Araling Panlipunan: Ikatlong Markahan-Modyul 2: Balangkas o Istruktura NG Ating Pamahalaan

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

4 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan- Modyul 2:
Balangkas o Istruktura ng Ating Pamahalaan

Pangalan ng Mag-aaral: ___________________________


Baitang at Pangkat: ___________________________
0
Pangalan ng Paaralan: ___________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Jenelyn B. Tabacon T-1
Editor: Mario D. Deldacan MT-II
Tagasuri: Roberto P. Cañales Jr. T-3
Tagaguhit: Jenelyn B. Tabacon T-1
Tagalapat: Roberto P. Cañales Jr. T-3
Michelle U. Astillero T-1
Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI
OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD


CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE


EPS-LRMDS

Alma L. Carbonilla, EdD


EPS-Araling Panlipunan

Alamin
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang
sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

⚫ Nasusuri ang balangkas o istruktura ng pamahalaan ng


Pilipinas.

Balikan
Panuto: Isulat ang T kung tama ang isinasaad ng
pangungusap tungkol sa pamahalaan at M naman
kung mali at isulat ito sa inyong sagutang papel.
1. Nagbibigay ng libreng serbisyo tulad ng libreng edukasyon
at libreng pagpapagamot sa pampublikong ospital.

2
2. Ang namamahala at tumutugon sa pangangailangan ng
mamamayan.

3. Pinaglilingkuran lamang ang mga malalapit na kaibigan.

4. Nagpapatupad ng batas upang mapangalagaan ang


kapayapaan at kaayusan ng bansa.

5. May mga pinuno na gumaganap ng iba’t ibang tungkulin.

6. Mahalaga ang pamahalaan sa pag-unlad at pagsulong ng


pamumuhay.

7. Ang mga kakilala lamang ang binibigyan ng proyektong


pabahay.

8. Naglulunsad ng programang illegal logging.

9. Nagpapagawa ng mga kalsada at tulay upang makarating sa


liblib na mga pook.

10. Nagbibigay ng programang pangkabuhayan sa mga


magsasaka lamang.

Aralin
Balangkas o Istruktura ng Ating Pamahalaan
1

Tuklasin
Ano kaya ang ipinapakita sa larawan? Ano kaya ang sinisimbolo
nito?

3
Basahin at unawaing mabuti ang teksto.
Ang Pambansang Pamahalaan

Ang pamahalaan ay isang samahan o organisasyong


politikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong
magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong
lipunan. Ang pamahalaan ng Pilipinas, na siya ring pambansang
pamahalaan, ay isang uri o sistemang presidensiyal at
demokratiko. Pinamumunuan at pinamamahalaan ito ng isang
Pangulo na siyang puno ng bansa, katuwang ang pangalawang
pangulo. Ang Palasyo ng Malacañang ang nagsisilbing tahanan
ng pangulo ng bansa.

Saklaw ng pambansang antas ng pamahalaan ang buong


bansa at binubuo ng tatlong magkakaugnay na mga sangay: ang
tagapagbatas, tagapagpaganap, at tagahukom. Tinatawag din
ang mga sangay na ito na lehislatibo, ehekutibo, at hudikatura.

Sangay na Tagapagbatas o Kongreso

Ito ang gumagawa ng mga batas ng bansa. Binubuo ito ng


dalawang kapulungan: ang mataas na kapulungan o Senado at
mababang kapulungan o Kapulungan ng mga Kinatawan.
Nakasalalay rin sa Kongreso ang pagsasagawa ng mga
imbestigasyon at pananaliksik para makatulong sa kanilang mga
gagawing batas. Ito rin ang nagsasaysay na ang bansa ay nasa
estado ng pakikipagdigmaan. Sa ganitong kalagayan, maaaring
pagkalooban ng Kongreso ang Pangulo ng kapangyarihan para
maisakatuparan ang mga pambansang patakaran. Ang
pambansang badyet ay dumadaan din sa pagsusuri ng sangay
na ito.

Espesyal na kapangyarihan ng Senado ang pagpapatibay ng


mga kasunduan ng Pilipinas sa ibang bansa at ang
kapangyarihan naman sa pagsampa ng kasong impeachment o

4
pagkatanggal sa puwesto ng mataas na opisyal ay sa
Kapulungan ng mga Kinatawan.

