Canonizado Linggwistikang Deskriptibo Work From Home

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 57

Republic of the Philippines

State Universities and Colleges


GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

Filipino 302 – Linggwistikang Deskriptibo


(Work From Home Learning Requirement)

Pangalan: Mary Jane G. Canonizado Petsa: Hulyo 29, 2020

A. Ang Linggwistika at Wika


1. Kahulugan ng Linggwistika

(Applied Linguistics)

Ang applied linguistics ay yaong uri ng linggwistikang maaaring


pakinabangan ng mga guro sa pagtuturo.

Sa payak na kahulugan, ang linggwistika ay ang maagham na paraan ng


pag-aaral ng wika.
Linggwista - ang isang taong nagsasagawa ng maagham na paraan ng
pag-aaral ng wika.
- Hindi nanganganhulugang maraming alam na wika.
- Maaaring matawag na linggwista ang isang tao kahit isa, dalawa, o
tatlong wika lamang ang kanyang alam.
Polyglot – ay isang taong maalam o nakapagsasalita ng iba’t ibang wika,
ngunit iyon ay hindi nangangahulugang siya’y isa nang linggwista.

Mga katawagan:

Linggwista o dalubwika – tumukoy sa taong maalam sa


makaagham na paraan sa pagtuturo ng wika.
Linggwistika o agham wika - tumutukoy sa makaagham na paraan ng
pagtuturo ng wika.

Anawnser at Linggwista

Anawnser – mahuay magsalita o gumamit ng wika ngunit hindi


nangangahulugang siya’y isa nang linggwista.

Linggwista – mahusay magsagawa ng maagham na pagsusuri sa mga


wika, ngunit hindi dapat asahang katulad siya ng isang anawnser na
mahusay magsalita.

Nasusuri ng isang linggwista ang isang wika kahit hindi siya


marunong magsalita nito sa pamamgitan lamang ng
paggamit ng impormante.

Ang makaagham na paraan sa pagtuklas ng impormasyon at kaalaman sa


wika ay nagdaraan sa limang proseso:
1. Ang proseso ng pagmamasid
- pagtitipong obhektibo (may sapat na pagbabasehan), walang kinikilingang
mga datos, at obserbasyong hindi nakukulayan ng emosyon
- pinakasanligan ng lahat ng maagham na pagsusuri

Paano ba ang pagmamasid sa wika? Ito’y maaaring tungkol sa:

a. Mga katangian ng wika mismo

halimbawa: tungkol sa mga tunog,


- paraan ng pagsasama-sama ng mga tunog upang bumuo ng pantig,
- paraan ng pagsama-sama ng mga pantig upang bumuo ng salita
- paraan ng pagsama-sama ng salita upang bumuo ng pangungusap,
- mga pagbabagu-bago ng tunog o mga tunog dahil sa implwensya ng
kaligiran.
b. Maari ring ang pagmamasid ay tungkol naman sa nagiging epekto ng wika
sa tao
Halimbawa:
- Sa ating mga gawi at paniniwala-. Kung ang ating pagbibigay-kahulugan sa
mga bagay-bagay at pangyayari sa ating paligid ay masasalamin sa
wika.
2 . Ang proseso ng pagtatanong

- Ang paglalahad ng suliranin o ng tanong ay maaaring kasabay, kasunod, o


una sa proseso ng pagmamasid.

- May mga katanungang iniiwasang ibigay at talakayin ng mga linggwista


sapagkat ang mga datos na kailangan ay hindi nila matatamo sa
kasalukuyan sa abot ng kanilang kaalaman at kakayahan.

- Ang tinatangka lamang itanong ng isang linggwista ay ang mga tanong na


masasagot niya sa pamamagitan ng makaagham na paraan.

- sa paglalahad ng mga tanong, pinipilit niyang gumamit ng mga


katawagan o terminolohiyang may tiyak at malinaw na kahulugan upang
siya’y maunawaan ng mga taong iniisip niyang makinabang sa resulta ng
kanyang pag-aaral.

3. Ang proseso ng pagklasipika

- Laging tinatangka ng isang linggwista na maisaayos ang bunga ng kanyang


pananaliksik o pagsusuri sa isang sistematikong paraan.

4. Ang proseso ng paglalahat

- Pagbubuo ng mga hipotesis, ng mga teorya at prinsipyo, ng mga tuntunin


o batas.

5. Ang proseso ng pagberipika at pagrebisa


- Ang anumang paglalahat, hipotesis, teorya at prinsipyo mga tuntunin o
mga ‘batas’ na nabuo ng isang linggwista ay kailangang patuloy na
mapailalim sa pagsubok upang ma –modipika o marebisa kung
kailangan.
- Maituturing na isang maagham na gawi ng isang linggwista ang magbago
ng paniniwala kung kailangan kaysa patuloy na ipakipaglaban ang
kanyang nabuong paglalahat.
- Alam ng isang linggwista na maaaring mabago o mamodipika ang isang
paglalahat dahil sa mga bagong datos na naparagdag sa dating
kalipunan ng mga datos.-
-Alam ng linggwista, na ang wika ay patuloy na nagbabago, kaya’t ang isang
paglalahat na wasto sa isang ay maaaring mangangailangan ng
pagbabago sa ibang panahon.

2. Kahalagahan ng Linggwistika sa Guro ng wika

Paghahambing:
- doktor ng medisina at albularyo
- linggwista at guro ng wika
o Ano ang pagkakatulad ng doktor ng medisina at linggwista?
o Ano naman ang pagkakatulad ng albularyo at guro ng wika?
Pakinabang ng linggwistika sa gurong nagpakadalubhasa nito:
1. Pagtulong sa pagsulat ng mga balarila at ang kakayahang magpasok ng
kailangang mga pagbabago sa mga aklat
pambalarila.

2. Makatulong sa lahat halos ng mga gawain tungkol sa wika:

- sa pagplano ng mga palatuntunan at patakaran


tungkol sa wikang panturo
- sa mga eksperimento at pananaliksik pangwika
- sa pagtuturo ng pagbasa, sa paggawa ng mga pagsusulit pangwika,
atbp.

3. Ang Linggwistika sa Paglinang sa Wikang Filipino

1. Sa pagplano at paggawa ng mga patakarang pangwika

- kung papaanong mapangalagaan ang mga wika ng pook na kinatataniman


ng tunay na kulturang Pilipino

- kung papaanong mapauunlad ang wikang Pilipino bilang isa sa mga tatak
at kasangkapan natin sa pag-uugnayan bilang isang malayang lahi
- kung papaanong mapananatili ang wikang Ingles bilang wikang tulay natin
sa pagdukal ng karunungan at pakikipag-ugnayang pandaigdig.

- kung papaanong gagamitin ang wikang ito sa paaralan ay alam nating


malaki ang naitutulong ng mga pangunahing linggwista sa bansa

Halimbawa:

- Ang pinakahuling patakarang pangwika sa paggamit ng mother tongue


sa unang tatlong taon sa elementarya ay bunga ng pananaliksik at pag-
iisip ng mga kinikilalang eksperto sa linggwistika at pagplano ng wika.

2. Sa paghahanda ng mga kagamitang panturo

Nang pairalin ang K-12 kurikulum sa ating sistema ng edukasyon ay lumitaw


ang gabundok na suliranin. Isa na rito ang kakulangan ng mga aklat at
kagamitang panturo sa mga asignaturang ituturo.

Dito pumasok ang papel ng ginagampanan ng linggwistika sa


pagpapaunlad ng Filipino sa pamamagitan ng paghahanda ng mga
kagamitang panturo sa Filipino.

3. Ang pagkakaroon ng guro ng kaalaman at malawak na pananaw sa


kalikasan ng wika.

- kapag malawak ang pananaw ng isang guro ng wika, kung lahat ng


salik ay patas, magiging higit siyang mabuting guro kaysa iba na walang
gayong uri ng pananaw.

- Nagkakaroon ng lalim o “depth” ang pagtuturo ng isang guro kapag


may malalim siyang pagkakaunawa sa kalikasan at kakayahan ng wika.

Ang kaalaman sa linggwistika ay nakatutulong sa guro sa:

- pagtukoy sa mga layunin sa pagkatuto

- pag-alam sa mga paraan o pamaraan ng pagtuturo


- sa pagtaya ng kaangkupan ng isang pagbabago sa pagtuturo ng
wika, atbp.

Ang kawalan ng pundasyon ng guro sa linggwistika ay pikit-mata niyang


tinatanggap ang anumang pagbabagong dala o uwi sa Pilipinas ng mga
iskolar at edukador buhat sa isang bansa.

Kung ang guro ay may mayamang kaalaman sa wika, mauunawaan niyang


hindi ngayo’t ang isang teknik sa pagtuturo ng wika sa ibang bansa ay
naging matagumpay, ang nasabing teknik ay magiging angkop ding
gamitin sa pagtuturo ng Filipino.

Isang Analohiya:

- Isang taong marunong magmaneho at marunong magmekaniko … at


isang taong pagmamaneho lamang ang alam.

- Isang guro may nalalaman sa linggwistika at

mga teknik sa pagtuturo … at gurong mga teknik lamang ang alam.

D. Paglalagom

Sa kabuuan, ang linggwistika bilang isang agham, ay naglalayong malinang


ang mga paraan sa mabisang paglalarawan sa wika.

Hindi nilalayon ng linggwistika na tumuklas ng mabibisang paraan o hakbang


sa pagtuturo ng wika

Ayon kay dating Direktor Penida, ng Komisyon ng Wikang Filipino sa


kanyang artikulong ‘Agham wika sa Pilipino’:

Magkaiba ang mga layunin ng guro sa wika at ng linggwista. Subalit sila’y


may gantihang pakinabang… ang teknika at pamamaraan ng linggwistika
ay makatutulong sa pagpapaunlad ss gawain ng guro ng wika…hindi siya
maaring magbikit-balikat sa hitik ng bunga ng linggwistika – ang
maagham na pag-aaral ng wika.

Karagdagang Kaalaman
(Kaugnayan ng Linggwistika sa iba pang larangan ng Pag-aaral)
Ang linggwitika ay maagham ng pag-aaral ng wika. Kaugnay sa iba pang
sangay ng karunungan at siyentipikong pag-aaral, ang kahulugan nito ay
sangkot sa asignaturang may kinalaman sa ibang disiplina at agham.

1. Linggwistika a + edukasyon o

pagtuturo

= applied linguistics

2. Linggwistika + deskripsyong

panggramatika o sintaks at sematika

= descritive linguistics

3. Linggwistika + wika at kultura

= sociolinguistics

4. Linggwistika at Sikolohika

= psycholinguistics

5. Linggwistika+ kasaysayan o ebolusyon ng wika

= historical linguistics

6. Linggwistika +paghahambing ng wika o pagkakaiba sa mga wika

= comparative linguistics

4. Simu-simula ng Wika

- Naniniwala ang mga antropologo, na ang kauna – unahang wikang


ginagamit ng mga tao sa daigdig ay wika katulad ng hayop. At sa
pamamagitan nito, ay nakalinang ang tao ng kultura at wika na sa
kasalukuyan ay masasabing ibang – iba sa kultura ng kanyang kanunu-
nunuan. Lahat halos ng wika sa kasalukuyan ay mayroon nang
pagbabago at lahat ay maituturing na may kasapatan upang magamit ng
tao sa pagpapahayag ng anumang nararamdaman.
- Kung artifacts ng mga unang tao ang ating pagbabatayan, masasabing ang
pagkakaroon ng wika ng tao, sa tunay na kahulugan ng wika ---------- ay
mayroon nang humigit – kumulang sa isang milyong taon na ang
nakalilipas. Sa mga panahong ito, katulad ng kultura ay napakasimpleng
nagsimula o umusbong ang wika.

Artifacts

- The Black Obelisk of Shalmaneser III was made in c. 827 BC in ancient


Assyria. It is about six and a half feet in height and is made of fine
grained black limestone

- This inscribed basalt stone contains an ancient reference to the Biblical


King David. Being roughly a foot tall, it was written in Aramaic in the mid
9th century BC and is known as the Tel Dan Stela. The text actually
refers to the "House of David," meaning his royal family. Found during
excavations in the ancient city of Dan in 1993/94, it is now located in the
Israel Museum.

