EPP5 Agri Mod4 MgaHayopKoAalagaanKo v2-1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

5

Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
Agrikultura – Modyul 4:
“Mga Hayop Ko, Aalagaan Ko!”

CO_EPP5_Agrikultura_Modyul4
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Agrikultura – Modyul 4: Mga Hayop Ko, Aalagaan Ko!
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Clarrisa G. Marapao
Editor: Wilma S. Carreon, Henry T. Jarina
Tagasuri: Medarlou A. Genoguin, Gary B. Mosquito, Darnelene O. Solon
Tagalapat: Eugene S. Ignacio
Tagapamahala:
Ramir B. Uytico
Arnulfo M. Balane
Rosemarie M. Guino
Joy B. Bihag
Ryan R. Tiu
Judella R. Lumpas
Margarito A. Cadayona, Jr.
Jose B. Mondido
Francisco L. Bayon-on, Jr.
Amer L. Santolorin
Medarlou A. Genoguin
Darnelene O. Solon

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Regional No. VIII


Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte
Telefax: (053) – 832 – 2997
E-mail Address: [email protected]
5
Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
Agrikultura – Modyul 4:
“Mga Hayop Ko, Aalagaan Ko!”
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Para maintindihang mabuti ang modyul na ito, kailangan mong gawin ang
mga sumusunod:

1. Magsimula sa pamamagitan ng pagbabasa at pag-unawa sa Paunang Salita.


2. Alamin kung ano ang nalalaman mo sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
katanungan mula sa Subukin, pagkatapos suriin ang iyong sagot laban sa
Gabay sa Pagwawasto. Kung nakakuha ka ng 99 hanggang 100% ng mga
aytem nang tama, maaaring magpatuloy sa susunod na aralin.
Nangangahulugan ito na hindi mo kailangang dumaan sa aralin dahil alam
mo na kung ano ang tungkol dito. Kung nabigo kang makakuha ng 99
hanggang 100% nang tama, ulitin ang aralin at suriin muli lalo na ang mga
aytem na nabigo mong makuha.
3. Gawin ang kinakailangang Gawain sa Pagkatuto. Nagsisimula sila sa isa o
higit pang impormasyong pahina. Ang isang pahina ng impormasyon ay
naglalaman ng mga mahalagang tala o pangunahing impormasyon na
kailangan mong malaman.
Matapos basahin ang pahina ng impormasyon, subukan kung gaano
kalawak ang iyong natutunan sa pamamagitan ng pagsuri sa sarili.
Sumangguni sa Gabay sa Pagwawasto para sa tamang sagot. Huwag mag-
atubiling balikan ang pahina ng impormasyon kapag hindi mo nakuha nang
tama ang lahat ng mga aytem sa pagsubok. Titiyakin nito ang iyong
kasanayan sa pangunahing impormasyon.
4. Ipakita ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng pagsagawa sa mga gawain.
5. Dapat mong ilapat ang iyong mga natutunan sa iba pang mga gawain o sa
totoong sitwasyon sa buhay.

Sa pamamagitan ng modyul na ito, matutulungan ka upang maipaliwanag


ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop na may dalawang paa at pakpak o
isda. Dapat tandaan, ang alagang hayop sa tahanan ay maituturing na isang
magandang kasama sa bahay.

1 CO_EPP5_Agrikultura_ Modyul4
Subukin

Bago umpisahan ang modyul na ito, gawin mo muna ang sumusunod na


pagsasanay upang malaman kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa
paksang tatalakayin.

Panuto: Isulat ang letrang T kung tama ang isinasaad ng pahayag at M kung mali.
Isulat ang sagot sa kuwaderno.

_________ 1. Nangangailangan ng malaking puhunan ang pag-aalaga ng hayop.

_________ 2. Napapakinabangan ito ng pamilya.

_________ 3. Ang pag-aalaga ng hayop ay perwísyo lamang.

_________ 4. Napagkukunan ng pagkain ang pag-aalaga ng hayop.

_________ 5. Pandagdag sa panggastos at badyet ng pamilya.

_________ 6. Nakapagbibigay saya sa tao ang pag -aalaga ng hayop.

_________ 7. Ang pag-aalaga ng manok at pato sa bakuran ay nakatutulong sa


pamilya.

