Epp5 q2 Mod4 Mga-Hayop-Ko-Alagaan-Ko v4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

5

Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
Agrikultura – Modyul 4:
Mga Hayop Ko, Aalagaan Ko!
Subukin

Bago umpisahan ang modyul na ito, gawin muna ang sumusunod na


pagsasanay upang malaman kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa
paksang tatalakayin.

Panuto: Sagutin ng T kung tama at M kung mali ang isinasaad, Isulat ang sagot sa
kwaderno.

_________ 1. Nangangailangan ng malaking puhunan ang pag-aalaga ng hayop.

_________ 2. Napapakinabangan ito ng pamilya.

_________ 3. Ang pag-aalaga ng hayop ay perwesyo lamang.

_________ 4. Napagkukunan ng pagkain ang pag-aalaga ng hayop.

_________ 5. Pandagdag sa gastos at budget ng pamilya.

_________ 6. Nakapagbibigay saya sa tao ang pag -aalaga ng hayop.

_________ 7. Ang pag-aalaga ng manok at pato sa bakuran ay nakatutulong sa


pamilya.

_________ 8. Ang Inahin at Tandang ay isang uri ng pato.

_________ 9. Ang isdang Tilapia at Bangus ay mainam alagaan.

_________ 10. Pwedeng gawing palamuti sa bahay ang balahibo ng manok.

2
Aralin
May Yaman Sa Hayop, Kaya
1 Aalagaan Ko!

Ang pag-aalaga ng hayop ay malaking tulong sa kaginhawaan ng isang


pamilya. Nakapagbibigay ito ng karagdagang kita at masustansiyang pagkain para
sa pang-araw-araw na pangangailangan. Maraming kabutihan ang naidudulot ng
pag-aalaga ng mga hayop at ito ay kinagigiliwan ng iilan dahil nakapagbibigay ito ng
kaligayahan at nakatatanggal ng pagod.

Balikan

Sa nakaraang aralin, natutunan mo ang iba’t-ibang mga peste at kulisap


kasama ang masistemang pagsugpo nito. Bago ipagpatuloy ang bagong aralin,
maaaring sagutin muna ang sumusunod na pagsasanay.

Panuto: Sagutin ang bawat bilang at piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.
Gawin ito sa kawaderno.

Plant Hoppers Ring Borer Aphids

Armored Scale Leaf Roller

1. Ang pesteng ito ay sobrang mapaminsala sa mga punongkahoy.


Mahalagang panatilihing malinis palagi ang buong kapaligiran na
maaaring pagpugaran ng mga ito.

2. Ang pesteng ito ay madalas na naninirahan sa mga tuyong dahon at iba


pang mga sirang bagay. Pwedeng puksain ang insektong ito gamit ang
Methyl Parathion. Upang maiwasan ang pagdami ng mga ganitong uri ng
insekto, panatilihing malinis ang buong kapaligiran at siguraduhing
walang mga nakatambak na basura.

3. Ang pesteng ito ay naninirahan sa mga dahon at nagiging dahilan ng


pagkasira at pagkabulok nito. Maaaring puksain ang mga ito sa
pamamagitan ng dinurog na sili, sibuyas at luya.

3
4. Mabilis itong dumami sa pamamagitan ng pangingitlog sa mga malalagong
damuhan. Pinupuksa ang mga ito sa pamamagitan ng (NIA) Natural Insect
Attractant na gawa sa pinaghalong suka/tuba at asukal/molasses.

5. Mabilis itong umatake sa mga dahon ng mga halamang gulay at binubutas


ang mga ito. Mabilis itong mapuksa gamit ang NIA o Natural Insect
Attractants. Mainam din na magtanim ng mga insect repellants sa paligid
ng mga kamang taniman tulad ng tanglad o lemon grass.

Tuklasin

Basahin ang tula.