- Ayon sa mga palaaral, ang dalawang wikang maypagkakatulad o


pagkakahawig sa nabanggit na mga lawak ay palatandaan na ang mga
wikang ito ay magkaangkan. Binabakas din ng mga antropologo ang
kasaysayan ng paglaganap ng mga tao sa daigdig, ang pag-uugnayan ng
mga tao na may kinalaman sa kanilangpakikipagkalakalan o pulitika, ang
heograpiya at iba pa na may kaugnayan sa pagbakas ng

pinagmulan iba’t ibang wika.

- Kung Bibliya (cf. THE WAY) naman ang pagbabatayan tungkol sa kung
paano lumaagaanap ang wika, sa

Genesis 11: 1 – 9 :

“Pagkatapos ng delubyo o malaking baha, ang mga angkang nagmula kay


Noah ay dumami nang dumami at lumaganap ang pagawing silangan.”
“Noong panahong iyon ay iisang wika lamang ang sinasalita ng lahat ng
tao.” “Sa patuloy na paghahanap ng mga tao ng mabuting pook na
mapaninirahan ay natuklasan nila ang lupain ng Babilonya.” “Doon sila
nagsimulang magtatag ng isang lungsod.” “Nagsimula rin silang magtayo
ng isang napakataas na templong – tore na halos umabot sa langit, isang
napakataas na templong – tore na halos umabot sa langit, wika nga.”
Ang nasabing templong-toreay isang bantayog na sumasagisag saa
kanilang palalo at waalaang hanggang paghahangad

“Nang bumaba sa kalupaan ang Diyos ay nakita Niya ang templong-toreng


itinatayo ng maraming tao.” “Iniisip Niya na kung patuloy na
magkakaaroon ng isang wika ang mga tao, sila ay mananatiling
nagkakaisa aat maaaring dumating ang panahon na wala nang maging
katapusan ang kanilang paghahangad.” “Ang nasabing tore ay
paalatandaan ng palalong paghahangad ng mga tao na mapalapit at
malampasan ang kapangyarihan ng Diyos.”

“Kaya’t ang ginawa Niya ay Binigyan Niya ang mga tao ng iba’t ibang wika
upang sila’y hindi magkaunawaan at magkawatak-watak sa iba’t ibang
kapuluan sa Daigdig.” “Ang lungsod at templong-tore na kanilang
itinatayo ay nakilala sa tawag na Lungsod ng Babel at Tore ng Babel na
ang ibig sabihin ay City of Confusion.

Iilan sa mga aklat ay naglalaman ng iba’t ibang mga teoryang na kung saan
tumatalakay sa pinagmulan ng wika.

May mga pagkakataon na ang ilan ay nagsagawa pa ng iba pang


eksperimento.

“Diumano, si Psammitichus, hari ng Ehipto noong unang panahon, ay


nagpakuha ng dalawang sanggol at pinaalagaan ang mga ito sa isang
pook na walang maririnig na usapan ng mga tao upang alamin kung
anong wika ang kanilang matutuhan.”
“Ang unang nabigkas ng dalawang bata aay ang salitang bekos, isang salita
sa wikang Phrygean (isa na ngayong pataay na matandang wikang Indo-
Europeo) na ang ibig sabihin ay bread.”

“Dahil doon nagbigay ng konklusyon si Haring Psammitichus na ang


dalawang bata, kahit walang naririnig na wikang Phrygean.”

“Nagbigay rin ng konklusyon ang hari na ang wikang Phrygean ang mas una
at mas matanda sa wikang Egyptian.”

“Katulad ng ibang teorya at paniniwala, napakahirap paniwalaan ang naging


mga konklusyon ng nasabing hari sa kanyang eksperimento.”

5.. Ang Wika at ang Dalubwika

- mayroong 5000 wika ang sinasalita sa buong daigdig

- nagkakaiba-iba man ang mga wikang ito, lahat naman ay masasabing


may pagkakatulad sa kadahilanang lahat ay binibigkas at lahat ay
binubuo ng mga tunog

Ang wika ay napakahalaga sa buhay ng tao. Wika ang kanyang ginagamit sa


pagdukal ng karunungan, sa kanyang pakikipag-ugnayan sa kanyang
kapwa.

Sa wika ipinahahayag ng tao ang kanyang tuwa, lungkot, takot, galit, pag-
ibig- ang halot lahat -lahat na sa kanyang buhay.

Dalubwika o Linggwista - tawag sa taong dalubhasa sa wika

Agham-wika o Linggwistika - tawag sa maka-agham na wika

- hindi na kailangang matutunan pa ng isang dalubwika ang wikang kanyang


susuriin

- at hindi rin kailangang maraming sinasalitang wika ang isang tao upang
siya'y matawag na dalubwika

Bakit siya tinatawag na isang dalubwika???


Sapagkat nag-aangkin siya ng mga di-karaniwang kaalaman at kakayahan
hindi sa pagsasalita kundi sa pagsusuri ng wika

Tulad lamang siya ng isang manggagamot na hindi na kailangang


magkasakit ng tulad ng sakit ng taong kanyang ginagamot o sinusuri

Gawain ng isang dalubwika

- inoobserbahan nila ang wika

- kinaklasipika at gumagawa ng mga alituntuning bunga ng kanilang


isinagawang pagsusuri

May mga dalubwikang isa-isang sinusuri ang mga wika; ang iba naman ay
dalubhasa sa mga pangkalahatang kaalaman tungkol sa wika.

Palatunugan - tawag sa set ng mga tunog ng isang wika at kung


papaanong pinagsama-sama ang nasabing set ng mga tunog

-bukod sa sistema ng pagkakabuo ng mga salita at balangkas ng mga


pangungusap, pinag-aaralan din ng mga dalubwika ang Palatunugan ng
isang wika.

6.Ang Wika at ang Kultura

Kultura- ay ang karunungan, sining, literatura, paniniwala, at kaugalian ng


isang pangkat ng mga taong nananahanan sa isang pamayanan.

Ang bawat pangkat ng mga taong may sariling kultura ay lumilinang ng


isang wikang angkop sa kanilang pangangailangan.

Sa wikang ito masasalamin ang mga mithiin at lunggatiin, pangarap,


damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan,
moralidad, paniniwala at kaugalian ng mga mamamayan.

Ang kultura at wika, ng isang pamayanan ay dalawang bagay na hindi


maaaring paghiwalayin.
Alalaong baga, masasabing may wika sapagkat may kultura, sapagkat kung
walang kultura ay saan gagamitin ang wika?

Anumang wika ay angkop na angkop sa kulturang kinabubuhulan nito. Ang


isang wikang hindi katutubo sa isang pamayanan ay magagamit din
ngunit ito'y hindi magiging kasimbisa ng wikang likas sa nasabing pook.

Ang bansang Pilipinas ay sinakop ng mga Kastila, pinilit ng mga kastila na


pairalin ang kanilang sariling wika upang siyang gamitin ng mga “Indios”
na may ibang kultura.

Subalit hindi iyon sapat upang mabisang maipahayag ng mga Pilipino sa


wikang Kastila ang kanilang kaisipan, maliban sa ilan-ilang nakapag-aral
sa Europa.

Pagsakop ng Amerika sa Pilipinas ay ang wikang Ingles naman ang pinairal


ng mga mananakop na mga Amerikano.

Hanggang ngayon kahit tayo'y malaya ay nananatili pa rin ang wikang Ingles
sa ating bansa sapagkat nagagamit ito ng mga Pilipinong tulay sa
pakikipag-ugnayang panlabas at sa pagdukal ng karunungan.

Sapagkat ang Edukasyon ng mga PIlipino ay sa pamamagitan ng Wikang


Ingles natatamo, hindi kataka-taka kung Ingles na rin ang maging wika
ng batas, ng pamahalaan, ng komersyo at industriya.

Ang mga Pilipino ay may kulturang kaiba sa kultura ng mga Amerikano. Sa


ating sariling kultura ay nakatanim at kusang nag-uusbong ang isang
wikang likas na atin.

Ang Wikang Ingles, bagama't di-maikakaila ng sinumang naka-uunawang


Pilipino, na sa kasalukuyan ay tinatangkilik ng nakatataas na bahagi ng
lipunan, ay isang wikang sapagkat hango sa ibang kultura ay hindi
magiging higit na mabisang kasangkapan ng masang Pilipino sa kanilang
pakikipag-ugnayang lokal.

Walang wikang supryor sa ibang wika.


Amerikano- Ingles

Hapon- Niponggo

Intsik- Mandarin

Pilipinas- Filipino

Alinmang wika ay may kinaaangkupang partikular na kultura

Wika - ito'y isang natatanging balangkas ng pinili at isinaayos na set ng


mga salitang tunog sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipag-
ugnayan ng mga taong kapangkat sa isang kultura.

B. Kasaysayan ng Linggwistika
1. Timeline para sa:
a. Kasaysayan ng Linggwistika sa Daigdig

Mga Teologo (Theologians)

• Sa kanila nagbuhat ang mga sagot sa mga gayong katanungan.

• Sinasabing nilikha ng Diyos ang wika.

• Sinasabing ang pagkakaroon ng ibat-ibang wika sa daigdig ay parusa ng


Diyos sa pagmamalabis ng tao.

• Subalit ang mga palaaral ng unang panahon, tulad nina Plato at Socrates
ay hindi nasiyahan sa mga ganoong paliwanag ng Simbahan.

• Nagsimula silang maglimi tungkol sa wika .

• Sa kanilang mga sinulat ay mababakas ang halos walang katapusan na


pagtatalo-talo tungkol sa pinagmulan at kakanyahan ng wika.

• Mga Mambabalarilang Hindu

• Kauna-unahang pangkat na kinilala sa larangan ng lingwistika

• Nang panahong iyon naniniwala ang mga tao na wika ng Diyos ang
ginamit sa matatandang banal na himno ng Ebreo.
• Mahabang panahon na hindi nila ginalaw ang istilo ng lengwahe ng
nasabing mga himno kahit na nakaiwanan na ng panahon sa
paniniwalang paglapastangan sa gawa ng Diyos ang anumang
isasagawang pagbabago.

• Subalit nagpunyagi ang mga palaaral na Hindu.

• Sinuri nila ang matandang wika ng ginamit sa nasabing mga himno---sa


palatunugan,palabuuan, palaugnayan sa layuning makatulong sa
pagpaliwanag ng diwa halos di maunawaang mga himno.

• Ang mga pagsusuring isinagawa ng mga mambabalarilang Hindu ay


nagging simula ng mga pag-aaral sa ibang wika sa Europa.

• Mapapatunayan ito sa mga terminolohiyang teknikal na ginamit ng mga


unang mambabalarilang Hindu na hanggang sa kasalukuyan ay
ginagamit pa ng mga makabagong mambabalarila at linggwistika.

• Sa mga wikang Griyego at Latin , unang nakaanyo ang wika sa tunay na


kahulugan nito, sapagkat ang wikang ito ang dalawang magkasunod.ng
wikang unang nalinang at lumaganap nang puspusan sa Europa ng
panahong iyon.

• Mapapansin kung saan unang nalinang ang sibilisasyon ay doon din


unang nalinang ang sibilisasyon ay doon din unang nagkaanyo ang
kauna-unahang maagham na pagsusuri sa wika.

• Aristotle at ang pangkat ng mga Stoics

-Ilan lang sa mga linggwistang lagging nababanggit ng mga panahong


yaon.

- Itinuturing na siyang nagsipanguna sa larangan ng agham-wika.

• Panahon ng Kalagitnaang Siglo(Middle Ages)

• Hindi gaanong umunlad ang agham-wika sapagkat ang napagtuunang –


pansin ng mga palaaral noon ay kung papaanong mapapanatili ang
Latinbilang wika ng Simbahan.

• Panahon ng Pagbabagong Isip(Renaissance)


• Dahil sa pag-unlad ng sibilisasyon at paglaganap ng karunungan sa iba’t
ibang panig ng Daigdig mula sa Gresya at Roma, ay nagging masusi at
puspusan ang pagsusuring linggwistika sa mga wikang Griyego at Latin
dahil sa napakarami at iba’t ibang karunungang sa dalawang wikang ito
lamang matatagpuan.

• Ang pag-aaral ng wikang Griyego at Latin ay nakaimpluwensiya sa iba’t


iban wika sa Europa.

• Wikang Ebreo

- Orihinal na wikang kinasusulatan ng Matandang Tipan

- Pinaniniwalaang siyang wikang sinasalita sa paraiso kaya’t


inakalang lahat ng wika’y ditto nag-ugat, pati na ang Griyego
at Latin na siyang unang wikang kinasalinan ng nasabing
Bibliya.

