fil 12_q1mod5_ sinopsis_buod_ akademikong_sulatin_ hilda_dawayen_bgo_v1
fil 12_q1mod5_ sinopsis_buod_ akademikong_sulatin_ hilda_dawayen_bgo_v1
fil 12_q1mod5_ sinopsis_buod_ akademikong_sulatin_ hilda_dawayen_bgo_v1
(Akademikong Sulatin)
Modyul ng Mag-aaral sa Filipino
sa Piling Larang - Akademiks
Unang Markahan ∙ Modyul 5
HILDA C. DAWAYEN
Developer
Inilathala ng
Learning Resource Management and Development System
ii
PAUNANG SALITA
Wika : Filipino
Markahan/Linggo : Q1W5
Kasanayang Pampagkatuto
iii
PASASALAMAT
Development Team
Author/s: Hilda Caasi – Dawayen
Illustrator: Brian Jacobe (cover art)
Layout Artist: Maria Ramelia M. Ulpindo
School Learning Resources Management Committee
Brenda M. Cariño School Principal
Sherwin Fernando School LR Coordinator
Quality Assurance Evaluators:
Marilyn S. Api-it ESP- Filipino
Niño M. Tibangay PSDS – BCNHS District
Learning Resource Management Section Staff
Loida C. Mangangey EPS – LRMDS
Victor A. Fernandez Education Program Specialist II - LRMDS
Christopher David G. Oliva Project Development Officer II – LRMDS
Priscilla A. Dis-iw Librarian II
Lily B. Mabalot Librarian I
CONSULTANTS
iv
TALAAN NG NILALAMAN
Alamin........................................................................................................................2
Subukin..................................................................................................................... 4
Balikan .......................................................................................................................
Gawain: Sasang-ayunan o Kokontrahin ………………………………………………….6
Tuklasin .....................................................................................................................6
Gawain 1: Pagtatapat-tapatin …………………………………………………………….. 6
Gawain 2: Pagsusuri sa mga pahayag……………………………………………………7
Suriin .........................................................................................................................7
Gawain: Thumbs-up/Thumbs-dow ..……………………………………………………. 12
Pagyamanin …………………………………………………………………………… 12
Gawain 1: Konsepto ng Sintesis ……………………………………………………… 12
Gawain 2: Pagbubuo ng Buod ……………………………………………………….. 13
Isaisip ......................................................................................................................13
Gawain : Pagpapaliwanag ..………………………………………………………… ….. 13
Isagawa ...................................................................................................................14
Gawain: Pagsulat ng Sariling Sintesis ………..………………………………………. 14
Tayahin ....................................................................................................................20
Karagdagang Gawain ………………………………………………………………… 22
v
Ang Sinopsis at Buod
(Akademikong Sulatin)
Modyul ng Mag-aaral sa Filipino
sa Piling Larang - Akademiks
Unang Markahan ∙ Modyul 5
HILDA C. DAWAYEN
Developer
2
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat at ayon sa layunin ng paggamit nito.
Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na sagutang papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang sagutang papel ng modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
3
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Subukin
Alamin muna natin ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa paksang Ang
Sintesis at Buod. Basahin at Unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang
tamang letra ng iyong kasagutan at isulat ito sa iyong sagutang papel.
PAUNANG PAGTATAYA
Alamin natin ang lawak na ng iyong mga kaalaman tungkol sa paksang Ang Sintesis
at Buod. Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang tamang letra
ng iyong sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. Isang uri nito ay ang sintesis at buod na kalimitang ginagamit sa mga tekstong
naratibo.
A. Lagom C. Pananaliksik
B. Pagsulat D. Pagbasa
4
B. Sintesis D. Bionote
5. Mahalaga ito sa isang sintesis dahil nanggagaling ang mga ito sa iba’t ibang batis
ng impormasyon.
7. Ang paggawa ng isang sintesis grid upang masigurong maayos at sistematiko ang
daloy ng pagkuha ng impormasyon ay makikita sa aling bahagi ng sintesis?
A. Introduksiyon C. Konklusyon
B. Katawan D. Wala sa nabanggit
8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang may tamang katangian ng isang buod.
