Ibong Adarna Buod Kabanata 1
Ibong Adarna Buod Kabanata 1
Ibong Adarna Buod Kabanata 1
Ang kaharian ng Berbanya ay tanyag bilang isang sagana at may payapang pamumuhay. Ang mga
piging at pagdiriwang ay madalas na idinaraos sa kaharian ng Berbanya dahil masayahin ang hari’t
reyna na namumuno dito na sila Don Fernando at Donya Valeriana.
Sila ay may tatlong lalaking mga anak na sina Don Pedro, Don Diego, at si Don Juan. Ang tatlong
prisipe na ito ay likas na magagaling at matatalino higit kanino pa man sa buong kaharian. Nagsanay
ang tatlo sa paghawak ng mga sandata at patalim sa pakikipaglaban ngunit isa lang sa kanila ang
maaaring mahirang bilang tagapagmana ng kaharian.
Hindi maikakaila na paborito ni Don Fernando ang bunsong anak na si Don Juan kaya namayani ang
inggit ng panganay na si Don Pedro sa kapatid.
Talasalitaan: Mahirang – mailagay sa posisyon
Tanyag – sikat Maikakaila – maitatangi
Piging – handaan Namayani – nanguna
Likas – natural
Ibong Adarna Buod Kabanata 8: Ang Pagligtas kay Don Diego at Don
Pedro (Saknong 216 – 225)
Nag-utos ang ermitanyo kay Don Juan na kumuha ng banga at punuin ito ng tubig para ibuhos sa
mga kapatid niyang naging bato. Agad namang sumunod si Don Juan sa pinag-uutos ng ermitanyo.
Sumalok siya ng tubig at nagtungo sa kaniyang mga kapatid. Unang binuhusan ni Don Juan ang
batong si Don Pedro at agad itong nabuhay.
Tumayo si Don Pedro at niyakap ang bunsong kapatid. Sumunod namang binuhusan nito si Don
Diego at naging tao itong muli.
Nagyakapan ang tatlong prinsipe at labis na nagalak dahil sa wakas ay gagaling na ang kanilang ama
dahil sa nahuli ni Don Juan ang Ibong Adarna. Muling nagtungo ang tatlo sa dampa ng ermitanyo at
doo’y nagkaroon ng piging.
Talasalitaan:
Ermitanyo – taong nabubuhay mag-isa
Sumalok – kumuha
Nagtungo – nagpunta
Nagalak – natuwa
Dampa – bahay kubo
Piging – handaan
Ibong Adarna Buod Kabanata 9: Ang Mahiwagang Katotohanan
(Saknong 226 – 256)
Agad na gumaling ang mga sugat sa palad ni Don Juan matapos itong pahiran ng gamot ng
ermitanyo. Muling namangha si Don Juan sa hiwagang ipinamalas ng nito.
Nagbilin ang ermitanyo sa tatlong prinsipe na nawa’y makarating sila ng payapa alang-alang sa
kanilang amang hari. Nagbilin din ito na huwag sanang paglililo ang manahan sa kanilang mga puso.
Sa kanilang pag-uwi ay nauunang naglalakad si Don Juan dala-dala ang hawla. Habang nasa likod
naman nito ang dalawa pa niyang kapatid. Palihim na kinakausap ni Don Pedro si Don Diego.
Dahil sa sobrang inggit nito kay Don Juan, binalak ni Don Pedro na patayin ang kaniyang bunsong
kapatid ngunit ito ay tinutulan ni Don Diego.
Sa halip na patayin ay napagkasunduan ng dalawa na bugbugin nalang si Don Juan. Sa kagubatan na
ito aabutan ng kamatayan at madadala pa nila ang Ibong Adarna sa kaharian ng Berbanya.
Hindi nanlaban si Don Juan kahit pa siya ang pinagtutulungan na bugbugin ng dalawa niyang kapatid.
Iniwan ng magkapatid si Don Juan na nakagulapay sa gitna ng kagubatan. Tumakas sila tangay ang
Ibong Adarna.
Talasalitaan:
Ermitanyo – taong nabubuhay mag-isa
Ipinamalas – ipinakita
Payapa – tahimik
Paglililo – pagtataksil
Manahan – manatili, tumira
Hawla – kulungan
Nakagulapay – nakahiga sa pagod, masama ang pakiramdam
Tangay – dala
Ibong Adarna Buod Kabanata 10: Ang Pagtataksil nina Don Pedro at
Don Diego (Saknong 257 – 275)
Bumalik ng palasyo ang magkapatid na sina Don Pedro at Don Diego. Bagama’t nakaratay parin ay
pinilit ni Don Fernando na bumangon upang mayakap ang dalawang anak na matagal nang nawalay
sa kanya.
