FIL ED 205 Panimulang Linggwistika Notes
FIL ED 205 Panimulang Linggwistika Notes
FIL ED 205 Panimulang Linggwistika Notes
Sapagkat ang linggwistika ay relatibong bago, kung pormal na pagtuturo nito sa mga paaralan ang
pag-uusapan, ang karaniwang tanong kahit ng mga guro na mismo ay ito: Ano ba ang linggwistika? At
idurugtong pa: Ano ba ang kabutihang naibibigay ng linggwistika sa isang guro ng wika? Pagkatapos ay
susundan pa ng: Ano ba ang naiambag ng linggwistika sa pagpapaunlad ng wika?
Sa payak na kahulugan, ang linggwistika ay ang maagham na paraan ng pag-aaral ng wika. Ang
isang taong nagsasagawa ng maagham na paraan ng pag-aaral ng wika ay tinatawag na linggwista. Ang
linggwista ay hindi laging nangangahulugang maraming alam na wika. Maaaring matatawag na linggwista
ang isang tao kahit isa, dalawa o tatlong wika lamang ang kanyang alam. Iba ang linggwista sa tinatawag
na polyglot. Ang polyglot ay isang taong maalam o nakapagsasalita ng iba’t ibang wika, ngunit iyon ay
hindi nangangahulugan na siya’y isa nang linggwista. Nililinaw natin ito sapagkat karaniwan nang kapag
nasabi mong nagpapakadalubhasa sa linggwistika, ang karaniwang tanong sa iyo ay: Ilang wika ang alam
mo? Marunong ka ba ng French? ng German? ng Russian?
Isa pang kailangang linawin ang pagkakaiba ng linggwista sa isang anawnser. Ang isang anawnser
ay mahusay magsalita o gumamit ng wika ngunit hindi nangangahulugang siya’y isa nang linggwistika.
Gayundin naman, ang isang linggwista ay mahusay magsagawa ng maagham na pagsusuri sa mga wika,
ngunit hindi dapat laging asahang siya ay isang anawnser na mahusay magsalita. Nasusuri ng isang
linggwista ang isang wika kahit hindi siya marunong magsalita nito sa pamamagitan lamang ng paggamit
ng mga impormante, isang gawaing hindi nagagawa ng isang karaniwang anawnser o kaya’y isang polyglot.
Iba’t iba ang depinisyon ng linggwistika – kalimitan ay ayon sa oryentasyon at pinaniniwalaang
disiplina ng linggwistang nagbibigay ng depinisyon. Subalit mapapansin na lahat sila ay nagkakaisa sa
pagsasabing ang linggwistika ay ang maagham na paraan ng pag-aaral ng wika. Ano man ang ibig sabihin
ng maagham na paraan? Sinasabing isang kamalian na bigyang-katuturan ang linggwistika bilang
kalipunan ng mga teorya at mga prinsipyo tungkol sa wika. Manapa, higit na angkop sabihin na ang
linggwistika ay isang paraan sa pagtuklas ng impormasyon at kaalaman tungkol sa wika. Ang maagham na
paraan ay nagdaraan sa hindi kukulangin sa limang proseso, tulad ng mga sumusunod:
1. Ang proseso ng pagmamasid. Ang pagtitipon ng obhektibo at walang kinikilingang mga datos at
ng mga obserbasyong hindi nakukulayan ng emosyon ay pinakaunang hakbang na karaniwang
isinasagawa ng isang linggwista. Ito, sa katotohanan, ang pinakasanligan ng lahat ng maagham na
pagsusuri. Sa wika, ang pagmamasid ay maaaring tungkol sa mga katangian ng wika mismo –
tungkol sa mga tunog, halimbawa; paraan ng pagsasama-sama ng mga tunog upang bumuo ng
pantig, paraan ng pagsasama-sama ng mga pantig upang bumuo ng salita, paraan ng pagsasama-
sama ng mga salita upang bumuo ng pangungusap, mga pagbabago-bago ng tunog o mga tunog
dahil sa impluwensya ng kaligiran, at iba pa. Maaari ring ang pagmamasid ay tungkol naman sa
nagiging epekto ng wika sa tao – sa ating mga gawi, paniniwala; at kung ang ating pagbibigay-
kahulugan sa mga bagay-bagay at pangyayari sa ating paligid ay masasalamin sa wika.