Sangay na Tagapagpaganap

Ang tumitiyak na ang mga batas na ginawa ng Kongreso ay


naipatutupad upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga
mamamayan. Ito ay pinamumunuan ng Pangulo at kaagapay
niya ang mga Gabinete sa pagpapatupad ng batas. Batay sa
Konstitusyon, ang Pangulo, alinsunod sa pagsang-ayon ng
Komisyon sa Paghirang, ang may kapangyarihang humirang ng
mga puno ng mga kagawaran, embahador, konsul, colonel sa
sandatahang lakas at iba pang opisyal ayon sa isinasaad sa
Konstitusyon.

Maaaring iatas ng Pangulo bilang komander ng sandatahang


lakas ng bansa ang pagsupil sa anumang karahasan,
pananalakay, o paghihimagsik; at isailalim ang bansa sa batas.

Taglay rin ng Pangulo ang veto power o ang kapangyarihang


tanggihan ang isang panukalang batas na ipinasa ng Kongreso.
Siya rin ang pumipili ng punong mahistrado ng Korte Suprema,
gayundin sa mababang hukuman, mula sa talaan ng Judicial Bar
Council.

Sangay na Tagapaghukom

Ang sangay na nagbibigay interpretasyon ng batas.

Ang kapangyarihang panghukuman ay nasa ilalim ng


Kataas-taasang Hukuman o Korte Suprema at mababang
hukuman. Sa Korte Suprema dumudulog ang sinumang tao na
hindi sumasang-ayon sa anumang desisyon ng mababang
hukuman, maging ang dalawang sangay ng pamahalaan kung
may tanong tungkol sa legalidad ng batas.

5
Mahalaga para sa isang bansa ang isang pambansang
pamahalaan dahil ito ang nangunguna sa pagbabalangkas ng
pamamaraan ng pamamalakad at pamamahala sa bansa. Ito ang
namumuno sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto para
sa mga nasasakupan nito. Tinitiyak din nito na ang karapatan
ng mga mamamayan ay napangangalagaan sa pamamagitan ng
pagkakaloob ng mga serbisyong pangkabuhayan,
pangkalusugan, pangkultura, pansibil, at pampolitika.

Ang Pamahalaang Lokal

Ang pamahalaang lokal ayon sa itinatadhana ng Batas


Republika Blg. 7160 ay binubuo ng mga lalawigan, lungsod,
bayan, at barangay. Ang lalawigan ay pinamumunuan ng inihalal
na gobernador at bise gobernador. Ang lalawigan ay kailangang
may sukat na 2 000 kilometro kuwadrado o higit pa, may di
kukulangin sa 250 000 mamamayan, at may kakayahang kumita
ng hindi bababa sa 20 milyong piso bawat taon.

Ang alkalde at bise alkalde ang namumuno sa lungsod o


bayan katulong ang mga empleyado na hinirang ng alkalde. Ang
barangay ay nasa pamumuno ng kapitan ng barangay. Ang isang
lungsod ay dapat may sukat ng lupa na aabot o higit pa sa 100
kilometro kuwadrado, may 150 000 bilang ng taong naninirahan,
at taunang kita na di bababa sa 20 milyong piso. Ang isang
bayan naman ay dapat may sukat ng lupa na 50 kilometro
kuwadrado, 25 000 bilang ng taong naninirahan, at taunang kita
na 2.5 milyong piso.

Ang sangguniang panlalawigan, sangguniang panlungsod,


sangguniang pambayan, at sangguniang pambarangay ay mga
sangay na lehislatibo sa local na antas ng pamahalaan. Gawain
ng mga ito ang pagbuo ng mga ordinansa para sa nasasakupan.
Ang Pangulo ang may pangkalahatang pangangasiwa sa mga
pamahalaang lokal sa pamamagitan ng Kagawaran ng Interyor at
Lokal na Pamahalaan o Department of the Interior and Local
Government (DILG).
6
Suriin
Panuto :Sagutin mo ang mga tanong para masukat ang iyong pag-
unawa sa binasa.
Tiyakin ang gawain ayon sa pamantayan sa rubric.
Pamantayan 4 3 2 1
Nilalaman Naglala May isa o May ilang Karamihan
man ng dalawang mali sa sa ibinigay
wastong mali sa mga mga na datos o
imporm ibinigay na ibinigay na impormasy
asyon. datos o datos o on ay mali.
impormasyo impormasy
n. on.
Kasagutan Sapat May kulang Maraming Hindi
ang sa sagot sa kulang sa nasagot
sagot sa tanong. sagot sa ang tanong.
tanong. tanong.
Paghihikayat Nakahih Nakahihikay Bahagyang Hindi
ikayat at ang nakahihika nakahihika
nang isinulat. yat ang yat ang
lubos isinulat. isinulat.
ang
isinulat.

