Ibong Adarna

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 37

IBONG

ADARNA
MGA TAUHAN:
Don Juan- ang bunso at paborito sa tatlong anak ni
Haring Fernando at Reyna Valeriana ng
kahariang Berbanya. Siya ay mabait na
anak, mabuting kapatid, matapang na
mandirigma at madaling umibig at
magpaibig. napagtagumpayan niya ang
iba’t-ibang pakikipagsapalaran.
MGA TAUHAN:
Donya Maria- ang prinsesa ng Reyno Delos
Cristales, anak ni Haring Salermo at
naging kasintahan ni Don Juan.
Taglay niya ang makapangyarihang
mahika at marubdob siya kung
umibig. Tinulungan niya si Don Juan
na manaig sa hamon ng ama.
MGA TAUHAN:
Don Pedro- isa sa mga prinsipe ng kahariang
Berbanya, panganay na anak ni Haring
Fernando, nakatatandang kapatid ni Don
Juan. Siya ang tusong prinsipeng handang
ipahamak ang kanyang kapatid makamtan
lamang ang kanyang kagustuhan.
MGA TAUHAN:
Don Diego- isa sa mga prinsipe ng kahariang
Berbanya, pangalawa sa tatlong anak ni
Haring Fernando. Siya ang kasabwat ni
Don Pedro sa paghahamak kay Don Juan.
MGA TAUHAN:
Don Fernando- ang hari ng kaharian ng Berbanya,
ama nina Don Pedro, Don Diego,
Don Juan. Siya ay nagkasakit at
tanging ang awit lamang ng Ibong
Adarna ang makakagamot sa kanya. .
MGA TAUHAN:
Donya Valeriana- ang reyna ng kaharian ng
Berbanya, ina ng tatlong
prinsipe.
MGA TAUHAN:
Donya Leonora- ang magandang prinsesa ng
kahariang nakatago sa ilalim ng lupa
na buong tiyaga at katapatang
naghintay sa pagbabalik ng kanyang
kasintahang si Don Juan.
MGA TAUHAN:
Donya Juana- isa sa mga prinsesa ng Kaharian sa
Armenya, kapatid ni Donya Leonora.
Haring Salermo- ang ama ni Donya Maria at
makapagyarihang hari ng Reyno
de los Cristales na nagpailalim
kay Don Juan sa matinding
pagsubok.
MGA TAUHAN:
Ermitanyo- matandang nakilala ni Don Juan sa
paglalakbay niya patungong kaharian ng de
los Cristales. Ermitanyong uugod-ugod ang
tumulong kay Don Juan na mapanumbalik
ang dati nitong lakas matapos siyang
pagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego.
MGA TAUHAN:
Higante- ang nagbabantay sa bihag niyang si Donya
Juana.
Ita- mga alaga ni Donya Maria at Haring Salermo.

Ibong Adarna- ang ibong nakagagamot ang awit ng


iba’t- ibang sakit, dumadapo sa
punong Piedras Platas sa Bundok
Tabor.
Nanalangin ang may akda sa Mahal na Birhen na nawa’y

Kabanata 1 huwag siyang malihis sa kanyang adhikain. Madalas siyang


nakagagawa ng pagkakamali sa kanyang buhay sapagkat siya
ay tao lamang.
Ang matahimik na pamumuhay ng kahariang Berbanya ay
utang ng lahat sa mabuting pamamalakad ng ,abait nilang
pinuno na si Haring Fernando at kanyang butihing kabiyak na
si Reyna Valeriana.
Biniyayayaan sila ng tatlong makikisig, matitikas at
matatalinong anak na lalaki. Ang panaganay na si Don Pedro,
pangalawa si Don Diego, at bunso si Don Juan.
Kabanata 2 Ang kaligayahan sa palasyo ay napalis at nauwi sa
kalungkutan nang magkasakit si Haring Fernando dahil sa
isang panaginip. Isang manggagamot ang nagsabing ang
tanging lunas sa kanyang karamdaman ay ang awit ng Ibong
Adarna na matatagpuan sa kabundukan ng Tabor.
Gabay na tanong
1.Bakit napuno ng lumbay at nabagabag ang buong kaharian?
2.Batay sa pagsusuri ng mga mangagamot, ano ang tanging
makakapagpagaling sa hari at saan ito matatagpuan?
3.Sa iyong palagay, ang tangi lang bang dahilan ng
panghihina ng hari ay ang kanyang masamang panaginip?
Mabilis na tumalima si Don Pedro sa utos ng kanyang amang