_________ 8. Ang Inahin at Tandang ay isang uri ng pato.

_________ 9. Ang isdang Tilapia at Bangus ay mainam alagaan.

_________ 10. Puwedeng gawing palamuti sa bahay ang balahibo ng manok.

2 CO_EPP5_Agrikultura_ Modyul4
Aralin
May Yaman Sa Hayop, Kaya
1 Aalagaan Ko!

Maraming kabutihan ang maidudulot ang pag-aalaga ng mga hayop.


Nakapagbibigay ito ng karagdagang kita para sa buong pamilya sa pang-araw-araw
nilang gastusin at pangangailangan. Ito din ay mapagkukunan ng masustansiyang
pagkain. Sa iba naman, ito nakapagbibigay ito ng kaligayahan at nakatatanggal ng
pagod. (can be used in Alamin)

Kaya halíka at ating alamin.

Balikan

Sa nakaraang aralin, natutunan mo ang iba’t ibang uri ng mga peste at


kulisap at ang masistemang pagsugpo nito. Pero, bago mo ipagpapatuloy ang bagong
aralin, maaaring sagutin muna ang sumusunod na pagsasanay.

Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang. Pagkatapos ay, piliin ang tamang sagot
sa loob ng kahon at isulat ito sa kuwaderno.

Plant Hoppers Ring Borer Aphids

Armored Scale Leaf Roller

1. Ang pesteng ito ay sobrang mapaminsala sa mga punongkahoy.


Mahalagang panatilihing malinis ang buong kapaligiran upang wala nang
maaaring pagpugaran ng mga ito.

2. Ang pesteng ito ay madalas na naninirahan sa mga tuyong dahon at iba


pang mga sirang bagay. Puwedeng puksain ang insektong ito gamit ang
Methyl Parathion. Upang maiwasan ang pagdami ng mga ganitong uri ng
insekto, panatilihing malinis ang buong kapaligiran at siguraduhing
walang mga nakatambak na basura.

3 CO_EPP5_Agrikultura_ Modyul4
3. Ang pesteng ito ay naninirahan sa mga dahon at nagiging dahilan ng
pagkasira at pagkabulok nito. Maaaring puksain ang mga ito sa
pamamagitan ng dinurog na sili, sibuyas at luya.

4. Mabilis itong dumami sa pamamagitan ng pangingitlog sa mga malalagong


damuhan. Pinupuksa ang mga ito sa pamamagitan ng (NIA) Natural Insect
Attractant na gawa sa pinaghalong suka/tuba at asukal/molasses.

5. Mabilis itong umaatake sa mga halamang gulay at binubutas ang mga


dahon nito. Mabilis itong mapuksa gamit ang NIA o Natural Insect
Attractants. Mainam din na magtanim ng mga insect repellants sa paligid
ng mga kamang taniman tulad ng tanglad o lemon grass.

Tuklasin

Basahin ang tula.

ANG AKING MAAMONG MANOK

Ako’y may alagang maamong manok


Mabait, mataba at maliksi ang alaga kong manok
Aking inalagaan, pinakain, pinainom at tiniyak
ang lugar para mabuhay.

Nang hindi naglaon, di lang siya nag-iisa


Pagkat nangitlog ito ng isang dosena
At di kalauna’y naging magagandang sisiw
Sila ay nagbibigay aliw sa tuwing bigyan ng pagkain.

Kapag ako’y malungkot, ito’y nauudlot


Saya at tuwa ang kanilang dulot
Dating isang manok ngayo’y naging labing tatlo
Tanging saya ang kanilang naidulot.

Sagutan ang mga tanong:


1. Ano ang pamagat ng tula?
2. Anong hayop ang inaalagaan sa tula?
3. Ano ano ang mga katangian nito?
4. Ano ang dulot ng pag-aalaga ng manok na binanggit sa tula?
5. Bakit naging masaya ang lahat?

