Activity Sheets PE

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

5

Physical Education

Activity Sheets
(1st Quarter)

Department of Education
June 2016
1
YUNIT I

PAGPAPAKILALA SA MGA GAWAING MAKAPAGPAPAUNLAD NG


(PHYSICAL FITNESS)

ARALIN I
Nakikilala at nasusubok ang mga kasanayang nauugnay sa kaangkupang pisikal. ( PE5PF- Ia-17 )

Gawain I

Lagyan ng tsek () ang mga gawain kung ginagawa mo ito araw-araw, 3-5
beses, 2-3 beses, o 1 beses sa loob ng isang lingo.

GAWAIN 1 beses 2-3 beses 3-5 beses Araw-araw


Paglalakad (papuntang
parke, paaralan,mall, at
iba pa)
Pag-jogging
Paglalaro (habulan,
taguan, patintero, at iba
pang mga laro)
Pagsasayaw (hiphop,
pop,breakdance,crumpin
g, at iba pa)
Pamamasyal (sa plasa,
sa park, sa mall o kung
saan pa)
Pamamalagi nang
matagal (paglalaro ng
computer, panonood ng
TV, paghiga o pag-upo
nang matagal)
Suriin ang tsart ng mga Gawain. Sagutin ang mga sumusunod:

1. Alin ang madalas mong ginagawa?


2. Nakatutulong ba ito sa pakakaroon mo ng mataas na antas sa kaangkupang
pisikal? Sa paanong paraan?
3. Sa PAP saan makikita ang madalas mong gawin?
4. Sapat na ba sa iyo ang iyong narating?

2
Gawain 2

Lagyan ng tsek () ang gawaing madalas o higit na madalang mong ginagawa? Base
sa iyong natutuhan na mga gawaing nasa tsart.

2-3
GAWAIN 1 beses 3-5 beses Araw-araw
beses
Paglalakad (papuntang
simbahan, paaralan,
palengke)
Pag-jogging
Paglalaro (habulan, taguan,
patintero, at iba

pang mga laro)


Pagsasayaw (ballroom, pop)
Pamamasyal (Sa plaza, sa
park, sa mall o kung saan pa)
Pamamalagi nang matagal
(Paglalaro sa computer,
panonood ng TV, paghiga o
pag-upo nang matagal)

3
ARALIN II

Ang mga Sangkap ng Physical Fitness


Naiisa- isa ang mga sangkap ng Kaangkupang Pisikal (PE5PF-Ia-17)

Gawain I

Bumuo ng 6 na grupo at magsimula sa estasyon na itinalaga ng guro para sa


inyong grupo. Gawin ang nakatalaga sa estasyon na ito at tukuyin ang mga sangkap
ng physical fitness na kaakibat ng gawain. Sa hudyat ng guro, lumipat sa susunod na
estasyon at gawin ang nakatalaga rito. Patuloy na gawin ang lahat ng nakatalaga sa
lahat ng estasyon.
2. Pangalawang
Estasyon
1. Unang Estasyon
Paglaro ng habulan 3. Pangatlong
Pagtalon ng 10 sa loob ng Estasyon
beses na walang tigil itinakdang palaruan
na parang kuneho Pagbubuhat ng
paharap, patalikod, mga libro mula sa
at pagilid dulo ng palaruan
hanggang sa
kabilang dulo ng
palaruan
6. Pang-anim na
Estasyon

Pagpatong ng libro 4. Pang-apat na


sa ulo at mga Estasyon
kamay habang
Pabilisang pagtakbo
naglalakad mula
mula sa dulo ng
sa isang lugar at 5. Panglimang palaruan hanggang
pabalik Estasyon sa kabilang dulo ng
Palayuang paghagis palaruan
ng basketbol o
balibol
4
Sagutin ang mga tanong:

1. Anong sangkap ng PF ang nililinang ng Gawain sa Unang Estasyon?


2. Anong sangkap ng PF ang nililinang ng Gawain sa Ikalawang Estasyon?
3. Ano-anong sangkap ng physical fitness ang kadalasang magkasama o
parehong kaakibat ng isang gawain? Sa aling estasyon ito kaakibat?

5
ARALIN III

Ang Pagsubok sa mga Sangkap ng Physical Fitness (Pre-test)


Nasusubok ang mga sangkap ng Physical Fitness (PE5PF – 1b-h-18)

Gawain I

Ilagay ang iyong hintuturo at gitnang daliri sa iyong pulsuhan (wrist) o kaya
naman sa may leeg sa ilalim ng panga (Jaw) at damhin ang iyong pulso.