Kabanata 3 hari. Kaagad niyang inihanda ang kanyang kabayo upang


hanapin ang panlunas sa karamdaman nito. Naglakbay si Don
Pedro patungo sa kinaroroonan ng Piedras Platas. Bago pa
man niya marating ang Bundok Tabor ay namatay na ang
kabayo niya kaya’t napilitan siyang maglakad. Sa wakas ay
narating niya ang isang kakaibang punongkahoy. Sa kislap at
ningning nitong taglay na tila ba brilyanteng nagkikislapan,
nalaman niyang ito na ang puno ng Piedras Platas na tirahan
ng ibong adarna.
Dahil sa pagod, nakatulog si Don Pedro at di napansin ang
Kabanata 3 pagdating ng ibon. Pitong beses umawit ang adarna at pitong
beses ding nagpalit ng kulay ng balahibo nito. Ugali nito
pagkatappos umawit ay dumudumi at sa kasamaang palad,
napatakan ang kaawa-awang Don Pedro kaya’t siyay naging
bato.
Talasalitaan
1.Si Don Pedro ay naatasang humuli sa ibong
makakapagpagaling sa hari.
a. isinama b. hinanda c. nautusan d. inireklamo
2. Mabilis na binagtas ni Don Pedro ang kagubutan.
a. tinahak b. tinakbo c. pinuntahan d. pinanday
3. Kabigha-bighani ang punong dinadapuan ng ibon.
a. mayabong b. kaakit-akit c. malaki d. nakahiga
4. Sa utos ng hari agad tumalima si Don Pedro
a. umayaw b. umalis c. sumunod d. sumugod
5. Dahil sa hirap at patang katawan nakatulog siya.
a. sakit b. malusog c. saya d. pagod
Gabay na tanong
1.Sino ang unang naatasan ng haring humuli sa ibong
makakapagpagaling sa kanya?
2.Ano ang pangalan ng bundok na kanyang narating?
3.Ano ang punong tinitirahan ng Ibong pakay?
4.Ilang beses umaawit ang ibon?
5.Ano ang kaugalian ng ibon matapos umawit?
6.Ano ang nangyayari sa mga taong napapatakan niya?
MAGANDANG
UMAGA!
Hindi na nakabalik si Don Pedro dahil ito ay naging bato.
Kabanata 4 Kaya si Don Diego ay nautusang hanapin ang kapatid. Tulad
ng nangyari kay Don Pedro, namatay rin ang kanyang
kabayo. Limang buwan na naglakbay si Don Diego bago iya
narating ang bundok ng Tabor. Gabi na nang makita niya ang
puno ng Piedras Palatas at dito siya naghintay. Kawan-
kawang ibon ang nagdaan sa kanyang kinlalalagyan ngunit
laking pagtataka niya sapagkat wala ni isa mang ibon ang
dumapo rito sa kabila ng kaakit akit na kagandahan nito.
Dahil sa matinding pagod naisip niyang magpahinga sa
Kabanata 4 ilalim ng puno sa tabi ng isang bato na may kakaibang hugis.
Di nagtagal dumating ang ibong adarna at nasaksihan niya
ang kakaibang katangian nito: ang pitong ulit na nagpapalit
ng balahibo sa saliw ng pitong magkakaibang awit. Naaliw at
nasiyahan si Don Diego sa panonood sa ibon hanggang sa
siya’y makatulog. Matapos ang ikapitong awit, dumumi ang
ibon at natakpan si Don Diego. Katulad ni Don Pedro, siya ay
naging bato rin.
Gabay na tanong
1.Sino ang naatasan ng haring sumunod kay Don Pedro?
2.Ilang buwan naglakbay si Don Pedro?
3.Bakit sila naging bato?
Tatlong taon ang nakalilipas ay hindi pa rin bumabalik ang
Kabanata 5 magkakapatid kaya’t lubhang nabahala ang buong kaharian.
Si Don Juan ay labis namang nag-alala sa karamdaman ng
ama kaya’t nagpaalam siyang hahanapin ang lunas sa sakit ng
hari at pati na rin ang dalawang kapatid. Bagamat masakit sa
kalooban, pinayagan din ng hari ang bunsong anak.
Nagsimulang maglakbay si Don Juan na ang tanging dalang
Kabanata 5 baon ay ang bendisyon ng kanyang ama at limang pirasong
tinapay. Dalangin niya sa mahal na Birhen na bigyan siya ng
lakas sa kanyang paglalakbay at iligtas siya sa panganib at
kapahamakan. Sinagot siya sa kanyang panalangin at narating