• Pagsapit ng ika-19 na siglo

• Nagkaroon ng malaganap na pag-unlad ang agham-wika

• Nagkaroon ng mga pananaliksik sa pinagmulanng mga wika na


humantong sa pagpapangkat-pangkat ng mga ilto ayon sa pinagmulang
angkan.

• Ang pagsusuri sa mga wika ay hindi lamang palarawan(descriptive) kundi


sumasagot pa rin sa ba kit ng mga bagay-bagay tungkol sa wika.

• Lumitaw ang mga iba’t-ibang disiplina sa linggwistika.

• Sa panahong ito ay nakilala ang tungkungkalan sa linggwistika na labis


na nakaimpluwensiya sa larangan ng Linggwistika sa Europa.

- BOPP (Sanskrito)

- GRIMM(Aleman)

- RASK(Islandic)

• Ang mga linggwistang ito ay sinundan ng marami pang iba tulad nina:

-Rappf - Madvig
-Bredsdorff -Muller

- Schleicher -Whitney

-Curtios -At marami pang Iba

• Tinangka nilang ihambing ang mga wikang tulad ng Sanskrito, Griyego,


Latin, Italyano,Espanyol, Pranses. Atbp sa wikang Ebreo na itinuturing
ngang pinakasimula ng wika sa daigdig ng mga panahong iyon.

• Ang mga pananaliksik sa larangan ng linggwistika sa teknikal na


kahulugan nito, ay alam nating karakarakang nauunawaan ng mga hindi
linggwista.

• Muller at Whitney(1860-75)

- nagsikap na maging payak ang pagtalakay sa mga prinsipyo at simulain


at agham na ito upang mapakinabangan ng mga paaralan.

• Sa paglakad ng panahon ib a’t ibang modelo o paraan ng paglalarawan


sa wika ang lumaganap sa Daigdig.

• Lumitaw ang itinuturing na makabagong pamamaraan ngunit masasabing


mananatiling hindi nagagalaw ang makalumang pamamaraan.

• Hal. Hanggang sa ngayon ay wala pang kinikilalang pamamaraan na


maaaring higit na mabuti sa pamamaraan ni Paninisa paglalarawan ng
gramatika ng Sanskrito.

• Gayundin sa gramatika ng Ebreo na malinang noong kalagitnaang Siglo


at sa gramatika ng klasikang Arabiko at Instsik.

• Linggwitikang Historikal(Lingguistic Competence)

• Itinuturing na kauna-unahang disiplina sa linggwistika na nakalalayong


magpatotoo na ang mga wika sa daigdig ay mula sa iba’t-ibang angkan.

• Ang ganitong simulain ay pinatunayan sa pamamagitan ng pag-alam sa


mga salitang magkakaugat(cognates) sa mga wika.

• Sa payak na pakahulugan ang mga wikang katatagpuan ng sapat na


dami ng mga salitang magkakaugat, bukod sa malaking pagkahawig sa
palatunugan, palabuuuan at palaugnayan ay pinapangkat sa isang
angkan.

• Naging matagumpay ang linggwistikang historical noong 1970 kaya’t


masasabing halos napangkat lahat ng tao sa daigdig.

• Blumentritt

- Isa sanagpasimula sa pag-aaral sa angkang Malayo-Polinesyo na


pinagmulan ng iba’t-ibang wika sa Pilipinas

- Sinasabing siya ang nakaimpluwensiya kay Rizal upang


magtangka ring magsagawa ng ilang pag-aaral sa mga wika sa
Pilipinas , tulad ng tagalog.

• Sumunod kay Blumentritt ang iba pang linggwistang tulad nina:

• Otto Dempdwolf, Otto Scheereer, Frank Blake,, c. Douglas Chretien,


Carlos Conant, Harold Conklin, Isidore Dyen, Richard Howard Mc
Kaughan, at Cecilio Lopez ng Pilipinas (cf.Gonzales, et al., 1973)

• Linggwistikang Istruktural

• Sinundan nito ang Linggwistikang Historikal

• Nagbibigay-diin sa pagsusuri sa distribusyon ng mga ponema at


morpema sa isang salita o pangungusap.

• Iba’t-ibang mahahalagang pag-aaral ang isinagawa sa mga diyalekto sa


Asya, Australya at sa Amerika sa ilalim ng disiplinang ito.

• Ngunit sa pagsusuri sa balangkas ng mga pangungusap sa iba’t ibang


wika ay nangangailangan ang mga dalubwika ng mga simbolong
pamponetika at pamponemika upang kumatawan sa iba’t ibang tunog.

• Taong 1870 lumitaw ang IPA International Phoenetic Alphabet na


gumagamit ng hindi kukulangin 400 na simbolo.

• Ang ganyang dami ng simbolo ay nagging suliranin hindi lamang sa mga


dalubwika kundi gayundin sa bumabasa ng bunga ng kanilang
pananaliksik.
• Nagsimulang umisip ang bmga dalubwika kung paano nila magagawang
payak ang kanilang isinasagawang paglalarawan sa mga wikang
kanilang sinusuri.

• Ponema

• Hindi nagtagal ay lunitaw ang ponema(phonemes) na nagging palasak


na palasak hanggang sa kasalukuyan.

• Sa pamamagitan ng ponema ay nagging payak ang paglalarawan sa


palatunugan ngb isang wika sapagkat kakaunting simbolo na lamang
ang ginagamit.

• Sa IPA ay binibigyan ng katumbas na simbolo pati mga alopono ng isang


ponema kaya’t lubhang napakarami ng ginagamit na mga simbolo.

• Ang ponema ay tinutukoy na panulakang bato ng linggwistikang


istruktural.

• Gumagamit din ng katawagan ang mga istrukruralista ng katawagang


Mopema (morpheme) sa pagsusuri sa palabuuan ng salita ng isang wika.

• Ang linggwistikang Istruktural ay nagging popular noong 1925 hanggang


1955.

• Namukod tangi sa panahong ito ang pangalang Leonard Bloomfield ng


Amerika.

• Subalit sa paglakad ng panahon ay napansin ng mga dalubwika na hindi


sapat na ilarawan lamang ang mga balangkas ng mga pangungusap.

• Inisip nilang kailangan ding alam kung bakit at kung paano nagsasalita
ang tao.

• Ang mga pantas(philosophers) mga sikologo(psychologists)


antropologo(antropologists) at maging ang mga inhinyero(engineers) ay
nangangailangan ng isang wikang inilalarawan sa pamamagitan ng isang
maagham na pamamaraan upang kanilang higit na maipahayag ang
kanilang higit na maipahayag ang kanilang karunungan sa isang mabisa
tiyak at teknikal na paraan.
• Logical Syntax

• Pinabuti at pinayaman ni Zellig Harris na hindi nagtagal at nakilala sa


tawag na transformational o generative grammar.

• Linggwistikang Sikolohikal

(Psyche-linguistics)

• Sinasabing bunga o resulta ng gramatika heneratibo upang lalong


matugunan ang pangangailangan sa larangan ng sikolohiya.

• Si Harris ang kinikilalang transitional figure mula sa istruktural tungo sa


linggwistikang heneratibo.

• Anthropological Linguistics

• Pinangungunahan nina Boas,Sapir, Wharf, Malinowski, Kroeber at Trager

• Tagmemic Model

• Nagbibigay-diin sa pagkakaugnayan ng anyo(form) at ng gamit(function)

• Ang isang anyo at gamit sa disiplinang tagmemiko ay itinuturing na isang


yunit na may sariling lugar o slot sa isang wika.

• Ang isang yunit ay may iba’t-ibang antsa.

-Antas ng ponema(phoneme level) - Antas ng morpema(morpheme


level)

-Antas ng salita(word level) - Antas ng Parirala(Phrase level)

-Antas ng Sugnay(clause level) - Antas ng pangungusap(sentence


level)

-Antas ng Talakay(discourse level)

• Phrase-Structure Transformational Model Generative Model

• Masasabing nag-ugat sa logical syntax

• Dito’y namukod tangi ang pangalan ni Chomsky


• May pagkakahawig sa linggwistikang sikolohika-ang pagtarok sa sinasabi
at di sinasabi ng nagsasalita sa kanyang sariling wika.

• Modelong Generative Semantics

• Sinundan nikto ang transformational – generative

• Kung ang una ay nagbibigay diin sa frame o anyo ang huli namn ay sa
,eaning o kahulugan.

• Dito’y nakilala ang pangalang Lakoff, Fillmore, McCawly, Chafe,atbp.

• Sa Pilipinas masasabing ang pinakapalasak na model ay istruktural pa rin.

• Bukambibig na rin ang modeloong transformational generative ni


Chomsky at ng kanyang mga kasamang tulad nina Jacobs at Rosenbaum
ngunit waring ang modelong ikto’y hindi makapasok sa larangan ng
pagtuturo ng wika sa mga paaralan.

• Ang modelong generative semantics ay nagsisimula nang pumalit sa


transformational generative gayundin ang modelong case for case ni
Fillmore.

• Panahon lamang ang makapagsasabi kung anong modelo ang sa dakong


huli ang totohanang papalit sa modelong istruktural

• Sa kasalukuyan marami pang lumilitaw na modelo sa linggwistika.

• Mathematical Lingguistics o Linggwistikang Matematikal

• Ang pinakahuli at ipinapalagay na siyang magiging pinakamalaganap at


gamitin sa mga darating na araw.

• Tinatawag din itong Computational Lingguistics

• Hindi man ito gaanong nalilinang sa ngayon, halos natitiyak na ito’y


magiging palasak sa malapit na hinaharap dahil sa pagdatal ng computer
sa lahat halos larangan ng pag-unlad.

b. Kasaysayan ng Linggwistika sa Pilipinas


Tatlong panahon sa kasaysayan ng linggwistika sa pilipinas
Ayon kay Constantino 1972 at Asuncion-Laude 1970:

TATLONG PANAHON
 Panahon ng mga Kastila
-nagsimula noong ikalabing-anim na daantaon at nagtapos noong
ikalabinsiyam na daantaon.
 Panahon ng mga Amerikano
-nagsimula noong ikalabinsiyam na daantaon at nagtapos noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
 Panahon ng Kalayaan
-nagsimula noong 1946, pagkatapos makamit ng Pilipinas ang kalayaan.

PANAHON NG MGA KASTILA

Ayon kay Scheerer (1918)


 ang pag-aaral ng wika sa Pilipinas ay isinagawa ng mga paring Heswita
at Dominikano
layunin nito na mapabilis ang paglaganap ng kristiyanismo
 Pebrero 13, 1565 dumating sa Cebu ang anim na paring Augustinian
kasama ni Adelantado Miguel Lopez de Legaspi
 ang linggwistika ay hindi pa gaanong nalilinang dahil hindi nagkaroon ng
pormal na pagsasanay sa larangan ng aghamwika.
Ayon sa pag-aaral ng mga prayle
 ang wika ay hindi sopistikado sapagkat ang linggwistika ay hindi pa
gaanong nalilinang ng mga panahong iyon.
 hindi nagkaroon ng pormal ng pagsasanay sa larangan ng aghamwika.

Nauukol sa Gramatika:
 Arte y Vocabulario de la Lengua Tagala (Pari Juan de Quiñones )
 Arte y Reglas de la Lengua Tagala (Pari Francisco Blancas de San Jose)
 Arte de la Lengua Tagala (Pari Gaspar de San Jose)
 Nueva Gramatica Tagalog (pari Juan Coria)
 Ensayo de Gramatica Hispano-Tagala (Pari Toribio Minguella
 Gramatika, diksyunaryo at katesismo sa Tagalog (Pari Juan de Plasencia)
Nauukol sa Talasalitaan:
 Vade-Mecum o Manual de la Conversacion Familiar Espanyol-Tagalog,
Seguido de un Curioso
 Vocabulario de Modismos Manileños (T.M. Abella)
 Vocabulario de la Lengua Tagala (Pari de San Buenaventura, 1613)
 Vocabulario de la Lengua Tagala (Pari Juan de Noceda at Pari Pedro de
San Lucar, 1754)
 Nuevo Diccinario Manual Español-Tagala (Rosalio Serrano)
 Diccionario de Terminos Communes Tagalo-Castellano (Pari Juan Coria,
1869)
 Diccionario Hispano-Tagalog (Pedro Serrano Laktaw, 1889.)

