Epp5 Q1 Weeks1to4 Binded Ver1.0

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 41

5

Modyul sa Edukasyong
Pantahanan at
Pangkabuhayan (EPP)
Entrepreneurship at ICT
Unang Markahan – Linggo Blg. 1 - 4
5
Edukasyong
Pantahanan at
Pangkabuhayan (EPP)
Entrepreneurship at ICT
Unang Markahan – Modyul 1:
Kahulugan at Pagkakaiba
ng Produkto at Serbisyo
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Kahulugan at Pagkakaiba ng Produkto at Serbisyo
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Gerry T. Sabangan


Editor: Editha V. Villamor at Jelord V. Magturo MAEd
Tagasuri: Celedonia T. Teneza EdD
Tagalapat: Jean T. Tumaneng, Maria Fe M. Samares
Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval
Pandibisyong Tagamasid, LRMS
Celedonia T. Teneza EdD
Pandibisyong Tagamasid, EPP/TLE/TVE/TVL at ABM

Ikalawang Edisyon, 2021


Editor: Madilyn P. Palma
Tagasuri ng Wika: Prima C. Dela Cruz
Tagalapat: Jobelle M. Partido
Tagasuri: Janeth L. Dumaplin
Teacher III, Hen. Pio Del Pilar Elementary School - Main
Lilybeth D. Sagmaquen PhD
Punongguro, BNAHS
Samuel L. Sia EdD
Pandistritong Tagamasid ng mga Pampublikong Paaralan
Celedonia T. Teneza EdD
Pandibisyong Tagamasid, EPP/TLE/TVE/TVL at ABM

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: [email protected]
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat ayon sa iyong kakayahan.


Narito upang matulungan kang maunawaan ang kahulugan at pagkakaiba ng
produkto at serbisyo. Ang saklaw ng modyul na ito ay nagpapahintulot na
magamit ito sa maraming iba't ibang mga sitwasyon sa pag-aaral. Ang wika na
ginamit ay kinikilala ang magkakaibang antas ng bokabularyo ng mga magaaral.
Ang mga pagkasunod-sunod ng mga aralin ay batay sa Most Essential Learning
Competency na binigay ng Kagawaran ng Edukasyon.
Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng:
Aralin 1 –Ang Kahulugan at Pagkakaiba ng Produkto at Serbisyo.

Matapos gamitin ang modyul na ito, ika’y inaasahang:


1. Maipaliwanag ang kahulugan ng produkto at serbisyo.
2. Maipaliwanag sa iyo ang pagkakaiba ng produkto at serbisyo.

Subukin

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng


katotohanan at MALI naman kung hindi.

__________1. Ang produkto ay karaniwang gawa sa kamay o makina.


__________2. Ang serbisyo ay paglilingkod, pagtatrabaho o pag aalay ng mga
gawain na may kabayaran.
__________3. Ang ilan sa mga halimbawa ng produktong gawa sa kamay ay
basket, bag at iba pang hinabi.
__________4. Ang produkto at serbisyo ay iisa ang kahulugan.
__________5. May tatlong sektor ang serbisyo.Ito ay propesyonal (professional),
teknikal (technical) at may kasanayan (skilled).
__________6. Gawa sa makina ang mga produktong gaya ng bolpen, computer
at cellphone.
__________7. Produktong likha ng isipan ang pagsusulat ng libro.
__________8. Ang produkto ay mga bagay bagay na kinakain, ginagamit at mga
kasangkapan.
__________9. Nasa hanay ng serbisyong propesyonal ang guro, nars at abogado.
__________10. Nabibili sa sari-sari store ang serbisyo.

1
Aralin Kahulugan at Pagkakaiba ng
1 Produkto at Serbisyo

Mahilig ka bang bumili sa tindahan? Alam mo ba kung anong tawag sa


mga bagay bagay na binibili mo?
Napapanood at naririnig mo ba lagi ang salitang COVID 19? Sino-sino ang
mga tinatawag na mga frontliners? Bakit kaya nila ginagawa ito? Bakit kahit
saan may mga nagtitinda? Nasasabik ka na bang sagutin ang mga katanungan?

Balikan

Panuto: Punan at piliin ang wastong salita na nasa ibabang kahon upang
mabuo ang diwa ng pangungusap na nasa ibaba.

entrepreneurship kakayahan negosyante

mapapaunlad sari-sari store

1. Ang ___________________ ay tumutukoy sa taong nasa gawain ng


pagnenegosyo o pagbebenta ng isang bagay upang kumita.

2. Ang entrepreneurship sa modernong panahon ay tumutukoy sa isang


hakbang upang mas ___________________ ang mundo sa pamamagitan ng
paglutas ng malalaking suliraning hinaharap nito.

3. Ang kahulugan ng “entrepreneurship” ay tumutukoy sa ___________________


at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo.

4. Entrepreneur o ___________________ ang tawag sa taong nagnenegosyo.

5. Ang ___________________ ay isang maliit na negosyo na kung saan ang


nagmamay-ari nito ay maaaring tawaging entrepreneur.

2
Tuklasin

Pagmasdan ang mga larawan na nasa ibaba.

Tanong:

1. Nakikilala mo ba ang mga nasa larawan?


2. Ano ang masasabi mo sa mga larawan na makikita sa unang kahon? Sa
pangalawang kahon? Mayroon ba silang pagkakatulad o pagkakaiba?

Suriin

Ang Kahulugan at Pagkakaiba ng Produkto at Serbisyo

Ang mga produkto ay karaniwang likha ng mga kamay o makina. Mayroon


din namang likha ng isipan.

Halimbawa:

MGA PRODUKTONG LIKHA NG:

KAMAY MAKINA ISIPAN

Hinabi Bolpen Pagsusulat ng libro o nobela

Bag Kotse Paggawa ng computer program

Basket Computer

Ang mga serbisyo naman ay ang paglilingkod, pagtatrabaho, o pag-aalay


ng mga gawain na may kabayaran ayon sa ibat-ibang kasanayan at
pangangailangan sa pamayanan.

3
Ang sari-saring serbisyo ay nahahati sa iba’t ibang sektor ayon sa uri ng
kaalaman at kasanayang ipinamamahagi sa iba. Ilan sa mga sektor na ito ay ang
propesyonal, teknikal at may kasanayan.

