Filipino3 - Q4 - Module4 - Pag-Uugnay NG Binasa Sa Sariling Karanasan - v3

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

3

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 4
Pag-uugnay ng Binasa
sa Sariling Karanasan

CO_Q4_Filipino 3_ Module 4
Filipino – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Pag-uugnay ng Binasa sa Sariling Karanasan
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Suzette Lily G. Escueta, Gemma Gutierrez, Ramon S. Gravino Jr,
Demosthenes Cajes, and Greco Dasmariñas
Editor: Gemma Gutierrez
Tagasuri: Iris Kristine Mejos, Ame Grace I. Pamongcales, Neil Edward D. Diaz
Tagawasto: Gemma S. Daño, Ramon S. Gravino, Jr.,
Myleen C. Robiños, Juvy A. Comaingking
Tagaguhit at Tagalapat: Demosthenes Cajes, Greco Dasmariñas, Salvador B. Belen Jr.
Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Cristy C. Epe
Janette G. Veloso Beverly S. Daugdaug
Analiza C. Almazan Mary Joy B. Fortun
Ma. Cielo D. Estrada Imelda T. Cardines
Mary Jane M. Mejorada Joan M. Niones

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City


Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: [email protected] * [email protected]
3

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 4:
Pag-uugnay ng Binasa
sa Sariling Karanasan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa
tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila
upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong
o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat
ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong
mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang
SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan.
Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad
sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Kumusta ka?

Maligayang pagdating sa modyul na ito! Tara at patuloy


tayong magbasa. Ang mga piling kuwento rito ay maaring
naranasan mo na. Tutuklasin natin ang koneksyon ng iyong
karanasan at ng iilang kuwento upang lalong mapayaman ang
iyong kaisipan.

Sa modyul na ito ay magbabasa ka ng mga maikling


kuwento o seleksyon at iuugnay sa sariling karanasan upang
lubusang mapahusay ang kakayanan sa pag-unawa.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


 naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan (F3PB-Ia-1).

Subukin

Bago ka magsimula sa araling ito, nararapat na basahin mo


muna ang maikling seleksyon. Pagkatapos ay sagutin ang mga
tanong na nasa bilang 1 – 4. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
papel. Para sa bilang 5, ibigay ang hinihingi.

Kung 100% tama ang iyong mga sagot, maaari mo ng


laktawan ang modyul na ito. Subalit kung may isa o higit pang
mali ay kailangang ipagpatuloy mo ang mga sumusunod na
gawain.

1 CO_Q4_Filipino 3_ Module 4
Araw ng Sabado, naiwan ang kuya at bunso sa bahay.
Sa mesa ay may iniwan na sulat ang Nanay.
Ang kuya ay labing-walong gulang at nasa senior high
school. Habang ang bunso naman ay walong taong gulang
at nasa ikatlong baitang.
Ito ang nakasulat:

Mga anak,

Ito ang mga gawain ninyo ngayong araw. Magtulungan


kayo sa paggawa ng mga ito. Sana ay matapos ninyo bago
kami dumating ng inyong itay.

1. Walisan ang sahig.


2. Pakainin si Bantay.
3. Punasan ang mesa.
4. Diligan ang mga bulaklak.
5. Hugasan ang mga pinggan.
6. Ilipat ang isang sakong bigas sa kusina
7. Isauli ang hiniram kong libro sa kapitbahay
8. Tagain sa puno ang isang buwig na saging
9. Tanggalin ang kurtina at magsabit ng bago
10. Tanggalin ang mga makikitang bahay-
gagamba sa kisame.

Nagmamahal,
Inay

Pagkatapos mabasa ng magkapatid ang sulat ay kumain


muna sila ng agahan. Pinagkasunduan kung sino ang gagawa
at sinimulan agad ang mga bilin ng nanay.