Iba Pang Pag-aaral:


 Memorial de la Vida Christiana en Lengua Tagala (Pari Blancas de San
Jose, 1605)
 Compedio del Arte de la Lengua Tagala (Gaspar de San Agustin, 1703)
 Arte de la Lengua Tagala y Manual Tagalog (Sebastian de Totanes, 1745)
 Sobre la Nueva Ortografia de la Lengua Tagala (Dr. Jose Rizal, 1889)
 Arte de la Lengua Tagala y Manual Tagalog (Sebastian de Totanes, 1745)
 Sobre la Nueva Ortografia de la Lengua Tagala (Dr. Jose Rizal, 1889)

Bakit napabilis ang pag-aaral sa mga wika?


 dahil sa pagkahati-hati ng kapuluan sa apat na Orden noong 1594 sa
utos ni Haring Felipe II

Ayon kay Phelan 1955:

Ang Kabisayaan - Augustinian at Jesuitas


 Intsik- Dominican
 Franciscan -pinangasiwaan sa kabikulan
 Ang Katagalugan
 naging sanhi ng panibagong pagtingin sa pag-aaral sa mga wikang
laganap sa kapuluan.
 napalitan ng mga linggwistikang sundalong amerikano ang mga paring
Kastila
 layunin nito na maihasik sa sambayanang Pilipino ang ideolohiyang
demokratiko
 hindi lumawig ang pagsusuring wika dahil sa pagkakapalit ng
pamahalaang sibil sa pamahalaang militar noong 1901.
 napalitan ng mga propesor ang mga sundalong Amerikano

Suliranin
 ang kawalan ng isang wikang magiging daluyan ng komunikasyon upang
maisakatuparan ang kani-kanilang layunin.
 higit na madali ang sila ang mag-aral ng mga pangunahing wika sa
kapuluan kaysa kanilang hintaying matuto ng Ingles ang nakararaming
Pilipino
 maunawaan ng guro ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Ingles sa iba't
ibang wika sa kapuluan.

PANAHON NG MGA AMERIKANO


Si Conant…
 kilala sa disiplinang historikal
 pag-aaral sa pagpapangkat-pangkat ng mga wika sa kapuluan.
 artikulo sa linggwistika tungkol sa mga tunog na f at v.
 The RGH Law In Philippines Languages (1910)
 The Pepet Law In Philippine Languages (1912)
 pagbabago sa mga tunog ng iba't ibang wika sa kapuluan.

Si Conant…
 kilala sa disiplinang historikal
 pag-aaral sa pagpapangkat-pangkat ng mga wika sa kapuluan.
 artikulo sa linggwistika tungkol sa mga tunog na f at v.
 The RGH Law In Philippines Languages (1910)
 The Pepet Law In Philippine Languages (1912)
 pagbabago sa mga tunog ng iba't ibang wika sa kapuluan.

ANG RGH LAW IN PHILIPPINES


 ang wika sa Pilipinas ay nagmula sa wikang Indonesyo
 ang mga wika ay tinatayang hindi kukulangin sa walumpu
 higit na kilala ang Tagalog, Bisaya at Iloco
 karaniwang ginagamit ng mga dalubwika sa kanilang pagsusuri ng mga
wika
 Ang wika ay nagbabago sa pagdaan ng maraming taon
 Nagkakaiba ang mga ito sa palatunugan, palabuuan at palaugnayan na
unang napansin ni H. N. van der Tuuk

Saan hinango ang RGH Law in Philippines?


 Ang Proto-Malayo-Polinesyog *R ay maaaring manatiling r sa ibang wika
at sa ibang wika ay naging g, h, o kaya ay y.
Hal:

1. Malay- urat
2. Tagalog-ugat
3. Dayak-uhat
4. Lampong-oya
5. Javanese-uat
 Ang mga salitang urat, ugat, uhat, oya, at uat ay buhat sa isang orihinal na
salitang Malayo-Polinesyo.
 Magkaka-ugat ang mga ito (cognates) nagkakaroon lamang ng pagbabago ang
mga ito sa pagdaraan ng panahon dahil sa pagkakawatak-watak ng mgataong
gumagamit nito.
 Bilang tagapagsaling-wika, karamihan sa mga wika sa Pilipinas ay may tunog
na g sa RGH na katinig bagama't ang ilan ay nagiging r, l, o kaya'y y.
Pitong Uri ng Kaligiran ng Pepet Law (Conant 1912)
 AP-class - salitang may ǝ sa unang pantig ng dadalawahing pantig na salit at
ang ikalawang patinig ay pepet.
 PA-class - may pepet sa unang pantig at a sa ikalawang pantig.
 IP-class - salitang may i sa unang pantig at pepet sa ikalawang pantig.
 PI-class
 UP-class
 PU-class
 PP-class
Artikulong sinulat ni Blake:
 Ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga wikang Bisaya
 Ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga wikang Bisaya at Tagalog
 Ang mga salitang hiram ng Tagalog sa Sanskrito
 Pag-aaral tungkol sa iba't ibang wika sa Pilipinas
 Ang tungkulin ng Estados Unidos sa paglinang ng aghamwika sa Pilipinas

Pagsusuring-basa sa pagsusuring isinagawa ni Bloomfield tungkol sa


Tagalog
 Pagtitipon ng mga pagsusuring isinagawa sa mga wika sa Pilipinas.
 Tungkol sa gramatika ng Tagalog
 Isang monograp tungkol sa sistema ng mga diin sa Tagalog.
 Pinangkat ni Blake sa tatlo ang mga wika sa Pilipinas
 Pangat Timog - kinasasamahan ng Ilocano at Pangasinan
 Pangkat Sentral - kinasasamahan ng tagalog,Bicol at mga wikang Bisaya
 Pangkat Hilaga - kasama ang Magindanaw at Maranaw

Tatlong magkaugnay na mga yunit sa gramatika


 verb
 voice
 case
 Ang lahat na salita sa tagalog, maging anumang uri ay maaaring gawing
pandiwa (Blake).
 Hindi lahat ng salita sa Tagalog o sa alinmang wika sa pilipinas ay
maaaring kabitan ng makadiwang panlapi (Constantino).

Mga Naiambag ni Bloomfield


aklat : Language 1933 - kinapapalooban ng mga mahahalagang pag-aaral sa
gramatikang Tagalog
Dalawang Kadahilanan:
1. Ang sapilitang paggamit ng mga importante sa pagtitipon ng mga datos.
2. Paggamit ng mga bagong katawagag panggramatika na kapalit ng mga
katawagang tradisyunal upang bigyang-diin ang pagkakaiba sa ibang
wika.
Tatlong Bahagi ng Pagsusuri ni Bloomfield
Bahagi I - kinapapalooban ng mga salitang Tagalog na nasusulat sa
transkipsyong pamponemika, kasunod ang katumbas sa Ingles
Bahagi II - kinapapalooban ng kanyang pagsusuri sa Tagalog na hinati sa
Phonetics, Syntax at Morphology
Bahagi III - katatagpuan ng talaan ng mga pormasyon at ng glossary
Seksyon ng Ponetiko
 pagpapantig at sistema ng diin.
 ang mga tunog na i at e, gayundin ang o at u ay hindi maituturing na
magkaibang ponema, maliban sa mga salitang hiram.
 dalawang uri ng diin, malakas at mahina
 pagtaas ng tono at ang paghaba ng pantig na napapalagkap sa bawat
diin.
Pagtalakay ni Bloomfield sa Sintaksis
1. Sentence and Word
2. Subject and Predicate
3. Attribute
4. Serial Relation
Ang Morpolohiya ayon kay Bloomfield
 paggamit ng mga active at passive na nagbubunga sa:
1. mga salitang waring gerund na tinawag niyang 'abstract of action'
2. mga nominals na tinawag niyang 'special static words.'

Si Lopez at ang kaniyang mga naiambag:


 kauna-unahang  Ama ng linggwistikang
linggwistang Pilipino Pilipino
 nakapagtapos ng pagkadoktorado sa kanyang disertasyon tungkol sa
pahambing na pagsusuri ng Tagalog at Ilocano
 pahambing na pagsusuri ng mga wika sa Pilipinas sa paraang singkroniko
at dayakroniko (Gonzalez, et l, 1973 at Constantino 1972)
Apat na Bahagi ng Manwal ni Lopez
 isa sa ponetika  isa sa sintaksis
 dalawa sa morpolohiya

Mga Sinulat ni Lopez


1. Pagsusuring sikolohikal sa morpolohiya ng Tagalog
2. Pahambing na pagsusuri sa mga leksikograpya ng Tagalog at ng Malay
(1939)
3. Isang artikulong nasusulat sa wikang Aleman tungkol sa pagkakaugnayan
ng Tagalog at ng Malay (1930)
4. Isang artikulong tumatalakay a kakanyahan ng mga wika sa Pilipinas
(1931)

PANAHON NG KALAYAAN
 Ayon kay Constantino, ang pag-unlad ng aghamwika sa Pilipinas ay
naimpluwensiyahan ng tatlong mahahalagang pangyayari.
1. Pagtatag sa Pilipinas ng 'Summer Institute of Linguistics' (1953)
2. Paggamit ng makalinggwistikang pamaraan sa pagtuturo ng Ingles sa
mga Pilipino
3. Gradwal na pagdami ng mga linggwistikang Pilipino
Linggwista sa Kasalukuyan
 Constantino at Casambre  Llamzon at Pascasio ng
ng UP Ateneo
 Sibayan at Otanes ng PNC  Natividad ng DEC
 Gonzalez ng De La Salle
Mga Nangyari sa Panahong Ito
 Ang Pilipinas ay naging laboratoryo o larangan ng mga linggwistang
dayuhan na karamihan ay mga Amerikino
 Ang 'Language Study Center' ng PNC ay nagsasagawa ng mga
pagsusuring-wika sa makalinggwistikang pamamaraan upang iangkop sa
pagtuturo ng wika.
TATLONG MODELO SA PAGLALARAWANG-WIKA
1. Modelong ginamit ni Bloomfield sa paglalarawan sa Tagalog at Ilocano
-kung papaano sinusuri ang mga datos
2. Tagmemic Model 3. Transformational-
(Kenneth L. Pike) generative Model
(Chomsky)
Sociolinguistic Competence
- binubuo ng dalawang diyalogo na ang bawat linya ay nagsisilbing
pagsubok sapagkat humihingi ng kasagutan kung angkop o hindi
angkop, kasama ang kaukulang mga paliwanag.
Oral Language Performance
1. Informal Interview
2. Formal Interview
3. Intimate Interview
4. Teaching Performance

C. Ponemika
1. Makahulugan at Di-makahulugang Tunog

Gamitin nating halimbawa ang ponemang /p/ at /b/ ng filipino. Ang


dalawang tunog na ito ay magkatulad sa punto ng artikulasyon sapagkat
kapwa panlabi. Magkatulad din ang mga ito sa paraan ng artikulasyon
sapagkat kapwa istap o pasara.

Ngunit ang /p/ ay binibigkas ng walang tinig samantalang ang /b/ ay


mayroon. Dahil sa pagkakaibang ito, ang kahulugan ng isang salita ay
nababago sa sandaling ang isa ay ipalit sa isa.

Halimbawa:

Ang salitang pala ‘’shovel’’ ay mababago ang kahulugan sa sandaling


ang /p/ ay palitan ng /b/ =bala ‘’bullet’’.

Kapag ang ponemang /p/ at /b/ ay inilagay natin sa magkatulad na


kaligiran upang mapatunayan kung ang mga ito ay totoong makahulugan.

pala : bala Sa ganitong kalagayan ay natitiyak natin na ang


pagkakaiba sa kahulugan ng pala at bala ay dahil sa mga ponemang /p/
at /b/.
Sa halimbawang:

pala : alab ay kaagad mapapansin na ang /p/ at /b/ ay wala sa


magkatulad na kaligiran. Samakatuwid, ang pagkakaiba sa kahulugan ng
pala at alab ay hindi dahil sa /p/ at /b/.

