2nd Q Exam Fil9

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino 9

Pangalan: ______________________________________________ LRN:___________________________


Antas at Pangkat: _________________________ Petsa: ___________________ Iskor:_________________

I. PAGPIPILI
A.Panuto:Tukuyin ang kahulugang ipinahihiwatig ng may salungguhit na salita o parirala sa mga sumusunod na
pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot bago ang bilang.

______1. Ngayon ay panahon ng taglagas sa aking buhay.


a. kalungkutan b. krisis
b. pagmumukmok d. kasiyahan
______2. Ngayon ay lubhang mabigat ang nakaatang sa balikat ng mga kababaihan.
a. pagkakataon b. karapatan
c. responsibilidad d. pribilehiyo
______3. Siya isang ahas dahil sa ginawa niya sa akin!
a. maingay b. taksil
c. nangangagat d. masama
______4. Ang batang iyan ay ipinanganak ng may gintong kutsara sa kanyang bibig.
a. pulubi b. mayaman c. maluho d. madaldal
______5. Tila isang ibong nais makaalpas sa kulungan, gusto niyang magdesisyon para sa sarili niya.
a. makalaya sa kalagyan b. magawa ang gusto
c. makaahon sa kahirapan d. makaalis sa pagkaalipin
______6. Ang kanyang amo ay may matigas na loob ngunit mabait na amo.
a. matigas ang puso b. matapang
c. istrikto at may paninindigan d. masungit at palaban
______7. Iyang si Ben nagpapalapad ng papel sa amo natin.
a. gustong mapaganda ang tingin sa kanya. b. gustong madagdagan ang yaman.
c. gusting lumawak ang gawain d. gustong makiisa
______8. Malungkot na lumisan ang tag-araw sa kaniyang buhay. Ang ibig sabihin ng lumisan ay____.
a. lumayo b. lumikas c. humiwalay d. umalis
______9. . Ang paratang sa kaniya ay isang kamalian. Ano ang kahulugan ng salitang paratang?
a. bintang b. maltrato c. akala d. palagay
______10. . Bihagin mo si Nina para maging asawa mo. Ano ang kahulugan ng salitang “bihagin”?
a. ikulong b. bitagin c. hulihin d. akitin

B.Panuto: Tukuyin ang damdaming ipinahihiwatig ng mga pangungusap. Isulat ang titik ng tamang kasagutan
sa patlang bago ang biang.

_______11. “Ano kayong klaseng ama? Bakit ninyo natitiis anf inyong anak. Kasiyahan ba ninyong makitang
nahihirapan ako?
a. nagpapaalala b. nag-aalala c. nag-iisip d. nagagalit
_______12. May nabugnos na moog sa kanyang puso. Nahalinhan ang pagsisisi ang hinanakit. Nilapitan niya
ang ina at sa pagyakap dito, umiyak siya nang marahan. Ang anak ay:
a. naghihinanakit b. nagdadalamhati c. nagmamakaawa d. natatakot
_______13. “Disente ka naman. Malinis ang damit mo, husto ka sa mga gamit sa eskwela, at husto ka rin sa
pagkain. Hindi ba dapat sobra sa pangangailangan ang isang kabataang tulad mo? Hindi natututuhan
ang pagtitipid.” Ang ama sa pagkakataong iyon ay:
a. nanunuya b. nananakot c. nagmamalaki d. nangangaral
_______14. “Bata pa ako, anak. Kaya ko pang mag-asikaso ng hanapbuhay na iyan. Saka ibig ko magpundar
ka ng sarili mong negosyo.” Ang ama ay:
a. nagmamakaawa b. nakikiusap c. nagpapaliwanag d. nagagalit
_______15. “Akala ko ba ay bahala na ako sa buhay ko, Itay?” Ang anak nang mga sandaling iyon ay:
a. nagtatanong b. nagbibintang c. nakikiusap d. nagmamalaki
_______16. “Magtiwala ka sa amin anak. Wala kaming gagawin ng iyong ama kundi makakabuti sa iyong
hinaharap” Ang ina ay:
a. maawain b. magagalitin c. selosa d. malupit
Para sa mga bilang 17-19

Paano ko ipaliliwanag sa iyo, anak, kung bakit kung minsa’y kailangan kong umalis ng bahay at
sa gabi na bumalik habang iyak ka nang iyak at ako ang palaging tinatawag ? Kung sa ngayon, anak,
ako muna’y patawarin. Ngunit baling-araw sana’y maunawaan mong ang pagmamahal na iyan ang
siyang tunay na dahilan kung bakit kung minsan ay mas hinaharap ko pa ang pagmamakinilya kaysa
paghele sa iyo.