3. Ang proseso ng pagklasipika. Laging tinatangka ng isang linggwista na maisaayos ang bunga ng
kanyang pananaliksik o pagsusuri sa isang sistematikong paraan. Ang isang kalipunan ng mga
datos, kung walang sinusunod na sistema ng pagkakaayos, ay tulad ng isang direktoryo ng
telepono na hindi inayos nang paabakada ang pangalan ng mga tao, kaya’t hindi
mapakikinabangan nang maayos.
4. Ang proseso ng paglalahat. Ang pagtitipon o pagkolekta ng mga datos at ang pagklasipika sa mga
ito ay kailangang humantong sa paglalahat, pagbubuo ng mga haypotesis, ng mga teorya at
prinsipyo, ng mga tuntunin o batas. Kung papaano nagkakaiba-iba ang mga ito, kapag wika ang
pinag-uusapan, ay hindi na tatalakayin dito. Sapat nang mabigyang-diin dito na ang proseso ng
pagklasipika ay dapat humantong sa pagbuo ng nasabing mga abstakasyon ayon sa naging resulta
o kinalabasan ng obserbasyon at pagsusuring isinagawa sa mga datos.
Anupa’t ang limang prosesong nabanggit ay sinusunod hindi lamang sa linggwistika kundi gayon din
sa ibang maagham na larangan. Mababanggit din dito na hindi lahat ng limang prosesong nabanggit ay
pormal na ginagamit ng isang linggwista sa panahon ng kanyang pananaliksik o pagsusuri. Sa katotohanan,
maaaring iukol ng isang linggwista ang kanyang isang yugto ng pananaliksik sa pagbubuo lamang ng mga
tanong at paglalahad ng mga suliranin, o kaya’y sa pagpapakita ng magandang paraan sa pagkolekta at
pagsasaayos ng mga datos na kanyang natipon. Ang mahalaga ay Makita sa kanyang mg agawi at kilos ang
pagkaunawa at paggamit ng mga prosesong nabanggit.
Ang isang doktor ng medisina na mapadestino sa isang nayon na hindi gaanong naaabot ng mga
makabagong kaalaman sa agham at teknolohiya ay karaniwang mangangailangan ng mahaba-habang
panahon bago siya tanggapin at kilalanin ng mga tao bilang manggagamot. Kapag sumakit ang tiyan ng
isang bata, halimbawa, ang agad ipatatawag ng mga magulang nito ay ang kanilang kumpare o kumareng
arbularyo. Ang karaniwang paraan ng paggamutan ay tapa, hilot, tawas, suob, o kaya ay banyos. At ang
pinakakaraniwan naming dahilan ng pagkakasakit ng bata, ayon sa albularyo ngunit maraming
pagkakataon na kahit putok na ang apendisitis ng bata, ang diagnosis pa rin ng albularyo ay ‘kulam’.
Naghihingalo ang bata ay ni ayaw itong ipasilip man lamang sa doctor sa takot nab aka magalit ang
mangkukulam.
Binigyang-diin ang mga aklat sa balarila na inihanda at inihahanda ng mga linggwista na siyang
pinaghahanguan ng mga sumusulat ng mga aklat upang magamit ng guro sa pagtuturo ng wika. Ang gayon
ay isang malinaw na ambag ng linggwistika sa paglinang sa wika.
Ang Wika
A. Simu-simula ng Wika
Naniniwala ang mga natropologo na ang wika ng mga kauna-unahang tao sa daigdig, kung mayroon
mang wikang masasabi noon ay isang uri ng wikang halos katulad ng sa mga hayop. Kung sabagay, kung
totong ang mga unang tao ay nabubuhay noon na tulad ng mga hayop, ang paniniwalang ito’y hindi
mapag-aalinlangan, ang totoo, ang tao ay hayop din kundi lamang dahil sa kanyang nalinang na wika at
kultura na tanda ng kanyang pag-aangkin ng higit na mataas na uri ng talino kaysa alinmang hayop sa
daigdig.