A. Mamili ng kakapanayamin bago sumulat ng buod
B. Mga 1/2 ng teksto o mas mahaba pa dapat ang nilalaman ng buod.
C. Mahalaga ang buod sa pagpapaulad ng argumento.
D. Hindi inuulit ang mga salita ng may-akda bagkus ginagamit ang sariling
pananalita.
9. Sa mga nakasulat o episodyo ng isang pinanood, mahalagang tukuyin muna ang
mga ito bago sumulat ng isang buod.
A. Pamagat C. Awtor
B. Paksang Pangungusap D. Sanggunian
10. Mas maikli ang sintesis ngunit may laman, lalim, at lawak ay
nangangahulugang?
A. Huwag maging masalita sa Sintesis
B. Gawing isang pahina lamang ang sintesis
C. Maging tapat sa pagsulat ng sintesis
D. Lahat ng nabanggit
11. Mahalaga ito sa sintesis dahil ditto manggagaling ang iba’t ibang batis ng
impormasyon.
A. Organisasyon ng mga ideya C. Datos
B. Pagsusuri D. Iluustrayon
5
15. Huwag kalimutang isulat ito dahil ditto kinukuha o hinango ang orihinal na sipi ng
isang aklat.
A. Sanggunian C. Wika
B. Balarila D. Buod
Balikan
Sa nagdaang modyul ay pinag-aralan na natin ang kahulugan ng lagom at
natunghayan mo na nabanggit ang mga uri nito , ang naunang uri ng lagom ay ang
Abstrak. Sa pagkakataong ito, isa na naming uri ng lagom ang pagtutuunan mo ng
pansin.
Subalit bago ka magpatuloy, magkaroon ka muna ng pagbabalik-tanaw sa
mahahalagang konsepto na magagamit mo sa pag-unawa sa susunod na paksang-
aralin. Mahalaga maiugnay mo ang mga dati mong kaalaman o iskema sa mga
bagong paksang pinag-aaralan.
Ang Lagom
Konsepto Oo Hindi
1.Isa sa mga kasanayang dapat matutuhan ng bawat mag-aaral ay ang
kakayahang bumuo ng isang paglalagom.
2. Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersiyon ng sulatin
3. Mahalagang makuha ng bumabasa ang bahagi lamang ng kaisipang
nakapaloob sa paksang binabasa.
4.Mahalagang mailahad nang maligoy o paulit -ulit ang paghahabi ng
pangungusap sa pagsulat ng lagom.
5.Ang Abstrak ay isang uri ng lagom.
Tuklasin
Matututunan mo sa bahaging ito ang isang na naming uri ng paglalagom na
kailangan mong pag-aralan. - Ang Sintesis at Buod. Subalit bago mo tunghayan ang
mga batayang kaalaman sa araling ito, sagutin na muna ang mga pagsasanay sa
bahaging ito.
GAWAIN 1. PAGTATAPAT-TAPATIN:
Hanapin sa Hanay B ang mga katangian ng mga salitang nakasulat sa Hanay A. isulat
6
ang tamang letra ng iyong sagot.
7
HANAY A HANAY B
___ 1. Lagom a. pinasimpleng bersiyon ng isang sulatin
____2. Buod b. tala ng isang indibidwal sa sarili
___ 3. Sintesis niyang pamamaraan
____4. Kronolohiya c. pinakapunto ng isang akda
____5. Pangunahing ideya d. pagkakasunod-sunod ng mga ideya
e. pag-uulat ng mga impormasyon sa maikling
pamamaraan
Suriin
Sa pagkakataong ito, marahil ay handa ka nang alamin ang mahahalagang
impormasyon sa araling ang Sintesis at Buod. Maging matiyagang tunghayan at pag-
aralan na ngayon ang mga ito.
8
Mahalaga sa sintesis ang organisasyon ng mga ideya dahil nanggaling ang
mga ito sa iba’t ibang batis ng impormasyon.
Halimbawa:
1. Sa isang interbyu sa isang tao, iba-iba ang itinatanong ng nag-iinterbyu gaya ng
tungkol sa pamilya, propesyon, opinyon sa paksa, atbp. Kaya iba-ibang opinyon
naman ang maririnig.
2. Sa panel discussion naman, iba-iba ang taong nag-uusap tungkol sa iisang
paksa
*Ang pagbubuo at pagbubuod sa mga ito ay nangangailangan ng sistemakong
paraan.
