Fil 9 PretestFinal

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI Kanlurang Visayas
SANGAY NG MGA PAARALAN NG ILOILO
Kalye Luna, Lungsod ng Iloilo

PAUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong
sagutang papel.
1. Natapos ang lahat ng gawain __________ kanilang pagtutulungan. Anong angkop na pangatnig ang
dapat gamitin sa pangungusap?
A. kung gayon C. kaya
B. datapwat D. dahil sa

2. Mula sa kanyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata. Ano ang ibig
sabihin ng sinalungguhitang pahayag?
A. nangibabaw ang tunay na nararamdaman C. ipinahayag ang labis na damdamin
B. ipinakita ang tunay na saloobin D. lumabas ang totoong pag-ibig

3. ‘Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo. Mayroon siyang naisip.
Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama’. Ang pangyayari sa kwento ay nagpapakita ng
__________ ng isang haligi ng tahanan.
A. pagsisi C. pagmamahal
B. pagbabago D. pagkalungkot

4. Paano ipinakita ng ama ang kanyang pagmamahal sa anak?


A. matatag niyang hinarap ang mga problema
B. nagsisi siya sa mga di-mabuting ginawa sa anak
C. matapang niyang tinanggap ang kanyang kapalaran
D. masaya siyang namuhay kasama ang anak

5. Alin sa mga sumusunod na pangyayari sa alamat ang nagsasaad ng katotohanan?


A. masayang naglalaro sa lawa ang mga kinaree na kalahating babae at kalahating sisne
B. Namangha siya sa nakabibighaning kagandahan ng Prinsesa
C. Nagalit ang dragon na nakatira sa pinakasuluk-sulukan ng kagubatan
D. Hinagis niya ang makapangyarihang lubid at agad na nahuli ang Prinsesa

6. Pumupunta __________ ang mag-anak sa isla para magbakasyon. Anong pang-abay na pamanahon
ang angkop gamitin sa pangungusap?
A. araw-araw C. taon-taon
B. kahapon D. ngayon

7. Pinagsasabihan namin siya araw-araw. Anong uri ng pang-abay na pamanahon ang ginamit sa
pangungusap?
A. may pananda C. nagsasaad ng dalas
B. walanag pananda D. pamaraan

Para sa bilang 8:
Noon, ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton,
isang pagtahak sa matuwid na landas upang marating ang paroroonan
gaano man ito kalapit, gaano man ito ka layo
gaano man ito kakitid, gaano man ito kalawak
kaunti man o marami ang mga pang humahakbang
-mula sa Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan,
Regalo ngKasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan

8. Alin sa mga sumusunod na magkapares na salita/parirala sa tula ang may magkatulad na kahulugan?
A. matuwid na landas - paroroonan C. kaunti - marami
B. bawat paghakbang - isang pagtalunton D. kakitid - kalawak

9. Sinasanay sa larong basketball ang mga batang _________ at malulusog. Anong salitang
naglalarawan ang angkop gamitin sa pangungusap?
A. matataas C. matatangkad
B. matatayog D. mahahaba
10. Si Marilyn ay may ginintuan tinig at ginintuang puso. Ang salitang ginintuan ay __________.
A. nangangatwiran C. nag-uugnay
B. naglalarawan D. nagsasalaysay

11. Balang araw ay maaaring lumuwag ang tali sa pagkakaalipin. Ang salitang may salungguhit sa
pangungusap ay nangangahulugang __________
A. makalaya C. makatakas
B. makaalis D. makawala

12. Maraming kabataan ang nalululong sa masamang bisyo ________ napapabayaan at hindi
nagagabayan ng mga magulang. Anong pang-ugnay ang angkop sa patlang?
A. kahit C. kasi
B. bukod tangi D. tulad ng

13. “At aking tinandaan sa isip, kailangan ng isang tao ang pananalig, kahit ano, pananalig nang sa anong
bagay, lalong mabuti kung pananalig kay Bathala.”. Ano ang pangunahing kaisipan ng pahayag ni Tiyo
Simon?
A. Pagtitiwala sa Panginoon C. Pagdarasal sa Maykapal
B. Pagsamba sa Iisang Diyos D. Pagdadakila sa Makapangyarihan

14. Sa iyong sariling pananaw, tama bang sisihin ng tao ang Diyos sa mga pagkakataong dumaranas siya
ng mga kabiguan sa buhay?
A. Oo, dahil hindi pantay ang kanyang ipinagkakaloob
B. Oo, dahil siya ang nagbigay ng mga kabiguan sa tao
C. Hindi, dahil kagagawan ng tao ang mga kabiguan.
D. Hindi, bagkus magpasalamat sa lahat ng natatanggap

