Unang Pagtatasa Sa Filipino 6 1st Quarter

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Unang Pagtatasa sa Filipino 6

(T.P 2022-2023)
Ikalawang Markahan

Pangalan :______________________________ Petsa : _______________________________

Paaralan : _______________________________Guro :_____ __________________________

Basahin at unawaing mabuti ang anekdota. Sagutin ang mga sumusunod na tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel.

Minsan, ang kaibigan kong si Jane ay bumili ng sapatos na mas mahaba ng tatlong pulgada ang haba sa paa niya.
Nag-aalala kasi siya na baka sa susunod na araw ito ay sisikip. Kung sakali, masasayang lang ang pera niya at hindi ito
maisusuot. Isang araw umulan nang malakas, habang tumatakbo kami papasok sa umaandar na dyip, nahulog ang kapares
ng kaniyang sapatos. Mabilis na umandar ang dyip at tuluyan na itong naiwan sa kalsada. Itinapon niya rin ang isa dahil
hindi niya na ito magagamit pa. Nasayang lamang ang kaniyang pera

1. Kaninong anekdota ang iyong nabasa?


A. Jane B. Jona C. Mariz D. Roan
2. Ano ang kaniyang dahilan bakit bumili siya ng sapatos na mas malaki sa kaniyang paa?
A. Ibibigay niya sa kaniyang ate. C. Gusto niya ng medyo maluwag na sapatos.
B. Ipahihiram niya sa kaniyang kapatid D. Iniisip niyang sisikip ito at baka hindi na magamit.
3. Ano ang ginawa niya sa natirang pares ng sapatos?
A. Itinago niya ito. C. Ibinenta niya nalang ito.
B. Ibinigay sa pulubi D. Itinapon dahil hindi na niya ito magagamit.
4. Anong nangyari bakit naiwan ang kapares ng kaniyang sapatos?
A. Sumasayaw siya papasok ng sasakyan. C. Naglalaro sila ng kaibigan niya nang habulan.
B. Naglalakad siya at bigla itong naiwan. D. Tumakbo siya papasok ng dyip at nahulog ito.
5. Anong aral ang makukuha mo sa nabasang anekdota?
A. Huwag maging matatakutin. C. Maging maalahanin sa ano mang bagay.
B. Sundin ang sariling desisyon. D. Pag-isipan nang mabuti ang pagdedesisyon.

Basahin ang talaarawan at sagutin ang mga tanong. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

Mahal kong Talaarawan,


25, Hulyo 2020
Sabado
Medyo tinanghali ako nang gumising ngayong araw dahil napagod ako sa pagtulong sa aking inay sa pagtatanim at pagdidilig ng mga
halaman kahapon. Ngayong pandemya mabenta ang aming panindang iba’t ibang halaman lalo na ang mga caladiums, calatheas, aglaonemas,
ferns, roses, at philodendrons. Malaki ang naitutulong ng mga ito sa amin lalo na ngayong pandemya. Presko at nakagaganda ng paligid, stress-
free at air purifier pa. Nakalilibang na kumikitang kabuhayan pa.

26 Hulyo 2020
Linggo
Gumising ako bandang 6:30 ng umaga ngayong Linggo dahilmagsisimba kaming mag-anak sa virtual mass. Naghanda at nagbihis na
kami dahil mag-uumpisa ito sa ganap ng ikawalo ng umaga. Nang i-on ni itay ang aming malaking telebisyon. Umupo na kami sa sofa, nanood,
at nakinig sa misa. Sana matapos na itong pandemya at maging ligtas ang lahat.