4 CO_EPP5_Agrikultura_ Modyul4
Suriin

Ang tamang pag-aalaga ng mga hayop, katulad ng paghahalaman na malaki


ang pakinabang upang magkaroon ng karagdagang kita para sa pang araw-araw na
pangangailangan. Ito ay nakapagbibigay rin ng mga masusustansiyang produkto
tulad ng itlog at karne na pangunahing pangangailangan ng tao. Halos lahat ng
bahagi ng hayop ay nagagamit at napagkakakitaan tulad na lamang ng mga balahibo
ng manok at pabo na maaaring gawing palamuti sa bahay.

Maraming kabutihang dulot ang pag-aalaga ng hayop na may dalawang paa


at pakpak o isda.

Narito ang mga sumusunod na halimbawa.

➢ Mga halimbawa ng hayop na may dalawang paa at pakpak o isda na


puwedeng alagaan.

1. Kalapati
2. Pato
3. Manok
4. Itik
5. Bangus
6. Tilapia

➢ Mga kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop na may dalawang paa at


pakpak o isda

1. Nakapagbibigay saya at nakaaalis ng inip.


2. Mabuti sa kalusugan ng tao.
3. Uunlad ang kabuhayan ng mag-anak.
4. Nakapagbibigay ng pagkain tulad ng itlog at karne.
5. Nakatutulong sa mga gastusin sa bahay.
6. Magandang kasanayan sa mga bata na magkaroon ng responsibilidad
sa pag-aalaga.
7. Ginagamit na palamuti tulad ng balahibo ng manok.
8. Ang dumi ng mga hayop ay mabisang pampataba ng halaman –
ginagawang organikong pataba.

Maraming kabutihan ang maidudulot ng pag-aalaga ng hayop sa tao.


Nakadarama ng kasiyahan ang isang tao na may mga alagang hayop sa bahay. Ito
rin ay nakabubuti sa ating kalusugan dahil nakaaalis ito ng pagod at
nakapagpapababa ng dugo.

5 CO_EPP5_Agrikultura_ Modyul4
Pagyamanin

Panuto: Sagutin ng TAMA kung wasto ang isinasaad ng pahayag at MALI kung
hindi. Isulat sa iyong kuwaderno.

________ 1. Nagdudulot ng kasiyahan sa pamilya ang pag-aalaga ng hayop.


________ 2. Mabisang gawing pataba sa mga tanim ang dumi ng hayop.
________ 3. Nakapagdagdag ng kita ng mag-anak ang pag-aalaga ng hayop na may
dalawang paa, pakpak o isda.
________ 4. Nagbibigay ng stress sa tao ang pag-aalaga ng hayop na may dalawang
paa, pakpak o isda.
________ 5. Ginagawang palamuti ang mga balahibo ng hayop na may dalawang
paa, at pakpak.

Isaisip

Panuto: Sagutin ang tanong at isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.


Bilang parte ng pamilya, bakit mahalaga ang pag-aalaga ng mga hayop na may
pakpak at isda?

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Isagawa

Kilalanin kung ano ang kabutihang dulot sa mga isinasaad ng bawat


pangungusap. Piliin ang angkop na kasagutan. Isulat ang titik ng tamang sagot.

6 CO_EPP5_Agrikultura_ Modyul4
1. Si Gabriel ay may alagang manok sa likod bahay nila, ano ang kabutihang
dulot nito sa kanyang pamilya?
A. dagdag kita sa pamilya
B. nakapagdulot ng kalat sa bakuran
C. dagdag gastos wala namang pera

2. Paano mapakinabangan ang balahibo ng alagang manok?


A. gawing pagkain
B. gawing palamuti sa bahay at kasuotan sa mga paligsahan.
C. itago sa loob ng bahay

3. May palaisdaan ang iyong pamilya, ano ang kabutihang dulot nito sa inyo?
A. ulam ng pamilya
B. dagdag gastos
C. palamuti sa bahay