2 CO_Q4_Filipino 3_ Module 4
Mga tanong:
1. Kung ikaw ang anak sa seleksyong binasa, ano ang gagawin
mo sa mga bilin ng iyong nanay?
A. sundin C. huwag pansinin
B. kalimutan D. ipagawa sa iba

2. Paano ninyo hahatiin ng iyong kapatid ang mga gawain?


A. Hayaang si kuya ang gagawa ng lahat na gawain.
B. Ipaubaya kay kuya ang magagaan na mga gawain.
C. Sabay ninyong dalawa gagawin ang lahat ng mga bilin.
D. Hayaan ang kuya ang gagawa sa mabibigat na gawain

3. Sa palagay mo, bakit kailangang magtulungan ang


magkapatid sa paggawa ng mga gawaing bahay?
A. upang hindi pagagalitan ng magulang
B. para madaling matapos ang mga gawain
C. para makakahingi agad ng pera na ipambibili
D. upang may maipagmayabang sa social media

4. Bilang anak, ano ang aasahan ng inyong mga magulang


sa kanilang pagdating?
A. natapos ang mga gawain
B. nag-aaway kayong magkapatid
C. hindi pa tapos ang mga gawain
D. nagkalat ang mga gamit sa bahay

5. Sa sampung mga gawaing nakasulat, alin sa mga ito ang


kaya mong gawin? Pumili ng lima at isulat ito sa papel.

3 CO_Q4_Filipino 3_ Module 4
Aralin Pag-uugnay ng Binasa sa
1 Sariling Karanasan

Balikan

Saglit mong balikan ang iyong mga natutuhan sa


nakaraang leksiyon.

Sipiin ang mga pangungusap sa papel. Pagkatapos ay


salungguhitan ang salitang kilos o pandiwang ginamit sa bawat
pangungusap.

1. Si Ate ay magaling sumayaw.


2. Kumakanta si Kuya ng kundiman.
3. Inayos ni Itay ang nasirang pintuan.
4. Masarap magluto ng pansit si Nanay.
5. Marunong nang lumakad ang bunso namin.

4 CO_Q4_Filipino 3_ Module 4
Tuklasin
Basahin ang maikling seleksyon.

Ang Bayabas

Iba’t ibang gulay at prutas ang dala ng nanay galing


palengke. Hinanap ni Andoy ang paborito niyang bayabas sa
basket. Pagkakita niya’y kinagat agad ang isa at inilagay ang
apat sa bulsa. Wala ng natirang bayabas. Bumalik kaagad si
Andoy sa paglalaro ng mga lastiko sa sahig.
Si Ate Anding ang naghugas ng mga pinamalengke.
Habang si Nanay ay naligo saglit at nagbihis kaagad ng damit
pambahay.
Maya-maya pa’y lumapit si Andoy sa nanay at nagsabing
sumakit daw ang kaniyang tiyan. Sinabi rin ni Andoy na naubos
niya ang mga bayabas. Nagtaka rin si Ate Anding dahil wala
siyang nahugasang bayabas sa mga dala ng nanay.
Kaya’t tumawag ang nanay sa kaibigan doktor upang
mabigyan ng tamang gamot si Andoy.
Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Namamalengke rin
ba ang iyong nanay? Kaagad mo rin bang tinitignan ang mga
dala ng iyong nanay pagkagaling sa palengke?

5 CO_Q4_Filipino 3_ Module 4
Suriin

Sagutin ang mga tanong. Sa bilang 1-4 ay isulat ang titik ng


tamang sagot at sa bilang 5 naman ay ibigay ang hinihingi. Isulat
ang mga sagot sa sagutang papel.

