Komersyal at Pagkain
Komersyal at Pagkain
Komersyal at Pagkain
PATALASTAS
Ang patalastas ay isang
paraan ng pag-aanunsyo ng
produkto o serbisyo sa
pamamagitan ng ibat-ibang
anyo ng komunikasyong
pang madla.
.
Ang pagpapatalastas o pag-
aanunsiyo ay isang uri ng
komunikasyon o
pakikipagtalastasan para sa
pagmemerkado o
pagmamarket at ginagamit
upang mahikayat o mahimok
ang mga madla.
Ayon kay Nofuente(1976)
ang simula ng
kasaysayan nito ay
maaaring ugatin sa pag
akit ng ahas kina Eba at
Adan na kinain ang bawal
na bunga sa paraiso.
Ang pinaka unang anyo
ng patalastas ay sa
pamamagitan ng bibig.
Ang taga sigaw sa daan
ay naghihikayat na bilhin
ang kanyang paninda.
Ang ikalawang anyo
ng patalastas na
lumalaganap sa anyo
ng poster at karleton
matapos maimbento
ang imprenta noong
EBOLUSYON NG PAGKAIN
Nakakabit na sa
kultura ng mga
Pilipino ang
pagkahilig ng mga ito
sa pagkain. Sa
paglibot pa lamang sa
mga lalawigan sa
bansa, mayroon ka
Nagsimula ang karinderya
bilang tindahan ng mga lokal na
pagkain noong 1800. Ngunit
bago pa iyon, kilala ito bilang
tiendas (sa ingles, stalls) noong
panahon ng mga Kastila bilang
tindahan ng pampalipas uhaw
kapag tag-init o di kayay mga
kakanin at mainit na inumin
kapag Simbang Gabi.
Sa tuwing panahon din ng kapistahan ng
Birhen ng Antipolo na mas kilalang Ang Mahal
na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting
Paglalakbay ng Antipolo, makikita ang mga
karinderya malapit sa simbahan na nag-aalok
ng mga pagkain sa mga debotong umaakyat sa
Antipolo at Cainta. Lalo pa itong sumikat dahil
sa pagbubukas ng unang tren noong 1892 na
tumatakbo mula Maynila hanggang Dagupan,
na umabot hanggang Bicol noong 1900.
Ang karinderya ay isang kainan na
kadalasang makikita sa labas ng mga
tanggapan, pagawaan, paaralan, mga
istasyon ng bus at pantalan. Ito ay
nagbebenta ng mga ulam na nakalagay
sa mga nakahilerang mga kaldero.
Tinatawag din itong turo-turo dahil
itinuturo ang mga ulam na gusto mong
kainin mula sa mga pagpipiliang ulam.
Dinadagsa ito ng karamihan ng mga
trabahador dahil sa mura at masarap
na pagkain at mabilis na serbisyo.
Kasabay ng pagbabagong
teknolohikal, nagbabago rin ang
pamumuhay ng mga Pilipino. Dahil
dito, tumaas ang pangangailangan
ng mga ito sa mga pagkaing
naihahanda nang mabilis, kaya
nagsimula ang isang makabagong
kainan na kung tawaging ayfast
food. Base pa lamang sa pangalan
nito, ang mga fast food chains ay
nag-aalok ng mga pagkaing ihahain
sa iyong harapan sa loob lamang ng
ilang minuto.
Ilan sa mga sikat na fast
food chains ay ang
Jollibee, Mcdonalds,
Mang Inasal, Pizza Hut,
at marami pang iba.
Hindi rin biro ang
pagpapanatili sa mga
ganitong kainan.
Ang pagkain ay isa sa mga salik
na nagtatakda ng kultura ng
isang bansa. Malaki ang epekto
nito sa kung paano namumuhay
ang mga mamamayan doon. Sa
Pilipinas, ang kasaysayan ng
mga pook-kainan na ito ay
napakakulay. Marapat lamang
na pahalagahan natin ito dahil
itoy tunay na maipagmamalaki
at kapupulutan ng inspirasyon.