FILI-10-4824 Quiz
FILI-10-4824 Quiz
v Kung ang Noli ay nangangahulugang Huwag mo akong Salingin, ang El Fili naman
ay ang Paghahari ng Kasakiman.
v Bago bitayin sina P. Burgos, P. Gomez, at P. Zamora, ang mga Pilipino, sa kanilang
paghahanap ng pagbabago at kabutihan mula sa pamahalaan ay makapook lamang
(regional). Idinawit sila sa isang aklasan sa Cavite noong Enero 1872. Dahil sila ay mga
paring maka- Pilipino kaya naman may isang paring regular ang nagpanggap at sila ay
isinangkot sa kaguluhan.
v Nang maghimagsik sina Dagohoy, ang lalawigan ng Bohol lamang ang inihanap niya
ng paglaya; si Diego Silang ay ang Ilocos lamang; si Palaris, ang Pangasinan; si Maniego,
ang Kapampangan lamang, at iba pa. Ngunit nang bitayin ang Gomburza, naging
pambansa na ang paningin ng mga Pilipino ukol sa paglaya. Ang pagkabitay sa 3 pari ay
siyang nagbinhi ng diwang makabansa sa mga Pilipino.
v Sa huli, napatunayan din na walang sala ang mga pari dahil may isang taong
nagngangalang Zaldua ang nagpatunay na sila ay mga walang sala.
Sinimulang isulat ni Rizal ang El Fili sa London noong 1890. Ayon kay Maria Odulio de
Guzman, binalangkas ni Rizal ang pagkatha sa El Fili noong mga huling buwan ng 1884
at mga unang buwan ng 1885 nang isinusulat pa niya ang Noli. Habang isinusulat ni
Rizal ang El Fili, naisasabay rin niya ang pagbisita sa mga kaibigan at pamamasyal sa
magagandang lugar sa Europa.
Patong-patong na suliranin ang kaniyang naranasan habang isinusulat niya ang El Fili.
Kung kinulang siya sa pananalapi nang isinusulat niya ang Noli ay higit siyang kinapos
nang isinusulat na niya ang El Fili kaya sadya siyang naghigpit ng sinturon. Halos
lumiban siya sa pagkain makatipid lamang. Nakapagsanla rin siya ng kaniyang mga
alahas upang matustusan ang pagsusulat. Matindi ang pagnanais niyang tapusin na
agad ang nobela dahil maging sa kaniyang pagtulog ay napapanaginipan niyang may
namamatay sa kaniyang mga mahal sa buhay. Iniwasan niyang kapusin ng panahon sa
pagsusulat. Batid niyang walang ibang makatatapos ng kaniyang obra kung hindi siya
lamang.
Hindi lamang kawalan ng pondo ang kaniyang naging suliranin upang matapos ang El
Fili. Naging balakid din ang suliranin niya sa puso, sa pamilya, at sa mga kaibigan.
Nakarating sa kaniyang kaalaman na ang kaniyang pinakaiibig na si Leonor Rivera ay
ipinakasal ng magulang nito sa ibang lalaki. Ipinagpapalagay na mababakas ang pighati
niya sa pangyayaring ito sa nobela sa bahaging nagtalusira si Paulita sa katipang si
Isagani at nagpakasal kay Juanito. Nabatid din niyang ang kaniyang magulang at mga
kapatid ay pinasasakitan at pinag-uusig ng pamahalaang Espanyol dahil sa usapin sa
lupa at sa maling paratang. Labis siyang nag- alala sa mga mahal niya sa buhay sa
Calamba, Laguna. Maiuugnay ito sa kuwento ni Kabesang Tales na may ipinaglalabang
usapin hinggil sa pangangamkam ng lupa ng mga prayle kahit wala silang katibayan ng
pag-
5
aari at nakuha pang maningil ng buwis sa nasabing kabesa na siyang may- ari ng lupa.
Dahil sa adhikain ni Rizal na imulat ang kaisipan at gisingin ang damdamin ng mga
Pilipino laban sa pang-aapi at pag-aabuso sa pamahalaang Espanyol ay pinagtibay niya
ang kaniyang kalooban upang ipagpatuloy at tapusin ang nobela kahit kulang sa
panustos mula sa pamilya. Nang matapos ito noong Marso 29, 1891 at makahanap ng
murang palimbagan, ang palimbagang F. Meyer-van Loo sa Ghent, Belgium ay ipinadala
niya ang manuskrito sa kaibigang si Jose Alejandrino. Sa kasamaang-palad, hindi
natapos ang paglilimbag ng aklat. Mahigit na isandaang pahina pa lamang ito nang
maipahinto na dahil naubos na ang kaniyang pambayad mula sa salaping kanyang
natipid at nang hindi dumating ang hinihintay na salapi mula sa kaniyang pamilya sa
Pilipinas. Nilimot din ng ilang mayayamang kaibigang Pilipino ang kanilang pangakong
tulong sa paglilimbag ng nobela.