4. Ano ang maaaring gawin sa mga dumi ng iyong alagang hayop?


A. hindi lilinisan
B. itatapon sa dagat
C. gawing pataba sa halaman

5. Piliin ang angkop na kabutihang dulot ng pag-aalaga ng kalapati sa tao.


A. nakapagbibigay saya at nakakaalis ng inip
B. nakadagdag stress sa pamilya
C. pabayaan na lamang

Tayahin

Panuto: Lagyan ng (✓) kung sang-ayon ka sa isinasaad ng pahayag at (X) kung


hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

________ 1. Ang pag-aalaga ng hayop ay nakatatanggal ng pagod at nakapagbibigay


kasiyahan sa isang tao.
________ 2. May mga hayop na nakapagbibigay ng mga masusustansiyang
produkto tulad ng itlog at karne.

7 CO_EPP5_Agrikultura_ Modyul4
________ 3. Tunay na kapaki-pakinabang ang pag-aalaga ng hayop dahil ito ay
nakapagbibigay ng karagdagang kita sa isang pamilya.
________ 4. Nasasayang lamang ang oras ng isang tao sa pag-aalaga ng iba’t ibang
uri ng hayop.

________ 5. Walang ibang maidudulot sa tao ang mga hayop kundi perwisyo at sakit
ng ulo.

________ 6. Ang pag-aalaga ng hayop ay isang mabisang paraan ng pag-eehersisyo


na nakatutulong sa kalusugan.
________ 7. Ang mga dumi ng hayop ay maituturing na basura at walang
pakinabang.

________ 8. Ang mga balahibo ng manok at pabo ay maaaring gawing mga palamuti
sa bahay.

________ 9. Ang pagpaparami ng hayop ay isang magandang paraan upang kumita


ng malaki.
_______ 10. Masama sa katawan ang labis na pag-aalaga ng mga hayop.

Karagdagang Gawain

Matapos mong mapag-aralan ang mga kabutihang naidudulot sa pag-aalaga


ng hayop, iguhit ang paborito mong hayop na inaalagaan sa bahay at bigyang linaw
ang sumusunod na mga tanong. Gawin sa iyong kuwaderno

1. Ano ang pangalan ng alaga mong hayop?

2. Ano-ano ang mga kabutihang dulot nito sa inyo?

8 CO_EPP5_Agrikultura_ Modyul4
Susi sa Pagwawasto

nagging labing tatlo na


Dahil ang isang manok
5.
saya at tuwa. 4.
mabait,mataba,maliksi
3.
manok 2.
manok
1. Ang Aking Maamong
TUKLASIN
10. √
T 10. 9. ✓
T 9. 8. ✓ (Answer’s may vary)
M 8. 7. X
T 7. KARAGDAGANG GAWAIN:
6. ✓
T 6. 5. X
M 5. a 5.
4. X c 4.
T 4.
3. ✓ a 3.
M 3.
2. ✓ b 2.
T 2.
M 1. 1. ✓ a 1.
SUBUKIN TAYAHIN ISAGAWA

ISA-ISIP
(Mga posibleng sagot)
1. Dahil ito ay nakapagbibigay ng mga masusustansiyang
produkto tulad ng itlog at karne na pangunahing
pangangailangan ng tao. Nakakapagdagdag kita at
nagbibigay saya sa pamilya.
5. tama
4. mali
3. tama 2. Nakapagbibigay saya at nakakaalis ng inip.
2. tama
1. tama -Nakapagpapabuti sa kalusugan.
PAGYAMANIN -Nakapagpapaunlad sa kabuhayan ng mag-anak.

-Nakapagbibigay ng pagkain tulad ng itlog at karne.


5. Leaf Roller
4. Plant Hopper -Nakatutulong sa mga gastusin sa bahay.
3. Aphids
2. Ring Borer
1. Armored Scale
BALIKAN

9 CO_EPP5_Agrikultura_ Modyul4
Sanggunian

Most Essential Learning Competencies, pahina 345

Curriculum Guide, EPP5AG-0e-11

10 CO_EPP5_Agrikultura_ Modyul4
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like