Kontemporaryong Programang Pantelebisyon

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 47

Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:

 Natutukoy ang mga tamang salita sa pagbuo ng isang puzzle na may


kaugnayan sa paksa (F8PT-IIIe-f-31).
 Nailalahad sa sariling pamamaraan ang mga napakinggang pahayag o
mensahe (F8PN-IIIe-f-30)
 Nahihinuha ang paksa, layon at tono ng akdang nabasa (F8PB-IIIe-f-31).
 Nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa itinakdang
mga pamantayan (F8PD-IIIe-f-31).
 Nagagamit sa pagsulat ng isang dokumentaryong pantelebisyon ang mga
ekspresyong nagpapakita ng kaugnayang lohikal (F8PU-IIIe-f-32).
 Nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal
(dahilan-bunga, paraan-resulat) (F8WG-IIIe-f-32).
Panuto: Suriin ang sumusunod na palabas sa telebisyon. Isulat ang DP kung ito ay
dokumentaryo, MS kung ito naman ay morning show, NP kung ang uri ng palabas
ay news program, at VS kung ito ay variety show.

_____ 1. 24 Oras _____ 6. The Voice Kid


_____ 2. Eat Bulaga _____ 7. TV Patrol
_____ 3. Investigative Documentaries _____ 8. Umagang Kayganda
_____ 4. Reel Time _____ 9. I-Witness
_____ 5. Sunday Pinasaya _____ 10. Unang Hirit
1953 naitayo sa bansa ang kauna-
unahang estasyon ng telebisyon.

James Lidenberg – Ama ng Telebisyon


sa Pilipinas

Siya ang may-ari ng Bolinao Electronics


Corporation na tinawag na Alto
Broadcasting System o ABS.

Naipakilala ang telebisyon sa bansa


noong 1953 nang ipalabas ng ABS sa
Maynila ang DZAQ-TV.
Pagkalipas ng ilang taon, nabili ng
Chronicle Broadcasting Network (CBN)
na pag-aari nina Eugenio at Fernando
Lopez ang ABS kung kaya naitatag ang
ABS-CBN Network.

Ang ABS-CBN ang pinakamatanda at


nangungunang TV Network sa bansa na
may slogang “In the service of the
Filipino.”
Bukod sa ABS-CBN, nabuo rin ang DZBB
TV Channel 7 na mas kilala ngayon
bilang GMA Network na itinayo ni Bob
Stewart noong 1960. May slogan itong
“Kapuso, anumang kulay ng buhay.”

Noong 1960 rin nabuo ang isa pang


estasyon, ang TV5 na dating kilala sa
pangalang ABC 5 na pag-aari ng
MediaQuest Holdings, Inc. Ito ay may
slogang “Para sa Iyo, Kapatid!”
Binago ng telebisyon ang paraan ng pagpapahayag natin sa mga kuwento
o aral ng buhay. Dati, sinusubaybayan o inaabangan natin ang mga
kuwento ng buhay na umaantig sa ating puso gamit ang mga imprenta o
babasahin o kaya ay sa aktuwal na mga tanghalan.