Ipinadala ni Rizal sa Hong Kong ang karamihan ng mga aklat at ang ibang bahagi ng
mga ito ay sa Pilipinas napunta pagkatapos niyang mabigyan ng kopya ang mga
kaibigang sina Juan Luna, Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez Jaena, at Dr. Ferdinand
Blumentritt. Sa kasamaang- palad, nasamsam sa Hong Kong ang mga aklat na
ipinadala ni Rizal gayundin ang mga kopyang ipinadala niya sa Pilipinas. Ipinasira ng
Pamahalaang Espanyol ang mga sipi ng nobela subalit may ilang nakalusot at nagbigay
ng malaking inspirasyon sa mga naghihimagsik. Patuloy nitong naantig at nagising ang
damdamin ng Pilipino. Kung ang Noli ang gumising at nagpaalab sa diwa at damdamin
ng mga Pilipino ukol sa mga karapatan,
nakatulong naman nang malaki ang El Fili kay Andres Bonifacio at sa Katipunan upang
maiwaksi ang mga balakid na nakasasagabal sa paghihimagsik noong 1896.
Ang El Fili ay inialay ni Rizal bilang pagpupugay sa tatlong paring martir na binitay sa
Bagumbayan noong Pebrero 1872 na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at
Padre Jacinto Zamora dahil lamang sa maling hinala ng mga Espanyol. Bilang
paggalang at pag-alala sa kanilang sakit at hinagpis, inihandog niya ang nobela. Wika
niya:
“Sa di pagsang-ayon ng Relihiyon na alisan tayo ng karangalan sa pagkapari ay inilagay
sa alinlangan ang kasalanang ibinibintang sa inyo; sa pagbabalot ng pagkakamaling
nagawa sa isang masamang sandali, at ang buong Pilipinas, sa paggalang sa inyong
alaala at pagtawag na kayo’y mga pinagpala, ay hindi lubos na kinikilala ang inyong
pagkakasala.
Inihambing naman ni Ginoong Ambeth Ocampo ang Noli sa El Fili. Ayon sa kaniya, mas
maraming hindi isinama si Rizal sa El Fili. May halos apatnapu’t pitong (47) pahina ang
tinanggal, nilagyan ng ekis, binura at binago. Samantalang sa Noli Me Tangere ay ang
kabanata lamang tungkol kina Elias at Salome ang hindi naisama sa pag-imprenta
subalit buo ito at maaaring isalin at pag-aralan din. Ayon din sa kaniya, noong 1925,
binili ng pamahalaan ang orihinal na kopya ng nobela mula kay Valentin Ventura.
Totoong binagtas ni Dr. Jose Rizal ang napakatinik na daan tungo sa kaniyang adhikain
subalit siya’y nagtagumpay. Nakarating sa pinagpalang mga kamay ang ikalawang obra
maestrang El Filibusterismo na nagsilbi at patuloy na nagsisilbing inspirasyon ng lahat
ng Pilipino sa bansa at maging sa mga Pilipinong nasa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Nawa’y
Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Sagutin mo nang mahusay ang mga tanong. Titik lamang ng tamang
1. Anong pangyayari ang nagtulak kay Rizal upang isulat ang El Filibusterismo?
A. Ipinagbawal sa kanilang tahanan ang salitang Filibustero.
B. Binitay ang tatlong paring martir sa Cavite dahil sa paratang na
sangkot sila sa pag-aalsa laban sa mga Kastila
C. Makita niyang tagumpay ang kaniyang unang nobelang isinulat
ang Noli Me Tangere
2. Saan niya sinulat ang El Filibusterismo?
5. Bakit kailangang lisanin ni Rizal ang Paris at lumipat sa Brussels, Belgium nang
siya’y nagsusulat na ng nobela?
A. Dahil laging binibisita niya ang kaniyang mga kaibigan
B. Doon siya inabot ng patong-patong na suliranin habang sinusulat
ang nobela.
C. Upang matutukan niyang mabuti at mapag-isipan nang lubusan
ang pagsulat ng nobela.
6. Bakit muntik nang ‘di matuloy tapusin ni Rizal ang nobelang El Fili?
A. Naging balakid ang suliranin niya sa puso at pag-aalala sa
kaligtasan ng kaniyang pamilya at mga kaibigan.
B. Nagkaroon siya ng suliranin sa pera kaya di siya gaanong
kumakain.
C. Kapos siya sa panahon ng pagsusulat ng nobela
8. Sino ang tumulong kay Rizal upang maipalimbag niya ang kabuoan ng kaniyang
isinulat na nobela? A. F. Meyer-van Loo B. Valentin Ventura
C.Ferdinand Blumentritt
10. Paano nakatulong kina Andres Bonifacio at sa Katipunan ang akdang ito ni Rizal?
A. Marami ang naipon nilang salapi sa pagpapalimbag nito.
B. Naging daan ito sa pagkakaisa ng mga Pilipino.
C. Naiwaksi nito ang mga balakid na naging sagabal sa paghihimagsik noong 1896.
Gawin Natin
Filibusterismo at (X) kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
___1. Si Gobernador-Heneral Emilio Terrero ang namumuno sa bansa nang sinimulan
niya ang pagsusulat ng ikalawang nobelang El Filibusterismo.
___3. Nalagay sa panganib ang pamilya at iba pang mahal sa buhay ni Rizal
habang isinusulat niya ang nobelang ito.