1. Kung ikaw si Andoy, bakit mo kukunin ang lahat ng bayabas


na dala ng iyong ina?
A. ito ang paborito mong prutas
B. may panibago kang paglalaruan
C. ipagbibili mo ito tapat ng iyong bahay
D. ipagyayabang sa mga kalaro at kaibigan

2. Ano ang naiisip mong dahilan sakaling sumakit ang iyong


tiyan pagkatapos mong kumain?
A. naglaro ka agad matapos mong kumain
B. inubos mo ang bayabas at hindi ka namigay sa iba
C. busog na busog ka sa mga kinaing mong bayabas
D. agad mong kinain ang mga bayabas na hindi naghugas
ng kamay

3. Kung may paborito kang pagkain, ano ang gagawin mo?


A. uubusin lahat C. itatago muna
B. magtira sa iba D. kukunan ng larawan

4. Bakit kailangang panatilihin mong malinis ang


iyong katawan?
A. Sasabay ka sa uso
B. Malalayo ka sa sakit
C. Maganda kang tingnan
D. Dadami ang iyong mga kaibigan

5. Ano ang ginagawa mo upang maging malusog ang iyong


katawan? Magbigay ng tatlong paraan. Isulat ito sa papel.

6 CO_Q4_Filipino 3_ Module 4
Nasagot mo ba ang mga tanong?
May mga sandali bang nagmamadali ka at nakalimutan
mong maghugas ng kamay bago kumain?
Ang nabasa mo ay ilan lamang sa mga kuwentong
nagpapaalala na maari mong balikan ang iyong mga karanasan
upang makaugnay sa mga pangyayari ng binasang teksto.

Ang kakayahan sa pag-ugnay ng binasa sa sariling


karanasan ay nakatutulong upang makabubuo ng malinaw na
pananaw, malalim na pang-unawa, at makatotohanang
pagbabahagi habang nililibang ang sarili sa pagbabasa.

Bagama’t hindi lahat ng pangyayari o kinalabasan sa


kuwento ay katulad nang narasan mo, ito ay magiging susi upang
mapayaman ang kahusayan sa pang-unawa. Ang iyong
kaisipan ay lalawak at makatutulong ito upang makabubuo ka
ng tamang desisyon sakaling may dumating na pagsubok.

Kaya mahalaga na pagtibayin mo ang iyong kakanyahan


sa pag-uugnay ng binasang teksto sa sarili mong karanasan.

7 CO_Q4_Filipino 3_ Module 4
Pagyamanin

Basahin ang kuwento. Sagutin ang mga tanong. Sa bilang


1-4 ay isulat ang titik ng tamang sagot at sa bilang 5 naman ay
ibigay ang hinihingi. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

Mamaya Na

Isang Sabado, dinaanan ni Tilong ang pinsan at kaklaseng si


Lala. Susubukan nila ang bago niyang bisekleta. Ngunit, abala si
Lala sa pagguguhit ng larawan para sa Filipino 3. Hindi muna
sasama si Lala dahil uunahin niya ang takdang aralin sa Filipino.
Susunod na lang daw siya kung matatapos na ang gawain.
Kinumbinsi ni Lala ang pinsan na sabay nilang gagawin ang
aralin sa bahay nila subalit ang sabi ni Tilong ay, “mamaya na”.

Dumating ang Lunes. Sa silid-aralan sa asignaturang Filipino 3


ay isa-isang pumunta sa harapan ang mga kaklase nina Tilong at
Lala. Nagsalita tungkol sa kani-kanilang iginuhit na mga larawan
at ipinagmalaki ang bawat gawa. Nang tinawag na si Tilong ng
guro ay hindi siya tumayo. Wala siyang dalang gawain na
maipapakita at maipagmamalaki sa klase.

8 CO_Q4_Filipino 3_ Module 4
Mga tanong:

1. Kung ikaw si Tilong, ano ang dahilan bakit ayaw mong


tumayo sa harap ng klase?
A. naiwan mo ang iyong ginawa
B. hindi maganda ang ginawa mo
C. nahihiya kang magsalita sa harap
D. hindi mo nagawa ang takdang-aralin

2. Ano ang dahilan at walang naipasa si Tilong sa klase?


A. Wala siyang kagamitan pangguhit.
B. Naubos ang oras sa pagbibisekleta.
C. Hindi niya alam ang takdang-aralin.
D. May ginawa siyang mas importante.