Dulot na rin ng pagsulong ng modernisasyon at teknolohiya ay nabuo ang


telebisyon na higit na nagbigay-kulay at larawan sa mga pangyayari sa
ating paligid gamit ang mga ilaw at kamera.
Children Show – mga
programa o palabas sa
telebisyon na ang
pangunahing mithiin ay
makuha ang atensyon ng
mga bata sa paraang sila
ay masisiyahan at
mabibigyan ng
impormasyon. Ang Art
Angel, Batibot at Tropang
Potchi ang ilan sa
halimbawa ng palabas na
ito.
Educational Program –
tumatalakay sa mga
bagay na noong una
ay pinag- aaralan
lamang sa
pamamagitan ng mga
nakalimbag na
impormasyon. Ang ilan
sa halimbawa nito ay
Matanglawin, I Believe
at Born to be Wild.
Magazine Show – isang
programang
pantelebisyon na
nagpapalabas ng iba’t
ibang napapanahong
isyu, ito ay may
kaunting panayam at
komentaryo. Ang
palabas na Rated K at
Kapuso Mo, Jessica
Soho! ay mga sikat na
programang kabilang
dito.
Morning Show – tinatawag
din na breakfast television
kung saan nag-uulat ang
programa nang live tuwing
umaga, ang mga
mamamahayag ay may
layuning makapaghatid
ng mga napapanahong
impormasyon sa
manonood. Ang Umagang
kay Ganda at Unang Hirit
ay ilan lamang sa kilalang
programa.
News Program –
naghahatid ng
napapanahong
kaganapan o
pangyayari sa loob at
labas ng bansa, ito’y
kinapalolooban din ng
ilang panayam at
komentaryo. Kabilang
ang TV Patrol at 24 Oras
sa halimbawa nito.
Public Service Program
– naghahatid ng tulong
sa mamamayan o
programang nagiging
daan sa paghahatid ng
tulong. Ang halimbawa
ng programa ay ang
Imbestigador, SOCO at
Bitag.
Travel Show –
naglalahad ng
paglalakbay sa iba’t
ibang bayan o bansa at
nagpapakilala sa mga
produkto na
matatagpuan dito. Ang
palabas na halimbawa
nito ay Biyahe ni Drew
at Lakbai.
Variety Show –
nagbibigay ng tuon sa
patimpalak sa pag-arte,
pag-awit, pagsayaw at
pagpapalabas ng isang
comedy skit. Ang ilan sa
halimbawa ay ang sikat
na palabas na It’s
Showtime at Eat Bulaga.
Youth-Oriented Program –
nakatuon sa pagtalakay
sa isyu ng kabataan.
Karaniwang tema nito ay
ang kanilang buhay pag-
ibig. Ngunit hindi
nawawala ang
pagbibigay o paglalaan
ng eksena sa
pagpapahalagang
pangkatuhan o moral
values. Ang Growing Up,
Luv U at Teen Gen ay
napabibilang dito.
Drama Series – ito
ay palabas na
kinagigiliwan ng
lahat, ito ay
binubuo ng iba’t
ibang tauhan na
nagsasadula sa
isang kuwento.
 Saglit mang natigil ang pamamayagpag ng telebisyon noong panahon
ng paghahari ng Batas Militar ay sinasabing nang matapos ang yugto ng
diktaturyal sa ating bansa ay sumilang ang isang uri ng pamamahayag o
pagbabalita na maituturing na higit na liberal at mapusok ang anyo
sapagkat ito ay tumatalakay sa mga napapanahong isyu sa
kasalukuyan na tinatawag na dokumentaryong pantelebisyon.
Ito ay isang programa o palabas na naglalayong maghatid ng
komprehensibo, mapanuri at masusing pinag-aralang proyekto o palabas
na sumasalamin sa katotohanan ng buhay na kalimitang tumatalakay sa
isyu, problema, kontrobersiyal na balita, at maging ng mga paksang may
kinalaman sa kultura at pamumuhay sa ating lipunan.

Ang dokumentaryong pantelebisyon ay maituturing na


isang uri ng sining na ang pangunahing layunin ay magbigay
ng mga tiyak at totoong impormasyong gigising sa isip at
damdamin ng isang tao patungkol sa isang isyu.
Kilala sa larangan ng dokumentaryong pantelebisyon ang
mga batikang mamamahayag na sina Che-Che Lazaro,
Jessica Soho, Kara David, Howie Severino, Sandra Aguinaldo,
Jay Taruc at iba pa. Ang mga tanyag na dokumentaryong
pantelebisyon sa bansa ay ang Reporter’s Notebook, I-Witness,
Reel Time, Krusada, Investigative Documentaries, at iba pa.
Natutukoy ang mga tamang salita sa pagbuo ng isang puzzle na may
kaugnayan sa paksa (F8PT-IIIe-f-31).

PATAYO:
1 Tinatawag itong breakfast television kung saan nag-uulat ang programa nang live tuwing
umaga.
2 Kuwadradong elektronikong kagamitan na nagbigay-kulay at larawan sa mga
pangyayari sa ating paligid gamit ang mga ilaw at kamera.
3 Programang naghahatid ng tulong sa mamamayan.
5 Ang pangunahing mithiin ng show na ito ay makuha ang atensyon ng mga bata sa
paraang sila ay masisiyahan at mabibigyan ng impormasyon.
8 Programang naghahatid ng napapanahong kaganapan o pangyayari sa loob at labas
ng bansa.
9 Ang palabas na halimbawa nito ay Biyahe ni Drew at Lakbai.
Natutukoy ang mga tamang salita sa pagbuo ng isang puzzle na may
kaugnayan sa paksa (F8PT-IIIe-f-31).

