Q2 Exam in Filipino 7 2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

The Maquiling School, Inc.

Junior High School Department


Ft. San Luis Brgy. Puypuy Bay, Laguna
Ikalawang Markahan SCORE
Ikalawang Panahunang Pagsusulit sa FILIPINO 7
Pangalan: LRN:
Baitang at Seksiyon: Guro: Bb. Gerami S. Visperas

PANGKALAHATANG PANUTO:

a) Basahin ang bawat panuto na nakasulat sa bawat bahagi ng pagsusulit.


b) Basahin at suriing mabuti ang bawat tanong.
c) Isulat ang mga sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
d) Iwasan ang pagbubura ng mga sagot.

A. Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot.
________1. Ito ay naglalahad ng diwa at damdaming inihanay sa maayos na kabuuan ng mga piling salita,
makukulay, at punumpuno ng talinghaga upang makabuo ng larawang-diwa.
A. Dula C. Tula
B. Sanaysay D. Talumpati

________2. Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.


A. Sukat C. Saknong
B. Tugma D. Taludtod

________3. Tumutuokoy ito sa pagkakaroon ng magkakapareho o magkasintunog na pantig sa dulo ng bawat


taludtod.
A. Sukat C. Taludtod
B. Tugma D. Saknong

________4. Tumutukoy sa isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming taludtod.
A. Sukat C. Taludtod
B. Tugma D. Saknong

________5. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng masining na salitang nagbibigay ng higit na kariktan sa tula.
A. Tugma C. Kariktan
B. Talinghaga D. Tayutay

________6. Uri ng tayutay na naghahambing din subalit direkta ang paghahambing ng dalawang bagay at
hindi na ginagamitan ng mga panlapi at salitang naghahambing.
A. Pagwawangis C. Pagmamalabis
B. Pagtutulad D. Pagtatao

________7. Uri ng tayutay ito na sadyang pinalalabis o pinakukulang ang kalagayan o katayuan ng tao o
bagay na tinutukoy.
A. Pagwawangis C. Pagmamalabis
B. Pagtutulad D. Pagtatao

_________8. Paghahambing ng dalawang magkaiba ngunit magkaugnay na mga bagay at ginagamitan ng


Mga hudyat na salitang tulad ng, kawangis ng, tila, sing, sim, magkasing, magkasim, atbp.
A. Pagwawangis C. Pagmamalabis
B. Pagtutulad D. Pagtatao

_________9. Pagsasalin ng mga katangian ng isang tao tulad ng talento, gawi, at kilos sa mga bagay na
walang buhay.
A. Pagwawangis C. Pagmamalabis
B. Pagtutulad D. Pagtatao

_________10. Isang uri ng akdang pampanitikan na ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.


A. Dula C. Tula
B. Sanaysay D. Talumpati
__________11. Ito ay isang genre o uri ng akdang pampanitikang akdang nasusulat sa anyong tuluyan at
pumapaksa sa lahat ng bagay na kayang unawain ng damdamin at abot ipaliwanag ng isip.
A. Dula C. Talumpati
B. Sanaysay D. Tula

_________12. Ito ay isang pormal na sanaysanay na inilalahad nang pasalita sa layuning mahikayat ang mga
nakikinig upang makabuo ng isang opinion sa napapanahong isyu.
A. Dula C. Talumpati
B. Sanaysay D. Tula

_________13. Isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyonal- sa ibang salita, hindi binubuo ng
tumpak na kahulugan ang mga salitang nabuo.
A. Dula C. Sanaysay
B. Idyoma D. Tula

_________14. Pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin o pagkabigla.


A. Pangungusap na Eksistensyal C. Pangungusap na Temporal
B. Pangungusap na Padamdam D. Mga Pormulasyong Panlipunan

_________15. Uri ng pangungusap na walang paksa na nagpapahayag ng pagka-mayroon ng isa o higit pang
tao, bagay, at iba pa.
A. Pangungusap na Eksistensyal C. Pangungusap na Temporal
B. Pangungusap na Padamdam D. Mga Pormulasyong Panlipunan

_________16. Ito ay mga pangungusap na nagpapahayag ng pagbati, pagbibigay-galang, at iba pang


nakagawian na ng mga tao sa lipunang Pilipino.
A. Pangungusap na Eksistensyal C. Pangungusap na Temporal
B. Pangungusap na Padamdam D. Mga Pormulasyong Panlipunan

_________17. Uri ng pangungusap na walang paksa na nagsasaad ng temporal na panahon o maaaring


bahagi ng araw o panahon.
A. Pangungusap na Eksistensyal C. Pangungusap na Temporal
B. Pangungusap na Padamdam D. Mga Pormulasyong Panlipunan

__________18. Ito ay pang-ugnay sa panghihikayat na nagsasaad ng pagsang-ayon sa isang proposiyong


nanghihikayat.
A. Pang-abay na Panang-ayon C. Pang-abay na Pagtutol
B. Pang-abay na Pananggi D. Wala sa nabanggit.

__________19. Nagpapahiwatig ng di pagsang-ayon o pagtutol sa panghihikayat at gumagamit ng mga


salitang di, hindi, ayaw, ayoko, huwag, ewan,o wala.
A. Pang-abay na Panang-ayon C. Pang-abay na Pagtutol
B. Pang-abay na Pananggi D. Wala sa nabanggit.