Pag-aralan ang talaan sa ibaba at alamin ang mga halimbawa ng


hanapbuhay sa bawat sektor.

PROPESYONAL TEKNIKAL MAY KASANAYAN

Guro Electrician Mananahi

Doktor Computer Programmer Sastre

Nars Computer Technician Karpintero

Abogado Aircraft Mechanic Pintor

Dentista Tubero

Electrical Engineer Manikurista

Sa propesyonal na sektor mabibilang ang mga hanapbuhay tulad ng


pagiging guro, doktor, nars, abogado at iba pa. Kailangang makatapos ng kurso
sa kolehiyo at makapasa sa board o bar examination upang makakuha ng
lisensya para makapaglingkod sa professional service sector.

Kailangan naman ng sapat na kaalaman sa kasanayan para


makapaglingkod sa sektor na teknikal at may kasanayan.

Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang tawag sa gawa ng kamay, makina o isipan? _____________________

2. Ano ang tawag sa paglilingkod na may kabayaran? ______________________

3. Magbigay ng halimbawa ng hanapbuhay na nasa propesyonal, teknikal at


may kasanayan.
_________________________________________________________________________

4. Magbigay ng mga halimbawa ng produkto.


_________________________________________________________________________

5. Magbigay ng mga halimbawa ng serbisyo.


_________________________________________________________________________

4
Pagyamanin

Gawain 1: Ayusin Mo Letra ko!


Panuto: Subukan ayusin ang mga ginulong letra upang makabuo ng salita na
may kinalaman sa produkto at sebisyo.

1. _________________________ P K T D U O R O

2. _________________________ Y O S I S E R B

3. _________________________ K N I A T K E L

4. ___________________________ P E S Y O N P R O A L

5. ___________________________ K A N I M A

Gawain 2: “Akin Ka”


Panuto: Isulat sa tamang pangkat ang mga produkto at sebisyo. Idugtong ang
sagot pagkatapos ng gitling.

PRODUKTO: (electric fan, basket, komiks)


Likha ng:
1. Kamay- ________________ 2. Makina- _____________ 3. Isipan- ___________

SEBISYO: (dentista, manikurista)


4. Propesyonal- ___________________ 5. May Kasanayan- _________________

Gawain 3: Anong konek?!


Panuto: Pagtambalin ang hanay A sa Hanay B

HANAY A HANAY B

______1. serbisyo A. bagay na maaaring gawang


kamay,makina o isipan
______2. produkto B. pagsusulat ng libro komiks o
nobela
______3. likha ng isipan C. pagtatrabaho o paglilingkod
nang may kabayaran
______4. teknikal D. computer programmer o
computer technician
______5. sastre E. nananahi ng mga uniporme
ng mga mag aaral

5
Gawain 4: “Sino sa Amin?”
Panuto: Piliin ang wastong sagot sa loob ng panaklong.

1. Ang (produkto, serbisyo) ay gawa ng kamay, makina o isipan.


2. (Produkto, Serbisyo) ang tawag sa paglilingkod na may kabayaran.
3. Ang (doktor, manikurista) ay nasa ilalim ng sektor ng propesyonal.
4. Ang asin, asukal at bigas ay mga halimbawa ng (produkto,serbisyo).
5. Ang mga pintor, tubero at kusinero ay nasa hanay ng serbisyong
(propesyonal, may kasanayan).

Isaisip

Ano ang kahulugan ng produkto?

Ang produkto ay karaniwang likha ng mga kamay, makina o isipan.Ito rin


ay mga bagay na inaalok sa palengke na makapagbibigay kasiyahan sa
pangunahing pangangailangan o kagustuhan ng isang mamimili. Sa gayon,
kikita ang negosyante o entrepreneur. Mga halimbawa: gulay,prutas,bigas,karne
washing machine at iba pa.

Ano ang pagkakaiba ng produkto at serbisyo?

Ang produkto ay bagay na kailangan ng tao sa pagkain, gamit o kahit


anong nagbibigay sa kanya ng kasiyahan, samantalang ang serbisyo ay pag-
aalay o paglilingkod ng may kabayaran. Mga halimbawa: gaya ng doktor, pulis,
sundalo, food panda at iba pa.

Isagawa

Gawain A
Panuto: Isulat sa mga guhit sa ibaba ang 5 produkto na mas pipiliin ng mga
taong bilhin ngayong tag-araw o tag-init. Simulan ang pagpili mula sa mababang
bilang pataas.

1. ice candy 7. halo-halo


2. mami 8. sago at gulaman
3. ice cream 9. kape
4. ginataang mais 10. tsaang mainit
5. Slurpee 11. salabat
6. bulalo 12. noodles

_________ __________ __________ __________ ____________


6
Gawain B
Panuto: Ilagay sa tamang kahon ang mga salitang nasa loob ng bilog.

1. Propesyonal buslo
telebisyon
2. Teknikal
libro
nars
3. Kamay
computer technician
4. Makina

5. Isipan

Tayahin

Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot.

1. Ang______________ ay maaaring likha ng kamay, makina o isipan.

A. kasanayan
B. negosyo
C. produkto
D. teknikal

2. Ito ay ang paglilingkod na may kabayaran.

A. produkto
B. serbisyo
C. tekniko
D. technical

3. Ang noodles, bigas at de lata ay mga ______________ na karaniwang natanggap


ng mga mahihirap na Pilipino noong may “lockdown.”

A. kasanayan
B. negosyo
C. produkto
D. teknikal

7
4. Saang serbisyo nabibilang ang computer technician at computer programmer?

A. may kasanayan
B. propesyonal
C. produksiyon
D. technical

5. Saang sector ng pagseserbisyo nabibilang ang mananahi, karpentero at


sapatero?

A. may kasanayan
B. propesyonal
C. teknikal
D. walang kasanayan

Karagdagang Gawain

Panuto: Magsulat ng dalawang produkto o serbisyo sa mga sumusunod.


Iwasang isulat ang mga produkto o serbisyo na nabanggit na sa module
na ito.