Dahil nga sa likas na talino ng tao ay napaunlas niya nang napaunlad ang kanyang sarili sa
pamamagitan ng kanang pagkontrol sa maraming bahagi ng kalikasan hanggang sa tuluyan na niyang
maibukod ang kanyang sarili sa mga hayop. Nakalinang ang tao ng kultura at wika na sa kasalukuyan ay
masasabing ibang-iba na sa kultura at wika ng kanyang mga kanunu-nunuan.
Lahat halos ng wika sa kasalukuyan ay mayroon nang kasalimuotan at lahat ay maituturing na may
kasapatan upang magamit ng may wika sa pagpapahayag ng anumang diwang napapaloob sa kanyang
kultura.
Gaya ng pagkakaalam natin, walang taong walang wika at wala ring hayop na may wikang tulad ng sa
tao. Kung mayroon mang mga ibong “nakapagsasalita,” tulad ng loro, halimbawa, ang nasabing mga ibon
ay nanggagaya lamang ng tunog na kanilang naririnig sa mga taong nasa kanilang paligid. Kaya nga ba’t
sinasabi natin sa Ingles na “The child is just parroting” kung siya’y bumibigkas ng mga salita o pangungusap
na hindi niya nauunawaan.
Kung ang pagbabatayan ay ang mga natukoy na mga labi o artifacts na gawa ng mga unang tao sa
daigdig, masasabing ang pagkakaroon ng wika ng tao, sa tunay na kahulugan ng wika, ay mayroon nang
humigit-kumulang isang milyong taon. At mangyari pa, nagsimula ang wika, tulad ng pagsisimula ng
kultura, sa simpleng-simpleng paraan, umunlad nang umunlad sa pagdaraan ng mga taon at naging
masalimuot, kaalinsabay sa pag-unlad at pagiging masalimuot ng kulturang kinatatamnan o
kinabubuluhan nito.
Iba’t iba ang paniniwala ng mga palaaral tungkol sa kung marami o iisa ang pinagmulan ng mg wika sa
daigdig. Ang bagay na ito’y tulad lamang ng iba’t ibang paniniwala tungkol sa pinagmulan ng tao. Kaya
nga’t kung tayo’y maniniwala na ang mga tao sa buong daigdig ay nagbuhat sa iisang angkan lamang,
masasabi rin natin na ang iba’t ibang wika sa daigdig ay nagbuhat din sa iisang angkan. Subalit kung ang
kabaligtaran nito an gating paniniwalaan, natural lamang na tanggapin din nating hindi iisa ang
pinagmulan ng iba’t ibang wika na ngayon ay laganap sa buong daigdig.
Kung Bibliya (cf. THE WAY 1972) naman ang ating pagbabatayan tungkol sa kung papaano
lumalaganap ang wika, sa Genesis 11:1-9 ay ganito ang nasasaad:
Pagkatapos ng delubyo o malaking baha, ang mga angkang nagmula kay Noah ay dumami nang
dumami at lumaganap pagawing silangan. Noong panahong iyon ay issang wika lamang ang sinasalita ng
lahat ng tao. Sa patuloy na paghahanap ng mga tao ng mabuting pook na mapaninirahan ay natuklasan
nila ang lupain ng Babilonya. Doon sila nagsimulag magtatag ng isang lungsod. Nagsimula rin silang
magtayo ng isang napakataas na templong tore na halos umabot sa langit, wika nga. Ang nasabing
templong-tore ay isang bantayog ns sumasagisag na kanilang palalo at walang-hanggang paghahangad.
Nang bumaba sa kalupaan ang Diyos ay nakita Niya ang templong-toreng itinatayo ng mga tao, sila ay
mananatiling nagkakaisa at maaaring dumating ang panahon na wala nang maging katapusan ang kanilang
pagiging labis na mapaghangad. Ang nasabing tore ay palatandaan ng palalong paghahangad ng mga tao
na mapalapit sa Diyos, at sa dakong huli’y mapantayan at malampasan ang Kanyang kapangyarihan.
