Pagbasa at Pagsusuri Week5

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

TAGUM CITY COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY FOUNDATION INC.

Elpidio M. Gazmen Compound, Gazmen Road, Tagum City


SEC. Reg. No. 200630691 / Tel. No. 216-6824
E-mail Address: [email protected]

Pansariling Kagamitan
Pampagkatuto para sa
Senior High School
BAITANG: 11
Core Subject: PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T-IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
SEMESTRE: IKATLONG MARKAHAN
Buwan: Enero
ika-5 Linggo

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
 Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang tekstong
prosidyural sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
F11PB – IIId – 99
 Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang tekstong
prosidyural.
F11PS – IIIf – 92

CHRISTA DAYANARA C. NISTAL


GURO – 11
09976335306

PAKSA:

Page 1 of 8
Tekstong PROSIDYURAL
SIMULAIN!
Mahal kong mag-aaral, maligayang bati ngayong nasa Ikalawang Semestre sa
Ikatlong Markahan ka na. Tiyak, marami kang dating kaalaman na ibig mong pang
pagyamin ngayong nasa mas mataas na antas ng pag-aaral ka na. Alam mo ba ang
tungkol sa Tekstong Prosidyural na kadalasang ginagamit sa mga asignaturang agham
at edukasyong pantahanan?

Ang modyul na iyong babasahin sa araw na ito ay muling maghahatid at magbibigay sa


iyo ng mga kaalaman na tiyak na magpapabago sa iyong pananaw sa buhay at sa
lipunang iyong ginagalawan.

LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng modyul, ang mag-aaral ay inaasahang:
 Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang tekstong prosidyural sa
sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
 Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang tekstong
prosidyural.

SUBUKIN ITO!
PANUTO: Hanapin sa Hanay B ang tamang sagot ng mga pahayag na nasa Hanay A.
isulat sa patlang ang titik ng iyong napiling sagot.
Hanay A Hanay B

_______1.Inaasahang matamo sa isang gawain A. Konklusyon


_______2.Uri ng teksto na nagsasaad ng serye B. Eksperimento
ng mga gawain.
C. Argumentatibo ng “Volleyball”.
______3. Ang bola, net at lugar na paglaruan ay
pangunahing kailangan sa paglalaro D. Prosidyural
______4.Para makapagtapos sa pag-aaral. E. Pamamaraan sa larangan ng
teknolohiya.
______5.Napatunayan ng mananaliksik na malaki ang
F. Panuto
kakayahan ng mga Pilipino
G. Layunin ng pananaliksik.
______6.Pagtukoy sa tiyak na paksa ang unang
isinasaalang-alang bago umpisahan ang H. Resulta
isasagawang gawain.
I.Kagamitan
______7. Sundin ang utos ng magulang.
J. Paraan ng pagluluto (Recipes)
______8. Paggawa ng “Rubber Bond Powered Car”
______9. Nagbibigay ng panuto o direksiyon kung paano
gawin ang isang bagay at sinusunod ang mga
hakbang para sa tamang proseso sa paggawa.

______10.Uri ng tekstong prosidyural na nagbibigay ng


panuto sa mga mambabasa kung paano magluto.

GAWIN mo Ito!
Page 2 of 8
GAWAIN 1
II. Lagyan ng bilang 1-5 ang bawat kahon ayon sa tamang pagkakasunud-sunod ng
mga sumusunod na sitwasyon upang mabuo ang tamang talata..

Kumain ng agahan bago pumasok sa paaralan.

Maligo para mabango at malinis ang katawan.

Iligpit ang higaan bago lumabas ng kwarto.

Magpaalam sa mga magulang.

Gumising nang maaga.

IKSPLOR!

1. Paano mo nalaman na ito ang tamang prosidyur?

2. Ano ang ginawa mong estratehiya upang tama ang pagkasunod-sunod nito?

3. Madali mo lang ba nalaman ang tamang ayos ng bilang nito?Bakit?

4. Gaano kahalaga sa iyo bilang mag-aaral ang tamang pagkakasunod-sunod ng


mga prosidyur?

ILAGAY SA ISIPAN!
Halika’t ating talakayin ang Paksang:

“Tekstong PROSIDYURAL”
Ang tekstong prosidyural ay naglalahad ng serye o mga hakbang sa pagbuo ng
isang gawain upang matamo ang mga inaasahan. May pagkakataon sa ating buhay na
nais nating matutunan kung paano gagawin ang isang bagay, halimbawa-ang wastong
pagluluto ng adobong manok. Datapuwa’t may mga iba’t ibang babasahin na maaari
nating mapagkukunan ng impormasyon. Ang mahalaga ay nauunawaan ang tekstong
binasa lalong-lalo na ang mga salitang ginamit sa teksto.

Nagsasaad din ito ng impormasyon o mga direksiyon upang ligtas, mabilis,


matagumpay, at maayos na maisakatuparan ang mga gawain.

Mga Gamit ng Tekstong Prosidyural

Page 3 of 8
1. Pagpapaliwanag kung paano gumagana o pagaganahin ang isang kasangkapan
batay sa manwal na ipinakita.
2. Pagsasabi ng hakbang kung paano gagawin ang isang bagay o gawain.
3. Paglalarawan kung paano makakamit ang ninanais na kalagayan sa buhay.

