2ND QUARTERLY EXAM Filipino 8

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PANGALAWANG

LAGUMANG PAGSUSULIT
(Modyul 1 – 7)

sa

FILIPINO 8

Pangalan:________________________________

Antas / Seksiyon: ________________________

1
I. Panuto: Isulat lamang ang tamang LETRA sa tapat ng bilang na may patlang.

A. a. Tama o Mali: Isulat ang A sa patlang kung wasto ang pahayag, isulat naman ang B kung
mali ang pahayag.

____1. Ang talinghaga ay ang mga malalalim na salita

____2. Tulang Pandulaan ang tawag sa tulang sagutan na itinatanghal ng mga magkakatunggaling
makata ngunit hindi sa paraang padula.
____3. Ang lipon ng mga salita na binubuo ng dalawa o higit pang taludtod ay saknong.
____4. Ang epiko ay isang tulang pasalaysay.
____5. Ang tugma ay bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong

b. Lagyan ng A kung tama at B kung mali ang binabanggit na katangian ng pangunahin at

pantulong na kaisipan.

_____6. Ang pangunahing kaisipan ay kilala rin bilang pamaksang pangungusap.

_____7. Ang talata ay binubuo lamang ng isang pangungusap.
_____8. Masusukat ang kakayahan sa pag-unawa sa isang teksto kung wastong matutukoy ang
pangunahin at pantulong na kaisipan.
_____9. Ang pamaksang pangungusap ay pundasyon ng isang talata.
_____10. Maaaring gumamit ng mga pantulong na kaisipan na walang kaugnayan sa pangunahing
kaisipan.