Kaya’t ang ginawa ng Diyos ay binigyan Niya ang mg atao ng iba’t ibang wika upang sila’y hindi
magkaunawaan. Nang hindi na magkakaunawaan ang mga tao ay nagsimula na silang magkawatak-watak
at kumalat sa buong daigdig. Ang lungsod at templong-tore na kanilang itinatayo, mula noon, ay nakilala
sa tawag na Lungsod ng Babel at Tore ng Babel na ang ibig sabihin ay “City of Confusion” at “Tower of
Confusion” sapagkat doon nakaranas ang mga tao ng pagkalito, pagkakagulo at pagkakawatak-watak nang
sila’y bigyan ng Diyos ng iba’t ibang wika.
Anupa’t sa mga aklat ay marami pang mababasa tungkol sa iba’t ibang teorya kung papaano nagsimula
at lumaganap ang wika. Nariyan ang tinatawag na teoryang “bow wow,” teoryang “dingdong,” teoryang
“pooh-pooh,” at kung ano-ano pa na may kalabuan, kaya’t mahirap paniwalaan.
May mga pagkakataon na ang ilan ay nagsagawa pa ng ekspiremento. Diumano, si Psammitichus, hari
ng Ehipto noong unang panahon, ay nagpakuha ng dalawang sanggol at pinaalagaan ang mga ito sa isang
pook na walang maririnig na usapan ng mga tao upang alamin kung anong wika ang kanilang matutuhan.
Ang unang nabigkas diumano ng dalawang bata ay ang salitang bekos, isang salita sa wikang Phrygean (isa
na ngayong patay na matandang wikang Indo-Europeo) na ang ibig sabihin ay bread. Dahil doon ay
nagbigay ng kongklusyon si haring Psammitichus na ang dalawang bata, kahit walang naririnig na wikang
Phrygean ay matuto rin ito. Nagbigay rin ng kongklusyon ang nasabing hari na ang wikang Phrygean ay
mas nauna at mas matanda sa wikang Egyptian. Katulad ng ibang teorya at paniniwala, napakahirap
paniwalaan ang naging mga kongklusyon ng nasabing hari sa kanyang ekspiremento.
Kung sabagay, maging sa isa o sa di-iisa nagsimula ang mga wika sa daigdig, ang higit na layunin natin
sa aklat na ito ay mailahad sa mag-aaral na sa kasalukuyan ay napakarami nang iba’t ibang wika sa daigdig.
Ang iba’y malaki ang pagkakahawig samantalang ang iba naman ay malaking malaki ang pagkakaiba.
Paglalagom
Sa kabuuan, ang linggwistika, bilang isang agham ay naglalayong malinang ang mga paraan sa
mabisang paglalarawan sa wika. Hindi nilalayon ng linggwistika na tumuklas ng mabibisang paraan o
hakbang sa pagtuturo ng wika. Ang mga datos sa linggwistika ay maaaring magamit ng guro ng wika
ngunit ang mga iyon ay dapat niyang ayusin o modipikahin ayon sa kanyang pangangailangan bilang
guro.
PAGTALAKAY (Kabanata 2: Ang Wika)
Binabakas din ng mga antropologo ang kasaysayan ng paglaganap ng tao sa daigdig, ang pag-
uugnayan ng mga tao na may kinalaman sa kanilang pagkakalakalan o pulitika, ang heograpiya, at iba pa
na may kaugnayan sa pagbakas ng pinagmulan ng iba’t ibang wika. Kung nasakop ng isang bansa,
halimbawa, ang isang bansa noong mga unang panahon, natural lamang na asahan na ang wika ng
nanakop ay pinairal sa sinakop. Gayundin, ang pagkakalapit o pagkakalayo ng mga bansa, ang mga dagat,
mga bundok na nakapagitan sa mga ito ay mga salik na isinaalang-alang sa pag-uuri-uri ng mga wika.
Ang pagbakas sa kasaysayan ng mga wika ay masasabing nakabalik lamang ng mga 6,000
hanggang 8,000 taon dahilan sa kawalan ng mga datos na mapananaligan. Sa katotohanan, ang pagbakas
sa ibang wika ay ni hindi nakaabot sa nakaraang 2,000 taon.