Sa hudyat ng guro, umpisahang bilangin ang


iyong resting heart rate hanggang sa sabihin ng
guro na itigil o ihinto ang pagbilang.

Ngayong nakuha mo na ang iyong resting


heart rate, itala mo ito sa Physical Fitness Passport
Card na ibibigay ng iyong guro. Ang Physical Fitness Passport Card ay magsisilbing
talaan ng iyong mga iskor sa mga susunod pang mga gawain upang makita mo ang
iyong pag-unlad sa bawat pagsubok sa katapusan ng taon.

6
TALAAN NG ISKOR SA MGA PAGSUBOK NG PHYSICAL FITNESS
Pangalan:
________________________________________________
Baitang at Seksyon: ________________________________
Edad: __________ Bigat: _____________ Taas: _________
Guro: ___________________________________________
Petsa: Pre-Test ______________________
Post-Test: _____________________

Mga Pagsubok PRE-TEST REMARK POST-TEST REMARK


S S
1. Step-Test
Resting Heart
Rate
(15sec. x4)
Pulse Rate
7
(15sec. x4)
2. Partial Curl-Up
3. Push-Up
4. 50m Run
5. Shuttle Run
6. Alternate Hand
Wall Test
Left Right Left Right
7. Ruler Drop Test
8. Sit and Reach
9.Stork Balance
Stand Test
10. Vertical Jump

Pag-aralang mabuti ang Talaan ng Iskor sa Pagsubok ng Physical Fitness. Makinig


nang mabuti sa alituntuning ibibigay ng guro.

UNANG ARAW NG PAGSUBOK

Humanap ng kapareha. Magpalitan sa paggawa sa pagsubok at pagtala ng


resulta o iskor sa bawat pagsubok. Pakinggan ang panuto at unawain ang bawat
pagsubok.

Gawain I

(Unahin at ipaliwanag muna ang warm-up.)

3-Minute Step Test(Cardiovascular Endurance) – tatag ng


puso sa tuloy-tuloy na paghakbang
a. Gamit ang isang tuntungan o hagdan, ihakbang ang
kanang paa pataas. Ilapit ang kaliwa sa kanang paa.
b. Ihakbang ang kanang paa pababa. Ilapit ang kaliwa sa
kanang paa.
c. Gawin ito sa loob ng tatlong minuto.

Hawakang muli ang iyong pulsuhan (wrist) o sa may leeg sa gilid ng lalamunan
at damhin ang iyong pulso sa pamamagitan ng hintuturo at gitnang daliri. Sa loob ng
15 segundo, bilangin ang iyong pulse rate at i-multiply ito sa 4.
8
Bumilis ba ang iyong pulso? Bakit? Ano ang ibig sabihin ng iyong nakuhang
iskor? Mas mainam ba kung mababa o mataas ang nakuha mong resulta o iskor?

Sa oras na ito, sasanayin ang iyong muscular endurance. Gawin nang mahusay
ang panuto.

Gawain 2

1. Partial Curl-up(Muscular Endurance) – tatag ng kalamnan


sa tiyan sa patuloy na pag-angat
a. Humiga na nakabaluktot ang tuhod, ituwid ang braso, at
ilagay ang mga kamay sa hita.
b. Dahan-dahang abutin ang iyong tuhod. Hindi kailangang
umangat nang tuluyan ang iyong likod sa sahig.
c. Bumalik sa pagkakahiga.
d. Ulitin ang (a, b, at c) hanggang sa makakaya sa loob ng
isang minuto.

Anong nararamdaman mo sa paggawa ng partial curl-ups? Nahirapan ka ba o


nadalian? Bakit?
Ang susunod ay ang pagsubok sa lakas ng iyong braso at dibdib. Handa ka na
ba?

Gawain 3

Push-up (Muscular Strength) – lakas ng kalamnan sa braso at dibdib sa patuloy na


pag-angat
a. Dumapa sa sahig na nakatukod ang dalawang kamay na kapantay ng mga balikat
at nakatapat sa mukha. Itukod ang mga paa.
b. Iunat ang mga braso at ituwid ang buong katawan.
c. Ibaluktot ang mga braso upang bumaba ang katawan at lumapit ang dibdib sa
sahig.
d. Iunat ang mga braso upang muling itaas ang katawan.
e. Ulit-ulitin hanggang makakaya.
f. Bilangin kung ilang ulit na nagawa nang maayos.