1. Ano ang dalawang antas ng pamahalaan?


Sagot:_________________________________________________________

2. Ano ang mga kapangyarihan ng tatlong sangay ng


pambansang pamahalaan?
Sagot:_________________________________________________________

3. Ano ang saklaw ng kapangyarihan ng pambansang


pamahalaan?
Sagot:_________________________________________________________

4. Ano ang bumubuo sa pamahalaang lokal ayon sa itadhana


ng Batas Republika Blg. 7160?
Sagot:_________________________________________________________

7
Pagyamanin

Panuto: Base sa napag-aralan punan ng hinihinging


impormasyon ang tsart. Itala ang mga kuwalipikasyon para
maituring na isang pamahalaang lokal ang sumusunod. Gawin
ito sa inyong sagutang papel.

Pamahalaang Kita Populasyon Sukat ng


Lokal Lupa

1. Lalawigan

2. Lungsod

3. Bayan

Gawain
Gawain A. Panuto: Kopyahin ang dayagram sa inyong
kuwaderno. Itala sa loob ng kahon ang
kapangyarihang taglay ng bawat sangay.

Kapangyarihan ng Tatlong
Sangay ng Pamahalaan

Sangay na Sangay na Sangay na


Tagapagpaganap Tagapagbatas Tagapaghukom

8
Gawain B. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat
ang / (tsek) kung tama ang ipinapahayag ng bawat
pangungusap at x (ekis) kung hindi. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.

1. Nasasakupan ng pambansang pamahalaan ang buong


bansa.
2. May dalawang sangay ang pambansang pamahalaan ng
Pilipinas.
3. Ang sangay na tagapagbatas ay binubuo ng mga piling
hurado.
4. Saklaw ng pamahalaang lokal ang buong bansa.
5. Ang sangay na tagapaghukom ay kinabibilangan ng mga
mambabatas.

Gawain C. Panuto: Kopyahin ang dayagram sa inyong


kuwaderno. Itala sa loob ng maliliit na bilog ang
kahalagahan ng pambansang pamahalaan.

Tungkulin
ng
Pambansang
Pamahalaan

9
Isaisip
Panuto: Base sa iyong natutunan, punan mo ang mga salaysay
sa ibabang bahagi upang makompleto ito. Piliin ang sagot sa loob
ng kahon. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

tagapagbatas Pangulo tagapagpaganap


lalawigan tagapagpaghukom lungsod o bayan
barangay bansa

Sa araw na ito, natutunan ko na ang Pilipinas ay may


pambansang pamahalaan na pinamumunuan ng 1. ____________.
Ito ay binubuo ng tatlong sangay ang 2. ________________________,
3. __________________, at 4. __________________. Saklaw naman ng
pamahalaang lokal ang mga 5. ____________, 6. _________________,
at 7. ____________________.

Tayahin

GAWAIN A
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong
sagutang papel.

1. Anong sangay ng pamahalaan ang nagpapatupad ng mga


batas?

A. Tagapaghukom C. Tagapaganap
B. Tagapagbatas D. Tagapagsalaysay

2. Ito ang tinatawag na kongreso ng ating bansa na siyang


gumagawa ng mga batas. Anong sangay ito?

A.Tagapaghukom C. Tagapaganap
B.Tagapagbatas D. Tagapagsalaysay

10
3. Anong sangay naman ang nagbibigay-kahulugan sa mga
batas ng bansa?

A. Tagapaghukom C. Tagapaganap
B. Tagapagbatas D. Tagapagsalaysay
4. Alin sa sumusunod ang HINDI napabilang sa mga
pakinabang sa kahalgahan ng pamahalaan?

A. Nangunguna sa pagbalangkas ng pamamaraan sa


pamamalakad ng bansa.
B. Nagpapatupad ng programa at proyekto para sa
mamamayan
C. Dumarami ang pulubi
D. Tinitiyak na maunlad ang ekonomiya ng bansa.

5. Bakit mahalaga ang pamahalaan?

A. Dahil ito ay nagbibigay ng libreng pagkain araw-araw.


B. Dahil ito ay nakatutulong sa ating kabuhayan.
C. Dahil ito ang namumuno sa pagpapatupad ng mga
programa para sa nasasakupan.
D. Dahil ito ang nagbubuklod natin bilang mga Pilipino.