Marami nang linggwista, antropologo at pilologo ang nagsagawa ng pagkaklasipika ng iba’t ibang
wika sa daigdig. Sa kabuuan ay masasabing malaking-malaki ang pagkakahawig ng kani-kanilang
klasipikasyon bagama’t may mga bahaging sila’y nagkakaiba-iba. Ang halimbawang ito ay ayon sa
klasipikasyon ni Gleason (1961):
a. Germanic (Teutonic)
1. English-Frisian - -sinasalita sa baybayin ng Netherands at Alemanya
English – pinakamalaganap sa kasalukuyan;
Frisian ng mga pulong malapit at sakop ng Netherlands at Alemanya (Frisian
Islands)
2. Dutch-German
Dutch ng Netherlands
German ng Alemanya
Flemish ng Belgium
(Ang Afrikaans, isa sa dalawang wikang opisyal ng Unyon ng Hilang Africa, ay
buhay sa Dutch; ang Yiddish na gumagamit ng alpabetong Ebreo ay buhat sa
Aleman)
3. Scandinavian
Danish ng Denmark
Swedish ng Sweden at Finland
Riksmal at Landsmal ng Norway
Icelandic ng Iceland
Anglo-Saxon ng Britanya
b. Celtic
1. Breton ng Timog-Kanlurang Pransya
2. Welsh ng Wales
3. Irish ng Ireland
4. Sctos Gaelic ng Scotland
c. Romance
1. Portuges ng Portugal at Brazil
2. Espanyol ng Espanya, latin Amerika, at Brazil
3. Pranses ng Pransya at mga bansang sakop; isa sa mga opisyal na wika ng Belhika,
Belgian Congo, Switzerland, at Canada.
4. Italyano ng Italya
5. Rumanian ng Rumania
6. Sardinian
7. Rhato-Romanic
a. Romansch – isa sa pat na opisyal na wika ng Switzerland (ang iba –
Aleman, Pranses at Italyano)
8. Haitian Creole
9. Catalan at Galician ng Espanya
10. Latin (Oscan, Umbrian, Venetic) – sinasabing kauri ng mga pinakaugat na wika ng
mga wikang Romance.
e. Baltic
1. Lithuanian ng Lithuania
2. Latvian ng Latvia
f. Alabanian
g. Armenian – sinasalita sa kahilagaang Caucasus at sa ilang lugar sa Near East.
h. Griyego ng Greece
i. Iranian (Kurdish sa kanlurang Turkiya; Persyano sa mga Muslim ng India at Pakistan;
Pashto o Afghan sa bahagi ng Afghanistan at paligid-ligid ng Pakistan; Balochi sa ibang
bahagi ng Pakistan
j. Indic – mga wika sag awing timog ng India at Pakistan
1. Hindi ng Republika ng India
2. Urdu ng Pakistan
3. Bengali ng Benga;
4. Nepali ng Nepal
5. Sinhalese ng Ceylon
6. Sanskrito – ginagamit pa ring wikang pampanitikan at panrelihiyon sa India
II. Finno-Ugrian
a. Finnish ng Finland
b. Estonian ng Estonia
c. Hungarian ng Hungary
d. Lappish, Mordvin, Cheremiss – mga wikang kaangkan ng kumalat sag awing timog ng
Europa at Asya.
III. Altaic
a. Semitic
1. Ebreo ng Israel – wikang ginamit sa Matandang Tipan.
2. Arabiko ng Arabia
3. Maltese ng Malta
4. Assyrian ng Asyria
5. Aramaic – sa wikang ito nasulat ang unang Bibliya; wikang ginamit ni Hesukristo
at ng kanyang mga disipulo
6. Phoenician (kahawig na kahawig ng matandang Ebreo, wika noon ng mga
komersyo sa Meditteranean at pinagmulan n gating matandang alpabeto)
b. Hamitic
1. Egyptian
2. Berber ng Timog Africa at ng Sahara
3. Cushitic ng Silangang Africa
4. Chad ng Nigeria
c. Mande ng Kanlurang Africa
d. Kwan g Gitnang Africa
e. Sudanic ng Sudan
f. Bantu (Swahili, Congo, Luba, Ngala, Shona, Nyanja, Ganda, Kafir, atbp.) ng Niger-Congo
VI. Korean
VII. Japanese
a. Niponggo
b. Ryuku ng Ryukyu Islands sa kanlurang Pasipiko
a. Indonesian ng East Indies; Tagalog; Bisayan, Ilocano, Pampango, Samar-Leyte, Bicol, atbp.