______17. Ang tono ng nagsasalita sa sanaysay ay


a. nagdaramdam b. nagpapaunawa c. nagtatampo d. nanghihikayat
______18. Ang layunin ng sumulat ng tekstong ito ay upang ____________
a. isa-isahin ang pagkukulang ng ina b. ipaunawa sa anak ang sitwasyon ng ina
c. ipaunawa sa anak kung bakit nagtatrabaho ang ina d. makonsensiya ang ina sa kawalan ng
panahon sa anak
______19. Ipinapakita sa teksto ang realidad sa lipunan na ang babae ay:
a. pantahanan lamang b. abala sa labas ng tahanan
c. aktibong bahagi ng lipunan d. katuwang sa paghahanapbuhay

Para sa mga bilang 20-23.

Nagugunita pa ng mga taga-Tulikan ang unang pagkakarinig nila sa pangalang Rosauro Santos.
Isang trak ang unang naghatid ng pangalang ito sa Tulikan, trak na kinalululanan ng mga piko at pala.
Ipinagtanong ng tsuper ng sasakyan ang bahay ang tininti sa nayon upang ihabilin dito ang mga
kagamitan. Ang inhinyero ay kasunod na kinabukasan at sa bahay ng tininti nanuluyan. Hindi na nga
naglaon at umalingasngas ang balitang nangingibig ang inhinyero sa anak ng tininti, kay Derang na
lalabing-animing taon lamang.
______20. Ang sadya ng inhinyero sa bayan ng Tulikan ay upang __________.
a. makilala si Derang b. mamahala sa mga kagamitan
c. makilala ang bayan d. mamahala sa pagbubukas ng daan
______21. Batay sa reaksiyon ng mga taga-Tulikan sa mga pangyayari sa kuwento, masasabing sila ay:
a. malapit sa isa’t isa b. hindi nagkakasundo c. mainggitin sa kapwa d. hindi nagkakaisa
______22.Ang layunin ng may-akda sa paghahatid ng kanyang kuwento ay _________.
a. ipakilala ang mga tauhan b. ilarawan ang lugar at mga kaugalian
c. isalaysay ang mga pangyayari d. maghatid ng mga aral
______23. Sa pangungusap na, “Ang araw ay muling sisikat sa dakong Silangan pagsapit ng umaga.” Aling
salita ang may dalawa o higit pang kahulugan?
a. araw b. umaga c. sisikat d. lahat ng nabanggit
Para sa bilang 24-26
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong! Ni ayaw ko nang makita ang
anino ng sabungang iyan.
Celing: Nawa'y magkatotoo na sana iyan, Kulas.
Kulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong kailanman.
Celing: Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay Kumareng Kikay upang bumili
ng sabon.
(Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ni Kulas ang natitirang kalahati ng sigarilyo, hihithit
pagkatapos ay ihahagis sa sahig at papadyakan. Pupunta sa isang silya at uupong may kalumbayan.)