Mga Ilang Hakbang at Mungkahi sa Maayos na Pagbubuo ng Sintesis
1. Introduksyon
- Sisimulan sa isang paksang pangungusap na magbubuod o magtutuon sa
pinakapaksa ng teksto. Banggitin ang mga sumusunod: a. Pangalan ng may-akda,
b. Pamagat, at c. Impormasyon tungkol sa may-akda, teksto, paksa
2. Katawan
a. Organisahin ang mga ideya upang mauri kung may nagkakapareho. Gumawa
ng isang Sintesis Grid (halaw sa 2000 Learning Center, University of Sydney) upang
masigurong maayos at sistematiko ang daloy ng pagkuha ng impormasyon.
9
b. Suriin ang koneksyon ng bawat isa sa paksa at pangunahing ideya.
c. Simulan sa pangungusap o kataga ang bawat talata. Naglalahad ang
pangungusap o katagang paksa ng talata.
d. Ibigay ang mga impormasyon mula sa iba-ibang batis (tao, libro, at iba pa) o iba-
ibang paksa o opinyon sa isang paksa.
e. Gumamit ng angkop na mga transisyon (halimbawa: gayundin, sa kabilang dako,
gayunman, at iba pa) at paksang pangungusap. Banggitin din ang pinagkunan
(halimbawa: “na ayon sa Daluyan Journal, Vol. VI, 2009”).
f. Gawing impormatibo ang sintesis. Ipakita ang mga pagkakapareho at pagkakaiba
ng mga ideya, opinyon, paniniwala, reaksyon, at iba pa.
g. Huwag maging masalita sa sintesis. Mas maikli, mas mabuti ngunit may laman,
lalim, at lawak.
10
h. Maging matapat sa teksto, kinapanayam, o pinagkunan ng impormasyon.
3. Kongklusyon
Ibuod ang nakitang mga impormasyon at pangkalahatang koneksyon ng iba-
ibang pinagsamang ideya. Maaaring magbigay komento dito o kaya’y magmungkahi
(halimabawa: mas malalim pang pananaliksik, pag-aaral, obserbasyon, diskusyon, at
iba pa tungkol sa paksa. (Maaaring ang kongklusyon ay nasa unang bahagi)
a. Introduksyon ng koleksyon ng mga artikulo sa libro o journal.
b. Report ng pinag-usapan sa talk show, pulong, komperensiya, o panel discussion.
c. Rebyu ng mga literaturang pinagkunan ng impormasyon o ideya ukol sa isang
paksang may maraming may-akda na sinangguni para sa sinusulat na tesis o
disertasyon.
d. Report ng dokumentaryo ukol sa isang paksaa na may iba’t ibang taong
kinapanayam.
e. Maikling rebyu ng mga sinulat ng isang may-akda kaugnay ng isang partikular na
paksa.
Buod
Siksik at pinaikling bersyon ito ng teksto. Ang teksto ay maaring nakasulat,
pinanood, o pinakinggan. Pinipili rito ang pinakamahalagang ideya at sumusuportang
ideya o datos. Mahalaga kung gayon, ang pagtutok sa lohikal at kronolohikal na daloy
ng mga ideya ng binuod na teksto. Kadalasan, nakatutulong ang pagbubuod sa
paglilinaw sa lohikal at kronolihiya ng mga ideya lalo na sa mga hindi organisado o
komplikadong paraan ng pagsulat sa teksto.
Tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa kanyang mga
narinig o nabasang artikulo, balita, aklat, panayam, isyu, usap-usapan at iba pa.
Kahalagahan:
Bilang datos sa isang masusing binasang teksto upang gamitin sa isang pagsusulat,
mahalaga ang pagbubuod sa pagpapaunlad ng argumento. Hindi tayo nagbubuod
para lang ilahad ang ginawa o isinulat ng isang may akda. Ginagamit ito bilang
pansuporta sa isang proposisyon o tesis. Isa rin itong batayan kung paano binasa ng
sumulat ang naturang akda at kung paano niya naiiugnay sa kanyang paksa.
Katangian:
1. Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay sa paksa.