PRODUKTO

Mga Produktong Likha ng:

Kamay Makina Isipan

SERBISYO

Propesyonal Teknikal (Technical) Mga Kasanayan


(Professional) (Skilled)

8
5
Edukasyong
Pantahanan at
Pangkabuhayan (EPP)
Entrepreneurship at ICT
Unang Markahan – Modyul 2:
Mga Taong Nangangailangan ng
Angkop na Produkto at Serbisyo
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Mga Taong Nangangailangan ng Angkop na Produkto at Serbisyo
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Gerry T. Sabangan


Editor: Editha V. Villamor at Jelord V. Magturo MAEd
Tagasuri: Celedonia T. Teneza EdD
Tagalapat: Jean T. Tumaneng, Maria Fe M. Samares
Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval
Pandibisyong Tagamasid, LRMS
Celedonia T. Teneza EdD
Pandibisyong Tagamasid, EPP/TLE/TVE/TVL at ABM

Ikalawang Edisyon, 2021


Editor: Madilyn P. Palma
Tagasuri ng Wika: Prima C. Dela Cruz
Tagalapat: Jobelle M. Partido
Tagasuri: Janeth L. Dumaplin
Teacher III, Hen. Pio Del Pilar Elementary School - Main
Lilybeth D. Sagmaquen PhD
Punongguro, BNAHS
Samuel L. Sia EdD
Pandistritong Tagamasid ng mga Pampublikong Paaralan
Celedonia T. Teneza EdD
Pandibisyong Tagamasid, EPP/TLE/TVE/TVL at ABM

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: [email protected]
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat ayon sa iyong kakayahan.


Narito upang matulungan kang matutukoy ang mga taong nangangailangan ng
angkop na produkto at serbisyo. Ang saklaw ng modyul na ito ay
nagpapahintulot na magamit ito sa maraming iba't ibang mga sitwasyon sa pag-
aaral. Ang wika na ginamit ay kinikilala ang magkakaibang antas ng
bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga pagkasunod-sunod ng mga aralin ay
batay sa Most Essential Learning Competency na binigay ng Kagawaran ng
Edukasyon.
Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng:
Aralin 1 – Ang Mga Taong Nangangailangan Ng Angkop na Produkto at
Serbisyo

Matapos gamitin ang modyul na ito, ika’y inaasahang:


1. Matutukoy ang mga taong nangangailangan ng angkop na produkto
at serbisyo.
2. Makikilala ang mga taong mapagkukunan ng ankop na serbisyo at
produkto.

Subukin

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng panaklong. Isulat sa patlang upang
mabuo ang diwa.

1. Masakit ang ngipin ni Nida, kailangan niya ang serbisyo ng


______________________. (beterenaryo, doktor, dentista)

2. Napakatindi ng sikat ng araw at may mga taong naglalakad sa tapat ng


tindahan mo.Ang angkop na panindang ialok sa kanila ay
______________________. (kape, tsaa, palamig)

3. Sa lugar ni Mang Lucio, tuwing umaga ay maraming mga estudyante ang


naglalakad nang malayo upang pumasok sa eskwela. Kung ikaw si Lucio, ang
angkop na negosyo na iyong itatayo ay ______________________.
(school supplies, panaderya, school service)

4. Napapansin mong madaming tao ang naghahanap ng pandesal tuwing


umaga, ngunit medyo malayo ang bilihan. Maaari kang magtayo ng
______________________. (karinderya, barberya, panaderya)

1
5. Malapit ang bahay mo sa ginagawang gusali at tuwing meryenda at
tanghalian maraming naghahanap ng pagkain. Ang angkop na negosyo ay
______________________. (karinderya, barberya, school supplies)

6. Daanan ng mga dyip ang tirahan mo at hirap ang mga drayber kapag
nasisiraan sila ng gulong, ______________________ ang kailangan nila.
(Furniture Shop, Computer Shop, Vulcanizing Shop)

7. Sampung taong gulang na si Sophia at laging sumasakit ng kanyang puson,


kailangan niya ang serbisyo ng______________________.
(doktor, abogado, chef cook)

Aralin Mga Taong Nangangailangan ng


1 Angkop na Produkto at Serbisyo

Pangarap mo bang gumanda ang iyong buhay pagdating ng araw?


Kailangan magkaroon kang kasanayan na matukoy ang mga taong
nangangailangan ng angkop na produkto at serbisyo. Sa gayon ay malaki ang
posibilidad na maging matagumpay kang entrepreneur.
Kaya tara na!

Balikan

Panuto: Isulat sa angkop na kahon ang mga salitang nasa dahon sa ibaba.
Mga Produktong Likha ng:
1. Kamay 2. Makina 3. Isipan

4. Propesyonal 5. Teknikal 6. Mga Kasanayan


(Professional) (Technical)
(Skilled)

Computer Technician

Banig na buri Oven toaster

Engineer Magasin

Beautician

2
Tuklasin

Kilalanin ang mga nasa larawan.

Anong serbisyo ang makukuha


natin sa bawat isa sa kanila?

May kilala ka bang mga tao sa


inyong pamayanan na nagbibigay
ng serbisyo tulad ng mga taong
nasa larawan?

Halika! Tuklasin at kilalanin natin ang mga taong nangangailangan


ng angkop na produkto at serbisyo.

Suriin

Natutukoy ang mga taong nangangailangan ng angkop na produkto at


serbisyo Basahin ang maikling kwento:

Isang Pagpapala sa Magkaila


(Blessing in Disguise)

Naninirahan sa isang lugar na pag aari ng gobyerno ang magkaibigang sina


Mang Edgar at Mang Dencio. Di nagtagal ay pinagbigay alam sa kanila na dapat
nilang lisanin ang lugar dahil pag aari ito ng gobyerno. Noong una ay lumalaban
sila dahil ayon sa kanila ay matagal na silang naninirahan doon sa lugar. Ngunit,
wala silang magawa. Di nagtagal ay pumayag na rin sila dahil binigyan sila ng
relocation site.