Nanlumo ito nang malaman na hindi kasama ng magkapatid ang bunsong anak na si Don Juan.
Tinanong ng hari sa magkapatid kung nasan si Don Juan ngunit ang tanging sagot nila ay hindi nila
alam.
Iniharap ng magkapatid sa hari ang Ibong Adarna. Ngunit nabigla ito dahil pangit at lulugo-lugo ang
itsura ng ibon.
Tiyak ng hari na sa itsura na iyon ng Ibong Adarna ay imbes na mapapagaling ng awit nito ang may
sakit ay mas lalo pang lulubha. Sa pag-aalala ay muling nanariwa ang panaginip ng hari tungkol sa
kanyang bunsong anak na pinaslang ng dalawang buhong.
Lumipas ang mga araw at mas lalo pang lumubha ang sakit ng hari. Ang Ibong Adarna ay ayaw pa
ring kumanta dahil wala ang totoong nagmamay-ari sa kanya na si Don Juan.
Maging ang Ibong Adarna ay umaasa na buhay pa ang prinsipe at matutuklasan din ng hari at reyna
ang pagtataksil na ginawa ng dalawa pa nilang anak.
Talasalitaan:
Nakaratay – nakahiga Nanariwa – naalala
Nanlumo – nanghina Pinaslang – pinatay
Lulugo-lugo – matamlay, mahina
Buhong – Kriminal, lumalabag sa batas
Ibong Adarna Buod Kabanata 11: Ang Panalangin ni Don Juan
(Saknong 276 – 318)
Wala nang ibang pinagkukunan ng pag-asa si Don Juan kundi ang panalangin. Ipinalanagin niya sa
Mahal na Birhen na humaba pa ang buhay at gumaling ang amang may karamdaman.
Para kay Don Juan ay kaya niyang ibigay ang Ibong Adarna sa kaniyang mga kapatid kung ito ang
hangad ng mga ito at hindi na ito dapat pinagtaksilan pa.
Bagama’t naghihirap ay hindi niya nakalimutang sariwain ang kalagayan ng may sakit na ama, ang
inang kaniyang labis na pinanabikan, ang kahariang kinalakhan, at ang bayang kaniyang sinilangan.
Talasalitaan:
Hangad – gusto
Sariwain – alalahanin
Pinanabikan – pagkagalak
Sinilangan – lugar kung saan ipinanganak
Ibong Adarna Buod Kabanata 12: Ang Pagliligtas kay Don Juan
(Saknong 319-339)
Biglang sumulpot ang matandang ermitanyo sa libis ng isang bundok. Doon niya natagpuang
nakahandusay sa lupa si Don Juan.
Labis na nahabag ang ermitanyo sa sinapit ng prinsipe. Sa ikalawang pagkakataon ay muling ginamot
ng matanda ang sugat ni Don Juan. Sa isang iglap ay biglang naglaho ang mga sugat sa katawan ng
prinsipe.
Namangha muli si Don Juan sa isang pang himala na nasaksihan niya. Niyakap nito ang matandang
ermitanyo tanda ng kaniyang pagpapasalamat dahil sa pagliligtas sa kaniyang buhay.
Pagkatapos ay inutos ng matanda na umuwi na si Don Juan sa palasyo upang iligtas ang amang hari.
Madaling tinahak ng prinsipe ang daan pabalik sa kaharian ng Berbanya.
Talasalitaan: Ermitanyo – taong Nahabag – naawa
Sumulpot – lumabas nabubuhay mag-isa Naglaho – nawala
Libis – gilid ng bundok Tinahak – nilakad
Nakahandusay – nakahiga
Ibong Adarna Buod Kabanata 15: Ang Muling Paglisan ni Don Juan
(Saknong 429 – 442)
Madaling araw pa lang ay umalis na si Don Juan upang tumakas sa kaniyang ama. Batid niyang
kailangan niyang magtago dahil sa pagpapabaya sa Ibong Adarna.
Paggising ng hari ay agad itong nagtungo sa silid na kinaroroonan ng ibon. Nagulat ito nang
matagpuang wala na ang ibon sa hawla. Nang ipinatawag ng hari ang kaniyang mga anak dalawa
lamang ang humarap sa kaniya.