Halimbawa ng mga sulatin o akdang gumagamit ng Tekstong Prosidyural


• manwal sa paggamit ng kasangkapan o mekanismo
• resipi
• gabay sa paggawa ng mga proyekto
• mga eksperimentong siyentipiko
• mekaniks ng laro
• mga alintuntunin sa kalsada

IBA’T IBANG URI NG TEKSTONG PROSIDYURAL


Uri Kahulugan Deskripsyon

1.Paraan ng Nagbibigay ng panuto sa mga Recipe ng adobong
Pagluluto mambabasa kung paano manok
(Recipes) magluto. Sa paraan ng Hal. Igisa ang bawang
pagluluto, kailangan ay malinaw hanggang sa magkulay
ang pagkakagawa ng mga kape at saka ihalo ang
pangungusap at maaring ito ay manok.
magpakita rin ng mga larawan.

2.Panuto Nagsisilbing gabay sa mga Pagsagot sa isang
mambabasa kung paano lagumang pasulit.
isagawa o likhain ang isang Hal.Bilugan ang titik ng
bagay. tamang sagot.

3.Panuntunan Nagbibigay sa mga manlalaro Panuntunan sa
sa mga Laro ng gabay na dapat nilang paglalaro ng Sepak
sundin. Takraw
Hal.Bawal hawakan
ang bola. Paa, ulo,
balikat, dibdib, tuhod,
hita at binti lamang ang
maaaring gamitin.

4.Mga Sa mga eksperimento, Karaniwang ginagawa
Eksperimento tumutuklas tayo ng mga bagay sa Agham na
na hindi pa natin alam. asignatura.
Karaniwang nagsasagawa ng Hal. Paggawa ng “Egg
eksperimento sa siyensya kaya Lamp”
naman kailangang maisulat ito
sa madaling naiintindihang
lennguwahe para matiyak ang
kaligtasan ng magsasagawa ng
gawain.

5.Pagbibigay Mahalagang magbigay tayo ng Pagtuturo ng direksyon
ng Direksyon malinaw na direksyon para ng isang lugar.

Page 4 of 8
makarating sa nais na Hal.Ang bahay nila
destinasyong tatahakin. Ana ay malapit lamang
sa palengke.

PAGLAPAT SA IYONG NATUTUNAN!


GAWAIN 2: Punan ang bawat bilog ng mga kabutihang naidudulot ng tekstong
prosidyural sa mga pang-araw-araw na gawain.

Mga Kabutihang
Naidudulot ng mga
Tekstong
Prosidyural

GAWAIN 3
PANUTO: Isulat ang kahalagahan ng tekstong prosidyural sa bawat kahon. Limang
(5) puntos sa bawat kahon.

KAHALAGAHAN

SARILI

PAMILYA

Page 5 of 8
KOMUNIDAD

BANSA

DAIGDIG

GAWAIN 3
PANUTO: Sumulat ng dalawang halimbawa ng paksa sa bawat uri ng tekstong
prosidyural na nasa ibaba. Gawing batayan ang mga natalakay tungkol dito.

URI NG
TEKSTONG HALIMBAWA

PROSIDYURAL
1.Paraan ng 1
Pagluluto .

2
.

2.Panuto 1
.

Page 6 of 8
2
.

1
.
3.Panuntunan sa
mga
Laro
2
.

PAGNILAYAN!
Ibahagi ang iyong natutunan sa aralin na ito sa pamamagitan ng
Organizer na nasa ibaba.

Ang Araling ito ay nakapukaw ng aking damdamin dahil ..

Ang natutunan ko sa Araling ito ay …

PAGSURI SA NATUTUNAN
HULING PAGTATAYA

Page 7 of 8
PAGSASANAY 1-A
PANUTO: Suriin ang halimbawa ng tekstong prosidyural na “Mga hakbang
upang Makapagtapos ng Pag-aaral”. Pagkatapos masuri, isaayos ang mga bahagi nito
ayon sa tamang pagkasunod-sunod. Isulat ang bilang sa patlang.

_____ Ang kolehiyo ay mayroong apat na taong kurso bago makapagtapos


tulad ng business administration, teacher, criminology, agriculture at
marami pang iba.
_____ Kapag nakapasa sa grade 7 hanggang grade 12, mag-enroll sa kolehiyo.
_____ Kapag nakapasa sa entrance exam para sa napiling kurso, makakapag-
aral sa kolehiyo, kung hindi naman makapasa mayroong ibang
pagpipiliang kurso upang makapag- aral sa kolehiyo.
_____ Sa panahon ngayon, ang mga bata ay dadaan sa kindergarten bago mag
elementarya. Kailangang ding makapagtapos ng elementarya upang
makapag-enrol sa mataas na paaralan.
_____ Kailangang mag-aral mula grade 7- 12 upang makapag- enroll sa
kolehiyo.

Sangguniang Elektroniko
https://www.academia.edu/38736964/Tekstong_Prosidyural
https://www.slideshare.net/RainierAmparado/tekstong-prosijural
https://prezi.com/boigghgcpni5/tekstong-prosidyural-alamin-ang-mga-hakbang/
https://prezi.com/cy0yszw3ctqm/tekstong-prosidyural/
https://www.youtube.com/watch?v=fP_IZKfc4vo&t=473s

https://www.google.com/search?q=larawan+ng+bicol+express&rlz=1C1CHBD_enPH
847PH847&tbm=isch&source=lnms&sa=X&ved=0ahUKEwias_ikntvpAhWTKqYKHZl
ACVoQ_AUICigB&biw=1360&bih=657&dpr=1#imgrc=wigQnIpuzcKUGM

https://www.google.com/search?q=pinakbet&rlz=1C1CHBD_enPH847PH847&sourc
e=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwifwMvKo9vpAhWjGaYKHSoECEEQ_AUoA
XoECBIQAw&biw=1360&bih=657#imgrc=8lEmYqLrBoNxWM

SUSI SA PAGWAWASTO
SUBUKIN
1. H
2. D
3. I
4. G
5. A
6. E
7. F
8. B
9. D
10. J

Page 8 of 8

You might also like