Sa lugar na pinaglipatan nila, nagkataon na si Mang Edgar ay napalapit ang


bahay sa ginagawang malaking gusali (konstruksyon). Napansin niya na
maraming trabahador ang dumadaan sa tapat ng bahay nila lalo na sa oras ng
meryenda at tanghalian. Naisip ni Edgar na bigyan ang mga taong
nangangailangan ng angkop na serbisyo at produkto. Di nagtagal,
napagplanuhan ni Mang Edgar at nang kaniyang mag-anak na magtayo ng
karinderya. Mula noon ang mga manggagawa ay sa karinderya nila kumakain.

3
Isang umaga ng Linggo, nagkita ang magkaibigang sina Edgar at Dencio sa
simbahan. Nagkumustahan at nag-usap ang dalawa pagkatapos ng misa.
Napadilat ang mata ni Mang Dencio nang maikwento ni Mang Edgar na sa awa
ng Diyos ay kumikita sila ng maganda sa itinayong karinderya. Sambit ni Dencio
sa kaibigan “entrepreneur ka na pala pare!” Tinanong ni Mang Dencio kung ano
ang ginagawa nila bilang nagmamay-ari ng karinderya. Ang sagot ni Mang Edgar
ay nagbibigay kami sa mga tao ng produkto at serbisyo. Tinanong ni Mang
Dencio kung ano yung serbisyo at produkto. Sabi ni Edgar ang produkto ay ang
mga ibinebenta nila gaya ng kanin, ulam, kakanin, softdrinks at iba pa. Ang
serbisyo naman ay ang ginagawa ng waiter na pagsisilbi sa mga kumakain.
Kumikita ang waiter dahil sa ibinibigay naming sweldo. Sabi ni Dencio sa
kaibigan, “hanga ako sa iyo kaibigan.”

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang mga sagot sa
kahon sa ibaba.

1. Sino sa kwento ang nagkaroon ng negosyo? _____________________

2. Anong malapit sa bahay ni mang Edgar? ________________________

3. Ayon kay Dencio, si Edgar ay isa ng _____________________________.

4. Ano-ano ang mga naging angkop na produktong itinitinda nila Mang Edgar?
________________________________________________________________

5. Bakit naisipan ng mag-anak ni Edgar na nagpatayo ng karinderya?


________________________________________________________________

Edgar
Entrepreneur

konstruksiyon kanin, ulam, at softdrinks

dahil sa mga taong naghahanap ng meryenda at tanghalian

4
Pagyamanin

Gawain 1: Ayusin mo!


Panuto: Buuin ang mga ginulong letra ng salita base sa pangungusap na nasa
ibaba.

T B R H A O A R A D

______________________1. Taong nangangailangan ng damit pantrabaho.

M A I L G A P

______________________2. Angkop na iaalok sa mga tao kapag mainit ang


panahon.

E P A K

______________________3. Produktong hanap ng mga tao kapag malamig ang


panahon.

D K Y R I A N A E R

______________________4. Negosyo na maaring ipatayo kung maraming tao ang


naghahanap ng pankain.

A G B O D A O

______________________5. Kailangan ang serbisyo nito kung hanap mo ay


payong legal.

Gawain 2: HAPPY KA BA?


Panuto: Iguhit ang masayang mukha ☺ kung ang mga sumusunod na
pangungusap ay nagpapahayag ng katotohanan at malungkot  naman kung
hindi.

_____1. Ang mga tao ay maghahanap malamig na pagkain kapag mainit ang
panahon.

_____2. Masustansyang pagkainang kailangan ng mga taong may sakit.

_____3. Gustong kainin ang may sabaw na pagkain ng mga tao kapag malamig
ang panahon.

_____4. Kailangan ang serbisyo ng guro kapag may sakit ang tao.

_____5. Mainam magpatayo ng school supplies sa nadadaanan ng maraming


estudyante.

5
Gawain 3: Where you belong!
Panuto: Isulat kung saang kahon angkop ang mga sumusunod na produkto at
serbisyo.
lampin OB Gyne uniporme doktor laruan

Mag-aaral Mag-aaral Sanggol


1. 2. 3.

Maysakit Bata
4. 5.

Gawain 4: Anong konek?!


Panuto: Hanapin sa hanay B ang angkop na produkto at serbisyo para sa mga
taong nasa hanay A. Isulat ang letra lamang.

HANAY A HANAY B

_______1. Buntis A. Mahusay na doktor at gamot


_______2. Mag-aaral B. Nag-aayos ng mga sirang
upuan at mesa.
_______3. Maysakit C. Hatid sundo sa paaralan at
uniporme
_______4. Karpintero D. Maternity dress o maluwag na
kasuotan
_______5. Sanggol E. Lampin, diaper, at pediatrician

Isaisip

Bakit kailangang matukoy ang mga taong nangangailangan ng angkop na


produkto at serbisyo bago magpatayo ng negosyo?

Ang negosyo ay napatunayan na sa mga kilalang tao gaya nila Henry Sy,
Lucio Tan, at kasama na si Edgar sa ating kwento. Sila ay yumaman at umunlad
sa larangan ng entrepreneurship o pagnenegosyo.

Kailangang malaman mo ang mga taong nangangailangan ng angkop na


produkto at serbisyo dahil sila ang mga taong tatangkilik sa itatayo mong
negosyo.

Sa ating sosyodad, ang mga lalong nangangailangan ng angkop na produkto


at serbisyo ay ang mga: manggagawa, mag anak, matatanda, maysakit, buntis,
mag aaral, bata, at sanggol.

6
Isagawa

Panuto: Piliin sa loob ng hugis PUSO ang angkop na produkto o serbisyo sa mga
sumusunod na kalagayan.

1. Maraming tao ang naghahanap ng bisekleta dahil sa walang masakyan


ngayong panahon ng pandemya. _________________
2. Mainit ang panahon at maraming nauuhaw na naglalakad sa kalsadang
malapit sa bahay niyo. _________________
3. May katabi kang panaderya, anong produkto ang angkop na ialok sa
mga tao lalo na kapag umaga? _________________
4. Maraming residente sa lugar ninyo ang sumasakit ang ngipin, ano ang
serbisyong kailangan nila? _________________
5. Angkop ialok sa mga tao ang _________________ kapag malamig ang
panahon.

kape mami Dentista

Bike Shop ice tubig

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain. Piliin ang letra ng tamang sagot.