2. Hindi inuuulit ang mga salita ng may akda; bagkus ay gumagamit ng sariling
pananalita. Isa itong “ muling pagsulat” ng binasang akda sa maikling salita.
3. Mga ⅓ ng teksto o mas maikli pa dito ang buod.
Mga Hakbang sa Pagbubuod
1. Basahin, panoorin, o pakinggan muna nang pahapyaw ang teksto.
2. Sa mga nakasulat o episodyo ng isang pinanood o pinakinggan, tukuyin ang
paksang pangungusap o pinakatema. Tukuyin din ang mga susing salita ( key
words).
11
3. Pag- ugnay- ugnayin ang mga ideyang ito upang mabuo ang pinakapunto o tesis.
4. Sulatin ang buod. Tiyakin ang organisasyon ng teksto. Huwag gumamit ng mga
salita o pangungusap mula sa teksto.
5. Huwag maglagay ng mga detalye, halimbawa, at ebidensya.
6. Makatutulong ang paggamit ng mga signal word o mga salitang nagbibigay-
transisyon sa mga ideya gaya ng gayumpaman, kung gayon, samatuwid, gayundin,
sa kabilang dako, bilang konklusyon, bilang pagwawakas, at iba pa.
1. Huwag magsingit ng opinyon.
2. Sundin ang dayagram sa ibaba.
12
4. Gumamit ng mga pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa kuwentong
binubuod lalo na kung ang sinopsis na ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang
talata.
5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay, at mga bantas na ginamit sa
pagsulat.
6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha
ang orihinal na sipi ng akda.
Pagyamanin
Naunawaan mo na ba ang paglalahad tungkol sa sintesis at buod? Kung
hindi, ulitin mo ang pagbasa upang ganap mong maunawaan ang paksa. Kung
naintindihan mo na ang teksto, gawin mo ang mga susunod na gawain upang
malinang pa ang iyong pag-unawa sa araling sintesis at buod.
13
GAWAIN 2. PAGBUBUO NG BUOD
Igawan ngayon ng buod ang tinalakay na kahulugan, katangian, kahalagahan at mga
hakbang sa pagbubuo ng buod gamit ang dayagram.
KAHULUGAN KATANGIAN
BUOD
Isaisip
14
Isagawa
Mahalagang nagagamit natin sa araw-araw ang mga kaalamang ating
natatamo upang maging makabuluhan ang mga ito.
15
TATA SELO
ni: Rogelio Sikat
Maliit lamang sa simula ang kulumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit
nang tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay
napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan.
Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isa’y naghahangad makalapit sa
istaked.
“Totoo ba, Tata Selo?”
“Binabawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.”
Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang
putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata.
Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa
matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang
isang magbubukid, ang kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata
sa nagkakaguluhang tao.
“Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo,” umiling na wika ng kanyang kahangga, “talagang hindi
ko mapaniwalaan.”
Hinaplus-haplos ni Tata Selo ang ga-dali at natuyuan na ng dugong putok sa noo. Sa
kanyang harapan, di-kalayuan sa istaked, ipinagtutulakan ng mga pulis ang mga taong ibig
makakita sa kanya. Mainit ang sikat ng araw na tumatama sa mga ito, walang humihihip na
hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang ang nasasalisod na alikabok.
“Bakit niya babawiin ang aking saka?” tanong ni Tata Selo. “Dinaya ko na ba siya sa
partihan? Tinuso ko na ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama lang niya ako. Hindi ba’t
kaya maraming nagagalit sa akin ay dahil sa ayaw kong magpamigay ng kahit isang pinangko
kung anihan?”
Hindi pa rin umaalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa rehas.
Nakatingin siya sa labas ngunit wala siyang sino mang tinitingnan.
“Hindi mo na sana tinaga si kabesa,” anang binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa
San Roque, na tila isang magilas na pinunong-bayang malayang nakalalakad sa pagitan ng
maraming tao at ng istaked. Mataas ito, maputi, nakasalaming may kulay at nakapamaywang
habang naninigarilyo.
“Binabawi po niya ang aking saka,” sumbong ni Tata Selo. “Saan pa po ako pupunta kung
wala na akong saka?”
Kumumpas ang binatang mayaman. “Hindi katwiran iyan para tagain mo ang kabesa.
