DLP ESP 5 Week 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

DETAILED School: Grade Level: 5

LESSON Learning EDUKASYON SA


Teacher:
PLAN (DLP) Area: PAGPAPAKATAO
Principal: Section: MARCOS
Teaching
Dates
Quarter: 1ST QUARTER
and
Time:

I. Layunin
A. Pamantayang Ang mag-aaral ay nakalalahok ng masigla sa anumang proyekto
Pangnilalaman ng pangkat na kinabibilangan;.
Ang mag-aaral ay nakapagpapakita ng kusang-loob na pakikiisa sa mga gawain
B. Pamantayan sa
at
Pagganap
naisasagawa ang pagtulong upang madaling matapos ang gawain.
C. Mga Nakakapagpatunay mahalaga ang pagkakaisa sa pagtatapos ng gawain;
Kasanayan sa (EsP5PKP – If- 32)
Pagkatuto
II. Nilalaman Pagkakaisa sa Pagtatapos ng Gawain
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa DepED Region II, Edukasyon sa Pagpapakatao 5, LAS Quarter 1, Week 6
Gabay ng Guro Final-K-to-12-MELCS-with-CG-Codes page 80
2. Kagamitan Powerpoint presentation, Youtube videos, at laptop
III. Pamamaraan
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Energizer
4. Checking of Attendance
5. Balik-aral
 Ano ang pamagat ng ating nakaraang aralin nung nakaraang linggo sa
ESP?
- Ang ating aralin ay may pamagat na “Matapat na Paggawa sa mga
Proyektong Pampaaralan”

A. Balik-aral sa  Sa paanong paraan mo maipapakita ang matapat na paggawa sa


nakaraang proyektong paaralan?
aralin at
pagsisimula - Ang pagiging matapat sa anomang gawaing naghihintay at
ng bagong nakalaan sa atin ay dapat na ipakita sa lahat ng pagkakataon.
aralin Bilang mag-aaral, dapat nating gawin ng may katapatan ang mga
proyekto o gawaing pampaaralan na ibinibigay ng guro sa atin,
nakikita man nila tayo o hindi.

Tandaan: Ang batang matapat sa mga gawaing inaatas sa kaniya


ay kinalulugdan ng Diyos. Bilang isang mag-aaral, dapat nating isipin
na anomang mga gawaing ipinapagawa sa atin ay gawin natin nang
buong husay at katapatan. Lagi nating tandaan na ang lahat ng ating
ginagawa ay para sa ating sarili, sa ating kapuwa, at higit sa lahat ay
para sa Diyos.

Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba. Isulat sa iyong kwaderno kung


anong katangian ang ipinakikita ng pagkakaisa sa pagtupad ng gawain

B. Paghahabi sa
layunin ng
aralin

Paggawa ng Proyekto Pagpupulong Pagtatanghal


Basahing mabuti ang kuwento at sagutin ang sumusunod na mga tanong.

Ang pangkat ni Ben ay inatasan ng kanilang guro sa Araling


Panlipunan na magpakita ng isang katutubong sayaw. Bilang lider ng
grupo, kaagad nagpatawag si Ben ng pagpupulong sa kanilang mga
kasama. Lahat sila ay may kani-kaniyang gawain na dapat gampanan.
Kaagad naman nilang ginawa ang mga ito ng may pagkukusa.

Sa araw ng kanilang pagtatanghal ay naging maganda ang


kanilang presentasyon. Lahat ay napahanga lalong-lalo na ang kanilang
guro. Tinanong sila kung paano nila ito nagawa ng maayos sa maikling
panahon. Napangiti lamang si Ben at sumagot ng maikling tugon, “Ang
tingting kapag pinagsama-sama ay nagiging matibay”.

Mga Tanong:
C. Pag-uugnay 1. Ano ang katangiang ipinakita ng pangkat ni Ben?
ng mga -Nagtutulungan at nagkakaisa.
halimbawa
sa bagong 2. Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi tumulong ang mga
aralin kasapi ng grupo sa kanilang gawain?

- Hindi nila magagawa ng maayos ang kanilang sayaw


3. Paano ginampanan ni Ben ang kaniyang tungkulin bilang lider ng grupo?
- Kaagad nagpatawag ng pagpupulong sa kanilang mga kasama at nagbigay ng
mga dapat gawin.

4. Kung ikaw ay kasapi ng pangkat ni Ben, ano ang mararamdaman


mo kung naging maganda ang kinalabasan ng inyong presentasyon?
Bakit?
- Masaya, matutuwa, mag-eenjoy, feel – proud dahil naging maganda aming
presentasyon.

5. Ipaliwanag ang kasabihan, “Ang tingting na pinagsama ay nagiging


matibay”.
- Ibat-iba ang magiging sagot ng mga mag-aaral.