______24. Ano ang senaryong ipinakita sa bahagi ng dulang “Sa Pula, Sa Puti”?
a. pagsisisi sa huli b. panghihinayang sanhi ng pagkatalo
c. pagkahilig sa sugal d. pag-aaway
______25. Alin sa sumusunod ang angkop na ayos ng tanghalan o tagpuan ng dulang nasa itaas?
a. sa bakuran ng mag-asawang Kulas at Celing b. sa dampa ng mag-asawang Kulas at Celing
c. sa sala ng mag-asawang Kulas at Celing d. sa tarangkahan ng mag-asawa
______26. “Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong!” Kung isasaayos mo ang pahayag na
ito at gagamitan ng kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol, anong kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol
ang angkop?
a. ito b. sila c. iyan d. siya
Para sa bilang 27-31
Hindi na kaila sa mga taga-Tulikan ang pakikipagkasintahan ni Derang sa inhinyerong namamahala
sa binuksang lansangang nagmumula sa kabayanan, bumabagtas sa nayong ito, at patungo sa
kabundukan ng Sinukuan. Hindi nila dinaramdam ang gayon, sapagkat wika nila’y likas na yaon sa mga
taong magkakatugon ang damdamin. Bagaman nagkagayon si Derang ay walang pinag-uukulan ng sali-
salitaan kundi ang ama nitong si Mang Tiyago, sapagkat magmula nang mangibig ang inhinyero’y nawala
na ang dating mairog na pakikisama sa kanyang mga kanayon. Hindi nila sinisisi si Derang, sapagkat
naniniwala ang mga taga-Tulikan na sa puso ng dalaga ay hindi nagbuko ang damdaming nagnanasa ng
karangalan. Ang tanging dinaramdam ng lamang nila’y ang pagkawala ng dating mainam na ugali ng ama
ni Derang na si Tandang Tiyago.

_______27. Ang ibig sabihin ng pariralang ang pagkawala ng dating mainam na ugali ng ama ni Derang ay:
a. naging mayabang b. nagbago ang pakikitungo sa kapwa
c. mahirap itong pakisamahan d. nagbago ang magandang pag-uugali
_______28. Ang ibig sabihin ng magkatugon ang damdamin ay____________.
a. pareho ang minamahal b. iisa ang itinitibok ng puso
c. pareho ang iniibig d. iisa ang isinisigaw
_______29. Ang higit na binibigyang-pansin ng may-akda sa kuwento ay ang ________.
a. tauhan b. pangyayari c. lugar d. aral
_______30. Ang kuwentong ito ay mauuri sa___________.
a. pangkatauhan b. makabanghay c. pangkatutubong-kulay d. pangkaisipan
_______31. Ang dahilan ng pagdaramdam ng mga taga-Tulikan ay ___________.
a. pagbabago ng pakikitungo ni Mang Tiyago b. pagdating ng mga taga-Maynila
c. pagbabago ng kanilang lugar d. pangingibig ni Derang sa iba

Para sa bilang 32-34


Sa isang sentro ng Ohio, may isang tanawing batuhan sa isang patag na baybayin. Ang lugar na ito
ay nakikilala sa tawag na Mount Pheasant. Dati ay may nakatayo ritong higanteng punongkahoy. Bago ito
pinutol, may makailang saling ang mga tao ay nag-ukit ng kanilang tanda at pangalan sa katawan nito. Sa
dami ng mga sulat sa balat nito, ang pagnanasang mag-iwan ng marka o tanda ng isang tao ay maliwanag.
Habang iniisip ko ito, naalala ko ang sinabi ng isang matalinong lalaki: “ Huwag mong iukit ang iyong alaala
sa kahoy o pader, iukit mo sa puso ng bata.” Ang pagmamarka sa materyal na bagay ay pag-aaksaya ng
oras ay lilipas ito sa paglipas ng panahon. Ngunit ang tatak na iiwan sa puso ng mga anak ay mananatili
hanggang wakas. Kaya kung nais ng isang ama na magiwan ng anumang magtatagal na alaala sa
kabataang ipinagkaloob sa kaniya ng Panginoon, umukit siya ng ispiritwal na alaala.
______32. Ano ang pahiwatig ng mensaheng may salungguhit?
a. kukupas ang isang tanda o marka na inukit sa isang pader
b. Mag-iwan ka ng isang alaala na manantili hanggang wakas
c. Mahirap umukit sa marka sa pader o puno
d. Hindi basta basta nabubura sa puso ang isang alaala
______33. Makapag-iiwan ng pangatagalang alaala ang isang tao sa pamamagitan ng __________.
a. pag-iiwan ng marka o tanda sa isang puno
b. pag-uukit ng ispiritwal na alaala
c. paggugol ng panahon sa mga bata
d. pag-iiwan ng alaalang larawan sa isang tao
______34. Ano ang maaaring maging pamagat ng teksto?
a. Alalaang inukit sa Puso b. Bato sa Ohio
c. Inukit na alaala sa Puno d. Sa paglipas ng Panahon...

