ang naipaliwanag ang
at naipaliwanag pangkatang pangkatang gawain
ang pangkatang gawain
gawain
3. Kooperasyon Naipapamalas ng Naipapamalas ng Naipapamalas ang
buong miyembro halos lahat ng pagkakaisa ng
ang pagkakaisa sa miyembro ang iilang miyembro sa
paggawa ng pagkakaisa sa paggawa ng
pangkatang paggawa ng pangkatang
gawain pangkatang Gawain.
gawain
4. Takdang Natapos ang Natapos ang Di natapos ang
Oras pangkatang panagkatang pangkatang gawain
Gawain nang Gawain ngunit
buong husay sa lumampas sa
loob ng itinakdang takdang oras
orad

5. Mga Gawain:
Pagsasanay 1: Unang Grupo
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang uri ng sanggunian na ginagamit.

a. Diksyunaryo d. ensayklopedya
b. Internet e.atlas
c. Pahayagan f. mapa

__1. Uri ng babasahin na nagtataglay ng mga pangyayari sa loob at labas ng bansa.


__2. Ito ang hanapin kung nais mong malaman ang pinakamatagal na president na
nanungkulan sa isang bansa.
__3. Dito makikita ang tamang pagbabaybay at pagpapantig ng salita.
__4. Isang patag na paglalarawan sa isang bansa kung saan makikita ang iba’t
ibang anyong-lupa at anyong-tubig nito.
__5. Teknolohiyang maaring pagkunan ng impormasyon gamit ang cellphone o
laptop
Pagsasanay 2: Ikalawang Grupo

7|Page
Panuto: Salungguhitan ang tamang sagot sa loob ng panaklong.
1. Ang (diksyunaryo, atlas, pahayagan) ay aklat ng mga mapang nagsasabi ng
lawak, distansiya, at lokasyon ng lugar.
2. (Atlas, Globo, Diksyunaryo)ang gagamitin kung kukunin ang kahulugan ng
malalalim na salita.
3. (Internet, Pahayagan, Thesaurus) ang pwedeng pagkunan ng impormasyon gamit
ang kompyuter.
4. (Mapa, Internet, Ensiklopedya) ang tawag sa bolyum ng mga aklat na nagtataglay
ng impormasyon tungkol sa katotohanan.
5. Ang tawag sa maliit na replika ng mundo ay (mapa, globo, internet).

III. Pagsasanay 3: ( Ikatlong Grupo)


- Tingnan at pag-aralan ang mapa ng Ilog Pasig. Gamitin ito sa
pagtatala sa mahahalagang impormasyon at isulat ang titik ng
tamang sagot.

_____ 1. Sa mapa ng Ilog Pasig, ilan lahat ang mga lugar at barangay na
nadadadaanan ng ilog?
A. 10 B. 11 C. 12 D. 13

_____ 2. Ilan naman ang mga lugar ang may panandang kulay na bughaw?
A. 6 B. 7 C. 8 D. 9

______ 3. Ano ang pinakauna at pinakahuling bahagi ng Ilog Pasig ayon sa mapa?
A. Pinagbuhatan at Escolta C. Pinagbuhatan at PUP
B. Pinagbuhatan at Sta. Ana D. Pinagbuhatan at Plaza Mexico

______ 4. Anong barangay sa Pasig ang may pahilis na linya na bahagi ng Ilog
Pasig?
A. Maybunga B. Pinagbuhatan C. San Joaquin D. Kalawaan

_____ 5. Ano-ano ang mga lugar sa Metro Manila ang nadadaanan ng Ilog Pasig?
A. Taguig, Pasig, Makati at Mandaluyong C. Manila, Makati, Mandaluyong at
Taguig
B. Pasig, Mandaluyong, Makati at Manila D. Makati, Guadalupe, Hulo at Pasig

D.Paglalahat:

8|Page
- Ano ang tinatawag na sanggunian?
- Ano ang mga uri ng pangkalahatang sanggunian?

 Ang sanggunian ay tumutukoy sa mga aklat o babasahin na


karaniwang ginagamit sa pagtitipon ng mga datos na kailangan.
Ang mga uri ng pangkalahatang sanggunian ay diksyunaryo,
ensayklopedya, almanac, atlas, pahayagan, internet, mapa, globo
at tesawro, at telebisyon.

