Filipino 2
Filipino 2
Filipino 2
Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO DE ORO
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
8. Masama ang panahon at walang tigil ang malakas na pag-ulan. Ano ang
maaaring bunga nito? _______
A. May pasok ang mga mag-aaral.
B. Babaha at suspendido ang klase.
C. May pagpupulong ang mga guro.
D. Maglalaro ang mga bata sa labas ng bahay.
9. Gabi-gabi, naglalaro si Jaymar ng mobile legend gamit ang selpon. Ano ang
posibleng bunga nito? ______
A. Kikinis ang kanyang mukha.
B. Masisira ang kanyang mga mata.
C. Lilinaw ang kanyang mga mata.
D. Lalakas ang kanyang pangangatawan.
10. Araw ng Sabado at walang pasok. Tinulungan ni Nante ang kanyang ina sa
paglilinis ng bahay. Anong katangian mayroon si Nante? ______
A. matulungin
B. matipid
C. magalang
D. mayabang
11. Inutusan si Marie ng kanyang ate na bumili ng bigas sa tindahan. Napansin niya
na sobra ang sukli na ibinigay ng tindera sa kanya, kaya agad niya itong isinauli.
Si Marie ay batang ______.
A. palabiro
B. sinungaling
C. matapat
D. matipid
12. Gumuho ang lupa sa bundok ng Masara nang walang tigil ang pag-ulan at
maraming tao ang namatay. Ano ang damdamin mo sa pangyayaring ito?_____
A. masaya
B. mainggit
C. mahiya
D. malungkot
13. Bumili si Papa ng bagong selpon bilang regalo niya sa aking kaarawan, kaya ako
ay ______.
A. natuwa
B. nahiya
C. nalungkot
D. natakot
14. Nakasabay mo si Boboy na kumain ng tanghalian. Nakita mong wala siyang
baong ulam. Ano ang gagawin mo?
A. Pagalitan ko siya.
B. Pagtawanan ko siya.
C. Bibigyan ko siya ng aking ulam.
D. Tawagin ang kaklase at pagtawanan namin siya.
15. Nakita mong maraming bitbit na mga gamit si Gng. Ochavez. Ano ang
nararapat mong gawin?
A. Hahayaan ko lang siya.
B. Tatakbo ako papalayo sa kanya.
C. Magtago at hindi ako magpakita sa kanya.
D. Tutulungan ko siya sa pagbitbit ng mga gamit.
17. Nagpadala ng masarap na tsokoulati ang kuya kong nasa Japan. Alin sa mga
salitang may salungguhit ang may maling baybay?_________
A. kong B. masarap C. tsokoulati D. kuya