Nagtangkang magsinungaling muli sina Don Pedro at Don Diego ngunit hindi sila agad pinaniwalaan
ng hari. Ipinahanap ni Don Fernando si Don Juan ngunit sawi itong matagpuan.
Ayon sa dalawa pang prinsipe ay nagtaksil si Don Juan at handa silang umalis upang hanapin ang
nagtatagong bunsong kapatid.
Naglakbay sila kung saan-saan ngunit hindi nila natagpuan si Don Juan. Paglaon ay narating nila ang
kabundukan ng Armenya kung saan naroon si Don Juan.
Talasalitaan: Nagtungo – nagpunta
Batid – alam Hawla – kulungan
Sawi – bigo
Ibong Adarna Buod Kabanata 16: Ang Bagong Paraiso (Saknong 443
– 479)
Ang kabundukan ng Armenya ay paraiso sa kagandahan. Maraming hayop at pananim sa paligid.
Maraming uri ng ibon ang nasa himpapawid. Malinis at malinaw ang tubig sa batis. Walang
magugutom sa lugar na iyon dahil sa mayamang kalikasan.
Sa lugar na ito naninirahan si Don Juan upang magtago at huwag maparusahan sa pagkawala ng
Ibong Adarna. Nahihiya si Don Diego na humarap kay Don Juan dahil sa nagawa na namang
pagkakasala subalit dahil kay Don Pedro ay nahikayat nito na tumira sila doon kasama ni Don Juan.
Pumayag naman si Don Juan sa panukala ni Don Pedro dahil sa mahal niya ang mga ito. Maligayang
nanirahan ang magkakapatid sa kabundukan ng Armenya.
Isang bahay na gawa sa kahoy ang naging tirahan nila doon. Lumipas ang panahon at napagpasyahan
ng tatlo na tuklasin ang iba pang bahagi ng Armenya na hindi pa nila nararating.
Talasalitaan: Nahikayat – nayaya
Himpapawid – atmospea Panukala – suggestion
Tuklasin – alamin
Ibong Adarna Buod Kabanata 17: Ang Mahiwagang Balon sa
Armenya (Saknong 480 – 503)
Sa kanilang paglalakbay ay isang balon ang natuklasan ng magkakapatid. Ito ay may makikinis na
marmol at ang lumot sa paligid nito ay may gintong nakaukit.
Manghang-mangha ang magkakapatid sa nakita dahil sa lalim ng balon ay wala naman itong lamang
tubig. May makikita din doon na lubid para sa mga nais magtangkang bumaba.
Unang bumaba si Don Pedro bilang siya ang panganay ngunit dahil sa kadiliman ay hanggang
tatlumpung dipa lamang ang kinaya nito. Sumunod naman na bumaba si Don Diego ngunit hindi rin
ito nagtagal sa ilalim.
Si Don Juan ang pinakahuling sumubok. Buong tapang nitong hinarap ang kadiliman sa balon.
Malalim na ang narating nito ngunit patuloy pa rin siya sa pagbaba.
Si Don Pedro at Don Diego ay nababahala at naiinip na sa kakaintay sa muling paglabas ni Don Juan.
Talasalitaan:
Natuklasan – nakita
Marmol – uri ng bato
Dipa – isang metro
Magtangka – sumubok
Ibong Adarna Buod Kabanata 21: Ang Serpyenteng may Pitong Ulo
(Saknong 618 – 658)
Kasabay ng malakas na pagyanig ay ang gumagapang na ahas paakyat sa hagdanan. Katulad ng
pagharap sa higante ay matapang niya ring hinarap ang serpyente na may pitong ulo.
Tinagpas niya ang ulo nito ngunit muli itong tumubo at nabuhay. Nakaramdam man ng pagod ay
hindi nakalimutan ng prinsipe ang manalangin. Muling nanumbalik ang lakas nito at mas naging
matapang.
Tumagal ng tatlong oras ang laban ng dalawa hanggang sa tuluyang napagod ang serpyente. Inihagis
ni Prinsesa Leonora ang balsamo kay Don Juan upang mapaglagyan ng bawat ulo na matatagpas.
Nang makuha ni Don Juan ang pinakahuling ulo ay hindi na muling tumubo at nagkabuhay.
Naiakyat sa itaas ng balon ang magkapatid. Nalaman ni Don Pedro ang ginawang pagliligtas ni Don
Juan sa dalawang prinsesa dahilan kung bakit ito mas lalong nainggit sa kapatid lalo pa’t nabighani
ito sa kagandahan ni Prinsesa Leonora.