niya ang bundok ng Tabor. Dito niya natagpuan ang
matandang leproso.
Binilinan siya nito na huwag maaliw sa isang punong kaakit-
akit sapagkat maari din siyang maging bato. Ipinahahanap
nito sa kanya ang isang bahay at doon matatagpuan ang taong
magtuto sa adarna.
Natagpuan ni Don Juan ang dampang tinutukoy ng
matandang leproso. Pinuntahan niya iyon upang kausapin ang
Kabanata 6 ermitanyong nakatira roon. Pinatuloy ng ermitanyo si Don
Juan at pinakain. Sinabi ng prinsipe ang kanyang pakay.
Binigyan ng ermitanyo ng labaha at pitong dayap si Don
Juan. Sinabi niyang sa tuwing magbabago ng awit ng ibon ay
hihiwain niya ang kanyang palad at papatakan niya ito ng
dayap. Pinaalam din ng matanda na kailangang iwasan
niyang mapatakan siya ng dumi nito upang hindi siya maging
bato. Kapag nakatulog na ang ibon, talian niya ang mga paa
nito ng gintong sintas.
Hindi nainip si Don Juan sa paghihintay sa ibon. Pagdapo
Kabanata 7 nito sa Piedras Platas, umawit na ito. At tulad ng inaasahan,
inantok si Don Juan. Agad nitong dinukot ang labaha at
hiniwa ang palad. Pagkatapos ay pinigaan niya ng dayap
ang kanyang sugat at dahil sa sobrang hapdi ng sugat ay
nawala ang antok ng prinsipe. Pitong awit ang ginawa ng
ibong adarna kaya’t pito rin ang naging sugat ni Don Juan.
Gaya ng inaasahan, ang ibon ay nagbawas subalit kaagad
Kabanata 7 itong nailagan ni Don Juan. Nahuli ni Don Juan ang adarna
at tinalian ng gintong sintas ang mga paa nito. Nailigtas din
ni Don Juan ang dalawa niyang kapatid at gayon na lamang
ang kaligayahan nila sa muli nilang pagkikita.
Ginamot ng ermitanyo ang mga sugat ni Don Juan at
pagkatapos ay nagkaroon sila ng salu-salo.
Masayang nagpaalam ang tatlo at sila’y binasbasan ng
ermitanyo sa kanilang paglalakbay pauwi ng Berbanya.
Gabay na tanong
1.Sino ang nasakilala ni Don Juan habang siya ay
naglalakbay?
2.Anu- ano ang bilin ng ermitanyo kay Don Juan?
3.Sa iyong palagay ang matandang leproso ba at ang
ermitanyo ay iisa?
4. Bakit naging magaan ang kalooban ng ermitanyo kay Don
Juan?
5.Isalaysay ang pakikipagsapalaran ni Don Juan sa
pamamagitan ng story mapping.
Dahil sa inggit, pinagbalakan nang masama ni Don Pedro
ang kapatid na si Don Juan. Sinabi niya ang kanyang balak
Kabanata 8 kay Don Diego. Hindi ito pumayag ngunit sa kapipilit ni
Don Pedro ay napapayag niya si Don Diego. Binugbog nila
si Don Juan at iniwang halos wala nang buhay.
Dinala nila ang ibong adarna sa kaharian ng Berbanya,
natuwa ang buong kaharian sa kanilang pagdating. Tinanong
ng hari kung nasaan si Don Juan ngunit sabi ng dalawa ay
hindi raw nila alam. Halos ikamatay ng hari ang tugon ng
magkapatid. Samantala, ang ibong adarna at ayaw umawit at
napakalungkot.
Hindi makagulapay si Don Juan sa tinamong hirap,
Kabanata 9 binugbog, at sakit ng katawan na ginawa ng dalawa niyang
kapatid. Sa kanyang panalangin, hiniling niya na kung hindi
siya papalaring mabuhay, loobin sana ng Panginoon at
Mahal na Birhen na mabuhay ang kanyang ama. Hindi pa rin
niya lubos maisip kung bakit nagawa iyon ng kanyang mga
kapatid. Gayunpaman inihingi na rin niya ang kapatawaran
ang mga ito sa Panginoon.
Kabanata 10 Dumating si Don Juan sa kaharian ng Berbanya at biglang
sumigla angg ibong adarna. Naagsimula na itong umawit sa
pagsasalaysay ng mga tunay na pangyayari sa pagpapalit ng
kanyang anyo. Nabatid ng hari at ng buong kaharian ang
kataksilan nina Don Pedro at Don Diego.
Pinatawad ng hari sina Don Pedro at Don Diego. Muling