3. Kung ikaw si Tilong, paano mo maiiwasan ang malagay


sa ganitong sitwasyon?
A. Makinig nang mabuti sa guro.
B. Hindi na lang papasok upang hindi mapahiya.
C. Makinig sa sinabi ni Lala at gawin ang takdang-aralin.
D. Ipagpatuloy ang pabibisekleta kasama ang kaibigan.

4. Alin ang madalas mong ginagawa kapag nasa bahay?


A. naglalaro ng kompyuter
B. natutulog maghapon
C. nagbabasa at nag-aaral
D. nanonood ng telebisyon

5. May mga panahon bang hindi mo nagawa ang pinapagawa


sa iyo? Ano ang nangyari? Isulat sa papel ang iyong sagot.

9 CO_Q4_Filipino 3_ Module 4
Isaisip
Buuin ang kaisipang ipinapahayag ng pangungusap. Isulat
sa papel ang nawawalang mga salita.

Ang kakayahan sa pag-uugnay ng binasa sa sariling


karanasan ay nakatutulong upang makabuo ng malinaw
na ______________________, malalim na __________________
at makatotohanang __________________ habang nililibang
ang sarili sa pagbabasa.

Isagawa
Basahin at unawain ang seleksyon.

Ang Pulang Sapatos

Kaarawan na Sarah. Bibilhin na ang pulang sapatos na


gustong-gusto niya. Kahit hindi pa luma ang asul niyang sapatos
ay nakumbinsi niya ang mga magulang na bilhan siya ng bago.

10 CO_Q4_Filipino 3_ Module 4
Nasa tindahan na sina Sarah at mga magulang nito.
Isinusukat na niya ang pinakausong pulang sapatos. Aliw na aliw
siya rito dahil sa bawat hakbang niya ay sumasabay sa pagkidlap
ng mga ilaw sa may talampakan.
Nang huhubarin na niya ang sapatos ay napansin niya ang
isang batang lalaking kasing-edad niya sa labas. Pilay,
nakasaklay, at nakatsinelas lamang. Masaya itong nagtitinda ng
mga basahan. Napansin ni Sarah na ang isang binti nito ay maliit
kaysa sa kabila kaya hindi ito nakalalakad nang timbang.
Napatigil si Sarah. Tuluyan nang hinubad ang isinukat na
sapatos. Napaisip siya.
Wika ni Sarah, “Itay, Inay, nagbago po ang isip ko, huwag
na po nating bilhin ang sapatos. Sayang po ang pera. Okey pa
naman po iyong asul kong sapatos. Ang importante po ay may
mga paa ako. Ito po ang dapat kong pasalamatan.
Nakakalakad at nakakatakbo ako nang maayos. Salamat po
Itay, Inay sa pagmamahal ninyo sa akin,” sabay yakap sa
magulang.
Sa gabing iyon ay nagkaroon ng maliit na salusalo sa bahay
nila kasama sina Lolo at Lola.

Gawain 1
Kung ikaw si Sarah, paano mo ipakikita ang iyong pasasalamat sa
mga biyayang natatanggap araw-araw? Isulat ang iyong sagot
sa papel.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

11 CO_Q4_Filipino 3_ Module 4
Gawain 2

Ilista ang limang biyayang iyong natanggap. Pagkatapos


ay ibigay ang dahilan kung bakit mo ito pinasasalamatan? Isulat
ito sa malinis na papel.

Tayahin

Basahin at unawaing mabuti ang teksto.

Walang Iwanan

Sumali sa pabilisan ng pagtakbo ang kambal na sina Karlo


at Karla. Malaki ang premyo sa patimpalak na ito.