Talasalitaan:
Pagyanig – paggalaw ng lupa
Serpyente – ahas
Tinagpas – pinutol
Nanumbalik – bumalik
Balsamo – likido mula sa halaman
Nabighani – nahulog ang loob
Ibong Adarna Buod Kabanata 22: Ang Panibagong Panlilinlang
(Saknong 659 – 731)
Nang umalis ay naiwan ni Prinsesa Leonora ang singsing na diyamante na pinamana pa ng kaniyang
ina. Tanging ang kanyang lobo lamang ang naisama.
Dahil sa ginawang pagtataksil ng kapatid ay nahimatay si Prinsesa Leonora. Nagkaroon muli ng malay
ang prinsesa habang nasa bisig ni Don Pedro. Ipinangako ni Don Pedro na gagawin niyang reyna ng
Berbanya si Prinsesa Leonora.
Pinakawalan ng prinsesa ang alagang lobo at inutusang iligtas si Don Juan. Umuwi si Don Pedro at
Don Diego kasama ang dalawang prinsesa. Sinabi ni Don Pedro na hindi nila natagpuan si Don Juan
sa halip ay iniligtas nila ang dalawang prinsesa sa kamay ng higante at ng serpyente.
Iniutos ng hari na maikasal agad ang apat ngunit tumanggi si Prinsesa Leonora sa hari at nakiusap na
ipakasal ito pagkaraan ng pitong taon dahil siya ay may panata.
Pumayag ang hari na sina Don Diego at Donya Juana muna ang ipakasal. Nagkaroon ng siyam na
araw na pagdiriwang sa kaharian.
Talasalitaan:
Paglilinlang – pangloloko
Serpyente – ahas
Panata – isang pangako sa Diyos
Ibong Adarna Buod Kabanata 25: Ang Bagong Mundo (Saknong 795
– 831)
Sa loob ng tatlong taon na paglalakbay ni Don Juan sa parang at mga gubat ay imbes na mapalapit
ito sa Reyno delos Cristales ay mas lalo lang napalayo at naligaw.
May natagpuan siyang isang matanda at dahil sa gutom ay humingi ito dito ng limos. Binigyan ng
matanda si Don Juan ng durog at bukbukin na sa itim na tinapay.
Dahil sa labis na gutom ay hindi na ito alintana ni Don Juan. Ngunit sa kaniyang pagtataka ay
napakalinamnam ng tinapay nang ito ay kaniyang kainin. Binigyan din siya ng matanda ng pulot-
pukyutan at inabutan ng inumin sa bumbong. Muling nagtaka si Don Juan dahil sa kabila ng pag-
inom nito ay pansing hindi nababawasan ang tubig mula sa bumbong.
Muling bumalik ang lakas at sigla ni Don Juan. Nalaman din ng matanda ang pakay ng prinsipe na
hanapin at puntahan ang Reyno delos Cristales. Nagulat ito dahil sa isang daang taong paninirahan
nito doon ay hindi niya alam ang daan patungo sa Reyno. Sa halip ay ibinilin nito na pumunta ang
prinsipe sa ikapitong bundok upang hanapin ang isang ermitanyo.
Nagbigay din ang matanda ng kapirasong baro upang marapatin siyang paglingkuran ng ermitanyo.
Bilin din nito na sabihin na ang kapirasong baro ay galing sa isang matandang sugatan.
Talasalitaan:
Parang – uri ng anyong lupa Pakay – plano, sadya
Limos – pera
Bukbukin – bulok
Pulot-pukyutan – honeybee
Bumbong – lalagyan na hugis silindriko
Ibong Adarna Buod Kabanata 26: Ang Panangis ni Prinsesa Leonora
(Saknong 832 – 858)
Habang si Don Juan ay patuloy sa paglalakbay, si Prinsesa Leonora naman ay patuloy din sa
pagtangis.
Sa tuwing nalalaman niyang hindi si Don Juan ang dumadalaw sa kanya kundi si Don Pedro ay hindi
nito pinagbubuksan ng pinto. Ang pangalan pa rin ni Don Juan ang laging sambit ng prinsesa.
Nagbanta naman si Don Pedro na may mangyayaring masama kung siya ay mabibigo sa pag-ibig
niya kay Prinsesa Leonora. Hiniling ni Don Pedro sa prinsesa na limutin na nito si Don Juan dahil ito ay
hindi na muling magbabalik sapagkat patay na.