______1. Ang angkop na produkto para sa mga may sakit ay ________________.


A. kape
B. ice cream
C. masutansyang pagkain
D. sitserya

______2. Sino sa mga sumusunod ang nangangailangan ng diapers?


A. sanggol
B. mag-aaral
C. guro
D. mangagawa

7
______3. Aling produkto ang angkop sa mga taong giniginaw?
A. kape
B. iced tubig
C. mami
D. sabaw ng bulalo

______4. Dinadaanan ng maraming estudyante ang bahay ninyo. Mainam


magpatayo ng negosyong ___________________.
A. bigasan
B. isdaan
C. panaderya
D. school supplies

______5. Maraming mga bata ang mahahaba na ang buhok dahil sa quarantine.
Kaninong serbisyo ang kailangan nila?
A. barbero
B. karpentero
C. sapatero
D. tubero

Karagdagang Gawain

Panuto: Gamit ang fishbone graphic organizer, sumulat ng limang produktong


angkop sa nakalagay na sitwasyon:

TAG-INIT

TAG-LAMIG

8
5
Edukasyong
Pantahanan at
Pangkabuhayan (EPP)
Entrepreneurship at ICT
Unang Markahan – Modyul 3:
Natutukoy ang mga Oportunidad
sa Pagnenegosyo
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Natutukoy ang Oportunidad sa Pagnenegosyo
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Gerry T. Sabangan


Editor: Editha V. Villamor at Jelord V. Magturo MAEd
Tagasuri: Celedonia T. Teneza EdD
Tagalapat: Carlo J. Navarro, Maria Fe M. Samares
Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval
Pandibisyong Tagamasid, LRMS
Celedonia T. Teneza EdD
Pandibisyong Tagamasid, EPP/TLE/TVE/TVL at ABM

Ikalawang Edisyon, 2021


Editor: Madilyn P. Palma
Tagasuri ng Wika: Prima C. Dela Cruz
Tagalapat: Jobelle M. Partido
Tagasuri: Janeth L. Dumaplin
Teacher III, Hen. Pio Del Pilar Elementary School - Main
Lilybeth D. Sagmaquen PhD
Punongguro, BNAHS
Samuel L. Sia EdD
Pandistritong Tagamasid ng mga Pampublikong Paaralan
Celedonia T. Teneza EdD
Pandibisyong Tagamasid, EPP/TLE/TVE/TVL at ABM

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: [email protected]
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat ayon sa iyong kakayahan.


Narito upang matulungan kang maunawaan ang mga oportunidad sa
pagnenegosyo. Ang saklaw ng modyul na ito ay nagpapahintulot na magamit ito
sa maraming iba't ibang mga sitwasyon sa pag-aaral. Ang wika na ginamit ay
kinikilala ang magkakaibang antas ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga
pagkasunodsunod ng mga aralin ay batay sa Most Essential Learning
Competency na binigay ng Kagawaran ng Edukasyon.

Ang modyul na ito ay tatalakay sa:


Aralin 1 - Natutukoy ang mga Oportunidad sa Pagnenegosyo

Matapos gamitin ang modyul na ito, ika’y inaasahang:


1. Magkakaroon ng kaalaman na makilatis ang mga oportunidad sa
pagnenegosyo

Subukin

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang bawat sitwasyon ay nagpapahayag ng


katotohanan at MALI kung hindi.

______1. Maraming tao ang dumadaan sa tapat ng aming bahay upang


bumili ng mga pagkain at ibang pangangailangan subalit malayo
ang pagbibilhan. Marapat na ako ay magpatayo ng tindahan.

______2. Ngayong may COVID19, lahat ng taong lumalabas ng bahay ay


kailangang nakasuot ng proteksiyon sa mukha. Magnenegosyo
ako ng face mask.

______3. Magtitinda ako ng mamahaling “cake” kahit mahihirap ang mga


taong nakapaligid sa akin.

______4. Mainit ang panahon at napapansin mong uhaw ang mga taong
dumadaan sa tindahan niyo. Dapat mong damihan ang tindang
tubig na malamig.

______5. Malapit ang bahay mo sa ginagawang gusali at tuwing meryenda


at tanghalian maraming naghahanap ng pagkain. Maaari kang
magtayo ng karinderya.

1
Aralin Natutukoy ang mga Oportunidad
1 sa Pagnenegosyo

Pangarap mo bang gumanda ang iyong buhay pagdating ng araw?


Kailangang magkaroon ka ng kasanayan sa pagtukoy sa mga oportunidad sa
pagnenegosyo. Sa gayon ay malaki ang posibilidad na maging matagumpay kang
entrepreneur.

Kaya tara na!

Balikan

Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Piliin ang angkop na Negosyo
sa loob ng panaklong.

_____1. Malapit ka sa paaralan (vulcanizing shop, school supplies)

_____2. Lugar na malapit sa panaderya (school supplies, kapehan)

_____3. Malayo ang mga tindahan (sari-sari store, furniture shop)

_____4. Malayo ang paaralan at nahihirapan sa naglalakad ang mga


estuyante. (panaderya, school service)

_____5. Tag-init at malapit ka sa parke (iced tubig, kape)

2
Tuklasin

Ang ating bansa ay humaharap ngayon


sa isang matinding pandemya.

Base sa larawan ano-anong oportunidad


sa pagnenegosyo ang angkop sa
sitwasyong ito?

Magbigay ng mga halimbawa ng maaari


mong ibenta sa ganitong uri ng
sitwasyon.

Suriin

Mga Oporunidad sa Pagnenegosyo

Ang mga tao ay may iba’t ibang pangangailangan. Maaari itong pampsikal,
intelektuwal, sosyal, o emosyonal. Maaaring matugunan ang iba’t ibang
produkto o serbisyo ang halos lahat ng pangagailangan ng tao. Nagkakaiba-iba
din ito sa pamamaraan ng pagbebenta, pag aalok sa mga tao at sa pagkuha o
paghingi na kabayaran.