3. Ponemiko at Ponetikong mga Tunog

 Lahat ng wika ay may uri ng mga tunog na mahahati sa


dalawang antas: ponetikong antas at ponemikong antas.
 Kapag sinusuri ng isang dalubwika ang isang wika, unang-una
niyang ginagawa ay ang pagtatala o pag-iimbentaryo ng lahat ng iba’t ibang
tunog na kanyang naririnig sa mga nagsisipagsalita ng nasabing wika
Pagkatapos ay susuriin niya ang kanyang naitalang mga tunog upang
alamin kung alin-alin sa mga ito ang ponemiko at kung alin-alin naman ang
di-ponemiko o ponetiko.
 Madaling nakikilala ng isang nagsusuri ang mga ponema ng
kanyang sariling wika kaysa sa mga ponema ng isang wikang hindi niya
nauunawaan. Kalimitan, lalo na sa isang di-gaanong bihasa sa pagsusuri,
ang alam na alam niyang set ng mga ponema ng kanyang wika ang siyang
nagdudulot ng suliranin sa kanyang pagsusuri.
 Ang isang pares ng mga ponema na nagsasalungatan o
nagkokontrast sa kanyang wika ay hindi nangangahulugang nagkokontrast
din sa ibang wika.
 Kung gusto nating malaman kung ang dalawang tunog ng isang
wika ay may pagkakaibang ponetiko o ponemiko, Una, ay subukin natin
kung ang mga ito ay matatagpuan sa magkatulad na kaligiran. Pagkatapos
ay subukin kung ang mga ito’y nagsasalungatan o nagkokontrast sa gayong
kaligiran.

Ponemikong Tunog
 Kapag ang pagkakaiba sa dalawang tunog ay makahulugan, ang
pagkakaiba ay tinatawag na ponemiko. Ang transkripsyong pamponemiko
ay naghuhudyat na ang mga tunog na nakakulong ng mga guhit na pahilis
(/ / na guhit ay tiyak na ponemiko
makahulugan=ponemiko

Ponetikong Tunog

 Kapag ang pagkakaiba sa dalawang tunog ay di-makahulugan,


ang pagkakaiba ay ponetiko
 Ang transkripsyong pamponetiko ay naghuhudyat na may tunog
o mga tunog na nakakulong ng mga bracket ([ ]) ay ponetiko.
di-makahulugan = ponetiko

Mga Halimbawa:
 Sa Ingles, ay malinaw na malinaw na hiwalay at magkaibang
ponema ang /f/ at /p/, tulad ng mapapatunayan sa mga pares minimal na
sumusunod-fin:pin. Ngunit sa Pilipino, ang /f/ ay hindi (pa) maituturing na
ponemiko sapagkat ang mga salitang hiram sa Ingles o sa Kastila, o sa
alinmang wika, na may ganitong ponema’y karaniwang pinapalitan ng
ponemang /p/. Halimbawa: formal=pormal, café=kape, atbp.
 Kung gagamiting mga pares minimal ang nabanggit na mga
salita, mapatutunayang ang kahulugan ng salita ay hindi nababago.
Gayundin naman ang ponemang /v/ sa Ingles na karaniwan ay pinapalitan
ng /b/. Halimbawa: vinta = binta. Sa makatuwid, sa isang Amerikanong
nagsusuri sa wikang Pilipino, ang ganitong sitwasyon ay maaaring makalito.
 Sa Kastila, gayundin sa Pilipino, ang mga tunog na /s/ at /z/
( na sa Ingles ay tiyak na ponemiko, tulad ng makikita sa pares minimal na
sue at zoo) ay hindi maituturing na magkahiwalay at magkaibang mga
ponema sapagkat ang mga ito’y hindi nagsasalungatan o nagkokontrast sa
magkatulad na kaligiran, tulad ng zigzag:sigsag. Samakatuwid, ang
pagkakaiba ng [s]* at [z] ay hindi maituturing na ponemiko.
 Kung sa Ingles ay hindi ponemiko ang pagkakaiba sa bigkas ng
[p ͪ] at [p], sa ilang wikain sa Tsina, ang pagkakaiba sa bigkas ng tunog na
aspirado at di-aspirado ay ponemiko. At sapagkat sa wikang Intsik ay
nakapagpapaaspirasyon, dito naman magkakaroon ng suliranin ang isang
Amerikanong nag-aaral ng wikang Intsik.

Kanya-kanyang Kaligiran
 Suriin natin ang kalagayan ng /t/ sa salitang top at stop – [t
ͪap]:[stap]. Nasa magkatulad na kaligiran ba ang [t ͪ] at [t]? Wala, sapagkat
ang [t ͪ] ay nasa pusisyong inisyal samantalang ang [t] ay nasa posisyong
midyal.
 Samakatuwid, ang kaligiran ng [t ͪ] at [t] ay hindi magkatulad.
Ang [t] ay hindi maaring ipalit sa [t ͪ] nang hindi susunod sa anyo nitong
huli. Gayundin naman, ang [t ͪ] ay hindi maaaring ipalit sa [t] nang hindi
susunod sa anyo anyo nitog huli.
 Sa ibang salita, ang [t ͪ] at [t] sa Ingles, bilang mga alopono ng
isang ponema, ay may kanya-kanyang lugar o kaligiran; na ang [t] ay hindi
maaaring matagpuan sa kinalalagyan o kaligiran ng [t ͪ].

2.Ang Ponema

Ang phoneme ay hango sa dalawang salitang phone (tunog) at -eme


(makahulugan) na inasimila naman natin at tinawag na ponema ayon sa
kinagawiang paraan ng panghihiram.

Mababangkit na rin sa pagkakataong ito ang morpheme na hango naman sa


morph (yunit) at -eme (makahulugan) na inasimila rin natin at tinawag
na morpema.

Gayundin ang allophone - allo (katulad) + phone (tunog) at allomorph -


allo (katulad) + morph (yunit) na tinawag natin sa Pilipino ng alopono at
alomorp.
Magagamit ding panumbas ang ponim, morpim, alopon, at alomorp.

Ang ponema, sa katotohanan ay walang kahulugan kapag nag-iisa. Hal. /b/,


/k/,/d/, /g/, /h/

Nagkakaroon lamang ito ng kabuluhan kung ito’y nagiging bahagi ng salita.


Hal. Barkada, halaga

Iba’t iba ang paraan ng pagbibigay -katuturan ng mga dalubwika sa


ponema.

Sa pagkakataong ito ay gamitin natin ang depinisyon ni Gleason na humigit-


kumulang ay may ganitong diwa:

Ang ponema ay

(1) isang grupo ng magkakahawig na tunog

(2) na magkakatulad sa punto at paraan ng artikulasyon, at

(3) may kanya – kanyang sistema ng distribusyon

(4) sa wikang pinag- uusapan.*

… isang grupo ng magkakahawig ng tunog.

Muli nating gamiting halimbawa ang ponemang /t/ sa Ingles.

Gaya ng natalakay na sa una, ang /t ng Ingles ay may apat na alopono - [t],


[tʰ],[t-], at [tˊ].

Ang mga aloponong ito ay isang grupo o pangkat ng mga magkakahawig na


tunog.

(Hindi natin magagamit ang pang-uring ‘magkakatulad’ sa pagkakataong ito


sapagkat ang mga aloponong nabanggit, sa teknikal na kahulugan, ay
may bahagyang pagkakaiba sa isat isa.)
Mapapansin na waring hindi angkop sa Pilipino ang kahulugang ito lalo na
sa mga ponemang katinig sa pagkat hindi nagkakaroon ng aspirasyon o
anumang pagbabago ang alinmang ponemang katinig saan mang
pusisyon matagpuan.

Gamitin nating halimbawa ang ponemang /t/ na ginamit natin sa Ingles:

Pusisyong Inisyal:

“tanong” [tanoŋ] ‘question’

Pusisyong Midyal:

“pintor” [pintor] ‘painter’

Pinangungunahan ng /s/:

“estado”[esta;do] ‘state’

Pusisyong Pinal:

“sagot” [sagot] ‘answer’

Pagitan ng Dalawang Patinig:

“batas” [batas] ‘law’

Pansinin na walang nagiging pagbabago ang pagbigkas sa ponemang /t/ sa


halimbawang apat na pusisyon na di tulad ng /t/ ng Ingles.

Kung sabagay, hindi lamang marahil napapansin ang nagaganap na


pagbabago sa isang ponema sa Pilipino dahil nga sa impluwensya ng
kaligiran o katabing (mga) tunog.

Ang ponemang /k/ diumano ay nagkakaroon ng ‘fronting’ kapag


nakapagitan sa mataas-harap na /i/, tulad sa salitang “pikit” - [pi<kit].
Samantala, nagkakaroon naman daw ng ‘backing’ ang /k/ kapag ito’y
nakapagitan sa matas-likod na /u/, tulad sa salitang “buko” [buk>u]
‘node’.

Mapapatunayan lamang ito marahil kapag ginamitan ng spectogram.

Ngun’t ito’y hindi na natin pag-uukulan ng interes sapagkat ito’y wala


namang kahalagahang pedagodyikal.

… nagkakatulad sa paraan at punto ng artikulasyon.

Ang apat na alopono ng /t/ sa Ingles ay binibigkas nang halos magkatulad


na magkatulad – iisang paraan at punto ng artikulasyon ang ginagamit –
kaya’t sinasabing ang mga ito’y ‘phonetically similar.’

Lahat ng mga aloponong ito ay binibigkas nang walang boses, pasara, at


ang dulo ng dila ay dumidiit nang minsan sa may punong gilagid.

… may kanya- kanyang sistema ng distribusyon.

Sinasabi nating kung nagkakaroon man ng bahagyang-bahagyang


pagkakaiba ang mga alopono ng isang ponemang tulad ng /t/ sa Ingles,
iyon ay dahil sa impluwensya ng kani-kanilang kaligiran.

Subalit ang bahagyang pagkakaibang ito ay hindi sapat upang


makapagpabago sa kahulugan ng salita kapag ang mga ito ay inilagay sa
magkatulad na kaligiran.

Kaya nga’t mapatutunayan, gaya ng natalakay na sa una, na halos lahat ng


mga alopono ay nasa distribusyong komplimentaryo; sa ibang salita,
bawat isa ay may kanya- kanyang sistema ng distribusyon.

… sa wikang pinag-uusapan.

Kailangang isama ito sa katuturan ng ponema sapagkat sa lahat ng wika ay


may kanya- kanyang set ng mga ponema.

May wikang higit na maraming ponema; may wikang higit na kakaunti.


Ang Ingles ay may 47 na ponema samantalang ang Pilipino ay may 21
lamang.

Kaya nga’t sinasabing hindi ngayo’t ponemiko ang isang tunog sa isang wika
ay hindi nangangahulugang ponemiko na rin ito sa ibang wika.

Halimbawa, maraming ponema sa Ingles na hindi maituturing na ponemiko


na rin sa Pilipino, tulad ng /č/, /j/, /f/, /v/, /θ/, /э/, /s/, /z/, /ž/, Gayundin
naman, kahit kakaunti ang mga ponema ng Pilipino, may mga ponema
rin ito na wala sa Ingles, tulad ng ponemang glottal na pasara - / ˀ / - o
impit na tunog na matatagpuan sa pusisyong pinal ng mga salitang tulad
ng bata /ba:taˀ/, /pu:soˀ/, la:biˀ/, atb.

Isa pa, bawat wika ay may kanya-kanyang sistema sa paggamit ng mga


tunog, ponemiko man o hindi.

Sa Ingles, ang /k/ sa keep /kip/ ay iba sa /k/ ng cool /kuwl/.

Ang /k/ sa keep ay ‘frontopalatal,’ samantalang ang /k/ sa cool ay ‘dorso-


velar.’

Iba rin ang /k/ sa kit kaysa /k/ sa skit; sa una ay aspirado, sa ikalawa ay di-
aspirado.

Samantala, ang /k/ ng Pilipino ay walang nagiging pagbabago kahit saan


mang pusisyon matagpuan-laging dental-alveolar.

Masasabi ring ang isang ponema ng isang wika ay hindi kailangan


makakatulad ng isang ponema ng ibang wika; na walang isang
ponemang unibersal.

Ang Ingles ay may kanyang sariling /t/, halimbawa; ang Pilipino ay mayroon
din; gayundin ang Pranses, ang Aleman, atb.

Ang tinalakay sa itaas na katuturan ng ponema, ayon kay Gleason, ay


mapapansing angkop na angkop sa wikang Ingles.
Para sa ating pangangailangan, makabubuti pang sabihin na lamang natin
na ang ponema ay ang pinakamaliit na makahulugang tunog ng isang
wika.