Gayunpaman, tanging si Don Juan lang ang nasa puso’t-isip ng dalaga. Sa kabila ng tatlong taong
pag-iintay at pagtitiis ay hindi nito magawang pakasalan si Don Pedro.
Sa kabilang banda, nagpatuloy sa paglalakbay si Don Juan. Inabot pa siya ng limang buwan na
paglalakbay. Pitong bundok ang kaniyang binagtas bago tuluyang makarating sa dampa ng
ermitanyo.
Talasalitaan: Binagtas – nilakbay
Panangis – pag-iyak Dampa – bahay kubo
Paglalakbay – paglalakad Ermitanyo – taong nabubuhay mag-isa
Ibong Adarna Buod Kabanata 41: Ang Pagbawi kay Don Juan
(Saknong 1450 – 1472)
Sinalubong ng tugtugan ang pagdating ni Maria Blanca na nagpapanggap bilang emperatris.
Panandaliang hininto ang kasal upang parangalan ang pagdating ng mahalagang bisita.
Labis na pighati ang nararamdaman ni Maria Blanca dahil nasisilayan niya si Don Juan na nakatuon
ang pansin kay Prinsesa Leonora. Ipinaalam ni Maria Blanca ang pakay niya sa pagdalo ng kasal na
iyon.
Aniya may hinanda siyang laro na nais ipakita bilang handog sa ikakasal. Humiling siya ng prasko na
may lamang tubig sa kaniyang diyamanteng singsing.
Biglang may sumulpot na prasko na may nakalagay na dalawang maliliit na ita.
Talasalitaan:
Emperatris – babaeng tagapamahala ng isang Prasko – bote
imperyo Sumulpot – lumabas, lumitaw
Parangalan – bigyang galang
Pighati – sakit sa damdamin
Nasisilayan – nakikita
Nakatuon – bigyang atensyon
Pakay – balak
Handog – regalo
Ibong Adarna Buod Kabanata 43: Ang Pagpaparusa kay Don Juan
(Saknong 1542 – 1579)
Sa kabila ng pagpapalabas ng dula ay hindi pa rin makaalala si Don Juan sa halip ay mas lalo pa itong
nawili kay Prinsesa Leonora.
Ipinagpatuloy ng dalawang ita ang dula at isinalaysay nito ang pagtakas noon ng dalawa kay Haring
Salermo. Upang di maabutan ng hari ay ginamit ni Maria Blanca ang kapangyarihan ng diyamanteng
singsing.
Isinalaysay din nito ang mga pangyayari nang sila ay makabalik na sa kaharian ng Berbanya. Wala pa
ring maalala ang negrito kaya patuloy itong pinaghahampas ng negrita.
Nasasaktan si Don Juan ngunit binabalewala lang niya ito dahil sa Prinsesa Leonora ang nananatili sa
puso ng prinsipe.
Naiyak si Maria Blanca dahil batid nitong tuluyan ng nakalimot si Don Juan. Kinuha ni Maria Blanca
ang prasko at babasagin na niya ito upang gunawin ang buong reyno.
Talasalitaan:
Dula – palabas
Isinalaysay – ikinuwento
Batid – alam
Prasko – bote
Ibong Adarna Buod Kabanata 46: Ang Hari at Reyna ng Reyno Delos
Cristales (Saknong 1693 – 1717)
Ipinagtaka ni Don Juan ang mabilis na pagdating nila sa Reyno delos Cristales. Kung ang una niyang
paglalakbay ay inabot ng isang buwan ngayon naman ay nakarating sila sa kaharian sa loob ng isang
oras.
Matagal-tagal na din mula ng yumao ang amang hari at ang kaniyang mga kapatid na prinsesa. Nasa
pamumuno man ng iba ang kaharian ay nanatili itong mapayapa.
Masayang tinanggap ng mamamayan ng reyno ang pagdating ni Maria Blanca bilang bagong reyna.
Ang mga isinumpa ni Haring Salermo ay nakalaya na.
Nagkaroon ng isang malaking piging sa kaharian at nagpahayag si Maria Blanca na si Don Juan na
ang bagong hari ng kaharian.
Siyam na araw na nagdiwang ang kaharian. Mas lalo pang umunlad ang Reyno delos Cristales dahil sa
magandang pamamalakad ng hari at reyna.
Talasalitaan:
Paglalakbay – paglalakad
Yumao – namatay
Piging – salu-salo, selebrasyon
Pamamalakad – pamumuno