15. Alin sa mga sumusunod na ekspresiyon ang HINDI angkop gamitin sa pagpapahayag ng katotohanan?
A. tunay na C. talaga
B. totoo D. possible

16. Maikling tula mula sa Japan na binubuo ng labimpitong pantig lamang at kadalasang pumapaksa sa
kalikasan.
A. Tanka C. Tanaga
B. Haiku D. Ambahan

17. Paano naiiba ang Tanka sa Haiku?


A. ang tanka ay may 31 pantig habang ang haiku ay may 17 pantig
B. sa tanka 5-7-5 ang bilang ng pantig sa bawat taludtod at sa haiku ay 7-5-7
C. ang haiku ay pumapaksa sa pag-ibig at ang tanka ay sa kalisakasan
D. sa haiku ay may 5 taludtod at sa tanka ay may 3 taludtod

18. Maayos at masayang buhay ang hinahangad ng karamihan sa atin. Paano binibigkas ang salitang may
salungguhit sa pangungusap?
A. bu:HAY C. BU:HAY
B. BU:hay D. bu:hay

19. Ano ang kahulugan ng pahayag na ito? “Hindi, ako ang doktor.”
A. Itinatanggi ng nagsasalita na siya ang doktor
B. Sinasabi ng nagsasalita na hindi siya ang doktor
C. Pinatutunayan ng nagsasalita na hindi siya ang doktor
D. Nagsasabi ang nagsasalita na siya ang doctor

20. Ito ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang
damdamin, makapagbigay-kahulugan, at makapagpahina ng usapan upang higit na maging mabisa
ang ating pakikipag-usap sa kapwa.
A. diin C. tono
B. impit D. hinto

21. Ang mga hayop bilang tauhan sa pabula ay sumasagisag sa mga katangian o pag-uugali ng tao. Alin
sa mga sumusunod na hayop ang mabisang gumanap bilang isang taksil?
A. matsing C. ahas
B. pagong D. kalabaw

22. Gusto kong maglakbay sa napakaraming lugar sa ating bansa. Tukuyin ang isinasaad ng ekspresiyong
may salungguhit sa pangungusap.
A. nagsasaad ng posibilidad C. hinihinging mangyari
B. nagsasaad ng pagnanasa D. sapilitang mangyari
23. “Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa mababang kalagayan sa lipunan” Ano
ang ipinahihiwatig ng kaisipan mula sa sanaysay na Ang Mga Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at
Noong Nakaraang 50 Taon?
A. mahihina at duwag ang tingin sa mga babae sa lipunan
B. walang kalayaan ang mga babae na gawin ang kahit anuman
C. walang pinag-aralan kaya naging sunud-sunuran sa mga lalaki
D. trabahong pambahay lamang ang alam gawin ng mga kababaihan

24. Mayroong mga batas sa paaralan _________ hindi sinusunod ng ibang mag-aaral.. Anong angkop na
pangatnig ang dapat gamitin sa ipinahahayag na opinyon?
A. maging C. sapagkat
B. saka D. subalit

“Hindi ka ba magpapasalamat kay Tiyo Li sa lahat ng tulong niya?”

Magalang na yumuko si Huiquan, isang ugaling natutunan niya sa kampo. Kailangang yumuko
ang mga bilanggo sa lahat ng guwardiya, inspector at tagamasid na nakikipag-usap sa kanila o
nakatingin man lang sa kanila.

-Mula sa Maikling Kwentong Nyebeng Itim ni Liu Heng

25. Anong kultura ng mga taga China ang nangingibabaw sa kwento?


A. pagtanaw ng utang na loob C. pagbayad sa nagawang atraso
B. paggalang sa mga taong may katungkulan D. paghingi ng tulong sa mga makapangyarihan

26. ‘Pinalalambot ang paa ng manok sa kumukulong sabaw. Walang makikitang berde – hindi balanseng
pagkain.’ Ano ang nais ipakahulugan ng pariralang may salungguhit?
A. Hindi kumain ng gulay si Hiuquan.
B. Ayaw ni Hiuquan ang kulay berde
C. Walang kulay berde sa mga gamit ni Hiuquan
D. Paborito ni Hiuquan ang manok
E.
27. Alin sa mga sumusunod na pangungusap na gumagamit ng pagpapalawak sa pamamagitan ng pang-
abay na pamaraan.
A. Biglang umalis si Denise na dating magbubukid.
B. Si Denise na gurong iyon ay dating magbubukid.
C. Patiyad na umalis si Denise na dating magbubukid.
D. Si Denise na gurong iyon na umalis ay dating magbubukid.