Ari niya ang lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin, mapaaalis ka niya anumang
oras.”
Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas.
“Ako po’y hindi ninyo nauunawaan,” nakatingala at nagpipilit ngumiting wika niya sa
binatang nagtapon ng sigarilyo at mariing tinakpan pagkatapos. “Alam po ba ninyong dating
amin ang lupang iyon? Naisangla lamang po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo
lamang po ng kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang lupang iyon, kaya nga po hindi
nagbibigay ng kahit isang pinangko kung anihan. Kung hindi ko na naman po mababawi,
masaka ko man lamang po. Nakikiusap po ako sa kabesa kangina, “Kung maari akong
paalisin. Kaya ko pa pong magsaka, ‘Besa. Totoo pong ako’y matanda na, ngunit ako po
16
nama’y malakas pa.’ Ngunit... Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod, tingnan po n’yong
putok sa aking noo, tingnan po n’yo.”
Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa’y tinalikuran si Tata Selo at
lumapit sa isang pulis.
“Pa’no po ba’ng nangyari, Tata Selo?”
Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang
magbubukid na na nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang magbubukid, o
anak-magbubukid, na maniniwala sa kanya. Nakataas ang malapad na sumbrerong balanggot
ng bata. Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may halas. May sukbit itong lilik.
“Pinutahan niya ako sa aking saka, amang,” paliwanag ni Tata Selo. “Doon ba sa may
sangka. Pinaalis sa aking saka, ang wika’y tinungkod ako, amang. Nakikiusap ako, sapagkat
kung mawawalan ako ng saka ay saan pa ako pupunta?”
“Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo.”
Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata.
“Patay po ba?”
Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya sa
balikat.
“Pa’no pa niyan si Saling?” muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang
maglalabimpitong taong anak ni Tata Selo na ulila na sa ina. Katulong ito kina Kabesang Tano
at kamakalawa lamang umuwi kay Tata Selo. Ginagawang reyna sa pista ng mga magbubukid
si Saling nang nakaraang taon, hindi lamang pumayag si Tata Selo. “Pa’no po niyan si Saling?”
Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas.
Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse na nang dumating ito,
kasama ang hepe ng mga pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa. Abut-abot ang busina ng
diyip na kinasasakyan ng dalawa upang mahawi ang hanggang noo’y di pa nag-aalisang tao.
Tumigil ang diyip sa di-kalayaun sa istaked.
“Patay po ba? Saan po ang taga?”
Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpapawisang tao. Itinaas ng may-katabang
alkalde ang dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay. Nanulak ang malaking hepe.
“Saan po tinamaan?”
“Sa bibig.” Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot iyon at mariing inihagod
hanggang sa kanang punong tainga. “Lagas ang ngipin.”
“Lintik na matanda!”
Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan, nagtulakan.
Nanghataw na ng batuta ang mga pulis. Ipinasiya ng alkalde na ipalabas ng istaked si Tata
Selo at dalhin sa kanyang tanggapan. Dalawang pulis ang kumuha kay Tata Selo sa istaked.
“Mabibilanggo ka niyan,” anang alkalde pagpasok ni Tata Selo sa kanyang tanggapan.
Pinaupo ng alkalde ang namumutlang si Tata Selo. Umupo si Tata Selo sa silyang
nasa harap ng mesa. Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa
nasasalaminang mesa.\
“Pa’no nga ba’ng nangyari?” kunot-noo at galit na tanong ng alkalde.
Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
17
“Binabawi po niya ang aking saka, Presidente,” wika ni Tata Selo. “Ayaw ko pong umalis doon.
Dati pong amin ang lupang iyon, amin po, naisangla lamang po at naembargo.”
“Alam ko na iyan,” kumukumpas at umiiling na putol ng nagbubugnot na alkalde.
Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente, may nakasungaw na luha sa
kanyang malalabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata.
“Ako po naman, Presidente, ay malakas pa,” wika ni Tata Selo. “Kaya ko pa pong
magsaka. Makatwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po naman ako, Presidente, malakas
pa po.”
“Saan mo tinaga ang kabesa?”
Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
“Nasa may sangka po ako nang dumating ang kabesa. Nagtatapal po ako ng pitas sa pilapil.