ng Pilipinas; Chamerro ng Guam.
b. Malay ng Sumatra, Malaya, Borneo; Batak ng Sumatra; Balinese ng Bali; Dayak ng Borneo,
Makassar ng Celebes.
c. Micronesian
d. Polynesian (Hawaiian, Tahitian, Samoan, Maori)
e. Melanesian (Fijian ng Fiji)
a. Telugu
b. Tamil
c. Kannarese ng Kanara
d. Malayalam ng hilagang-kanlurang India
XII. Australian
XIII. Austro-Asiatic (Hilagang-Silangang Asya)
Hindi nagkakaisa ang mga palaaral at mananaliksik tungkol sa pinagmulan ng iba’t ibang wika sa
kapuluan. Ngunit waring marami ang naniniwala sa teoryang ang mga rehiyong nasa baybay-ilog ng
kanlurang Tsina at hanggang Tibet ang orihinal na pinagmulan ng kulturang Indonesyo. Sa paglakad ng
panahon, ang paglikas ng mga tao ay nahati – isang pangkat ay lumikas na pakanluran patungong Indya,
Indo-Tsina at Indonesya. Ang pangkat na lumikas sa Indonesya ang siyang nakaabot sa Pilipinas. Formosa,
at sa iba pang kapuluan sa Pasipiko. Dahil dito ay kapani-paniwalang iisa lamang ang pinagmulan ng iba’t
ibang Sistema ng pagsulat na ginagamit noon sa kapuluan, katibayang iisa lamang ang pinagmulan ng mga
ito.
Sinasabing ang unang Sistema ng pagsulat na ito ng mga Filipino ay buhay sa Alifbata ng Arabia
(naging Alibata sa katagalan), na nakaabot sa Pilipinas daang India, Java, Sumatra, Borneo, at Malaya. Ang
ganitong palagay ay mapananaligan sapagkat ang Behasa melayu na pinaniniwalaang nagmula rin sa
Alifbata ay naging lingua franca sa Timog-Silangang Asya sa pagitan ng A. D. 700 at A. D. 1500. Ipinalalagay
na pumasok ng Alifbata sa Pilipinas nang maintindig ang emperyo ng Madjapahit sa Java saagkat noon
mabilis na lumaganap ang impluwensya ng malay sa pulo-pulo mula Java hanggang sa Pilipinas.
Nabanggit sa nakaraang yunit na hindi kukulangin sa 5,000 ang lahat ng wikang sinasalita sa buong
daigdig – 5,000 iba’t ibang wika. Ngunit nagkakaiba-iba man ang mga wikang ito, lahat naman ay
masasabing may pagkakatulad sa dahilang lahat ay binibigkas at lahat ay binubuo ng mga tunog. Subalit
sinasabing walang tunog na unibersal. Ang ibig sabihin, ang (t), halimbawa, sa lahat ng wikang mayroon
nito, ay tiyak na may pagkakaiba, kung susuriing mabuti, sa uri o sa paraan ng pagbigkas. Bukod dito, ang
bawat wika ay may kani-kanyang set at balangkas ng mga tunog.
Ang wika ay napakahalaga sa buhay ng tao. Wika ang kanyang ginagamit sa pagdukal ng
karungungan, sa kanyang pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa. Sa wika ipinahahayag ng tao ang kanyang
tuwa, lungkot, takot, galit, pag-ibig – ang halos lahat-lahat na sa kanyang buhay.
Dahil sa kahalagahan ng wika sa buhay ng tao, hindi kalabisan kung ito man ay pag-ukulan ng
panahon at masusing pag-aaral ng mga taong nagkapadaluhasa rito. Dalubwika o linggwista ang tawag sa
taong dalubhasa sa wika. Ang agham naman ng wika ay tinatawag na agham-wika o linggwistika. Hindi na
kailangang matutuhan pa ng isang dalubwika ang wikang kanyang sinusuri. At hindi rin kailangang
maraming sinasalitang wika ang isang tao upang siya’y matawag na dalubwika. Tinatawag siyang
dalubwika sapagkat nag-aangkin siya ng mga di-karaniwang kaalaman at kakayahan hindi sa pagsasalita
kundi sa pagsusuri ng wika. Tulad lamang siya ng isang mangagamot na hindi na kailangang magkasakit ng
tulad ng taong kanyang ginagamot o sinusuri.