GAWAIN B
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang TAMA
kung ito ay nagsasabi ng katotohanan at MALI kung hindi.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_______1. Tinitiyak ng pambansang pamahalaan ang


kapakanan ng mga mamamayan nito maging yaong nasa
ibang bansa.

_______2. Ang antas ng pamahalaan ay nahahati sa dalawa:


ang lokal at pambansang antas.

_______3. Ang Pangulo sa pamamagitan ng veto power ay may


kapangyarihang tanggihan ang isang panukalang batas na
ipinasa ng Kongreso.

11
_______4. Ang Pangulo ang may pangkalahatang pangangasiwa
sa mga pamahalaang lokal sa pamamagitan ng Kagawaran ng
Interyor at Lokal na Pamahalaan.

_______5. Tinitiyak ng sangay na tagapagpaganap na


maipatutupad ang mga batas na ginawa ng Kongreso upang
mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan.

Karagdagang Gawain

Panuto: Tukuyin kung pambansa o lokal na antas ng


pamahalaan ang
may saklaw ng sumusunod na mga sitwasyon. Isulat sa
sagutang
papel ang tamang sagot.

_______________ 1. ugnayang panlabas

_______________ 2. koleksiyon ng basura

_______________ 3. mga asong pagala-gala

_______________ 4. pagpapatayo ng paaralan

_______________ 5. pagkakaroon ng bakuna kontra Covid-19

12
13
GAWAIN
Kapangyarihan ng Tatlong Sangay
GAWAIN A ng Pamahalaan
Sangay na Sangay na Sangay na
Tagapagpaganap Tagapagbatas Tagapaghukom
➢ Nagpapat ➢ Gumagawa ➢ Nagbibigay
upad ng ng mga interpretasy
batas batas ng on ng batas
bansa
PAGYAMANIN
Pamahalaang Lokal Kita Populasyon Sukat ng Lupa
hindi bababa di kukulangin 2 000 kilometro
1. Lalawigan sa 20 milyong sa 250 000 kuwadrado o
piso mamamayan higit pa
hindi bababa 150 000 100 kilometro
2. Lungsod sa 20 milyong mamamayan kuwadrado o
piso higit pa
50 kilometro
3. Bayan 2.5 milyong 25 000 kuwadrado
piso mamamayan
TAYAHIN ISAISIP BALIKAN
GAWAIN A 1. Pangulo 1. T
1. C 2. tagapagbatas 2. T
2. B 3. tagapagpaganap 3. M
3. A 4. tagapaghukom 4. T
4. C (para sa bilang 2- 5. T
5. C 4, puwedeng 6. T
magpalit-palit ng 7. M
GAWAIN B bilang ang sagot) 8. M
5. lalawigan 9. T
1. TAMA
6. lungsod o bayan 10. M
2. TAMA
7. barangay
3. TAMA
(para sa bilang 5-
4. TAMA
7, puwedeng
5. TAMA
magpalit-palit ng
bilang ang sagot)
Susi sa Pagwawasto
14
GAWAIN C
Namumuno sa
pagpapatupad
ng mga
programa at
proyekto para
sa nasasakupan
Tinitiyak na Tungkulin Nagkakaloob ng
napangangalaga mga serbisyong
an ang ng pangkabuhayan
karapatan ng Pambansang ,pangkalusugan
mga , pangkultura,
Pamahalaan pansibil at
mamamayan
pampolitika
Nangunguna sa
pagbalangkas
ng pamamaraan
ng
pamamalakad
at pamamahala
sa bansa
GAWAIN B
1. /
2. X
3. X
4. X
5. X
Sanggunian
Araling Panlipunan 4: Kagamitan ng Mag-aaral, pp. 228-241, Vibal
Group,Inc. 2015

Araling Panlipunan 4: Patnubay NG guro, pp. 109-113, Vibal Group,Inc.


2015

Larawan ng Palasyo ng Malakanyang


https://bit.ly/3hO2aQV

15
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see
that I was walking along the beach A poem lovely as a tree.
with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowing
of footprints – one belong to me and breast;
the other to the LORD.
A tree that looks at God all day,
Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;
noticed only one set of footprints.
A tree that may in Summer wear
“And I ask the LORD. Why? Why?
A nest of robins in her hair;
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
Upon whose bosom snow has lain;
And the LORD replied “My son, My Who intimately lives with rain.
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the Poems are made by fools like me,
sand, because it was then that I But only God can make a tree.
CARRIED YOU!

You might also like