Alam ko pong pinanood ako ng kabesa, kung kaya po naman pinagbuti ko ang paggawa, para
malaman niyang ako po’y talagang malakas pa, na kaya ko pa pong magsaka. Walang anu-
ano po, tinawag niya ako at ako po’y lumapit, sinabi niyang makaalis na ako sa aking saka
sapagkat iba na ang magsasaka.”
“Bakit po naman, “Besa?” tanong ko po. Ang wika’y umalis na lang daw po ako. ‘Bakit
po naman, ‘Besa?’ tanong ko po uli, ‘malakas pa po naman ako, a.’ Nilapitan po niya ako nang
tinungkod.”
“Tinaga mo na n’on,” anang nakamatyag na hepe.
Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin – may mga eskribiyente pang nakapasok
doon – ay nakatuon kay Tata Selo. Nakauyko si Tata Selo at gagalaw-galaw ang tila mamad
na daliri sa ibabaw ng maruming kutod. Sa pagkakatapak sa makintab na sahig, hindi
mapalagay ang kanyang may putik, maalikabok at luyang paa.
“Ang inyong anak, na kina Kasesa raw?” usisa ng alkalde.
Hindi sumagot si Tata Selo.
“Tinatanong ka,” anang hepe.
Lumunok si Tata Selo.
“Umuwi na po si Saling, Presidente.”
“Kailan?”
“Kamakalawa po ng umaga.”
“Di ba’t kinatatulong siya ro’n?”
“Tatlong buwan na po.”
“Bakit siya umuwi?”
Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiyak na napayuko siya.
“May sakit po siya?”
Nang sumapit ang alas-dose – inihudyat iyon ng sunud-sunod na pagtugtog ng kampana sa
simbahan na katapat lamang ng munisipyo – ay umalis ang alkalde upang manghalian.
Naiwan si Tata Selo, kasama ang hepe at dalawang pulis.
“Napatay mo pala ang kabesa,” anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata
Selo na nakayuko at din pa tumitinag sa upuan.
“Binabawi po niya ang aking saka,” katwiran ni Tata Selo.
18
Sinapok ng hepe si Tata Selo. Sa lapag, halos mangudngod si Tata Selo.
“Tinungkod po niya ako nang tinungkod,” nakatingala, umiiyak at kumikinig ang labing
katwiran ni Tata Selo.
Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig, napaluhod
si Tata Selo, nakakapit sa umipormeng kaki ng hepe.
“Tinungkod po niya ako nang tinungkod...Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod...”
Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis.
“Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kat Tsip, e,” sinasabi ng isa nang si Tata Selo ay tila damit
na nalaglag sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe.
Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo, nagkalat ang
papel na naiwan nang nagdaang araw. Hindi pa namamatay ang alikabok, gayong sa
pagdating ng uwang iyo’y dapat nang nag-uulan. Kung may humihihip na hangin, may
mumunting ipu-ipong nagkakalat ng mga papel sa itaas.
“Dadalhin ka siguro sa kabesera,” anang bagong paligo at bagong bihis na alkalde sa
matandang nasa loob ng istaked. “Doon ka siguro ikukulong.”
Wala ni papag sa loob ng istaked at sa maruing sementadong lapag nakasalampak si Tata
Selo. Sa paligid niya’y may natutuyong tamak-tamak na tubig. Nakaunat ang kanyang maiitim
at hinahalas na paa at nakatukod ang kanyang tila walang butong mga kamay. Nakakiling,
nakasandal siya sa steel matting na siyang panlikurang dingding ng istaked. Sa malapit sa
kanyang kamay, hindi nagagalaw ang sartin ng maiitim na kape at isang losang kanin.
Nilalangaw iyon.
“Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo,” patuloy ng alkalde. Nagsindi ng tabako at
lumapit sa istaked. Makintab ang sapatos ng alkalde.
“Patayon na rin ninyo ako, Presidente.” Paos at bahagya nang marinig ang rehas nguni’t
pinagkiskis niya ang mga palad at tiningnan kung may alikabok iyon. Nang tingnan niya si
Tata Selo, nakita niyang lalo nang nakiling ito.
May mga tao na namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti iyon kaysa kahapon.
