Lesson Plan in Filipino
Lesson Plan in Filipino
Lesson Plan in Filipino
BANGHAY ARALIN SA
FILIPINO 8
I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag aaral inaasahang:
a. Natutukoy ang mga tamang salita sa pagbuo ng isang puzzle na may kaugnayan sa
paksa;
b. Nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa itinakdang mga
pamantayan; at
c. Nailalahad ang mga kaisipan o ideya batay sa napanood na Programa at
Dokumentaryong Pantelebisyon.
II. PAKSANG ARALIN
A. PAKSA: Mga Programang Pantelebisyon
B. PINAGKUKUNAN: SLM FILIPINO 8 Q3 p1-3
C. KAGAMITAN: Kagamitang Panturo at Larawan
III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
Magdasal
Pagbati
Pagsuri ng attendance
Bago tayu umupo ayusin ninyo muna ang mga upuan at pulutin ang mga basura
sa ilalim ng inyung mga upuan
B. Balik Aral
Ang guro ay magtatanong tungkol sa nakaraan aralin sa mga mag – aaral.
C. PAGLALAHAD
Panuto: Tukuyin ang mga sumunod na mga tao batay sa programang pantelebisyon
na kanilang ginagampanan.
D. PAGSUSURI
Magbigay ng programang iyong pinapanood at ibigay ang dahilan kung bakit mo
ito nagugustahang panoorin?
Magbigay ng pagkakaiba ng telebisyon at radio bilang uri ng broadcast media.
Ibigay ang mga kahalagahan ng panonood sa telebisyon.
E. PAGHAHALAW
MGA PROGRAMANG PANTELEBISYON
Art Angel, Batibot, Tropang PoTchi ( Children Show)
Programa o palabas sa telebisyon na ang pangunahing mithiin ay makuha
at mapukaw ang atensyon ng mga bata sa paraang sila ay masisiyahan at
mabibigyang impormasyon.
I-Witness, The Correspondents, Dokumentado, Imbistigador, Kapag May
Katwiran, Ipaglaban Mo! Reporters Notebook (Documentary Program)
Ang programang ito ay naglalayong maghatid o magbahagi ng mga
natatangi at kakaibang dokumentasyon na komprehensibo at
estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay.
Umagang Kay Ganda, Unang Hirit, Good Morning Club (Morning Show)
Tinatawag din na breakfast television kung saan nag-uulat nang live
tuwing umaga ang mga mamamahayag na naglalayong makapaghatid ng
mga napapanahong impormasyon.
Teen Gen, Growing Up, BAGETS, Good Vibes ( Youth Oriented Program)
Nakatuon sa paglakbay sa isyu ng kabataan. Karaniwang tema nito ay
ang kanilang buhay – pag – ibig. Hindi nawawala ang pagbibigay o
paglalaan ng eksena sa pagpapahalagang pangkatauhan o moral values.
Dokumentaryong Pantelebisyon
Ito ay mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong
proyekto sa sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at
pamumuhay sa isang lipunan
F. PAGLALAPAT o APLIKASYON
Bumuo ng apat na pangkat at isagawa ang mga sumusunod na programang
pantelebisyon sa klase (LIVE)
1. Children’s show
2. Morning show
3. Variety show
4. News Program
Pamantayan sa Pagmarka
Nilalaman – 45% (Naayon sa programang nakaatas sa pangkat)
Kahusayan – 35% (Kabisado ang script at magaling magproject , Angkop ang tono
ng boses sa ginampanang tauhan)
Props – 20% (Malikhain ng gamit na props sa klase)
IV. PAGTATASA
Panuto: Sabihin kung ang programang pantelebisyon ay MS kung ito ay morning
show at DP kung ito ay documentary program. Isulat sa patlang ang sagot.
________1. Magandang Buhay
________2. Brigada
________3. I Witness
________4. Salamat Dok
________5. Imbistigador
________6. UMAGANG KAY GANDA
________7. Reporter’s Notebook
________8.Unang Hirit
________9. SOCO
________10. The Correspondents
V. TAKDANG ARALIN
Manood ng isang dokumentaryong pantelebisyon sa kahit aling estasyon gamit ang
iyong cellphone. Ibigay ang hinihingi ng dayagram tungkol dito. Suriin ito ngayun sa
pamantayang nakatala sa ibaba.
PAMAGAT NG DOKUMENTARYONG
NAPANOOD
PETSA NG PAGKAKAGAWA O
PAGPAPALABAS SA TELEBISYON
DOKUMENTARISTA
ISYUNG TINALAKAY