D. Pagtalakay Pagkakaisa sa Pagtatapos ng Gawain


ng bagong Ang tao ay panlipunang nilalang. Nabubuhay siya kasama ang kapuwa. Kaya,
konsepto at mahalaga na matuto siyang makipag-ugnayan sa tao. Ang ugnayang kaniyang
paglalahad binubuo ay tinatawag na pakikipagkapuwa-tao. Ang pagiging tapat ay pagiging
ng bagong matuwid. Ito ang daan upang madaling malunasan ang anomang suliraning
kasanayan kinakaharap.
#1
May pagtutulungan kung sama-sama ang lahat sa paggawa upang matamo
ang layunin. Anomang gawain, basta’t tulong-tulong ang bawat miyembro, ay
magiging magaan ito.
Bawat miyembro ng pangkat ay may mahalagang tungkulin na dapat gawin.
Ang pagpapahalaga sa tungkulin ay naipababatid sa pakikilahok at
E. Pagtalakay
ng bagong pagkukusang- loob.
konsepto at Ang pakikilahok o kooperasyon ay pahayag ng pagsuporta sa ikatatagumpay
paglalahad ng gawain. Tanda rin ito ng pagpapahalaga sa iniatas na tungkulin sa pangkat.
ng bagong Mas malalim ang kahulugan ng pakikilahok kung ito ay kusa. Ang pagkukusa o
kasanayan bolunterismo ay malayang pagkilos o pagganap para sa kabutihang panlahat.
#2 Patunay ito sa pagmamahal at pagmamalasakit mo sa iyong gawain at
kapangkat.
Malaki man o maliit, mahalaga ang iyong ambag sa pagtatapos ng isang
gawain o proyekto.

F. Paglinang sa
kabihasnan Gawain 1: Iguhit ang masayang mukha kung ang pahayag sa ibaba ay
nagpakikita
ng pagkakaisa sa paggawa at malungkot na mukha kung hindi.
1. Pagdalo sa mga pagpupulong ng mga miyembro ng pangkat.
2. Pakikilahok sa palitan ng opinyon kung paano gagawin ang proyekto.
3. Pagsasaliksik sa silid-aklatan kung paano higit na mapabubuti ang paggawa.
4. Patuloy na paglalaro samantalang gumagawa ng proyekto ang mga
kasamahan.
5. Pakikinig sa opinyon ng ibang miyembro ng pangkat.
6. Pagsunod sa utos ng pinuno ng pangkat.
7. Pamimintas sa ideya ng kasama.
8. Pagtulong sa kasama sa paggawa ng proyekto nito.
9. Pagtatago ng mga materyal na kailangan upang hindi magamit nang kasama.
10.Pagbati sa mga kasama kapag natapos ang proyekto.

Gawain 2.
Piliin sa Kolum B ang ibig sabihin ng pahayag na nasa Kolum A.
Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
Kolum A Kolum B
C1. Kusang paggawa/Paggawa ng hindi A. Tungkulin
inuutusan
E 2. Nakatakdang proyekto B. Pagtutulungan
J 3. Kooperasyon sa gawain C. Pagkukusa
G 4. Samahan D. Pagkakaisa
H 5. Pagtatapos ng gawain E. Nakatakdang Gawain
A 6. Inaasahang gampanin F. Katarungan
I 7. Nais na makamtan sa paggawa G. Pangkat
B 8. Sama-samang paggawa H. Tagumpay
D 9. Pahayag ng pagmamalasakit I. Layunin
F 10. Pagbibigay sa kapuwa ng nararapat J. Pakikilahok

G. Pag-uugnay Bilang mag-aaral, sa papaanong paraan mo maipapakita sa bawat kamiyembro


sa pangaraw- mo sa tuwing kayo ay may group activity ang pakikiisa sa mga gawain?
araw na - Maaaring ibat-iba ang sagot ng mga mag-aaral.
buhay
Sa inyong napag-aralan, ano ang natutunan ninyo sa ating aralin?
- Bawat miyembro ng pangkat ay may mahalagang tungkulin na dapat gawin.
Ang pagpapahalaga sa tungkulin ay naipababatid sa pakikilahok at
H. Paglalahat ng pagkukusang- loob.
aralin
- May pagtutulungan kung sama-sama ang lahat sa paggawa upang matamo
ang layunin. Anomang gawain, basta’t tulong-tulong ang bawat miyembro, ay
magiging magaan ito.

Pagtataya:
Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa sagutang papel kung TAMA o MALI
ang diwang isinasaad nito.

1. Mahalagang bahagi ng ikatatagumpay ng isang proyekto ang pagkakaisa.


2. Ang pagkakaniya-kaniya ng mga miyembro ng pangkat ay makabubuti sa
lahat.
IV.Pagtataya 3. Dapat ang lider ng pangkat ang laging masusunod.
4. Kailangang pagplanuhan muna ang gagawing proyekto bago umpisahan.
5. Mahalaga sa pangkat ang opinyon ng bawat miyembro.
6. Ang pakikilahok ay pagpapahalaga sa iniatas na tungkulin.
7. Ang pagkakaisa ay maaari ring maipakita sa tahanan.
8. Huwag ipaalam sa pangkat ang kakayahan para hindi mautusan.
9. Huwag punahin ang mali ng miyembro sa harap ng nakararami
10. Sa anomang gawain, kumilos lamang kung may parangal.

V.Takdang - aralin Panuto: Isulat kung anong samahan sa paaralan ang iyong kinabibilangan.
Alamin ang mga proyektong tumutugon sa layunin ng samahan.
Isulat din kung paano makikiisa dito ang mga miyembro ng
samahan. Kung sakaling hindi ka pa miyembro, isulat kung anong
samahan ang nais mong salihan.
Pangalan ng Samahan

Layunin: _________________________________________________________
Proyekto: ________________________________________________________
Tungkulin ng Miyembro: _________________________________________

Prepared by:
Teacher I
Checked by:
Principal IV

You might also like