Nakapasok ang mga iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti
ang magbubukid sabagong langkay na dumating at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay mga
taga-poblacion. Hanggang noon, bawat isa’y nagtataka, hindi makapaniwala, gayong kalat na
ang balitang ililibing kinahapunan ang kabesa. Nagtataka at hindi nakapaniwalang nakatingin
sila kay Tata Selo na tila isang di pangkaraniwang hayop na itinatanghal.
Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdakong alas-dos,
dumating ang anak ni Tata Selo. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa
rehas at malakas na humagulgol.
Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito’y ipinatawag sa kanyang tanggapan.
Di nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis ang umaalalay kay Tata
Selo. Nabubuwal sa paglakad si Tata Selo. Nakita niya ang babaing nakaupo sa harap ng
mesa ng presidente.
Nagyakap ang mag-ama pagkakita.
“Hindi ka na sana naparito, Saling” wika ni Tata Selo na napaluhod. “May sakit ka
Saling, may sakit ka!?
Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang walang kintab
niyang buhok, ang damit na suot ay tila yaong suot pa nang nagdaang dalawang araw.
19
Matigas ang kanyang namumutlang mukha. Pinaglilipat-lipat niya ang tingin mula sa
nakaupong alkalde hanggang sa mga nakatinging pulis.
“Umuwi ka na, Saling,” hiling ni Tata Selo. “Bayaan mo na...bayaan mo na. Umuwi ka na,
anak. Huwag ka nang magsasabi...”
“Kinabog kagabi,” wika ng isang magbubukid. “Binalutan ng basang sako, hindi nga halata.”
“Ang anak, dumating daw?”
“Naki-mayor.”
Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo. Napasubsob si Tata
Selo pagakaraang siya’y maiupo. Ngunit nang marinig niyang muling ipinapakaw ang pintong
bakal ng istaked, humihilahod na ginapang niya ang rehas, mahigpit na humawak doon at
habang nakadapa’y ilang sandali ring iyo’y tila huhutukin. Tinawag niya ang mga pulis ngunit
paos siya at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang kanang kamay sa rehas, bumagsak
ang kanyang mukha sa sementadong lapah. Matagal siyang nakadapa bago niya narinig na
may tila gumigisang sa kanya.
“Tata Selo...Tata Selo...”
Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng may luha niyang mata ang tumatawag sa
kanya.
Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon.
Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na umaabot sa kanya.
“Nando’n, amang, si Saling sa Presidente,” wika ni Tata Selo. “Yayain mo nang umuwi, umuwi
na kayo. Puntahan mo siya, amang. Umuwi na kayo.” Muling bumagsak ang kanyang mukha
sa lapag. Ang bata’y saglit na nagpaulik-ulik, pagkaraa’y takot na bantulot na sumunod...
Mag-iikapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon.
May kapiraso nang lilim sa istaked, sa may dingding sa steel matting, ngunit si Tata Selo’y
wala roon. Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin sitya
sa labas, sa kanyang malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw na mata’y tumatama ang
mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang inutusan niya
kangina. Sinasabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi
siya pinakikinggan ni Tata Selo, na ngayo’y hindi na pagbawi ng saka ang sinasabi.
Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na
sa kanila, lahat, ay! ang lahat ay kihuan na sa kanila…
20
Tayahin
Binabati kita dahil sa pagtitiyaga mong tapusin ang mga gawain sa modyul na
ito. Ngunit may isa pang hamon na dapat mong gawin. Sagutin mo ang panghuling
pagtataya upang matiyak na nakamit mo ang dapat mong matutuhan sa modyul na
ito. Kapag nakuha mo lahat ang tamang sagot sa mga aytem, maaari ka nang dumako
sa susunod na modyul. Kung hindi, balikan mo ang bahaging hindi mo nasagutan
nang tama at pag-aralan pa ito. Maaari kang magsaliksik pa tungkol dito sa ibang
sanggunian.
PANGHULING PAGTATAYA
Masusukat na naman sa bahaging ito ang lawak ng iyong natutunan gamit ang
modyul na ito. Sagutin ang panapos na pagtataya.gamit pa rin ang iyong Sagutang
Papel.Tukuyin ang titik ng wastong sagot sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Isang uri nito ay ang sintesis at buod na kalimitang ginagamit sa mga tekstong
naratibo.