Kadalasan ang karaniwang itinatayong negosyo ay iyong mga


nakakatugon sa mga pangunahing pangangailangang pisikal ng tao tulad ng
pagkain, damit at tirahan. Ngunit sa pagdaan ng panahon nagkakaroon ng pag
unlad sa lipunan na nangangailangan na mas maraming produkto at serbisyo.
Ang ilang halimbawa nito ay ang pag unlad ng teknolohiya. Ngayon may
kagamitan na tayong mga gadget at computer na may access sa internet. Mabilis
na ang pakikipag ugnayan sa mga tao sa ibat ibang lugar sa mundo.

Ang kadalasang maliliit na negosyo sa Pilipinas ay sari-sari store,


karinderya, paggawa ng mga pagkaing meryenda, tulad ng banana cue, camote
cue, at lumpia at mga panghimagas tulad ng polvoron, halo-halo at marami pang
iba.

3
Kung minsan nakakakita rin tayo ng oportunidad sa mga kalagayan o
sitwasyon ng buhay. Gaya ngayon panahon ng pandemya, maraming
oportunidad sa negosyo. Maging sensitibo lang tayo sa kilos o pangangailangan
ng mga tao,maaari na tayong magkaroon ng negosyo. Halimbawa, maraming
nakaisip ng food delivery service at online selling.

Panuto: Basahin at sagutin ang tanong ng bawat bilang. Piliin ang tamang sagot
sa loob ng kahon.

Damit, Pagkain, Tirahan, Negosyong Facemask


Produkto at Serbisyo

1. Magbigay ng tatlong pangunahing pangangailangan ng tao.

___________________________________________________________________

2. Bilang isang negosyante, ano –ano ang pwede mong ialok sa mga
tao?

___________________________________________________________________

3. Anong oportunidad sa negosyo ang nakikita mo sa batas na


nagsasabing laging magsuot ng face mask?

__________________________________________________________________

4
Pagyamanin

Gawain 1: E-Ayos Mo!


Panuto: Buuin ang mga ginulong salita. Gamitin ang mga pangungusap bilang
gabay.

D N I D A T P O R U O

________________1. Ito ay nakikita ng negosyante na dahilan upang magpatayo


ng negosyo.

E G O O N S Y

________________2. Pag aalok ng produkto at serbisyo na may kabayaran.

U O S

________________3. Produktong napapanahon at tinatangkilik ng maraming tao.

Gawain 2: E-Guhit Mo!


Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang mga sumusunod na
pangungusap ay nagpapahayag ng katotohanan at malungkot naman
kung hindi.

_____1. Gusto ng mga tao ang mainit na pagkain kapag malamig ang
panahon.
_____2. Sa kalagayan na hindi nakakalabas ang mga tao dahil sa COVID19,
angkop na negosyo ang food delivery service.
_____3. Magandang pagkakataong magtinda ng pagkaing may mainit sabaw
kapag mainit ang panahon.
_____4. Angkop magpatayo ng school supplies sa dinadaanan ng maraming
estudyante.

Gawain 3: E-Sulat Mo!


Panuto: Aling produkto ang ititinda mo sa mga panahong nasa kahon sa ibaba?

Bulalo kape halo-halo lugaw ice cream ice candy

TAG-INIT TAG-LAMIG

5
Gawain 4: E-Tambal mo Ako!
Panuto: Pagtambalin ang hanay A sa mga salitang tinutukoy sa Hanay B.

HANAY A HANAY B

_____1. Karpentero, A. Ito ay angkop sa mainit na panahon.

_____2. Sabaw ng Bulalo B. Serbisyo nito’y kailangan kapag may


nasirang upuan.

_____3. Ice buko C. Produktong angkop kapag malamig


ang panahon.

_____4. Panaderya D. Mga taong naghahanap ng tinapay at


pandesal tuwing umaga.

Isaisip

Napakahalagang matutunan mo ang pamamaraan sa pagkakaroon ng


oportunidad sa pagnenegosyo? Bakit kailangang magkaroon ng negosyo?

Upang masigurong maging matagumpay ang iyong napiling negosyo.


Kailangan pag-aralan at sumangguni ng mabuti kung anong angkop na
produkto at serbisyo na kailangan ng mga tao. Isa pang basehan ay ang bilang
ng mga posibleng taong tatangkilik sa iyong negosyo. Alamin din ang uri ng
trabaho ng mga taong iyong pagseserbisyuhan. Mahalaga ring pag-aralan ang
sitwasyon o kalagayan ng isang lugar upang mai-angkop ang negosyong iniisip
itayo.

6
Isagawa

Panuto: Iguhit ang dalawang naaangkop na produktong ibebenta sa mga


sumusunod na uri ng panahon o pagkakataon.

Pagbubukas ng Tag-Init/Tag-Araw Selebrasyon ng


Klase Pasko

Tayahin

Panuto: Basahin ang mga tanong at unawain. Isulat ang letra ng tamang sagot.

_______1. Taglamig na naman ito ay pagkakataon mong magtinda ng _______.


A. kape B. iced tubig C. iced buko D. fruit salad

_______2. Angkop din ang _______ kung malapit ka sa panaderya.


A. coffee shop B. meat shop C. fruit stand D. tindahan ng isda

_______3. Aling produkto ang angkop sa mainit na panahon?


A. kape B. iced tubig C. mami D. sabaw ng bulalo

_______4. Dinadaanan ng maraming estudyante ang tapat ng tirahan mo. Ang


pagkakataong sa negosyo na angkop sa sitwasyon ay _______.
A. bigas B. isda C. gulay D. school supplies

_______5. Maraming mga bata ang mahahaba na ang buhok dahil sa quarantine.
Kikita ngayon ang _______.
A. barber B. karpentero C. sapatero D. tubero

7
Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat ang oportunidad o pagkakataon sa negosyo sa mga sumusunod


na sitwasyon.

1. Laging naghahanap ang mga estudyante ng lapis, papel, bolpen,


krayola at pambura.

______________________________________________________________

2. Malayo ang nilalakad mo ganun din yong mga kapitbahay upang


makabili ng mga biglaang kailangan gaya ng shampoo, sabong
pampaligo, asukal, mantika at asin.