9
Arm Push-UpKnee Push-Up

Pareho ang pamamaraan sa mga babae bukod sa (a) kung saan sa halip na
paa ang nakatukod ay tuhod ang nakatukod.

Kapag ang indibidwal ay tumigil nang matagal bago gawin ang kasunod na
bilang, kailangan nang itigil ang pagsubok at ang pagbibilang. Kailangan ding itigil na
kapag naiiba na ang paraan ng paggawa ng push-up gaya kapag naiiwan sa sahig
ang ibabang bahagi ng katawan.

Balanse naman ang susubukin sa susunod na pamamaraan.

Gawain 4

Stork Balance Stand Test(Balance) – pagbalanse gamit ang isang paa lamang
a. Tanggalin ang sapatos at ilagay ang mga kamay sa baywang.
b. Iangat ang isang paa at ilapat ito sa kabilang tuhod na
nakatuwid.
c. Tumingkayad gamit ang isang paa.
d. Simulan ang oras kapag nakatingkayad na ang paa.
e. Itigil ito kapag natanggal ang kamay sa baywang, naalis ang
nakaangat na paa sa pagkakadikit sa tuhod, naalis sa puwesto
ang nakatingkayad na paa, o bumaba nang tuluyan ang paa sa
pagkakatingkayad.
f. Itala nang tama ang oras na nagawa ito.

10
Maaaring gawin ito sa kabilang paa gamit ang parehong pamamaraan.
Maaaring maging magkaiba ang resulta o iskor na iyong makuha.
Ngayon, susubukin naman ang iyong bilis (speed) sa pamamagitan ng
pagtakbo. Sundan lamang ang mga pamamaraan sa tulong ng iyong guro.

Gawain 5

50m Sprint (Speed) – pagsubok sa bilis ng pagtakbo patungo sa itinakdang lugar sa


pinakamabilis na oras.

a. Sa hudyat, tumakbo nang mabilis mula sa


panimulang lugar hanggang sa itinakdang lugar na
50m ang layo.
b. Sisimulan ang oras sabay ng hudyat at itigil ito
kapag nakarating na ang tumatakbo sa itinakdang
lugar.

Mabilis ba ang iyong takbo? Ilang segundo ba ang nagugol mo? Alam mo ba na
ang pinakamababang bilang ng segundo ang siyang pinakamabilis? Sino sa mga
kamag-aral mo ang pinakamabilis

11
Limang Estasyon ng mga Pagsubok

Tandaan na dapat mauna ang 3-minute step test para hindi pa pagod ang
susubok nito. Dapat namang mahuli ang 50m run para may sapat na pahinga na ang
puso at mga hita at binti pagkatapos ng 3-minute step test. Ang partial curl-up, push-
up, at stork balance stand test ay maaaring mag-iba-iba ng pagkakasunod-sunod.

12
ARALIN IV

Ang Pagsubok sa mga Sangkap ng Physical Fitness Test


(Pre-test)
Nasusubok ang mga sangkap ng Physical Fitness (PE5PF- 1b-h-18)

PANGALAWANG ARAW NG PAGSUBOK

Katulad sa naunang aralin, humanap ng kapareha at magsalitan sa paggawa at


pagtala ng resulta o iskor sa bawat pagsubok. Pakinggan ang panuto at unawain ang
bawat pagsubok.

Gawain 1

Shuttle Run (Agility) – pagsubok sa liksi ng pagkilos habang tumatakbo


at naglilipat ng kapiraso ng kahoy mula at patungo sa itinakdang lugar.
a. Ilagay ang dalawang piraso ng kahoy o beanbag sa likuran ng
isang guhit na may layong 30ft.
b. Ang mananakbo ay tatayo sa likuran ng kabilang
guhit.
c. Sa hudyat, tumakbo patungo sa kabilang guhit,
susubok at dadamputin ang isang piraso ng kahoy o
beanbag. Tatakbo pabalik sa kabilang guhit at
ilalagay ang piraso ng kahoy o beanbag sa likuran
ng guhit.
d. Tumakbo pabalik muli, dadamputin ang ikalawang
piraso ng kahoy o beanbag, tatakbo papunta sa
kabilang guhit, ilalagay ang kahoy o beanbag at
tuloy-tuloy na tatakbo upang makalampas sa guhit.
e. Simulan ang oras sa hudyat at itigil ito paglampas sa
guhit.

