Aralin 4 Prosidyural 2023

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

PAGBAS

A AT
PAGSUS
URI NG
IBA’T
IBANG
TEKSTO
TUNGO
SA
PANANA
LIKSIK

Ikatlong Markahan
Modyul 4 – Tekstong Prosidyural
Aralin 4: Tekstong Prosidyural
1
ALAMIN
Matutunghayan sa araling ito ang kahalagahan ng pag-unawa at
pagsulat ng tekstong prosidyural. Hindi maikakaila na ang mga tekstong ito
ay makikita sa mga pampubliko at pribadong lugar, sa mga gamot,
pagkain, o iba pang bagay. Iyan ang dahilan kung bakit kinakailangang
malinang ang kakayahang umunawa at sumulat ng tekstong prosidyural.
Kasanayang Pampagkatuto
1. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng tekstong prosidyural.
(F11-PU-IIIb-89)
2. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang tekstong
prosidyural sa sarili, pamilya, komunidad, bansa , daigdig.
(F11PS-IIIf-92)

SURIIN
Ang Tekstong Prosidyural
Isang espesyal na uri ng tekstong ekspositori ang tekstong
prosidyural. Inilalahad nito ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang
gawain upang matamo ang inaasahan.Nagpapaliwanag ito kung paano
ginagawa ang isang bagay. Layunin nitong maipabatid ang mga wastong
hakbang na dapat isagawa. Sa panahon ngayong maraming mga bagay ang
sinasabi nilang do-it-yourself o ‘yung mga bagay na sa halip na kumuha ng
iba pang gagawa ay ikaw na mismo ang gagawa , nararapat lamang na
marunong tayong umunawa sa mga prosidyur na nakalakip dito.Ang
wastong pag-unawa sa mga prosidyur ang gagabay sa atin upang
matagumpay na maisagawa ang isang bagay.

Hindi sapat na marunong tayong umunawa sa mga tekstong


prosidyural, dapat ding magakaroon tayo ng kakayahang sumulat ng isang
prosidyur na mauunawaan ng lahat. Sa pagsulat ng tekstong prosidyural,
kailangang malawak ang kaalaman sa tatalakayin.Nararapat ding malinaw
at tama ang pagkakasuno-sunod ng dapat gawin upang hindi malito o
magkamali ang gagawa nito. Ang isa pang dapat tandaan ay ang paggamit
ng mga payak ngunit angkop na salitang medaling maunawaan ng
sinumang gagawa. Nakatutulong din ang paglakip ng larawan o ilustrasyon
kasama ang mga paliwanag upang higit na maging malinaw ang
pagsasagawa sa mga hakbang. Dapat pakaisiping layunin ng tekstong
prosidyural na maipaliwanag nang mabuti ang isang gawain upang
maisagawa ito nang maayos at tumpak, kaya nararapat lamang na
maisulat ito sa paraang mauunawaan ng lahat.
2
Halimbawa ng mga sulatin o akdang gumagamit ng Tekstong
Prosidyural

• manwal sa paggamit ng kasangkapan o mekanismo


• resipi
• gabay sa paggawa ng mga proyekto
• mga eksperimentong siyentipiko
• mekaniks ng laro
• mga alintuntunin sa kalsada

IBA’T IBANG URI NG TEKSTONG PROSIDYURAL


Uri Kahulugan Deskripsyon
1.Paraan ng Nagbibigay ng panuto sa mga Recipe ng adobong
Pagluluto mambabasa kung paano manok
(Recipes) magluto. Sa paraan ng Hal. Igisa ang bawang
pagluluto,kailangan ay malinaw Hanggang sa magkulay
ang pagkakagawa ng mga kape at saka ihalo ang
pangungusap at maaring ito ay manok.
magpakita rin ng mga larawan.

2.Panuto Nagsisilbing gabay sa mga Pagsagot sa isang


mambabasa kung paano lagumang pasulit.
Hal. Bilugan ang titik
isagawa o likhain ang isang ng
bagay. tamang sagot.

3.Panuntunan Nagbibigay sa mga manlalaro Panuntunan sa


sa mga Laro ng gabay na dapat nilang paglalaro ng Sepak
sundin. Takraw
Hal. Bawal hawakan
ang bola. Paa, ulo,
balikat, dibdib, tuhod,
hita at binti lamang
ang
maaaring gamitin.