__________20. Isang dulang nagwagi ng unang gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial Awards 1987 sa
panulat ni Leoncio P. Dreiada na isang taga Iloilo.
A. Ang kabataan C. Mutya ng Saging
B. Bulong at Engkantasyon D. Pagislam

_________21. Ito’y nangangahulugan ng kahigitan, o pamumukod ng pangalan sa karamihan o sa kalahatan.


A. Lantay C. Pasukdol
B. Pahambing D. Pasahol
_________22. Ito ay payak na paglalarawan sa pangalan o panghalip.
A. Lantay C. Pasukdol
B. Pahambing D. Palamang
_________23. Ito ay kung nakahihigit ang inihahambing sa pinag-hahambingan.
A. Lantay C. Pasukdol
B. Pahambing D. Palamang
_________24. Ito ang paglalarawang nagtutulad o naghahambing ng mga tao, bagay, o pangyayari.
A. Lantay C. Pasukdol
B. Pahambing D. Palamang
_________25. Uri ng paghahambing na ang inihahambing ay kapos o kulang sa bagay na pinaghahambinga.
A. Lantay C. Pasukdol
B. Pahambing D. Pasahol

B. Bilugan ang mga pang-uring ginamit. Tukuyin kung ito’y lantay, pahambing, o pasukdol.

____________________26. Mas masarap ang tskolateng sorbetes kaysa sa kesong sorbetes.


____________________27. Ang batang ulila ay napakabait.
____________________28. Ubod nang tamis ng cake na dala ni Lola kumpara sa ibang cake na bigay ng
mga bisita.
____________________29. Magaling kumanta ang kanyang Anak.
____________________30. Magkasing galing sumayaw ang mga batang babae at lalake.

C. Tukuyin kung ang paghahambing sa bawat pangungusap ay pasahol o palamang.

____________________31. Ang pasko sa Pilipinas ay higit na masaya kaysa sa ibang bansa.


____________________32. Malaki ang tungkulin ng kapitan kaysa konsehal.
____________________33. Di totoo ang mga balitang iyo tungkol sa amin.
____________________34. Mas mataas ang grado ng aking kaibigan kumpara sa aking kapatid.
____________________35. Di gasinong matapang ang babae sa lalaki.

D. Ayusin ang mga ginulo-gulong mga titik upang makabuo ng salita. Gamitin ang mga ito upang
masagutan ang tinutukoy na mga pangungusap sa ibaba.

TKNASAKURSNA OMRIONES
ELANSUOK ANUPUNYANLU
IBGTA
_____________________36. Dulang panrelihiyong ginaganap sa lansangan sa lalawigan ng Mindoro at
Marinduque tuwing mahal na araw. Ang mga karakter na gumaganap ay
nakasuot o naglalagay ng mga maskarang may iba’t ibang kulay at iba pang
palamuti o guhit sa kanilang katawan.

_____________________37. Ito ay isinasagawa tuwing sasapit ang Pasko, Disyembre 24 ng gabi bago mag
misa de gallo. Sina Maria at Jose ay naghahanap ng bahay na masisilungan at
mapagsisilangan kay Jesus.

_____________________38. Ito ay isinasagawa tuwing buwan ng Mayo tungkol sa paghahanap ni


Santa Elena sa krus na pinagpakuan kay Kristo. Ang mga tauhan o kasali
sa pagtatanghal ay kahalo-halo ng taong-bayan.

_____________________39. Ito ay dulang panlansangan at panrelihiyon kung saan marangyang parada ng


mga sagala at konsorte ang nagaganap.

_____________________40. Inilalarawan dito ang simula ng lahat –ang paglalang kay Eba at Adan, ang
pagsilang kay Jesus, ang Kanyang kamatayan, at muling pagkabuhay.
Itinatanghal ito bilang isang serye, mula Lunes Santo hanggang Sabado de
Gloria.

E. Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa bawat aytem.

_____________________41. Ito ay ritwal sa pagtataboy ng maw-it o masamang Espiritu ng bagong silang na


sanggol na permanenting manirahan ito sa kanyang katawan.

_____________________42. Ito ay isinasagawa upang mailayo naman sa masamng Espiritu ang kabahayan.

_____________________43. Sila ang tagapamuno sa mga seremonyang panrelihiyon at siyang itinalagang


tagapamagitan ng mga tao sa mga anito at diwata sa kapaligiran.

_____________________44. Isang paraan upang masiyahan ang mga diyos at diyosang anyayahan silang
makisalo sa pagkaing nakalapag sa yataan.

____________________45. Siya ang kinikilalang diwata ng mga sanggol na bagong silang.


____________________46. Ito ay isang mesang kawayan na kasintaas ng tuhod.

____________________47. Panawagan sa Espiritu ng bagong silang na sanggol.

____________________48. Ito ang bahay ng mga nuno na kapag natapakan ay magagalit sa salarin at ito’y
magkakasakit.

____________________49. Ito ay ginagawa kung nais mawala ang pagod o lagnat ng isang tao sa
pamamagitan ng pakukrus ng babaylan sa noo, braso, sa dibdib, at binti sa
paniwalang mawawala ang nadaramang pagod o sakit.

____________________50. Inaawit ito sa pag-aalay ng mga bunga ng pag-aani.

You might also like