12 CO_Q4_Filipino 3_ Module 4
Simbilis ng kidlat ang takbo ni Karla. Nangunguna siya.
Habang si Karlo ay nasa ikaapat na puwesto mula sa una. Nang
malapit nang maabot ni Karla ang finish line ay biglang namanhid
ang kaniyang kanang binti. Natumba siya. Nalampasan siya ng
dalawang sumusunod sa kaniya. Nang nagpang-abot na sila ng
kapatid ay tumigil si Karlo upang maalalayan siya. Nalampasan
na naman sila ng iilan pang mga kalahok.
Akay-akay ni Karlo ang pipilay-pilay na si Karla patungong
finish line. Hindi man sila nanalo sa paligsahan ay naabot nila
sabay ang dulo ng karera. Higit sa lahat ay napatunayan nila na
anuman ang mangyari ay dapat walang iwanan.
Aling pangyayari sa binasang teksto ang maaari mong
iugnay sa sariling karanasan? Ano ang natutuhan mong aral mula
sa pangyayaring ito. Isulat ang iyong sagot sa malinis na papel.
Gawing batayan sa pagsagot ang rubrik.

13 CO_Q4_Filipino 3_ Module 4
Rubrik sa Pag-uugnay sa Sariling Karanasan

Pamantayan Puntos Panukatan

Maayos na naiugnay ang mga


3
pangyayari sa sariling karanasan.

Pag ugnay Hindi gaanong naiugnay ang


sa Sariling 2 mga pangyayari sa sariling
Karanasan karanasan.
Hindi sinubukang iugnay ang
1 mga pangyayari sa sariling
karanasan.
Makabuluhan ang nilalaman sa
2 pag-uunay ng sariling
karanasan.
Nilalaman
Hindi makabuluhan ang
1 nilalaman sa pag-uugnay ng
sariling karanasan.

14 CO_Q4_Filipino 3_ Module 4
Karagdagang Gawain

Basahin at unawain ang usapan ng magkaibigan. Punan ang


mga lobo ng usapan ng pangungusap hango sa iyong karanasan
upang mabuo ang komiks istrip. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

Oops! Huwag Ha? Alin sa dalawa


mong ihulog sa ang tatapunan ko dito
sahig ang balat ng balat ng saging?
ng saging.
Hayun oh, may
basurahan. Doon sa
nabubulok.

15 CO_Q4_Filipino 3_ Module 4
Pamantayan Puntos Panukatan

Maayos na naiugnay ang sariling


karanasan na may
3
pagpapahalaga sa kalinisan ng
kapaligiran.
Hindi gaanong naiugnay ang
Pag ugnay
sariling karanasan na may
sa Sariling 2
pagpapahalaga sa kalinisan ng
Karanasan
kapaligiran.
Hindi sinubukang iugnay ang
sariling karanasan sa
1
pagpapahalaga ng kalinisan ng
kapaligiran.
Makabuluhan ang nilalaman sa
2
pag-uunay ng sariling karanasan.
Nilalaman Hindi makabuluhan ang
1 nilalaman sa pag-uugnay ng
sariling karanasan.

16 CO_Q4_Filipino 3_ Module 4
CO_Q4_Filipino 3_ Module 4 17
Tayahin Isagawa Pagyamanin
Iba-iba ang 1-2 Iba-iba ang 1. D
sagot. Gamitin sagot. 2. B
ang rubrics bilang Gamitin ang 3. C
batayan ng rubrics bilang 4. A-D (maaring
pagbibigay ng batayan ng iba-iba dahil
pagbibigay batay ito sa
puntos
ng puntos sariling
karanasan
5. Iba-iba ang
sagot. Gamitin
ang rubrics
bilang batayan
ng pagbibigay
ng puntos
Suriin Balikan Subukin
1. A 1. sumayaw 1. A
2. D 2. kumakanta 2. C
3. B 3. inayos 3. B
4. C 4. magluto
4. A
5. Iba-iba ang 5. lumakad
sagot. Tingnan 5. Maaring iba-
ang rubriks iba ang sagot
bilang batayan lahat dahil
sa pagbibigay batay ito sa
ng puntos sariling
karanasan
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

(K-12 Gabay Pangkurikulum FILIPINO)

References
K-12 Gabay Pangkurikulum FILIPINO. Pasig City: Department of Education, 2016.

"K-12 Gabay Pangkurikulum FILIPINO." Pasig City: Department of Education, 2016.

18 CO_Q4_Filipino 3_ Module 4
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like