______________________________________________________________

8
5
Edukasyong
Pantahanan at
Pangkabuhayan (EPP)
Entrepreneurship at ICT
Unang Markahan – Modyul 4
Ang Pagbebenta ng Natatanging
Paninda
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Ang Pagbebenta ng Natatanging Paninda
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Sarah N. Lorejo
Editor: Editha V. Villamor at Jelord V. Magturo MAEd
Tagasuri: Celedonia T. Teneza EdD
Tagalapat: Carlo J. Navarro, Maria Fe M. Samares
Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval
Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Celedonia T. Teneza EdD


Pandibisyong Tagamasid, EPP/TLE/TVE/TVL at ABM

Ikalawang Edisyon, 2021

Editor: Madilyn P. Palma

Tagasuri ng Wika: Prima C. Dela Cruz

Tagalapat: Jean T. Tumaneng

Tagasuri: Janeth L. Dumaplin


Teacher III, Hen. Pio Del Pilar Elementary School - Main

Lilybeth D. Sagmaquen PhD


Punongguro, BNAHS

Samuel L. Sia EdD


Pandistritong Tagamasid ng mga Pampublikong Paaralan

Celedonia T. Teneza EdD


Pandibisyong Tagamasid, EPP/TLE/TVE/TVL at ABM
Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng
Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: [email protected]
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat ayon sa iyong kakayahan. Narito


upang matulungan kang maunawaan ang kahalagahan ng pagbebenta ng natatanging
paninda. Ang saklaw ng modyul na ito ay nagpapahintulot na magamit ito sa maraming
iba't ibang mga sitwasyon sa pag-aaral. Ang wika na ginamit ay kinikilala ang
magkakaibang antas ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang pagkakasunud-sunod ng
mga aralin ay batay sa Most Essential Learning na binigay ng Kagawaran ng
Edukasyon.
Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng mga kasanayan o aralin tungkol sa:
Aralin 1 – Nakapagbebenta ng Natatanging Paninda

Sa katapusan ng pag-aaral ng Modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Makikilala ang mga taong nagtagumpay sa pagbebenta ng mga natatanging
paninda.
2. Matutunan ang mga matagumpay na pamamaraan sa pagbebenta ng mga
natatanging paninda.
3. Maibabahagi ang natutunang kahusayan sa pagbebenta ng natatanging
paninda.

Subukin
Panuto: Lagyan ng puso ( ) ang patlang kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng
katotohanan at nahahating puso ( ) kung hindi.

__________1. Ang natatanging paninda ay nangangahulugan ng naiiba o


nangingibabaw na produkto sa ibang paninda sa pamilihan.

__________2. Sa pag-iisip ng pagbebenta ng natatanging paninda ay maari mong gayahin


ang lahat ng mga paninda na madalas mong makita sa inyong pamayanan.

__________3. Ang isang Entrepreneur ay kailangang maging masinop at malikhain.

__________4. Maaaring humingi ng mga opinyon sa mga kakilala at mamimili ukol sa


pagbuo ng disenyo ng inyong paninda.

__________5. Ang DTI o Department of Trade and Industry ay isang bangko para sa mga
mangangalakal o Entreprenuer.

1
Aralin Ang Pagbebenta ng Natatanging
1 Paninda

Mayroon ka bang alam na mga paninda na ipinagbibili sa inyong


pamayanan na patok o mabenta? Anu-ano ang mga ito? Bakit kaya ito
tinatangkilik ng mga mamimili?
Sa dinami-dami ng paninda na ating nakikita at nabibili may mga ilang
paninda o produkto pa rin ang natatangi o nangingibabaw sa lahat.
Ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa pagbuo ng isang
natatanging paninda sa pamilihan ay isang magandang kapakinabangan sa
isang Entreprenuer. Ang kaalamang ito ay makatutulong kung paano mo
matitiyak na maipakikilala at maibebenta nang maayos ang isang natatanging
produkto sa pamilihan.

Balikan

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin sa kahon ang


tinutukoy na katangian ng isang matagumpay na Entrepreneur.

maabilidad maka-Diyos maalam


malikhain masinop matiyaga

_______1. Tumutukoy sa kakayahan na makalikha ng isang bagay na kanais-


nais. Patuloy sa pagtuklas ng mga bagay na ikabubuti o ikagaganda ng
kaniyang nasimulang gawain.
_______2. Hindi madaling sumuko anumang hirap ng kaniyang gawain at maging
sa pagharap ng mga suliranin na dumarating ay kaniyang hinaharap.
Patuloy sa paghahanap ng kalutasan sa mga hamon sa pagnenegosyo.
_______3. Nagsasagawa ng mga gawain sa pagnenegosyo na may
pagmamalasakit sa kapwa, may katapatan at katarungan. May
paggalang din sa karapatan ng kapwa at tumutulong sa lipunan.
_______4. Nakagagawa ng kanyang sariling desisyon at diskarte ano mang
sitwasyon ang maranasan.
_______5. Palaging bukas ang isipan sa pagtanggap mga bagong kaalaman at
pagbabagong nagaganap sa kapaligiran. Tinutulungang linangin ang
sariling kakayahan sa tulong nang mga bagong kaalaman, tuklas o
imbensiyon.

2
Tuklasin

Kilala ba ninyo ang nasa larawan?


Siya ay isa sa mga matagumpay na
negosyante sa ating bansa.

Basahin natin ang kwento ng


kanyang matagumpay na
pamamaraan sa pagbebenta ng
kanyang produkto.