A. Lagom C. Pananaliksik
B. Pagsulat D. Pagbasa
7. Ang paggawa ng isang sintesis grid upang masigurong maayos at sistematiko ang
daloy ng pagkuha ng impormasyon ay makikita sa aling bahagi ng sintesis?
A. Introduksiyon C. Konklusyon
B. Katawan D. Wala sa nabanggit
21
8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang may tamang katangian ng isang buod.
A. Mamili ng kakapanayamin bago sumulat ng buod
B. Mga 1/2 ng teksto o mas mahaba pa dapat ang nilalaman ng buod.
C. Mahalaga ang buod sa pagpapaulad ng argumento.
D. Hindi inuulit ang mga salita ng may-akda, ginagamit ang sariling pananalita.
15. Huwag kalimutang isulat ito dahil ditto kinukuha o hinango ang orihinal na sipi ng
isang aklat.
C. Sanggunian C. Wika
D. Balarila D. buod
22
Karagdagang Gawain
Basahin at suriin ang buod ng “Ang Aligbughang Anak”. Pagkatapos, suriin
naman ang pagkakabuod nito at alamin kung nailahad ba lahat ang mga katangian
na taglay ng isang buod. Sa scroll na nasa ibaba, isulat ang iyong pagsusuri kung
naisagawa ba ng wasto ang pagkakalagom nito.
Alibughang Anak
May isang amang may dalawang anak. Kinuha ng bunsong anak ang mana nito at
kaniyang gunugol sa makamundong gawain. Dumating ang panahong naubos ang lahat ng
kayamanang minana niya at lubos siyang naghirap at nagdalita at namuhay nang masahol pa
sa katayuan ng mga alipin sa kanilang tahanan.
Dahil sa mga hirap at sakit na kanyang naranasan, napagtanto niya ang kaniyang
masasamang ginawa. Nagpasiya siyang bumalik sa kaniyang ama, nagpakumbaba, at
humingi ng tawad. Dahil sal abis na pagmamahal ng ama sa anak, buong puso niya itong
tinanggap, at hindi lang ito, ipinagdiwang pa ang kanyang pagbabalik na ikinasama naman ng
panganay na kapatid dahil ni minsan ay hindi niya naranasang ipaghanda ng piging ng
kanyang ama at ipinaliwanag na siya ay lagi niyang kapiling at ang lahat ng ari-arian niya ay
para sa kaniya subalit ang bunsong anak na umalis ay itinuring nang patay ngunit muling
nabuhay, Nawala, ngunit muling nasumpungan.
Sanggunian: Hinango sa Magandang Balita BIbliya, Lukas 15:11-32
Pagsusuri
23
Susi sa Pagwawasto
TUKLASIN:-P.6
GAWAIN 1: PAGTATAPAT-TAPATIN-P.6 1. A 2. B 3. E 4. D 5. C
GAWAIN 2: PAGSUSURI NG PAHAYAG P.6 1.P 2. S 3.S 4. S 5. S
24
2. Nakatutulong sa napiling larangan ang pagkakaroon ng kaalaman sa pagsulat bg iba’t
ibang lagom katulad ng Sintesis at buod sa pamamagitan ng layunin nitong mapadaling
matukoy ang mga pangunahing kaisipan at mahahalagang detalye sa mga mahabang
sulatin upang ito ay mapaikli.
ISAGAWA-P. 14: Pagsulat ng sariling Sintesis o Buod
TAYAHIN-P. 19
Panghuling Pagtataya- p.19
1.A 2. C 3. A 4. B 5.C 6.D 7.B 8.D 9B 10.A 11.A 12.B 13.C 14.D 15.A
25
TALASANGGUNIAN
AKLAT:
INTERNET:
https://www.youtube.com/watch?v=Q-MMIPNeG4s
https://www.academia.edu/37564798/FILIPINO_SA_LARANGANG_AKADEMIKO_K
ABANATA_III_PAGSULAT_NG_BUOD_AT_SINTESIS
file:///D:/New%20folder%20(3)/FILIPINO_SA_LARANGANG_AKADEMIKO_KABAN
ATA.pdf
https://www.facebook.com/215649688828253/posts/tata-seloni-rogelio-sikatmaliit-
lamang-sa-simula-ang-kulumpon-ng-taong-nasa-baku/341914506201770/
26