B. Piliin ang tamang sagot sa mga sumusunod na pangungusap. Letra lamang ang isulat.

____11. Ito ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang
panukala ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala.
A. Balagtasan B. Pangangatwiran C. Pagsang-ayon D. Pagsalungat
____12. Ito ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula. Nakilala ito noong panahon ng
Amerikano sa Pilipinas.
A. Balagtasan B. Batutian C. Duplo D. Karagatan
____13. Isa sa mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay na hindi direktang makikita,maririnig o
mahihipo ang ebidensya subalit sa pamamagitan nito ay masasalamin ang katotohanan.
A. Kapani-paniwala B. Nagpapahiwatig C. Nagpapakita D. Nagpapatunay
____14. Isang uri ng mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay na nagpapakita ng mga ebidensya
ay makatotohanan at maaaring makapagpatunay.
A. Kapani-paniwala B. Nagpapahiwatig C. Nagpapakita D. Nagpapatunay
___15. Isang uri ng mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay na maaaring nakasulat, larawan o
video. A. Kapani-paniwala C. Nagpapakita
B. Mga Dokumentaryong Ebidensya D. Nagpapatunay
___16. Mas kilala bilang Lola Basyang. Itinuturing na ama ng Sarsuwelang Tagalog.
A. Andres Bonifacio C. Marcelo H. Del Pilar
B. Jose Rizal D. Severino Reyes
___17. Isang anyo ng dulang musikal na unang umunlad sa Espanya noong ika- 17 siglo.
A. Balagtasan B. Drama C. Sarswela D. Tula
___18. Elemento ng sarsuwela kung saan naganap ang pangyayari ng isang dula.
A. Tagpuan B. Tauhan C. Suliranin D. Kasukdulan
___19. Reyna ng Sarsuwela sa Pilipinas.
A. Atang Dela Rama B. Sharon Cuneta C. Pia Uy D. Lea Salonga
___20. Lahat ng nabanggit ay bahagi ng sarsuwela, maliban sa isa:
A. Iskript B. Aktor C. Manonood D. Wakas
___21. Isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling kaisipan, kuro-
kuro, saloobin at damdamin na kapupulutan ng aral at aliw ng mambabasa.
A. Drama B. Sanaysay C. Sarsuwela D. Tula
___22. Ang iba’t-ibang paraan ng pagpapahayag maliban sa isa:
A. Pag-iisa-isa C. Paghahambing
B. Pagsama-sama D. Pagpapakilala ng sanhi at bunga
___23. Tinaguriang ama ng sanaysay o essai.
A. Alejandro G. Abadilla C. Severino Reyes
B. Michel de Montaigne D. Jose Rizal
2
___24. Isang akdang pampanitikang naglalarawan ngbuhay, hinango sa guniguni,ipinararating sa
ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw-iw.
A. Kanta B. Sanaysay C. Sarsuwela D. Tula
___25. Nililikha nang masining upang mabisang maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa
ang isang pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o lugar na pinangyarihan ng mahahalagang
pangyayari.
A. Dula B. Maikling kuwento C. Sanaysay D. Tula
___26. Dahilan kung bakit lubusang lumaganap ang maikling kuwento sa Panahon ng Komonwelt.
A. Nagkaroon ng samahan ng mga manunulat na tinawag na Panitikan.
B. Nagkaroon ng paghihimagsik sa mga dayuhang manunulat
C. Naglunsad ng mga makabagong pag-aaral sa pagsulat
D. Ginawang instrumento ang pahayagang La Solidaridad ng mga kwentista
___27. Ano ang tawag sa mga pahayag o ideyang hindi lantad o hayag ang kahulugang nais
iparating ng mga manunulat sa maikling kuwento?
A. simbolismo B. pahiwatig C. kakintalan D. larawang-diwa
___28. Sandaling nag-ulap ang lahat sa kanyang paningin. Nilunod ang kanyang puso ng
matinding dalamhati at ng malabong pakiramdam na siya man ay dumaranas ng isang uri ng
kamatayan. Balisa at nagsisikip ang dibdib ng damdaming ito, si Danding ay dahan-dahang
lumayo at nagpaunang bumalik sa bahay.
-Mula sa akdang Lupang Tinubuan
ni: Narciso G. Reyes
Ano ang damdaming nakapaloob sa unang pahayag na nakapahilig?
A. Matinding kasawian C. Lubos nasasaktan
B. Labis na panghihinayang D. sobrang galit sa puso
___29. Ang mga sumusunod ay kabilang sa simulang bahagi ng maikling kuwento. Alin ang hindi
dapat mapabilang ?
A. Tauhan B. Tagpuan C. Suliranin D. Kakalasan
___30. Ito ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
A. Saglit na Kasiglahan B. Tunggalian C. Kakalasan D. Wakas

C. Panuto: Tukuyin ang tiyak na detalyeng binabanggit ng bawat pahayag. Piliin ang sagot mula
sa kahon. Isulat lamang ang letra.

A. denotibo B. konotatibo C. pangangatwiran

D. proposisyon E. pagpapakahulugan

_____31. Ang literal na kahulugan ng isang salita na matatagpuan sa diksyunaryo.

_____32. Tumutukoy sa ekstrang kahulugan na ikinakabit sa isang salita depende sa intensyon
(agenda) ng nagsasalita o sumusulat.
_____33. Isa sa mga sangkap ng mabisang pangangatwiran.
_____34. Ang sining ng _______________ ay isang pagpapahayag na may layunin na masubukan ang
katatagan at katayuan ng isipan o talinong taglay ng isang tao.
_____35. Maraming paraan ito. Maaring gamitin ang denotatibo at konotatibo.

D. Bilang pag-alala natin sa ika-50th Founding Anniversary sa ating mahal na Paaralan. Handugan
at linangin ang iyong kasanayan at natutuhan upang makabuo ng isang tula tungkol sa ating
sintang Dayhagan National High School. (15 pts.)

Mga Kraytirya:
Orihinalidad - 30
Akma sa Paksa - 30
May sukat at tugma - 20
Hindi bababa sa tatlong saknong - 10
Wastong gamit ng salita, kapitalisasyon, baybay at bantas - 10
Kabuuan 100

3
____________________________________
(Pamagat)

___________________________________________________________

4
5

You might also like