Halimbawa,

sa salitang basᾰ /basaˀ/ ay sinasabi nating lima ang ponema - /b, a, s, a,


ˀ / sapagkat bawat isa ay makahulugan o ponemiko; na hindi maaaring
palitan o alisin ang

ng ponema, ay may kahirapang bigyan ng tiyak na katuturan na maaangkop


sa alinmang wika.

Kaya’t alinman sa mga ito sapagkat maiiba o mawawala ang kahulugang


wet.

3.. Ang Morpema

Ang morpema, gaya makabubuti marahil na talakayin muna kung ano ang
morpema at pagkatapos ay bibigyan ng depinisyon na magiging
makatuturan.

Sinasabing ang morpema ay naiiba sa ponema sapagkat may mga morpema


na may kahulugan kahit nag-iisa; ang ponema ay wala.

Sa isang wika, ang ponema ay ang pinakamaliit na makabuluhang tunog,


samantalang ang morpema ay ang pinakamaliit na makabuluhang yunit
o bahagi nito.

Ang morpema ay binubuo ng isa o higit pang ponema, kaya’t masasabi


natin na may pagkakataong ang ponema ay morpema rin.

Halimbawa, ang boys sa Ingles ay binubuo ng dalawang morpema- {boy}*


+ {z}.
Ang {z}, bagama’t maituturing na isa ring ponema, ay isa pa ring morpema.

Ito ang tinatawag na pamparaming morpema (pluralizer morpheme).

Isa pang halimbawa: sa wikang Ilocano, ang pera mo o kuwarta mo ay


cuartam /kwartam/.

Ang salitang cuarta /kwarta/ ay isang morpema, gayundin ang paaring


panghalip na {m}.

At sapagkat nakakabit sa salitang-ugat ang /m/ na tulad ng { z }sa boys, ito


ang tinatawag na nakalaping morpema (bound morpheme).

Maaari ring tawagin itong di-malayang morpema.

Ang morpemang mo ay malayang morpema {z} sa boys at {m} sa


cuartam, bagamat mga ponema rin, ay iba ang katayuan sa mga
ponemang /z/ at /m/ sa mga salitang rose /rows/ at hiram /hiram/.

Sa linaw ng mga halimbawang nabanggit ay hindi natin masasabing ang


morpema ay salita o kataga sapagkat ang {z} ng boys at {m} ng
cuartam ay hindi mga salita o kataga.

Isa pa, may mga pagkakataong ang isang salita ay binubuo ng higit pa sa
isang morpema.

Ang salitang /maganda/ ay binubuo ng dalawang morpema – {ma-} +


{ganda}.

Manapa, masabi natin sa bahaging ito na ang morpema ay mauuri sa


dalawang klase:

salitang-ugat na tulad ng basa {ba:sa}, lakad {la:kad}, salita {salitaˀ},


atb., at panlapi na tulad ng {-um-} sa lumalakad, {nag-} sa nagsalita,
atb.

Hindi rin masasabing ang morpema ay isang pantig.


Ang bubuyog /bubu:yug/ ay isang morpema ngunit binubuo ng tatlong
pantig.

Kung susubuking hatiin o pagputul-putulin ang salitang bubuyog,


makakukuha tayo ng mga putol ng salitang tulad ng /bu/, /bub/, /bubu/,
/ubu/, /bu:yu/, /uyug/, atb.

Nakabuo nga tayo ng mga salitang tulad ng /bubu/, /ubu/, /bu:yu/ ngunit
ang mga kahulugan ay walang –wala nang relasyon o kaugnayan sa
bubuyog.

Ang pagkilala sa mga morpema ng isang wika ay madali kung alam ng


nagsusuri ang wika; may kahirapan kung banyagang-banyaga sa kanya
ang wikang kanyang sinusuri.

Halimbawa, madaling makikilala ng isang Tagalog ang mga morpema ng


wikang Tagalog, ngunit siya’y mahihirapan sa pag-alam sa mga
morpema ng isang wikang bagung-bago sa kanyang pandinig.

Ang isang karaniwang paraan ng pag-alam ng mga morpema ng isang wika


ay ang pagkuha ng sapat na daming mga salita na nagkakatulad sa
ginagampanang bahagi sa pananalita.

Ang mga salitang malaki, malinaw, at malungkot ay pare-parehong mga


pang-uri.

Sapagkat ang {ma-} ay natatagpuan sa pusisyong inisyal ng bawat salita,


masasabi natin kaagad na ito’y isang morpema, gayundin ang mga
sumusunod na salitang-ugat: laki, linaw, at lungkot.

Ang ganitong paraan ng pag-alam sa mga morpema ay waring madali para


sa mga Tagalog sapagkat wikang Tagalog ang pinag-uusapan.

Ngunit para sa isang di-Tagalog, ito’y hindi kasindali ng ating akala. Ang
isang walang kaalam-alam sa wikang tagalog isang Kastila, halimbawa,
ay maaaring magpalagay na {mal} at hindi {ma} ang morpemang
panlapi sapagkat, gaya ng mapapansin natin, ang tatlong halimbawang
salita ay nagsimula lamang magkaroon ng pagkakaiba pagkatapos ng I..

Ang dahilan kung bakit hihinalian ng isang Kastila na isang morpema ang
*{mal} ay sapagkat may kahulugan ito sa kanyang unang wika.

Ipalalagay din niya samakatwid na ang mga salitang-ugat sa mga hilimbawa


sa itaas ay *aki, *inaw, at *ungkot.

Mangyayari ito sapagkat wala sa kanyang bokabularyo ang mga salitang


laki, linaw, at lungkot.

Isa pang halimbawa: sa mga salitang sitaw, sibuyas, sili, sigadilyas, sitsaro
ay malamang na hinalian ng isang walang kaalam-alam sa Tagalog na
ang /si/ ay isang morpemang panlapi at ang mga salitang nilalapian ay
*taw, buyas, li, gadilyas, at tsaro.

Nangyayari rin na ang isang morpema na ating ihiniwalay ay maaari pang


hatiin sa dalawang ponema.

Halimbawa: pinagtapunan, pinagtaguan, pinaglutuan, pinagtalian.

Kung ihiniwalay natin ang {pinag-} bilang isang morpema, hindi na kaya
maaaring himayin pa ito, tulad ng {pag} at {-in-}?

Gayundin, nangyayari na ang ihinihiwalay ng isang nagsusuri bilang isang


morpema, sa katotohanan ay bahagi lamang ng kabuuan ng morpema.

Hindi kaya bahagi lamang ng buong morpemang {pag-…-an} ang {pag}?

Bawat morpema ng isang wika ay may kanya-kanyang distribusyon.

Ang morpemang {a:so}, halimbawa, ay matatagpuan sa balangkas ng


Tumatahol ang ___, ngunit hindi sa Umaawit ____ Maria.

Ang si ay matatagpuan sa ikalawang pangungusap ngunit hindi sa una.


Gayundin, ang morpema o panlaping {-um-} ay matatagpuan sa pusisyong
inisyal at sa pusisyong midyal ngunit hindi kailanman sa pusisyong pinal.

Halimbawa: umawit, tumahol; ngunit *awit-um, taholum.

Mapapansin na, tulad ng ponema, ang isang di-malayang morpema ay


nagkakaroon ng kaunting pagbabago sa bigkas ayon sa distribusyon o
dahil sa impluwensya ng kinakakabitang salitang-ugat.

Ang morpemang {s} sa Ingles, halimbawa, ay nagkakaroon ng tatlong iba’t


ibang anyo ayon sa kinalalapiang salita: sa boys /boyz/, ito ay {-z}; sa
cats /kaet/, ito ay {-s}; at sa roses /rowziz/, ito ay /-iz/.

Kung ating susuriin ang iba pang salita sa Ingles na katatagpuan ng


morpemang {-s}, mauunawaan natin na ang anyong {-iz} ay
matatagpuan lamang sa mga salitang nagtatapos sa ponemang /s, z, š,
ž, č, at ĵ/, anyong {-s} ay sa mga nagtatapos sa /p, t, k, f, at θ/, at ang
{-z} ay sa lahat ng iba pang katinig at sa lahat ng mga patinig.

Maaari pa ring idagdag sa mga alomorp ng {-s} ang {-in} sa salitang oxen,
bagama’t masasabing ito’y natatanging alomorp ng {-s}.

Ang tatlong anyong {-iz}, {-s}, at {-z} ay tinatawag na mga alomorp ng


morpemang {-s}.

Ang {pang-}, {pam-} at {pan-} sa Pilipino ay isa pa ring halimbawa ng mga


alomorp ng isang morpema.

Pansinin na ang alomorp na {pang-} ay matatagpuan lamang sa unahan ng


mga salitang nagsisimula sa mga ponemang patinig at sa mga
ponemang katinig na /k, g, h, ˀ, w, y/; ang {pam-} ay sa /p, b/ at ang
[pan-} ay sa /t, d, s, l, r/.

Ang may at mayroon man, kung ating susuriin, ay maituturing na mga


alomorp lamang ng isang morpema.
Tingnan ang halimbawang tanog-sagot na, Maylapis ka ba? Meron
(Mayroon); ngunit, *Mayroong lapis ka ba? *May.

Isa pang halimbawa ay ang mga paaring morpema sa Ilacanong {-k} ~


{ko} at {-m} ~ {mo}:cuarta ko/ cuartak /kwartak/ ~ lapis ko /la:pis
ku/;cuarta mo/ cuartam /kwartam/ ~ lapis mo /la:pis mu/.

Pansining ang {-k} at {-m} ay ginagamit kapag ang salitang-ugat ay


nagtatapos sa patinig, at ang {ku} at {mu} kapag nagtatapos sa katinig.

Sa bahaging ito ay makapagbibigay na tayo marahil ng isang arbitraryong


depininsyon na tulad ng sumusunod, halimbawa: Ang morpema ay ang
pinakamaliit na makahulugang yunit sa balangkas ng isang wika.

Sa ‘pinakamaliit na makahulugang yunit,’ ang ibig nating sabihin ay isang


yunit na hindi na maaaring hatiin pa na hindi masisira ang kahulugan.

Mga Notasyong Ating Ginagamit

Makabubuting sa bahaging ito ay lagumin natin ang mga notasyon o


simbolong ating ginagamit sa aklat na ito:

[] transkripsyong ponetiko; na ang lahat ng tunog, maging ponemiko o


hindi ay isinasama sa notasyon.

Masasabing ang mga tunog na inirereprisinta ng mga simbolo sa loob ng


braket ay mga ‘hilaw’ pa; na wala pang katiyakan kung makahulugan o
hindi.

Sa halimbawang kit [kʰit], kahit alam na alam nating ang /k, i, t/ ay mga
ponemiko o makahulugan, braket parin ang ginagamit natin upang
ihudyat na may isang simbolo sa transkripsyon na kumakatawan sa
isang tunog na di-ponemiko – ang [ʰ].
/ / transkripsyong ponemiko; na ang lahat ng tunog na nakukulong ng
mga ito ay ponemiko o makahulugan.

Ang dalawang pahilis na guhit na ito ay tinatawag sa Ingles na ‘virgules’.

Masasabing ang mga tunog na inirereprisinta ng mga simbolo sa loob ng


dalawang guhit na pahilis ay mga ‘luto’ na; na lahat ay makahulugan o
ponemiko ‘lung’.

{} notasyong morpemiko; na ang nakukulong ng mga ito ay morpema


o alomorp.

Halimbawa: {pang-}, {nam-}, {pag-}.

Ang gitling sa hulihan ng morpema o alomorp ay naghuhudyat na ito’y


unlapi.

Kung ang isang panlaping morpema naman ayisang gitlapi, ito’y nilalagyan
ng gitling sa magkabila.

Halimbawa: {-in}; kung hulapi, ay nilalagyan ng gitling sa unahan {-an}.

At kug ang morpema ay putol, ito’y inirereprisinta nang ganito: {pag-…-an}


pagtaguan.

“ ” Ang mga halimbawang salita ay kinukulong ng panipi o kung minsan


naman ay isinusulat nang pahilig o italisado; naghuhudyat din ito ng
tinatanggap na baybay ng halimbawang salita.

Halimbawa: “cuartam” sa Ilocano sa halip na “kuwartam sapagkat ang una


ang tinatanggap o ginagamit sa kanilang ortograpya.