PAHALANG:

4 Ang halimbawa ng programang ito ay Matanglawin, I Believe at Born to be


Wild.
6 Isang programang pantelebisyon na nagpapalabas ng mga napapanahong
isyu, ito’y mayroong panayam at komentaryo.
7 Higit na liberal at mapusok ang palabas na ito sapagkat ito ay tumatalakay sa
mga napapanahong isyu sa kasalukuyan.
10 Nagbibigay ng tuon ang palabas na ito sa patimpalak sa pag-arte, pagawit,
pagsayaw at pagpapalabas ng isang comedy skit.
https://www.google.com/search?q=puno+ng+ratt
an&tbm=isch&chips=q:puno+ng+rattan,online_chip
s:plant:mixt8d_sfrk%3D&bih=545&biw=1242&hl=fil&sa
=X&ved=2ahUKEwjZ37jCzur9AhVKAN4KHaoBBzgQ4l
YoAHoECAEQJg#imgrc=uX7s3_FtLJqJVM
https://www.google.com/search?q=produkto https://www.google.com/search?q=produkto+ https://www.google.com/search?q=baske
+mula+sa+rattan&tbm=isch&ved=2ahUKEwj63 mula+sa+rattan&tbm=isch&ved=2ahUKEwj63Yj t+na+gawa+sa+rattan&tbm=isch&ved=2a
Yj2zur9AhUYVN4KHZ07CpUQ2- 2zur9AhUYVN4KHZ07CpUQ2- hUKEwic-Zq20Or9AhXNDt4KHceGCAgQ2-
cCegQIABAA&oq=produkto+mula+sa+rattan&
gs_lcp=CgNpbWcQ
Human Development Reports. (2020). 2020 Gender Social Norms Index (GSNI). Mula sa
https://hdr.undp.org/content/2020-gender-social-norms-index-gsni?fbclid=IwAR1TGW5vj37D1Hi3KZogkqvBfcY-4GF5Rf9kKjyrZyUk7LhRWc1ZyGdw6DE
Matapos kong mapanood ang dokumentaryong I-
witness ay natutunan kong. . .

______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
Natuklasan ko sa araling ito na ang tungkulin ng
dokumentaryong pantelebisyon ay. . .

_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
Ang Batang Magtatanso at Batang Magbabayuko

Sina Joana Marie, 10 taong gulang at Andrew, 6 na taong


gulang ay itinampok sa Reporter’s Notebook na ini-ere noong
Marso 2013. Sila ay mga batang sa halip na nag-aaral ay
naghahanapbuhay sa pamamagitan ng paghahanap ng
piraso ng kable sa basurahan bunga ng kahirapan. Ang mga
ito ay kanilang sinusunog upang makuha ang tanso.
Bagama’t pumutok ang kableng kanilang sinunog ay hindi
kinakitaan ng takot ang batang si Joana dahil ayon sa kanya
ay gagawin niya ang lahat upang maibigay ang
pangangailangan ng kanyang inang biyuda. Ang ganitong
gawain ay tinatawag na extreme risk o isang uri ng
mapanganib na child labor sa buong mundo ayon sa
Maplecroft.
Samantala noong buwan ng Agosto ng nasabi ring taon ay
isa pang dokumentaryong kahawig ng mga batang
magtatanso ang ipinalabas ng Reporter’s Notebook, ito ay
ang mga batang magbabayuko. Sila ay mga batang
naghahanap ng malalaking susong tinatawag na bayuko sa
kabundukan sa halip na nag-aaral o pumapasok sa
paaralan.
Sila ay sina John Paul, Ronald, Gaspar, at Enteng, mga
batang taga-Daraitan, Tanay, Rizal. Halos maghapon silang
naghahanap ng bayuko sa bundok kaya’t pinagbabaon na
sila ng pagkain ng kanilang magulang. Ito ay kanilang
ibinebenta ng P3.00 hanggang P5.00 bawat isa kaya kumikita
sila ng P30.00 hanggang P100.00 isang araw.
1. Ano ang naramdaman mo nang iyong mabasa
ang ulat?

2. Ano ang ipinakikita ng nasabing ulat nina Maki


Pulido at Jiggy Manicad?