ANG AKING MAAMONG MANOK


(Isinulat ni: Sunshine Joy C. Manglib)

Ako’y may alagang maamong manok


Mabait, mataba at maliksi ang alaga kong manok
Aking inalagaan, pinakain, pinainom at tiniyak
ang lugar para mabuhay.

Nang hindi naglaon, di lang siya nag-iisa


Pagkat nangitlog ito ng isang dosena
At di kalauna’y naging magagandang sisiw
Sila ay nagbibigay aliw sa tuwing bigyan ng pagkain.

Kapag ako’y malungkot, ito’y nauudlot


Saya at tuwa ang kanilang dulot
Dating isang manok ngayo’y naging labing tatlo
Tanging saya ang kanilang naidulot.

Mga tanong:
1. Ano ang pamagat ng tula?
2. Anong hayop ang inaalagaan sa tula?
3. Ano-ano ang mga katangian nito?
4. Ano ang dulot ng pag-aalaga ng manok na binanggit sa tula?
5. Bakit naging masaya ang lahat?

4
Suriin

Ang tamang pag-aalaga ng mga hayop ay tulad ng paghahalaman na malaki


ang pakinabang upang magkaroon ng karagdagang kita para sa pang araw-araw na
pangangailangan. Ito ay nakapagbibigay rin ng mga masusustansiyang produkto
tulad ng itlog at karne na pangunahing pangangailangan ng tao. Halos lahat ng
bahagi ng hayop ay nagagamit at napagkakakitaan tulad na lamang ng mga balahibo
ng manok at pabo na maaaring gawing palamuti sa bahay.

Maaari kang makakuha na mga kabutihang dulot sa pag-aalaga ng hayop


na may dalawang paa at pakpak o isda.

Narito ang mga sumusunod na halimbawa.

 Mga halimbawa ng hayop na may dalawang paa at pakpak o isda na pwedeng


alagaan.

1. Kalapati
2. Pato
3. Manok
4. Itik
5. Bangus
6. Tilapia

 Mga kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop na may dalawang paa at


pakpak o isda

1. Nakapagbibigay saya at nakakaalis ng inip.


2. Nakapagpapabuti sa kalusugan.
3. Nakapagpapaunlad sa kabuhayan ng mag-anak.
4. Nakapagbibigay ng pagkain tulad ng itlog at karne.
5. Nakatutulong sa mga gastusin sa bahay.
6. Magandang kasanayan sa bata na magkaroon ng responsibilidad sa
pag-aalaga.
7. Ginagamit na palamuti tulad ng balahibo ng manok.
8. Ang dumi ng mga hayop ay mabisang pampataba ng halaman –
ginagawang organikong pataba.

Maraming kabutihan ang naidudulot ng pag-aalaga ng hayop sa tao.


Nakadarama ng kasiyahan ang isang tao na may mga alagang hayop sa bahay. Ito
rin ay nakabubuti sa ating kalusugan dahil nakakaalis ito ng pagod at
nakapagpapababa ng dugo.

5
Pagyamanin

Panuto: Sagutan ng TAMA kung wasto ang isinasaad ng pahayag at MALI kung
hindi. Kopyahin ang mga pahayag at isulat sa patlang ang tamang sagot.
Gawin ito sa iyong kwaderno.

________ 1. Nagdudulot ng kasiyahan sa pamilya ang pag-aalaga ng hayop.


________ 2. Mabisang gawing pataba sa mga tanim ang dumi ng hayop.
________ 3. Nakapagdagdag ng kita ng mag-anak ang pag-aalaga ng hayop na may
dalawang paa, pakpak o isda.
________ 4. Nagbibigay ng stress sa tao ang pag-aalaga ng hayop na may dalawang
paa, pakpak o isda.
________ 5. Ginagawang palamuti ang mga balahibo ng hayop na may dalawang
paa, at pakpak.

