Fil8 1ST
Fil8 1ST
Fil8 1ST
Pangalan: ____________________________________________________Iskor:______________________
Pangkat: _____________________________________________________Petsa:_____________________
PANUTO: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. MALALAKING TITIK LAMANG ang gamitin.
_____1. Isang uri ng panitikan na naglalaman ng tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
a. alamat b. pabula c. talumpati d. maikling kwento
_____2. Inilalarawan dito ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon at ang panahon kung kailan ito nangyari.
a. tauhan b. tagpuan c. tunggalian d. katapusan
_____3. Ang pinakamadulang bahagi ng kwento.
a. tunggalian b. kasukdulan c. katapusan d. tauhan
_____4. Tumutukoy ito sa mga nagsiganap sa kwento at kung ano ang papel na ginagampanan ng bawat isa.
a. tauhan b. tagpuan c. tunggalian d. katapusan
_____5. Ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin.
a. tunggalian b. kasukdulan c. katapusan d. tauhan
_____6. Ang panitikang ito ay binubuo ng salawikain, sawikain, bugtong, palaisipan, kasabihan, at bulong.
a. alamat b. maikling kwento c. tula d. karunungang bayan
_____7. Maikli ngunit makabuluhang pahayag na may matulaing katangian na naglalaman ng mga aral.
a. salawikain b. sawikain c. bugtong d. palaisipan
_____8. Mga pahayag na may sukat at tugma na kalimitang ginagamit na pangontra sa kulam at masasamang espiritu.
a. bugtong b. palaisipan c. kasabihan d. bulong
_____9. Tinatawag din itong idyoma o kaya naman ay eupemistikong pahayag.
a. salawikain b. sawikain c. bugtong d. palaisipan
_____10. Karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao.
a. bugtong b. palaisipan c. kasabihan d. bulong
_____11. “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, di makararating sa paroroonan.”
a. salawikain b. sawikain c. bugtong d. kasabihan
_____12. bulang-gugo – gastador; galante
a. salawikain b. sawikain c. bugtong d. kasabihan
_____13. “Isda ko sa Mariveles nasa loob ang kaliskis.” (sili)
a. salawikain b. sawikain c. bugtong d. kasabihan
_____14. Tiririt ng ibon, Tiririt ng maya / Kaya lingon nang lingon, Hanap ay asawa
a. salawikain b. sawikain c. bugtong d. kasabihan
_____15. “Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.”
a. salawikain b. sawikain c. bugtong d. kasabihan