‘ ’ salin ng kahulugan sa ibang wika. “Gloss” ang tawag dito sa Ingles.

Halimbawa: bata /ba:taˀ/ ‘child’.

* nangangahulugang ang halimbawang ibinigay ay mali o hindi


tinatanggap ng katutubong tagapagsalita ng wika.
Halimbawa: * Umaawit Maria si.

: kumakatawan sa haba (length) na ibinibigay sa patinig na sinusundan


nito.

Halimbawa: /pu:suˀ/.

? Kumakatawan sa glottal na pasara o impit na tunog na ponemiko sa


wikang Pilipino at iba pang wika sa kapuluan.

Halimbawa: /ba:gaˀ

‘lung’, /iduˀ/ {Hiligaynon) ‘dog’.

D. 1.Pag-alam sa mga Ponema at Morpema

Pag-alam sa mga Ponema at Morpema

 Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa kung papaano inaalam ang mga


ponema at morpema ng isang wika.Ang isang guro ng Pilipino ay
kailangang magkaroon ng sanligang kaalaman sa bagay na ito,lalo na
kung siya’y nagtuturo sa pook ng mga di-Tagalog.
 Upang maging mabisa tiyak,at matipid sa panahon ang pagtuturo ng
guro ay kailangang malaman niya ang mga katangian o kakanyahan
hindi lamang ng Pilipino kundi gayundin ng wika ng pook o unang wika
ng mga batang kanyang tinuturuan.Sapagkat kung totoo ang
artikulasyon sa pananalita ng isang bata na kanyang unang wika ay
nagkakaroon ng kaugnayan sa kanyang pag-aaral ng alinmang
pangalawang wika,ang isasagawang pahambing na pagsusuri ng guro sa
Pilipino bilang pangalawang wika at sa wika ng pook bilang unang wika
ay makatutulong nang malaki sa kanya upang alamin kung alin-alin ang
kanyang dapat bigyang-diin sa kanyang paksang-aralin.
 Kung ang kabuuan ng isang wika ay hahatiin sa tatlong antas-
palatunugan o ponolohiya,palabuuan o morpolohiya, at palaugnayan o
sintaksis-kailangan malaman ng guro kung saan-saan nagkakatulad at
nagkakaiba ang Pilipino at wika ng pook sa bawat antas na nabanggit.
 Ngunit bago makapagsagawa ng pahambing na pagsusuri ang guro sa
alinman sa nabanggit na tatlong antas ng wika ay kailangan munang
suriin niya ang wika ng pook. Kailangang alamin niya muna kung anu-
ano ang mga ponema ng wika ng pook,kung papaanong ang set ng mga
ponema ng wikang ito ay pinagsasama-sama upang bumuo ng
morpema, at kung papaanong ang mga morpema nito ay pinagsasama-
sama upang bumuo ng iba’t ibang pangungusap.

2. Mga Hakbang sa Pagsusuri ng mga Ponema

A. Mga Hakbang sa Pagsusuri


 Sa pagsusuri ng isang wika ay karaniwang inuuna ang tungkol sa
palatunugan nito.Inaalam muna ng nagsusuri kung anu-ano ang mga
tunog na makahulugan o ponemiko sa nsabing wika.Pagkatapos ay saka
pa lamang siya tutungo sa ikalawang antas-ang pag-alam sa mga
morpema.

 Unang –unang dapat isagawa ng guro ay ang pagkuha ng


impormante. Ang impormante ay isang taong ang unang wika ay ang
wikang sinusuri. Kung may isang wikang kapwa nauunawaan ng
nagsusuri at ng impormante ,ang pagsusuri ay hindi gaanong magiging
mahirap.Kung kapwa sila marunong ng Ingles at pagkatapos ay
ipabibigay niya sa impormante ang katumbas sa wikang sinusuri.Ngunit
kung walang common language na magagamit ang nagsusuri at ang
impormante, makabubuting gumamit ang una ng mga larawan o mga
aktwal na bagay. Mabisa rin ang paggamit ng aksyon para sa mga
pandiwa at pang-uri.
 Makabubuting ipabigkas nang tatlong beses sa impormante ang bawat
salita. Kung may mabuting taperecorder mabuti ring irekord ng
nagsusuri ang pagbigkas ng impormante.Sinabi nating ‘mabuting’
taperecorder sapagkat kung hindi rin lamang makakahawig na
makakahawig ng orihinal ang boses ay makabubuti pang huwag nang
irekord.

 Sa ikalawang hakbang ng pagsusuri hindi muna kakailanganin ang


impormante. Dito magsasagawa ng pag-iimbentaryo ang nagsusuri sa
iba’t ibang tunog ng kanyang naitalang salita na binigkas ng
impormante.Sa mga bahaging siya ay may duda, ang bigkas ay maaari
niyang pakinggan nang paulit-ulit sa taperecorder.Sa bahaging ito
pansamantalang pagsasama-samahin ng nagsusuri ang mga tunog na
pinagsuspetsahan o pinagdududahang magkatulad o mga alopono
lamang ng iisang ponema.
 Sa isasagawang pagkaklasipika ay maaaring mangyari na ang isang
tunog ay mapasama sa isang pangkat. Subalit sa gagawing
pagpapangkat-pangkat ay kailangang maging praktikal; alalaong baga’y
iwasan ang pagpapares ng mga tunog na masyadong magkalayo o
magkaiba at, samakatwid, ay hindi maaaring maging mga alopono ng
iisang ponema. Halimbawa, sa tatlong tunog na [m,k,kh],halos matitiyak
ng nagsusuri na ang [m]at [k]ay magkaibang ponema,kaya’t dapat
paghiwalayin. Ngunit ang [k] at [kh] ay maaaring mga alopono lamang
ng iisang ponema, kaya’t makatwirang ang mga ito’y ituring na
“suspicious pairs” o pinagsususpetsahang pares.

 Ang ikatlong hakbang pagkatapos maiklasipika ang mga tunog, ay


ang pagsusuri o pag-aaral jsa distribusyon ng mga pinagsususpetsahang
pares o grupo ng mga tunog. Subuking gumawa ng isang haka o
palagay (hypothesis) tungkol sa distribusyon ng sinusuring mga tunog.
Ang haka o palagay ay maaaring mabatay sa obserbasyon ng nagsusuri
o sa pagtutulad sa kinalabasan ng mga napag-aralan nang grupo ng
mga tunog.

 Ang ikaapat na hakbang, pagkatapos makapagbigay ng haka o


palagay, ay ang pagsubok kung tama ang haka sa pamamagitan ng
paggawa ng tabulasyon na nagpapakita ng distribusyon ng bawat tunog
sanhi ng nagiging impluwensya ng ipinalalagay na salik (factor). Sa
bahaging ito’y kailangang maging maingat na maingat ang nagsusuri
upang matiyak ang magiging resulta ay mapananaligan.

 Ang ikalimang hakbang, pagkatapos ng pagsusuri sa pinangkat na


mga tunog, ay ang muling pakikipagkita sa impormante upang magtipon
pa ng mga kinakailangang data sa kanyang pagsusuri at upang tiyakin
ang mga bagay-bagay na ang impormante lamang ang makapagbibigay
liwanag.
 Upang hindi lubhang mag-aksaya ng panahon,makabubuting itala ng
nagsusuri ang lahat ng kanyang gustong linawin at hihinging data sa
impormante bago siya makipagharap ditto.Sa muling paghaharap ay
makabubuting muling ipabigkas sa impormante ang mga data sa corpus
upang lalong matiyak na nagsusuri na sadyang mapananaligan ang
kanyang isinagawang pagsusuri.
 Pagkatapos na masuri at maklasipika ang lahat ng tunog, apat na tsart
ang maaaring kahantungan ng pagsusuri:
1. Isang tsart ng mga ponemang katinig.
2. Isang tsart ng mga ponemang patinig.
3. Isang tsart ng mga prinsipal na alopono ng mga ponemang patinig.
4. Isang tsart ng mga prinsipal na alopono ng mga ponemang katinig.
 Ang bawat tsart ay kailangang samahan ng mga kailangang deskripsyon,
bukod sa iba pang kakanyahang natuklasan sa pagsusuri sa wika, tulad
ng mga klaster,diptonggo,diin ,tono,haba,o antala.
 Dati ay lapis at papel lamang ang karaniwang ginagamit ng isang
tagasuring-wika. Ngunit sa ngayon ay masasabing bahagi na ng
pagsusuri ang taperecorder.Bukod sa taperecorder ay marami pang iba’t
ibang gamit o instrument ang nalilikha upang lalong maging madali at
tiyak ang pagsusuri sa wika.Darating ang araw na bibigkasin lamang ng
impormante ang isang salita,parirala o pangungusap, at lalabas na sa
makina ang anumang data na gustong malaman ng nagsusuri.
 Ngunit tandaan natin na ang iba’t ibang instrumentong pangwika ay
nililikha upang maging madali at tiyak ang pagsusuri at hindi upang
pumalit sa tao. Sapagkat kung may ‘makina’ mang kailangang-kailangan
sa larangan ng pagsusuring wika ay walang iba kundi ang tainga ng
nagsusuri.

4. Pag-alam sa mga Morpema

PAG-ALAM SA MORPEMA :
 Ang pinakaunang layunin ng nagsusuri sa mga pananalitang kanyang
natipon ay ‘pagputul-putulin’ ang mga ito na ang bawat putol ay
kumakatawan sa isang morpema.
 Ang ginamit na halimbawa ng Gleason sa kanya g aklat tungkol sa mga
pandiwang Ebreo:
1. /zekartiihuu/ ‘I remembered him’ 13. /leqaaxuunii/
‘they took me’
2. /zekartiihaa/ ‘I remembered her’ 14. /zakaaroo/
‘he remembered him’
3. /zekartiikaa/ ‘I remembered thee’ 15. /zaakartii/ ‘I
remembered’
4. /zekarnuuhuu/ ’we remembered him’ 16. /zaakarnuu/ ‘we
remembered’
5. /zekarnuuhaa/ ‘we remembered her’ 17. /zaakar/ ‘he
remembered’
6. /zakarnuukaa/ ‘we remembered thee’ 18. /soomeer/
‘watchman’
7. /qetaltiihuu/ ‘I killed him’ 19. /zookeer/
‘one who remembers’
8. /qetalnuuhuu/ ‘we killed him’ 20. /qooteel/
‘killer’
9. /zekaaruuhuu/ ‘they remembered him’ 21. /zekartiihuu/ ‘I
remember him’
10. /zekaarathuu/ ‘she remembered him’ 22. /zekartiihuu/ ‘I
will remember him’
11. /zekartuunii/ ‘you remembered me’ 23. /?
ezkareehuu/ ‘I remember him’
12. /semartuuhaa/‘you guarded him’