Isaisip

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na mga katanungan. Ipaliwanag at isulat ang
tamang sagot.
1. Bakit kaya may mga tao na gustong mag-alaga ng hayop?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Anu-ano ang mga pakinabang na makukuha ng pamilya mo sa pag-aalaga


ng hayop?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

6
Isagawa

Kilalanin kung ano ang kabutihang dulot sa mga isinasaad ng bawat


pangungusap. Piliin ang angkop na kasagutan. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Si Gabriel ay may alagang manok sa likod bahay nila, ano ang kabutihang
dulot nito sa kanyang pamilya?
a. dagdag kita sa pamilya
b. nakapagdulot ng kalat sa bakuran
c. dagdag gastos wala namang pera

2. Paano mapakinabangan ang balahibo ng alagang manok?


a. gawing pagkain
b. gawing palamuti sa bahay at kasuotan sa mga paligsahan.
c. itago sa loob ng bahay

3. May palaisdaan ang iyong pamilya, ano ang kabutihang dulot nito sa inyo?
a. ulam ng pamilya
b. dagdag gastos
c. palamuti sa bahay

4. Ano ang maaaring gawin sa mga dumi ng iyong alagang hayop?


a. hindi lilinisan
b. itatapon sa dagat
c. gawing pataba sa halaman

5. Piliin ang angkop na kabutihang dulot ng pag-aalaga ng kalapati sa tao.


a. nakapagbibigay saya at nakakaalis ng inip
b. nakadagdag stress sa pamilya
c. pabayaan na lamang

7
Tayahin

Gawain 1
Tukuyin kung anong produkto ang maaaring mapagkakitaan sa pag-aalaga
ng hayop na may dalawang paa at pakpak o isda. Piliin ang angkop na sagot mula
sa loob ng kahon. Gawin ito iyong sa kwaderno.

A. karne E. magtanim ng palay


B. itlog F. damit sa paligsahan
C. kanin G. palamuti sa bahay
D. pataba sa halaman

Gawain 2

Panuto: Lagyan ng (✔) kung sang-ayon ka sa isinasaad ng pahayag at (✖) kung


hindi. Gawin ito sa iyong kwaderno.

________ 1. Ang pag-aalaga ng hayop ay nakatatanggal ng pagod at nakapagbibigay


kasiyahan sa isang tao.

________ 2. May mga hayop na nakapagbibigay ng mga masusustansiyang


produkto tulad ng itlog at karne.
________ 3. Tunay na kapaki-pakinabang ang pag-aalaga ng hayop dahil ito ay
nakapagbibigay ng karagdagang kita sa isang pamilya.
________ 4. Nasasayang lamang ang oras ng isang tao sap ag-aalaga ng iba’t-ibang
uri ng hayop.

________ 5. Walang ibang dala sa tao ang mga hayop kundi perwisyo at sakit ng
ulo.
________ 6. Ang pag-aalaga ng hayop ay isang mabisang paraan ng pag-eehersisyo
na nakatutulong sa kalusugan.

________ 7. Ang mga dumi ng hayop ay maituturing na basura at walang


pakinabang.

________ 8. Ang mga balahibo ng manok at pabo ay maaaring gawing mga palamuti
sa bahay.
________ 9. Ang pagpaparami ng hayop ay isang magandang paraan upang kumita
ng malaki.

_______ 10. Masama sa katawan ang labis na pag-aalaga ng mga hayop.

8
Karagdagang Gawain

Matapos mong mapag-aralan ang mga kabutihang naidudulot sa pag-aalaga


ng hayop, subukan mong gawin ang mga sumusunod.

1. Iguhit ang paborito mong hayop na inaalagaan sa bahay at bigyang linaw


ang sumusunod na mga tanong.

a. Ano ang pangalan ng alaga mong hayop?


_______________________________________________________________________

b. Gaano karami ang inaalagaan mo?


_______________________________________________________________________

c. Ano-ano ang mga kabutihang dulot nito sa iyo?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

You might also like