3. Kung ikaw ang nasa kanilang kalagayan, gagawin


mo rin ba ang kanilang ginagawa?
Sa paglalahad ay mahalagang maipakita ang wastong
pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga pangyayari. Kailangang
lohikal na maipakita ang ugnayan upang madaling makuha o
maunawaan ang mensaheng nais iparating ng nagsasalita o
nagpapahayag.

Ang paggamit ng mga pangatnig, pang-abay at iba pang


ekspresyon ay makatutulong upang maipakita ang ugnayan ng mga
pahayag.
Ang lohikal na ugnayan  Nagsikap siyang mabuti
ng sanhi at bunga ay dapat sa kanyang pag-aaral
na maliwanag na Makita kaya gumanda ang
ng mga mambabasa o kanyang buhay.
tagapakinig. Ang mga
pangatnig na sapagkat,  Bunga ng kahirapan ang
pagkat, palibhasa, dahil, maaga niyang pag-
kasi, kaya at iba ay aasawa.
madalas na ginagamit.
Nagsasaad kung  Nagbago ang kanyang
paano nakuha ang buhay sa tulong ng
resulta. Ang pang- kanyang mga kaibigan.
ugnay na sa ay
karaniwang ginagamit  Sa sipag niyang mag-
sa ganitong pahayag. aral, nanguna siya sa
klase.
Sa ugnayang ito,  Kung nagsisikap ka sa
ipinakikitang maaaring buhay, hindi ka
maganap o sumalungat mananatiling mahirap.
ang pangyayari kung
isasagawa ang kondisyon.  Magiging matagumpay
Ang pang-ugnay na kung, ka sa buhay kapag
kapag, sana, sakali ay susundin mo ang payo
maaaring gamitin sa ng iyong mga magulang.
ugnayang ito.
Isinasaad ng ugnayang  Nagsikap siyang mabuti
ito kung paano makakamit sa pag-aaral upang
ang layunin gamit ang mabago ang kanyang
paraan. Ang mga pang- buhay.
ugnay na upang, para,
nang at iba pa ay  Para makakuha nang
ginagamit ditto. mataas na marka, nag-
aral siya nang mabuti.
 Tila mahirap ang
Ito ay magkaugnay sapagkat sinasabi mo kaya hindi
ang nag-aalinlangan o
ko magagawa ang
nagdududa ay nag-aatubili o
hindi kaagad isinasakatuparan o bagay na iyan.
pinaniniwalaan ang isang bagay.
Gayundin, ang nag-aatubili ay  Marahil nakatulog siya
bunga ng nag-aalinlangan. Ang nang maaga kaya hindi
mga salitang hindi sigurado,
siya nakapag-reply sa
yata, tila, baka, marahil, at iba
pa ay maaaring gamitin sa chat ko.
ganitong pahayag kasama na
ang pang-ugnay na kaya,
samakatuwid, kung gayon.
 Talagang hindi hadlang
Ito ay ugnayang ang kahirapan sa buhay
nagsasaad ng katiyakan o upang magtagumpay.
kasidhian. Ilan sa mga
salitang ginagamit dito ay  Nang dahil sa kanyang
ang siyang tunay, walang kasipagan, walang
duda, sa katotohanan, dudang makakpagtapos
talaga, tunay, siyempre siya ng pag-aaral.
kasama ang pang-ugnay
na na at nang.
1. Naabutan mo sana siya kung maaga kang dumating.
2. Napuri si Honesto sa kanyang pagsasabi ng katotohanan.
3. Si Alex ang pinakamahusay na karpintero, dahil dito siya ang
naging foreman.
4. Tunay na ang kaginhawaan ay makakamtan sa pagsusumikap.
5. Itinaas niya ang kanyang kamay upang mapansin ng guro.
1. Ibigay ang sanhi at bunga ng pagtigil sa pag-aaral ng malaking
bahagdan ng mga kabataang mag-aaral sa bansa.
2. Magbigay ng ilang paraan at resulta ng isang proyektong
pangkabataan sa inyong lugar.
3. Sabihin ang isang bagay na atubili kang gawin dahil sa iyong pag-
aalinlangan.
4. Ipahayag ang isang bagay na natitiyak mong tama at nais mong
pasidhiin upang makatulong sa iba.
5. Magbigay ng isang kondisyon at resulta kapag gumawa ng isang
hakbang na hindi pinag-iisipan.

You might also like