Nagmamahal,
Dale

6. Ano-ano ang mga mabentang halaman nina Dale?


A. roses, ferns, baby’s wreath C. caladiums, calatheas, aglao, roses
B. rosal, caladiums, ferns, roses D. orchids, sampaguita, rosal, daisies
7. Sino ang kasama ni Dale sa pagsimba?
A. kaniyang pamilya C. mga tiyuhin, lolo at lola
B. mga kaibigan at tiyuhin D. ninang, kapatid, kamag-aral
8. Anong uri ng anak si Dale?
A. maagap,matalino at malambing C. masayahin at palakaibigan
B. magalang at mapagbigay D. masipag, matulungin, at maka-Diyos
9. Ayon sa binasa, maliban sa nakagaganda sa paligid, ano pa ang
magandang dulot ng pag-aalaga ng halaman?
A. pandagdag na dekorasyon C. pampalakas ng katawan
B. air purifier, libangan at maaaring pagkakitaan D. pandagdag na gawain
10. Paano nakatutulong si Dale sa kaniyang ina ay ______.
A. paglilinis ng bahay C. paglilinis ng bakuran
B. pagluluto at paghahanda ng pagkain D. pagtatanim at pagdidilig ng halaman

Basahin ang isang magandang pangyayari na ating nasaksihan. Sagutin ang mga tanong at isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel.

GOOD NEWS | 2 magandang balita, inilatag ng MalacañangManila, Philippines – Ipinagmalaki ng Palasyo ng Malacañang na tumaas ang
11. Ang pangyayaring iyong binasa ay isang _________________ pangyayari.
A. magandang B. masamang C. nakakatawang
12. Tungkol saan ang ulat?
A. sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin
B. sa pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa
C. pagtaas ng koleksyon ng BIR, BOC at BTr
13. Sinong taga Malacañang ang nagpaabot ng ulat na ito?
A. Vice President Leni Robredo
B. Presidential Spokesman Secretary Harry Roque
C. Congressman Henry H. Oaminal
14. Sino ang nagbalita?
A. ang ABS-CBN B. ang GMA C. ang RMN News Nationwide
15. Kailan ito iniulat sa publiko?
A. June 11, 2018 alas 2:47 ng hapon
B. December 25, 2018 alas 12:00 ng madaling araw
C. October 23, 2019 alas 7:30 ng umaga
Piliin ang pinaka-angkop na wakas ng sumusunod na sitwasyon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
16. Si Mang Delmo ay isang mambubukid. Marami siyang tanim na mangga sa kaniyang bukirin nilalagyan niya ng tamang gamot
ang mga ito.
A. Napagod siya kaya nagpahinga.
B. Inubos ng peste ang kaniyang mga pananim.
C. Masayang isinasagawa niya sa kaniyang gawain.
D. Naging malusog at namunga ng marami ang kaniyang tanim.
17. Masinop at matalino na bata si Maria. Lagi siyang nag-aaral ng leksiyon. Hindi siya lumiliban sa klase. Nakikinig siyang mabuti
sa kaniyang guro.
A. Si Maria ay nangunguna sa klase.
B. Marami siyang kaibigan sa paaralan.
C. Pinagmalaki siya ng kaniyang magulang.
D. Mababa ang nakuha niyang iskor sa pagsusulit.
18. Maagang umuwi si Melody galing sa paaralan. Masakit na masakit ang kaniyang ulo. Mainit ang kaniyang buong katawan at
nanginginig sa lamig.
Nais niyang mawala ang sakit kaya napagpasiyahan niya na _________.
A. kumain at magpahinga
B. nagkaroon ng sipon at ubo
C. uminom ng gamot sa lagnat
D. maligo para mawala ang init sa katawan
19. Matakaw sa pagkain si Mimi kaya nga siya ay matabang bata. Isang araw, dumalo sila sa piyesta at maraming masasarap na
nakahandang pagkain sa mesa kaya naparami ang kain niya.
A. Hindi siya nabusog sa kaniyang kinain.
B. Nagpasalamat sa kaibigang nag-imbita.
C. Masayang umuwi kasama ang kaibigan.
D. Si Mimi ay busog na busog sa kaniyang kinain.
20.Kumidlat ng matalim. Kumulog nang malakas. Umihip ang malakas na hangin. Bumuhos ang malakas na ulan.
A. Maliligo sa ulan.
B. Hindi lalabas sa bahay.
C. Masarap matulog kapag malamig ang panahon.
D. Masama ang panahon at may paparating na bagyo.

You might also like