28. ‘Nakasabit sa dingding ang larawan ng kanyang mga anak na nakapagtapos ng pag-aaral’. Anong
elemento ng dula ang lutang sa pahayag?
A. aktor C. manonood
B. iskrip D. tanghalan

29. Matapos ang lahat ng mga pagsubok na pinagdaanan ni Tiyo Simon ay natuto siyang magbalik loob at
magtiwala muli sa Panginoon. Ang mga pangyayari sa akda ay nagpapatunay na ito ay isang uri ng
dulang
A. komedya C. melodrama
B. trahedya D. parsa

30. Alin ang magkapares na salita na magkasing-kahulugan?


A. pintasan – hamakin C. piitan - looban
B. galugarin – ayusin D. ipagtanggol – ipahiya

31. Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming
nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw. Bakit pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?”
Kung ikaw ang isa sa mga huling dumating na isang oras lamang gumawa, ano ang gagawin mo?
A. tatanggapin ang ibinigay na upa
B. pababayaran lang ang nararapat na oras ng paggawa
C. hindi pakikinggan ang reklamo ng ibang kasama
D. ibibigay ang sobrang upa sa nagrereklamo
32. Ang pahayag na “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli” ay nangangahulugang _______.
A. kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang unang aalis
B. lahat ay may pantay-pantay na karapatan ayon sa napag-usapan
C. ang nahuhuli kadalasan ang unang umaalis
D. mahalaga ang oras ng paggawa

33. Alin ang HINDI nagpapakilala ng katangian ng isang elehiya?


A. nagsasalaysay ng sunod-sunod na mga pangyayari
B. matimpi, mapagmuni-muni at di masintahin ang himig
C. nagpapakita ng masidhing damdamin tungkol sa isang taong pumanaw
D. naglalahad ng pananangis, pag-alaala at pagpaparangal sa mahal sa buhay

34. Ayusin ang mga sumusunod na pang-uri sa paraang nagpapasidhi ng damdamin.


1-pagliyag 2-paghanga 3-pagmamahal 4-pagsinta
A. 2-4-1-3 C. 4-2-3-1
B. 3-2-1-4 D. 1-3-4-2

35. Pinapunta ni Isiah si David ________ magdala ng pagkain sa kanila. Anong angkop na pangatnig ang
dapat gamitin upang mapagsunod-sunod ang pangyayari sa kwento?
A. kahit na C. dahil
B. para D. tulad ng

36. Alin sa mga sumusunod ang naglalahad ng di-makatotohanang pangyayari sa alamat?


A. Nangutang siya sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan para makapagpakasal
B. Nagsipag sa pagtatrabaho ang lalaki kahit malayo ito sa kanyang asawa
C. Nagpalit-anyo ang espiritu na maging asawa at nakapasok ito sa loob ng garapon
D. Pinag-iingat ang babae ng ina ng binata dahil sa mga masasamang espiritu

37. “Mahalin mo lang ako Sita at ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan” sabi ni Ravana. Pero hindi
niya napasuko si Sita. Ang hindi pagsuko ni Sita ay nangangahulugang __________.
A. natatakot C. hindi si Ravana ang kanyang gusto
B. tapat ang pag-ibig ni Sita kay Rama D. naniniwala sa milagro

38. Nakumbinsi ni Maritsa si Ravana kaya umisip sila ng ibang paraan. Ano ang kahulugan ng salitang
may salungguhit?
A. napaniwala C. napasubaybay
B. napasunod D. napapayag

39. Nahagip ng kanyang espada ang tenga at ilong ng higante. Ano ang kahulugan ng salitang nahagip?
A. nasagasaan C. nadaplisan
B. natamaan D. nasugatan

40. Ang India ay _________ sa kultura, paniniwala, pananampalataya at pakikipagkapwa. Anong angkop
na salitang naglalarawan ang angkop gamitin sa pangungusap?
A. sobra C. mayaman
B. marami D. sagana

41. Paano masasabing ang Noli Me Tangere ay halimbawa ng nobelang panlipunan?


A. nakapokus ito sa mga suliraning pampolitika C. tumatalakay ito sa mga isyung panlipunan
B. pumapaksa ito sa pamilya at pag-ibig D. naglalahad ito ng mga problemang panrelihiyon

42. “Diyos ko, kung ako’y iyong pinaghihigantihan, huwag ninyo pong idamay ang __________ kong anak.
Alin ang angkop na paglalarawan sa anak ni Sisa na pinagbintangang nagnakaw ng ginto?
A. mabait C. magalang
B. masipag D. maalalahanin

43. “Hindi lahat ay natutulog sa dilim ng gabi” Ang dilim ng gabi ay sumisimbolo sa:
A. kabiguan C. kamatayan
B. kadiliman D. kababalaghan

Para sa bilang 44.