4.Mga Sa mga eksperimento, Karaniwang ginagawa


Eksperimento tumutuklas tayo ng mga bagay sa Agham na
asignatura.
na hindi pa natin alam.
Karaniwang nagsasagawa
ng Hal. Paggawa ng “Egg
eksperimento sa siyensya
kaya Lamp”
Naman kailangang
maisulat ito
3
Sa madaling
naiintindihang
lennguwahe para
matiyak ang
kaligtasan ng
magsasagawa ng
gawain.

5.Pagbibigay Mahalagang magbigay tayo ng Pagtuturo ng direksyon


ng Direksyon malinaw na direksyon para ng isang lugar.
makarating sa nais na Hal.Ang bahay nila
destinasyong tatahakin. Ana ay malapit lamang

sa palengke.

Halimbawa ng Tekstong Prosidyural (Paraan ng Pagluluto /Resipe):

BIKOL EXPRES

Mga Sangkap:
4 na tasa ng siling mahaba
1 kutsarang asin
2 tasang gata ng niyog
1 ½ tasang sariwang alamang
¼ na kilo ng karne -liempo 3 butil ng bawang, tinadtad 1 sibuyas, tinadtad
4
1 tasa ng kakang gata

Hakbang sa Pagluluto
1. Ibabad ang sili sa tubig na nilagyan ng asin. Itabi nang
tatlumpung (30) minuto at pagkatapos ay hugasang maigi.
Patuluin
2. Sa kawali, paghaluin ang gata, alamang, karne, bawang,
sibuyas, at asin. Pakuluin.
3. Hayaan lamang ang apoy at isalang pagkatapos ng sampung (10)
minuto.
4. Idagdag ang sili at lutuin hanggang halos matuyo.
5. Ibuhos ang kakang gata at hayaang magmantika.

PAGYAMANIN

Isulat ang kahalagahan ng tekstong prosidyural sa bawat


kahon.Limang (5) puntos sa bawat kahon.

Sarili
Pamilya
Komunidad
Bansa
Daigdig

ISAISIP

Sa kabuuan, mahalagang malaman at


matutunan ang tekstong prosidyural upang
5
magamit ito sa pang-araw-araw na gawain ng isang
tao at magsilbing gabay para maging mabisa,
makabuluhan at maging matagumpay sa paggawa
ang anumang gawain.

ISAGAWA
Bumuo ng isang tekstong prosidyural tungkol sa mga
hakbang sa pagsasagawa ng gawaing nakaatas sa strand mo o
hilig mo.
(Pumili lamang ng isa)

• BEAUTY CARE: Mga Hakbang sa Paglilinis ng Kuko


• COOKERY: Mga Hakbang sa Pagluluto ng Adobong
Manok
• ABM: Mga Hakbang sa Online Selling
Panuto sa Pagkuha ng Birth Certificate o
• HUMSS: Sertipiko ng Kapanganakan
 Hakbang sa pagkuha ng virus sa flash
TVL: drive/USB.
–Hakbang na dapat sundin kung may
• STEM earthquake
– Mga Hakbang sa Pagbuo ng Extension
• EIM Wire
• SPORTS – Panuto sa Larong Basketball

6
TAYAHIN
Suriin ang halimbawa ng tekstong prosidyural na “Mga hakbang
upang Makapagtapos ng Pag-aaral”. Pagkatapos masuri, isaayos ang mga
bahagi nito ayon sa tamang pagkasunod-sunod. Isulat sa sagutang papel.

_____ Ang kolehiyo ay mayroong apat na taong kurso bago makapagtapos


tulad ng business administration, teacher, criminology,
agriculture at marami pang iba.
_____ Kapag nakapasa sa grade 7 hanggang grade 12, mag-enroll sa
kolehiyo.
_____ Kapag nakapasa sa entrance exam para sa napiling kurso,
makakapag-
aral sa kolehiyo, kung hindi naman makapasa mayroong
ibang pagpipiliang kurso upang makapag- aral sa
kolehiyo.
_____ Sa panahon ngayon, ang mga bata ay dadaan sa kindergarten bago
mag elementarya. Kailangang ding makapagtapos ng
elementarya upang makapag-enrol sa mataas na paaralan.
_____ Kailangang mag-aral mula grade 7- 12 upang makapag- enroll sa
kolehiyo.

Inihanda ni:
EMILY E. PAJAC
GURO

You might also like