Suriin

Dating Batang Tondo, Umasenso Sa Negosyo

Tubong Tondo, Maynila si Renato “Gatchi” Gatchalian. Bata pa lang,


namulat na siya sa pagnenegosyo. Pagtitinda sa Divisoria ang pinagkakakitaan
noon ng kaniyang mga magulang. Dahil sa kasipagan ng mga magulang, nakuha
ni Gatchi ang inspirasyon para magsumikap sa buhay. Masayang binalikan ni
Gatchi ang kanyang nakaraan sa kuwentuhan nila ni Karen Davila para sa
programang 'My Puhunan.' “Natuto ako dahil ‘yung magulang ko, una, masipag,
maparaan. Hindi ako nawalan ng pag-asa kasi nakita ko na umangat kami eh.
So, naging inspirasyon ko ‘yun. Hindi ako titigil sa pangarap ko, magsisipag ako
dahil alam kong puwede pang makabawi.” Nakapagtapos ng kolehiyo si Gatchi.
Iba’t-ibang trabaho ang kanyang pinasok. Mula sa isang fast food restaurant,
mapalad siyang naging empleyado ng isang Multinational na kumpanya ng ilang
taon. Nang makaipon, naisipan niyang magtayo ng sariling negosyo. Hangga’t
may ideyang naiisip, lakas-loob na pinapasok ito ni Gatchi para gawing negosyo.
Dumating ang panahon at napadpad siya sa Davao City at naisipang magtayo
ng restawran na may kakaibang konsepto. Tampok sa kanyang restawran na
'Saging Repablik' ang mga sikat na Pinoy ulam at panghimagas na lahat ay may
sahog o toppings na saging. Highlight ng kanyang kainan ang mga pinasosyal na
banana cue at pinalevel-up na turon. Dahil dito, binabalik-balikan ito ng mga
turista at sikat na mga personalidad. Para kay Gatchi, ang susi ng kanyang pag-
asenso sa kanyang negosyo ay ang innovation o paghahain ng mga bago at
kakaibang putahe sa mga customers. “You go out of the box. In a business,
kailangan, sa dami ng nagbebenta ng banana cue, bakit ikaw ang pipiliin niya?”

3
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan:

1. Sino ang dating batang Tondo na umasensyo sa pagnenegosyo?


______________________________________________________________
2. Paano natutong magnegosyo si Gatchi?
______________________________________
3. Sino ang kanyang nagsilbing inspirasyon?
_________________________________________
4. Ano ang kanyang susi sa pagkamit ng tagumpay?
_________________________________________________
5. Paano niyang nagawa na kakaiba ang kanyang paninda kahit na
maraming kakumpetensya sa pagtitinda ng produktong iyon?
_______________________________________________________________
Mahalagang malaman at maunawaan ng bawat isa na nagnanais
makipagpagsapalaran sa negosyo ang mga wastong pamamahala ng mga
produkto, pag-iingat sa ipinagbibiling produkto at mga paraan ng pagbebenta
nito. Dapat tandaan kung nais na magkaroon ng kostumer. Sa ganitong paraan
ay makasisiguro ka na magkakaroon ng kita at pag-unlad sa iyong negosyo.

Tingnan ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga larawan.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:


1. Anong uri ng paninda ang nakikita ninyo sa mga larawan?
_________________________________________________________

4
2. Magkakapareho ba ang mga ito?
_________________________________________________________
3. Ilarawan at paghambingin ang bawat larawan.
_________________________________________________________
4. Aling presentasyon ng paninda sa larawan ang natatangi para sa iyo?
___________________________________________________________________
5. Kung ikaw ang mamimili, alin sa mga paninda ang pipiliin mo?
Ipaliwanag ang iyong kasagutan.
___________________________________________________________________

Pagyamanin
Gawin Natin 1: “Punuin – Mo – Ako’’
Panuto: Semantic Web: Isulat sa loob ng bawat biluhaba ang mga wastong
paraan ng Pag-iingat sa Ipinagbibiling Produkto.

Pag-iingat sa
Ipinagbibiling
Produkto

Gawin Natin 2: “Ginulo – Ayusin – Mo”


Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang makabuo ng salita na may
kaugnayan sa pamamaraan ng pagbebenta ng produkto.

______________1. I K O L R E P

______________2. P R E A R P I S O

______________3. S Y O N A T S N E E R P

______________4. P D A I N A N

______________5. H A G A A L

5
Isaisip

Pumili ng isang produkto na nais mong ibenta. Tiyakin na ito ay


natatanging paninda upang matugunan ang mga pangangailangan ng iyong
kostumer. Dapat ito ay nagpapakita ng kakaibang kulay, anyo, at kaakit-akit
upang mabenta sa mga mamimili.
Kasama rin dito ang paggamit ng iba-ibang paraan ng promosyon upang
mabenta ang iyong paninda. Maging bukas din ang isipan sa pagtanggap ng mga
negatibong puna sa iyong paninda.
Mahalagang planuhin ang anumang produkto na nais mong ibenta upang
makasiguro ka na ito ay natatangi, papatok at kikita.

Isagawa

Panuto: Gumawa ng talaan ng isang natatanging paninda na nais mong


pagkakitaan.

Paninda Presentasyon Paraan ng Halaga/


Pagbebenta Presyo

6
Tayahin
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng
katotohanan sa pagbebenta ng natatanging paninda at MALI kung hindi.

______1. Sa pagbebenta ng isang produkto mas matitiyak mo na magiging


mabili ang iyong produkto kung ikaw ay mag-iisip ng ibang paraan
kung paano mo ito magagawang kakaiba sa mga pangkaraniwang
paninda na nabibili.

______2. Mahalagang planuhin ang anumang produkto na nais mong


ibenta upang makasiguro ka na ito ay natatangi o naiiba sa ibang
paninda, papatok at kikita.

______3. Ngayong panahon ng pandemya maraming saradong tindahan at


ipinagbabawal ang face to face contact. Bilang isang maabilidad na
Entrepreneur naisipan ni Francelle na magbenta online gamit ang
kaniyang laptop at internet.

______4. Masasabi na natatangi ang iyong paninda kapag ito ay naiiba,


nangingibabaw sa mga produkto sa pamilihan at tinatangkilik ng
mga mamimili.

______5. Sa pagbebenta ng natatanging paninda ay dapat isipin


muna ang malaking kita at huwag munang bigyang pansin ang
kalidad ng paninda upang kumita at makaipon ng malaking halaga.

7
Karagdagang Gawain

Panuto: Isagawa ang mga sumusunod na gawain:

1. Magsagawa ng isang online survey sa pamamagitan ng panonood sa


youtube sa mga iba’t –ibang online sellers na nagbebenta ng kanilang
natatanging produkto.
2. Pumili ng 3 online sellers na may parehong produkto na itinitinda.
3. Tingnan kung paano nila ibinebenta ang kanilang produkto o paninda.

ONLINE PANINDA PRESENTASYON PARAAN NG HALAGA/


SELLER PAGBEBENTA PRESYO

1.

2.

3.

You might also like