Naghanda si Sisa ng isang masarap na hapunan para sa kanyang mga anak na alam
niyang darating. Bumili siya ng tinuyong tawilis at inihaw ang mga ito. Pumitas siya sa
kanyang munting halamanan ng pinakamagagandang kamatis pagkat alam niyang
magugustuhan ito ni Crispin.
44. Anong katangian ang mahihinuha kay Sisa bilang isang ina sa loob ng teksto?
A. Masipag at maalalahaning ina C. mapagmahal at mapag-arugang ina
B. Masunurin at matulunging ina D. mapagbigay na ina
Para sa bilang 45.
Nakita ni Kapitan Tiyago si Maria Clarang umiiyak sa harap ng larawan ng Birhen.
“Magtulos ka ng dalawang kandial, ang isa ay para sa San Roque at kay San Rafael na
pintakasi ng mga manlalakbay,” utos ni Kapitan Tiyago sa dalaga.
45. Batay sa teksto, anong katangian ang mahihinuha sa mga tauhan?
A. Mapamahiin C. maalalahanin
B. Madasalin D. mapag-aruga
Para sa bilang 46.
“Don Santiago, hindi ba kayo makikisalo sa amin?” ang patanong na tawag ni Ibarra.
Wala nang bakanteng upuan kaya’y inalok ni Ibarra ang kanyang puwesto sa kapitan.
Tatayo na sana si Ibarra nang siya’y pigilan ni Kapitan Tiyago.

46. Anong katangian ni Ibarra ang mahihinuha sa binasang teksto?


A. Maginoo C. mapagkumbaba
B. Mapagmahal D. may pinag-aralan

47. Umalis si Elias sa bahay ni Ibarra na tila nasisiraan ng bait at di malaman kung saan patungo. Ano
ang kahulugan ng pariralang may salungguhit?
A. nababaliw C. natatakot
B. nag-aalinlangan D. nadismaya

48. Sa kanilang pagkikita sa piging, pinagsabihan ng hindi magandang salita ni Padre Damaso ang
binatang si Ibarra. Ano ang ibig sabihin ng piging?
A. palatuntunan C. programa
B. handaan D. pista

49. Paano ipinakita ni Ibarra ang kanyang pag-ibig sa magulang?


A. umuwi at iinalam niya kung sino ang nagpahukay sa bangkay ng kanyang ama
B. ipinagtanggol niya ang ama sa mga taong nanghahamak dito
C. tinupad niya ang mga pangarap at nais ng kanyang ama
D. ipinagmalaki niya ang ama sa mga kaibigan sa ibang bansa

50. “Iniibig ko ang aking bayan sapagkat utang ko sa kanya ang aking kasawian” Ang pahayag ay
nagsasaad/nagpapahayag ng __________.
A. opinyon C. katotohanan
B. damdamin D. katwiran

***************************

Writer: Rosale M. Narida


San Rafael National High School (Miagao)
Editor: Rona S. Delgado
Leonora S. Salapantan NHS (San Miguel, Iloilo)
Iba pang Tanong:

1. Alin sa mga karungungang bayan ang nagpapahiwatig ng mensahe ng pabulang “Ang Hatol ng
Kuneho”?
A. Daig ng maagap ang masipag
B. Kung may isinuksok, may madudukot
C. Kung ano ang itinanim ay siyang aanihin
D. Ang di lumingon sa pinanggalingan di makakarating sa paroroonan
Hindi napapanahon!
Sa edad na dalawamput isa, isinugo ang buhay
Ang kaniyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw
-mula sa Elehiya sa Kamatayan ni Kuya

2. Ano ang nais ipahiwatig ng taludtod ng tula?


A. mga alaalang naiwan ng isang taong yumao
B. maagang paglisan/pagkawala sa mundo
C. malungkot na kinahinatnan ng isang nilalang
D. kawalan ng pag-asa ng isang nangangarap

3. Ang nagbibigay buhay sa iskrip mula sa pagpasiya sa kaayusan ng tagpuan, ng kasuotan ng mga
tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan.
A. Aktor C. Iskrip
B. Direktor D. Manonood

4. Paano naiiba ang alamat sa iba pang akdang pampanitikan?


A. naglalahad ng opinion o kuro-kuro ng isang may akda
B. naglalaman ng makatotohanang pangyayari
C. nagpapakita ng katangian ng mga tanyag na lugar
D. nagsasalaysay ng pinagmulan ng bagay o lugar

5. Kumawala ang maliit na ibon sa hawla. Ang pandiwang ginamit sa pangungusap ay nasa anong antas?
A. Perpektibo C. Imperpektibo
B. Katatapos D. Kontemplatibo

You might also like