 Kung paghahambingin natin ang bilang 1 at 2 ay kaagad nating


mapapansin ang isang bahaging nagkakaiba sa bigkas - /-uu/ : at /-aa/
at gayundin sa kahulugan, gaya ng makikita sa salin sa Ingles, ‘him’ :
‘her’.
 Ang /-uu/ at /-aa/ ay pansamantalang maituturing na magkaibang
morpema. Subalit kapag dumako tayo sa bilang 3 ay mapatutunayan
natin na mali ang ating palagay. Kung gayon, ay babaguhin natin at ang
tatanggapin nating mga morpema ay :/-huu/ ‘him’: /-haa/ ‘her’: /-kaa/
‘thee’.
 Kung ihahambing ang mga bilang 4,5 at 6 sa mga bialng 1,2 at 3 ay may
mapapansin tayong pagkakaiba sa bigkas at sa kahulugan ng /-tii/ ‘I’
at /-nuu/ ‘we’.
 Tulad ng sa unang pagkakataon, maaaring ang buong morpema ay
/-rtii-/ at /-rnuu-/ sa halip na /-tii-/ at /-nuu-/.
 Ang mga bilang 4,5 at 6 ay tama ang konklusyon tungkol sa /-huu/
‘him’: /-haa/ ‘her’: /-kaa/ ‘thee’.
 Ang mga bilang 7 at 8 sa mga unang bilang ay makapagbibigay tayo ng
kongklusyon na ang /zekar-/ ay ‘remembered’ at ang /qetal-/ ay ‘killed’ .
 Sa bahaging ito ay masasabi nating pansamantala na nabigyan na natin
ng katumbas na morpema ang bawat salita:
/-huu/ ‘him /-kaa/ ‘thee’ /-haa/ ‘her’
/-tii-/ ‘I’ /-nuu-/ ‘we’ /zekar-/ ‘remembered’
/qetal-/ ‘killed’
 Subalit wala pa tayong matibay na batayan, maaaring ang isa sa mga
putol ng pananalita ay binubuo pa ng higit sa isang morpema.
 Ang mga bilang 9 at 10, masasabi natin na ang /-huu/ ay ‘him’, ang
/-uu-/ ay ‘they’, at ang /-at-/ ay ‘she’.
 Mapapansin sa bilang 1-6, ang ‘remembered’ ay sa anyong /zekar-/,
ngunit sa bilang 9 at 10 ay naging / zekaar/. Sa isang palagay, ang
dalawang anyong ito ay alomorp ng iisang morpema.
 Ang bilang 11, bagama’t wala tayong aytem na maikokontrast,
makapagbibigay tayo ng pansamantalang palagay na ito ay nahahati sa
sumusunod: /zekar-/, + /-tuu-/ ‘you’ + /-nii/‘me’ , bilang pag-alinsunod
sa distribusyon ng nasabing mga salita sa nakaraang mga bilang –
salitang-ugat + tagaganap + ginaganapan sa gayong pagkakasunud-
sunod.
 Ang mga bilang 12 at 13, bagama’t hindi pares minimal, ay
magpapatunay na ang /-tuu-/ ay sadyang ‘you’ at ang /-nii-/ ay ‘me’.
 Dito natin mapapatunayan na sa pag-alam ng mga morpema ng isang
wika, hindi natin maiiwasan ang pumalaot sa gramatika ng wika. Kaya
nga’t ang ibang dalubwika ay may katwiran kung hatiin man nila ang
dalawang malaking lawak ang alinmang wikang kanilang sinusuri –
ponolohiya at gramatika, na sa bahaging gramatika ay nakasama na ang
morpolohiya.
 Ang aytem bilang 14 ay hindi natin masusuri at maihahambing sa ibang
corpus dahil ang salitang-ugat ay /zekaar-/, tulad sa bilang 9 at 10
ngunit ang natitirang /-oo/ ay waring may kahirapang itumbas sa ‘he’ at
‘him’. Kaya iba ito sa nakita sa bilang 11.
 Ang mga bilang 15, 16 at 17 ay naiiba sa aytem na nasuri sapagkat ang
mga ito’y hindi nagpapahayag ng bahaging ‘ginaganapan’ ng
‘tagaganap’.
 Kung ihahambing natin ang mga bilang 15, 16 at 17 sa isat-isa, at kung
ihahambing natin ang mga bilang 15 at 16 sa mga bilang 1 at 4, madali
nating makikita ang panlaping nagpapahayag ng tagaganap. Ang mga
ito’y ang /-tii/ ‘I’ at /-nuu/ ‘we’ , na katulad ng kinilala sa una maliban sa
pagkakaiba sa diin.
 Ang 17 ay walang panlaping nagpapahayag ng taga-ganap.
Pansamantala nating tutumbasan ang ‘he’ ng o/ na tatawagin nating
morpemang sero.
 Ang ibig sabihin nito ay ipinalalagay nating maaaring hindi na
binabanggit ng nagsasalita kapag ang kanyang ibig sabihin ay isahang
panghalip na panlalaki.
 Mapapansing naiiba na naman ang anyo ng salitang-ugat sa mga bilang
15, 16 at 17.
 Pansamantala nating ipalalagay na muli na ang mga
anyong /zekaar-/, /zekar/, at /zekaar-/ ay mga alomorp ng iisang
morpema.
 Ang palagay na ito ay malalaman natin kung makatatayo o hindi sa
dakong huli ang ating sinusuri.
 Kung babalikan natin ang bilang 14 ay makabubuo na tayo ng isang
palagay, sa bahaging ito ng ating pagsusuri, na ang
/zekaar-o/-oo/ ay maaari nating tumbasan ng ganitong pormula:
/zekaar-0/-oo/.
 Dalawang alomorp ang ating natagpuan para sa ‘him’, -/-huu/ at /-oo/.
Ito ay mga alomorp dahil sa pagkakatulad sa kahulugan at sa
pagkakaroon ng kanya-kanyang distribusyon o kaligiran.
 Sa bahaging ito ng ating pagsusuri ay apat na salitang-ugat na ang ating
nakilala: /zekar-/ ‘remembered,’ /qetal-/ ‘killed’, /semar-/ ‘guarded’, at
/leqaax-/ ‘took’.
 Ang mga salita ay mapapansing magkakatulad sa mga patinig at
nagkakaiba lamang sa mga katinig.
 Ipapalagay rin na ang bawat isa sa mga salitang nabanggit ay binubuo
ng dalawang morpema.
 Suriin natin ang mga bilang 18, 19 at 20, kung ihahambing ang mga ito
sa unang bilang ay hahantong tayo sa pagkilala sa mga sumusunod na
bilang ng morpema: /z-k-r/, ‘remember,’ /q-t-l/ ‘kill’, /s-m-r/
‘guard’ /l-q-x/ ‘take’, /-oo-ee-/ ‘one who,’ at /-e-a-=-e-aa-=-aa-a/ ‘-ed’.
Ang unang apat ay mga salitang-ugat; ang huling dalawa ay maituturing
na mga panlapi.
 Pansinin na nagkamali tayo sa pagpapalagay na ang /zekar-/, /zekaar-/,
at /zeakar/ ay mga alomorp ng iisang morpema. Sa pagkakataong ito ay
mapapatunayan natin na may mga morpemang hindi magkakarugtong.
 Ang wikang Ebreo na ginamit na halimbawa ni Gleason ay maituturing
na naiiba sa ibang wika tungkol sa mga morpema nitong hindi
magkarugtong.
 Ang morpemang [z-k-r] na binubuo ng tatlong katinig ay hindi kailanman
matatagpuan nang nag-iisa; alalaong baga’y laging may lagot o may
gitlapi.
 Ang mga alomorp ng [z-k-r] ay : [zkr] sa /zaakar/ ‘he remembered’, [-z-
k-r] sa /yizkoor/ ‘hewas remembering,’ at [z-kr-] sa /zikrii/ ‘my
remembrance.’ Ang tatlong katinig ay hindi kailanman ginagamit nang
walang lapi, kaya’t laging lagot o putol.
 Ang wikang Ebreo, gayundin ang wikang Griyego, ay mga wikang kilala
rin sa paggamit ng gitlapi na ikinaiiba nito sa ibang wikang tulad ng
Kastila at Ingles.
 Sa Pilipino, ang mga gitlaping /-um-/ at /-in-/ ay karaniwang-karaniwan.
Hal.: kumain, bumasa, kumuha, kinain, binasa at kinuha. Mapapansin na
ang gitlapi sa Pilipino ay isinisingit sa pagitan ng unang katinig at
patinig.
 Kung ang salita ay nagsisimula sa klaster o kambal-katinig, ang gitlapi ai
isinisingit sa pagitan ng klaster. Hal.: trak-itinrak, braso-binraso
(-binaraso) krus – ikinrus (-ikinurus), dyip – idinyip, plantsa – pinlantsa
(-pinalantsa), trabaho – tumrabaho (tumarabaho), sweldo – sumweldo
(-sumuweldo).
 Ang klaster na ts ay hindi naghihiwalay kapag nagkakaroon ng gitlapi:
tsek – tsinekan, tsinelas – matsitsinelas.
 Dito marahil may katwiran ang mga Kastila sa pagkilala sa /c/ bilang
isang morpema sa mga salitang tulad ng chinito, /cini:to/, lechon /lecon/
sa halip na /tsini:to/, /letson/.
 Hindi lamang salitang-ugat ang napuputol, may mga panlaping di
magkarugtong sa Pilipino. Hal.: pag-…-an – pagawaan, mag-…-han –
magtakbuhan, -in-…-an sa dinuguan.
 May mga pangyayari rin na ang isang panlapi ay sinisingitan ng iba pang
panlapi. Hal.: kagalit – kinagalit, pagtapunan, pinagtapunan.
 Sa Pilipino pa rin ang mga panlapi na maituturing na alomorp lamang ng
isang morpema. Hal.: hulaping –an : -han at –in : -hin sa mga salitang
labian /labi:an/ : sabihan /sabi:han/ at pasuin /pasu:in/ : hulihin
/huli:hin/.
 Pansinin na ang –an at –han, gayundin ang –in at –hin, ay nasa
distribusyong komplimentaryo; na ang katatagpuan sa –in at –an ay
hindi katatagpuan sa –hin at –han.
 Lahat ng salitang nagtatapos sa ponemang katinig, kasama rito ang
impit na tunog na isa ring ponemang katinig, ay hinuhulapian ng –in o –
an; samantalang lahat ng salitang nagtatapos sa ponemang patinig ay
hunuhulapian ng –hin o –han.
 Ang mga alomorp ng Pilipino, kung sabagay, ay simpleng-simple kung
ihahalintulad sa mga alomorp ng mga morpema sa Ingles. Ang
pangnakaraang pandiwa sa Ingles, halimbawa, ay napakaraming
alomorp.
 Ang pagsusuri sa mga morpema ng isang wika ay hindi maituturing na
praktikal kung hindi isaalang-alang ang kahulugan ng bawat morpema.
At ang ganito’y nangyayari lamang sa pamamagitan ng pagsasalin ng
wikang sinusuri sa wika ng nagsusuri.
 Mapapatunayan sa pagkakataong ito na ang salin ng isang salita sa
ibang wika ay di sapat sa pagpapahayag ng diwang nais ipahayag sa
orihinal na wika, kaya’t kailangang maging maingat sa bahaging ito ang
isang nagsusuri
II. Pagsusuri ng ponema at morpema

Panuto: Tingnan ang sumusunod na paghahambing sa ponema at morpema sa


paraan ng pagbabanghay ng Filipino at ibang wika sa Pilipinas. Suriin
ang mga pinaghambing na wika upang makíta ang pagkakatulad at
pagkakaibá.

A. Ponema

1. Filipino – Pampango

Filipino Pampango
ilong hilong
atay hatay
hasik asik
hula ula
hayop ayop
Pagsusuri:
Sa una at ikalawang pares nang salita sa magkaibang wika na Filipino at
Pampanggo ay makikita na sa Filipino ay walang ponemang /h/ samantalang ang
dalawang paresnang salita sa wikang pampanggo ay mayroong ponemang /h/ na
kung ating titingnan sa susunod na tatlong magkasunod na bilang at pares ng mga
salita makikita namn natin na sa wikang Filipino ay mayroong ponemang /h/
samantalang wlala namn ito sa wikang Pampanggo .

2. Filipino - Ilokano

Filipino Ilokano
natulog naturog
araw adaw
huwaran huwadan
kilay kiday
uling uding
bahay balay
tabo tako
sukli supli
Pagsusuri:

Sa unang dalawang magkasunud na bilang ay makikita na sa wikang Filipino ay


naroon ang ponemang /r/ at /l/,/d/ ganoon rin sa wikang Ilokano na mukhang
malayang nagpapalitan.Katulad na rin ng ponemang /l/ at /d/,/l/at/h/,/b/at/k/ Sa
dalawang magkaibang wika.

3. Filipino - Bicol

Filipino Bicol
dala dara
keso kiso
Pagsusuri:
Ang dalawang pares at magkasunud na slita sa magkaibang wika ay malayang
nagpapalitan ang ponemang /l/ at /r/ sa unang bilang ganoon rin sa ikalawang
bilang ang ponemang /e/st /i/

B. Morpema

Filipino Ilokano

Perpektibo
naglaba naglaba
naglampaso naglampaso
nagluto nagluto

Imperpektibo

naglalaba aglablaba
naglalampaso aglamlampaso
nagluluto aglutluto

Kontemplatibo:
Maglalaba aglaba
maglalampaso aglampaso
magluluto agluto

Pagsusuri:

Sa perpektibong anyo ng mga salitang magkapares sa dalawang magkaibang wika


ay hindi koi to kinakitaan ng pagkakaiba ngunit sa imperpektibong anyo nito ay
mapapansin na kinaltas ang ponemang /n/ o nawala ito sa wikang Ilokano ganoon
rin sa Kontemplatibong anyo kinaltas na rin ang ponemang /m/ sa wikang Ilokano.

You might also like