Kabanata 11
nanumbalik ang saya sa buong kaharian at nagbalik ang
normal nilang pamumuhay. Dahil na rin sa tuwa ng hari,
inatasan niya ang tatlong prinsipe na magbantay sa ibong
adarna upang ito ay mapangalagaang mabuti. Ngunit si Don
Pedro ay may masamang balak dahil hindi maalis sa isipan
niya ang kahihiyang dinanas. Naisip niyang pakawalan ang
ibong binabantayan ay nakawala na. Sa kanyang paggising
ay di na niya nagisnan ang ibon at naisipan ni Don Juan na
umalis na lamang upang mapagtakpan ang naulit na
kataksila ng mga kapatid. Nang malaman itong hari ay
inutusan ang dalawang prinsipe upang hanapin si Don Juan.
Pinatawad ng hari sina Don Pedro at Don Diego. Muling

Kabanata 11
nanumbalik ang saya sa buong kaharian at nagbalik ang
normal nilang pamumuhay. Dahil na rin sa tuwa ng hari,
inatasan niya ang tatlong prinsipe na magbantay sa ibong
adarna upang ito ay mapangalagaang mabuti. Ngunit si Don
Pedro ay may masamang balak dahil hindi maalis sa isipan
niya ang kahihiyang dinanas. Naisip niyang pakawalan ang
ibong binabantayan ay nakawala na. Sa kanyang paggising
ay di na niya nagisnan ang ibon at naisipan ni Don Juan na
umalis na lamang upang mapagtakpan ang naulit na
kataksila ng mga kapatid. Nang malaman itong hari ay
inutusan ang dalawang prinsipe upang hanapin si Don Juan.
Hinanap nina Don Pedro at Don Diego ang kapatid nilang si
Kabanata 12 Don Juan at natagpuan nila itong tahimik na namumuhay sa
Bundok ng Armenya. Napagkasunduan nilang tatlo na doon
muna pansamantalang tumigil sa paglipas ng araw, bagama’t
masaya silang tatlo, nakaramdam sila ng pagkainip kaya’t
napag desisyonan nilang pasyalan at tuklasin ang mga bagay
na makikita sa bundok.
Sa pamamasyal ng magkakapatid sa Armenya, natagpuan
Kabanata 13 nila ang isang mahiwagang balon. Tinangka nina Don Pedro
at Don Diego na bumaba rito upang malaman nila kung ano
ang nasa loob ng balon.
Nabighani si Don Juan kay Donya Juana karaka-raka,
Kabanata 14 nabihag ng dalaga ang puso ni Juan at agad na naging
magkasintahan ang dalawa. Ipinagtapat ni Donya Juana ang
tungkol sa higanteng nagbabantay sa kanya na noo’y
naroroon pala. Naglaban ang dalawa hanggang mapatay ni
Don Juan ang higante.

Niyaya ng prinsipe si Donya Juana sa kanilang kaharian


ngunit hindi ito sumama dahil nais pa niyang iligtas ang
kapatid na si Donya Leonora sa palasyong binabantayan ng
isang serpyente.
Narating ni Don Juan ang palasyo kung saan ibinilanggo ng
Kabanata 15 serpyenteng may pitong ulo si Donya Leonora. Nang makita
ni Don Juan ang prinsesa ay agad itong nabihag sa kanya.
Nagalit ang prinsesa sa kapangahasan ng prinsipe subalit
sadyang matamis ang dila nito kaya’t sa sandaling pag-
uusap, ang dalawa ay naging magkasintahan.
Nakipaglaban si Don Juan sa ahas na may pitong ulo.
Bagama’t nahitapan, natalo pa rin niya ito sa tulong ni
Donya Leonora.

You might also like