Gaya ng natalakay na sa paunang salita na ang isang taong maraming nalalamang wika ay
tinatawag na polyglot. Ang polyglot, kung hindi nagpakadalubahasa sa wika, ay hindi tinatawag na
dalubwika o linggwista.
Kung nag linggwistika ay isang sangay ng agham, natural lamang na ang mga taong dalubhasa sa
larangang ito ay kilalaning mga siyentipiko. Inoobserbahan nila ang wika, pagkatapos ay kinaklasipika at
gumawa ng mga alintuntuning bunga ng kanilang isinasagawang pagsusuri. May mga dalubwikang isa-
isang sinusuri ang mga wika; ang iba naman ay dalubhasa sa mga pangkalahatang kaalaman tungkol sa
wika.
Sinasabi natin sa dakong una na bawat wika ay may kani-kanyang set at Sistema ng mga tunog.
Ang set ng mga tunog ng isang wikz at kung papaanong pinagsama-sama ang nasabing set ng mga tunog
ang tinatawag na palatunugan. Pinag-aaralan ng dalubwika ang palatunugan ng isang wika, bukod sa
Sistema ng pagbubuo ng mga salita at balangkas ng mga pangungusap nito.
Dapat linawin dito, kung sabagay, na ang alinmang tunog ng isang wika, kung nag-iisa ay walang
kahulugan. Nagkakaroon lamang ito ng katuturan kung napapasama sa ibang tunog ng wika upang bumuo
ng salita. Ang isang salita ay balangkas ng mga tunog. May balangkas ng mga tunog na matatagpuan sa
isang wika ngunit hindi matatagpuan sa iba. Ang balangkas na “kpl” ay wala sa Filipino, gayundin sa Ingles.
Ngunit sa Ingles ay may “spl” na wala sa Filipino. Gayundin, may mga salita naman sa Filipino na
nagsisimulaa sa /ng/ ngunit sa Ingles ay wala.
Higit na tungkulin pa ng isang nag-aaral pa magsalita ang pumili ng mga tunog na kanyang
gagamitin sapagkat ang mga tunog na kailangan niya sa pagsasabi ng diwang ibig niyang ipabatid sa
kanyang kapwa ay pinili at isinaayos na para sa kanya ng mga katutubong gumagamit ng nasabing wika.
Maibibigay na halimbawa rito ang isang kasisilang na sanggol. Sa kanyang pagsilang ay wala pa siyang
nalalamang wikang magagamit niya sa pagsasabi ng anumang kanyang ibig sabihin. Kung siya’y
nagugutom o nasasaktan, ipnahahayag niya ito sa pamamagitan lamang ng pag-iyak. Subalit sa patuloy
niyang pagkahahantas sa mga taong may isang wikang ginagamit ay isa-isa niyang natutuhan ang iba’t
ibang tunog ng nasabing wika sa pamamagitan ng paulit-ulit na pakikinig at pagbigkas. Sa ayaw at sa gusto
ng bata ay napipilitan siyang mag-aral magsalita sapagkat kailangan niya ang isang wikang tulad ng wikang
ginagamit ng mga tao sa kanyang paligid.
Ang alinmang wika, samaktwid, ay binubuo ng natatanging balangkas ng sinasalitang mga tunog
na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipag-ugnayan ng mga taong gumagamit
nito.
Bawat pangkat ng mga taong nainirahan sa isang bansa, bayan, pook o pamayanan ay may sariling
kultura. Ang kultura, sa payak na kahulugan, ay ang karunungan, sining, literatura, paniniwala at kaugalian
ng isang pangkat ng mga taong nananahanan sa isang pamayanan. Ang bawat pangkat ng mga taong may
sariling kultura ay lumilinang ng isang wikang nagkop sa kanilang pangangailangan. Sa wikang ito
nasasalamin ang mga mithiin at lunggatiin, pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya,
kaalaman, at karunungan, moralidad, paniniwala at kaugalian ng mga mamamayan.