C.Panuto: Piliin ang tamang salitang pupuno sa diwa ng pangungusap ayon angkop na ponema. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

______35. Mataas ang ________ ng araw ngayong nakaalis na ang bagyo.


a. SIkat b. siKAT c. sIKat
______36. Ang balde na bitbit niya ay_________.
a. Puno b. puNO c. pUNo
______37. Napakagat siya sa kanyang __________..
a. LAbi b. laBI c. lABi
______38. Sumama ka sa akin at ating pagmasdan ang mga ______ sa kalangitan.
a. TAla b. taLA c.tALa
D. Panuto: Piliin ang tamang intonasyon ng may salungguhit na salita na pupuno sa diwa ng pangungusap.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

______39. Ang mga magulang mo ba ay mayaman?


a. 2-1-3 b. 2-3-1 c. 3-2-1 d. 1-2-3
______40. Kahapon ay pumunta kami sa Maynila.
a. 2-1-3 b. 2-3-1 c. 3-2-1 d. 1-2-3
______41. Pinupuri kita sa ipinamalas mong katalinuhan. Magaling!
a. 2-1-3 b. 2-3-1 c. 3-2-1 d. 1-2-3

E. Panuto: Bilugan ang MODAL na ginamit sa pangungusap at Isulat sa patlang kung ito ay MALAPANDIWA o
PANURING SA PANDIWA.
_______42. Ibig niyang magkaroon ng paghahanda para sa kanyang kasal.
_______43. Gusto niyang lumabas kahit hindi maari.
_______44. Kailangan niyang mag-aaral ng mabuti para sa kanyang pamilya.
_______45. Pwede siyang maging hurado.
_______46. Dapat tayong sumunod sa patakaran ng paaralan.

F. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang wastong kahulugan ng mga sumusunod na salita ayon sa hinihinging
pagpapakahulugan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

A. taksil B. kalayaan C. malayang indibidwal D. pag-alis


E. kaligayahan F. bagong pag-asa G. pag-abot ng pangarap
H. hayop na nabibilang sa pamilya ng reptilya I. pinakamalapit na bituin sa mga planeta

_______47. Konotasyon ng salitang KALAPATI _______49. Denotasyon ng salitang ARAW


_______48. Konotasyon ng salitang PAGLALAKBAY _______50. Denotasyon ng salitang AHAS

F. Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng modal na ginamit sa pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang bago ang bilan.

A. Nagsasaad ng Posibilidad C. Hinihinging Mangyari


B. Nagsasaad ng Pagnanasa D. Sapilitang Mangyari

_______51. Ibig kong maging matiyaga tulad ng oso sa pabula.


_______52. Dapat sumunod sa ating mga magulang.
_______53. Kailangan mong makuntento at magpasalamat sa kung ano ang mayroon ka ngayon.
_______54. Maaaring walang pagkakaiba ang pabula ng Pilipinas at Korea.
_______55. Ibig ng magandang babae na magkaroon siya ng anak.
_______56. Gusto kong pahalagahan ang aking pamilya tulad ng pagpapahalagang ginagawa ng mga taga-
Korea.
_______57. Kailangang magbasa ka ng mga pabula upang matuto ka ng mabubuting asal.
_______58. Maaaring walang pagkakaiba ang pabula ng Pilipinas at Korea.
_______59. Maaari kang maging manunulat ng pabula tulad ni Aesop.
_______60. Hindi ka dapat sumuko sa mga pagsubok sa buhay.

Inihanda ni: Sinuri ni: Binigyang-pansin ni:

VIOLITO B. LUCENIO JR. MADELYN D. BALBALOSA TIMOTHY A. BAUTISTA


Guro ng Filipino Gurong Tagapag-ugnay sa Filipino Principal I

You might also like