Pamantayan sa Gradong Pagbigkas:


 Magbibigay ng sagot ng malinaw at kumpleto ( 5 pts)
 Ibibigay ang sagot lamang ( 4 pts)
 Pagsasagot nang mabilis ( 3 pts)
 Susubukang sumagot kahit ito ay mali ( 2 pts)
 Tumanggi sa pagsagot. ( 1 pt)

E. Paglalapat/ Isagawa

1. Ano ang pahayagan?


2. Bakit ito mahalaga sa mga mamamayan?
3. Paano ito nakapagbibigay ng kabutihan sa mga tao?
4. Sa inyong palagay, anong mga pangyayari sa inyong lugar na
maihahalintulad sa mga nasusulat sa pahayagan?
5. Magbigay ng halimbawa ng bahagi ng isang pahayagan at
ipaliwanag kung anong nilalaman nito na nangyayari sa ating
lugar/pamayanan.
6. Sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng sanggunian , paano
mapapalawak ang iba’t ibang kultura at paniniwala ng ibang tao?

9|Page
7. Sa panahong kagaya ngayon na may pandemya, paano
makakatulong ang ibat ibang uri ng sanggunian sa pagbibigay
kamalayan sa mga tao upang mapalawig ang kaalaman sa mga
nangyayari?
8. Anong mga sanggunian ang makatutulong sa atin upang tayo ay
magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga nangyayari ngayon ,
katulad ng pandemya na ating kinahaharap?
(Integrasyon sa pang-araw-araw na sitwasyon)

C. Pagpapahalaga:
- Paano ninyo pahahalagahan/iingatan ang aklat/babasahin?
- Maiuugnay ba ang aklat sa ating sarili?
- Anong pag-iingat ang gagawin sa aklat gayundin sa ating sarili?
- Paano tayo makakaiwas sa Covid 19 virus ? Anu-ano ang mga
pag-iingat na dapat nating sundin?
(Integrasyon sa Health)

V. Pagtataya:
- Piliin ang angkop na uri ng pangkalahatang sanggunian na
ginagamit sa bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.
_____1. Nais hanapin ni Nena ang bansang may pinakamalawak at pinakamaliit na
lupain. Ano ang dapat niyang gamitin?
A. Almanac B. Ensayklopedya C. Atlas D. Globo

_____2. Isa sa mga proyekto ni Leo ay alamin ang mga sikat na Pilipinong imbentor
at ang imbensyon nito. Saang aklat niya ito hahanapin?
A. Diksyunaryo B. Almanac C. Pahayagan D. Ensayklopedya

_____3. Saan maaaring hanapin ang pinakamagagandang tanawin sa buong mundo


sa loob ng isang taon?
A. Atlas B. Almanac C. Globo D. Pahayagan

_____4. Nais magpunta ni Alice sa silid-aklatan upang magawa ang kanyang


takdang-aralin, ngunit hindi niya naabutang bukas ito. Ano pang sanggunian ang
pwede niyang gamitin?
A. Internet B. Atlas C. Mapa D. Pahayagan

_____5. Anong sanggunian ang pwedeng gamitin para malaman ang tamang
bigkas, baybay at pantig ng isang salita?
A. Pahayagan B. Ensayklopedya C. Diksyunaryo D. Almanac

IOM: _____ 5 _____ 4 _____ 3 _____ 2 _____ 1 _____ 0

10 | P a g e
VI. Gawaing-bahay:
- Mangalap ng larawan ng mga uri ng pangkalahatang sanggunian.
Idikit ito sa bond paper.
Remediation:
Hanapin sa Hanay B ang pangalan/anong uri ng pangkalahatang sanggunian ang
tinutukoy ng larawan sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot.
Hanay A

1. 2. 3. 4.

5.

Hanay B

a. Diksyunaryo
b. Internet
c. Ensayklopedya
d. Tesawro
e. Almanac

Reinforcement:
Aling sanggunian ang gagamitin sa pagkuha ng sumusunod na impormasyon. Isulat
kung anong uri ng pangkalahatang sanggunian ang tinutukoy ng pangungusap.

__________ 1. Kahintulad nito ang diksyunaryo. Ang pagkakaiba lamang ay


nagtataglay ito ng kasingkahulugan at mga kaugnay na konsepto ng mga salita.

__________ 2. Ito ay isang taunang aklat na naglalaman ng mahahalagang


impormasyon tungkol sa isang bansa sa loob ng isang taon.

__________ 3. Detalyadong impormasyon tungkol sa mga anyong tubig at anyong


lupa.

11 | P a g e
__________ 4. Mga pangyayari sa loob at labas ng bansa.

__________ 5. Impormasyon tungkol sa solar system.

Sagot: (tesawro, almanak, atlas, pahayagan, ensayklopedya)

Enrichment:
Magtala ng mga impormasyong makukuha sa:

1. Ensayklopedya
2. Diksyunaryo
3. Almanak
4. Atlas
5. Internet

Prepared by: Observed by:

CHERYL L. ALAS PRISCA G. QUITALIG


Teacher Master Teacher I

THELMA C. ESTIL
School Head

12 | P a g e

You might also like