Ang kultura at wka, samaktwid, ng isang pamayanan ay dalawang bagay na hindi maaaring
paghiwalayin. Alalaong baga, masasabing may wika sapagkat may kultura, sapagkat kung walang kultura
ay saan gagamitin ang wika?
Anupa’t ang bawat wika ay angkop na angkop sa kulturang kinabubuhulan nito. Magagamit din
ang isang wikang hindi katutubo sa isang pamayanan ngunit ito’y hindi magiging kasimbisa ng wikang likas
sa nasabing pook. Sa katotohanan, ang ganitong pangyayari ay mailimit maganap sa mga bansang
nasasakop ng ibang bansa. Natural lamang na pairalin ng mananakop ang kanyang sariling wika sa mga
nasasakupan. Isang halimbawa ay ang bansang Pilipinas, ang bansang ito ay kung ilang daantaong sinakop
ng mga Kastila. Sa panahong iyon ay pinilit ng mga Kastilang pairalin ang kanilang wika upang gamitin ng
mga “indios” na may ibang kultura. Nakapasok din, kung sabagay, sa ating bansa ang ilang kultura ng mga
Kastila, kaalinsabay ng kanilang pagpapairal ng kanilang wika at relihiyon. Subalit hindi sapat ang gayon
upang mabisang maipahayag ng mga Pilipino sa wikang Kastila ang kanilang kaisipan, maliban sa ilan-ilang
nakapag-aral sa Europa.
Nang masakop naman ng Amerika ang Pilipinas ay ang wikang Ingles naman ang pinairal ng mga
mananakop na mga Amerikano. At hanggang sa kasalukuyan, kahit tayo’y Malaya na, ay nananatili pa rin
ang wikang Ingles sa ating bansa sapagkat nagagamit ito ng mga Pilipinong tulay sa pakikipag-ugnayang
panlabas at sa pagdukal ng karunungan.
Sapagkat ang edukasyon ng mga Pilipino ay sa pamamagitan ng wikang Ingles natatamo, hindi kataka-aka
kung Ingles na rin ang maging wika ng batas, ng pamahalaan, ng komersyo at industriya.
Ang mga Pilipino ay may kulturang kaiba sa kultura ng mga Amerikano. Sa ating sariling kultura ay
nakatanim at kusang nag-uusbong ang isang wikang likas sa atin. Ang wikang Ingles, bagama’t di-
maikakaila ng sinumang nakauunawang Pilipino, na sa kasalukuyan ay tinatangkilik ng nakatataas na
bahagi ng lipunan, ay isang wikang sapagkat hango sa ibang kultura ay hindi magiging higit na mabisang
kasangkapan ng masang Pilipino sa kanilang pakikipag-ugnayang lokal.
Sa liwanag ng mga talakay na ito ay masasabi nating walang wikang wikang superior sa ibang wika.
Sa mga Amerikano ay pinakamabisa ang Ingles para sa kanilang kultura, gayundin ang Niponggo sa mga
Hapon, ang Mandarin sa mga Intsik at ang Filipino sa mga Pilipino. Ang alinmang wika ay may
kinaangkupang partikular na kultura.
Kung ang wikang Ingles ay itinuturing ng ibang Pilipino na higt na mabisang kasangkapan sa
pagpapahayag ng kanilang kaisipan, ang gayo’y nangangahulugan lamang na kultura nan g Amerika ang
kanilang higit na pinaniniwalaan bunga ng oryentasyong kanluranin na kumundisyon sa kanilang isip mula
sa pagkabata sa pamamagitan ng paggamit ng Ingles bilang wikang panturo sa mga paaralan. ang ganitong
mentalidad, kung sabagay, ay natural lamang na mangyari sa isang lahing matagal na panahong sinakop
at naimpluwensyahan ng ibang lahing may ibang kultura.
Kung muli nating bibigyang kahulugan ang wika, samaktwid, ito’y isang natatanging balangkas ng
pinili at isinaayos na set ng mga sinasalitang tunog sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipag-
ugnayan ng mga taong kapangkat sa isang kultura.