Kumusta ang pagpapalit-palit ng direksiyon ng iyong pagtakbo? Naging madali


ba ito para sa iyo?
Susunod mo namang subukin ang iyong coordination.

13
Gawain 2

Alternate Hand Wall Test (Coordination) – koordinasyon ng mga mata at kamay


gamit ang isang bolang pinatatalbog sa dingding.

a. Tumayo nang tuwid na naka-stride sa harap ng isang dingding na may layong


2m.

b. Hawakan ang isang bola (tennis o baseball). Gamit ang kanang kamay, ihagis ito
sa dingding na may marka nang pailalim. Saluhin ito gamit ang kaliwang kamay.
(Paalaala: Maaaring gamitin ang kaliwang kamay sa paghagis at saluhin naman
ng kanan.)
c. Gawin ito sa loob ng 30 segundo at itala ang bilang ng salo na nagawa.

Hindi ititigil ang oras kahit na hindi masalo ng sumusubok ang bola. Tuloy-tuloy
lamang ang oras.
Nahirapan ka ba sa pagsalo ng bola? Ano ang paraang ginawa mo para mas
madali mong masalo ang bola?

Susunod naman ay ang pagsubok sa iyong reaction time.

14
Gawain 3

Ruler Drop Test (Reaction Time) – bilis ng reaksyon ng pagsalo sa ruler na nilaglag
na walang hudyat gamit ang mga daliri.
a. Umupo sa tabi ng isang mesa at itukod ang siko sa dulo
nito. Tiyaking nakaunat ang bisig. Nakatayo sa harap
ang kapareha na may hawak na ruler o meter stick.

b. Itapat ang hintuturo at hinlalaki (thumb) sa dulo ng ruler o


meter stick nang hindi ito hinahawakan habang ang
kapareha ay sa kabilang dulo ng ruler o meter stick
nakahawak.

c. Bitiwan ng kapareha ang ruler o meter stick nang walang


hudyat. Saluhin ang ruler o meter stick gamit ang mga
daliri.
d. Gawin ito ng ilang beses (mga 5-10 beses) at kunin ang
average score.

Kahit aling kamay ay maaaring gamitin sa pagsalo ngunit mas mainam kung
ang iyong kamay na panulat ang iyong gagamitin dahil mas sanay kang gamitin ito.
Dapat ay pareho nang handa ang tagahawak at tagasubok bago pa bitawan ang ruler
o meter stick.
Mabilis ba o mabagal ang reaction time mo? Mas mataas ba ito sa mga
panghuling beses mo ng pagsubok dito?
Ang flexibility naman ang iyong susubuking alamin.

Gawain 4

Sit and Reach (Flexibility) – pag-unat sa abot ng makakaya ng iyong kalamnan sa


pata (likod ng hita), binti, at likod.

a. Umupo sa sahig na may panukat sa pagitan ng mga


binti. Iunat ang mga braso sa harap na magkapatong
ang mga kamay. Itapat sa dulo ng mga daliri.
b. Iunat ang katawan paharap at pababa sa panukat nang
hindi niyuyugyog ang katawan patalikod at paharap.
Subuking mahawakan ito ng daliri.

15
c. Gawin ito nang dalawang beses. Itala ang average na
iskor.

Malayo ba ang naabot mo? Nakaramdam ka ba ng sakit o kirot sa pata (likod ng


hita), binti, o likod? Bakit kaya?

Sa puntong ito, sasanayin naman ang lakas ng iyong mga hita at binti. Gawin
ang mga pamamaraan sa ibaba.

Gawain 5

Vertical Jump (Muscular Power) – puwersa na maibubuhos sa pagtalon nang mataas


a. Hawak ang yeso (chalk), tumayo sa tabi ng dingding na may panukat.

b. Lumundag nang mataas sa abot ng iyong makakaya at siguraduhing


maimarka sa dingding ang yeso (chalk).

c. Gawin ito ng dalawang beses at itala ang pinakamataas na kuha.

Kahit aling kamay ay maaaring gamitin sa pagmarka sa dingding ngunit mas


mainam kung ang iyong kamay na panulat ang iyong gagamitin dahil mas sanay kang
gamitin ito. Dapat ay may sapat na taas ang dingding na gagamitin para mailagay ang
panukat.
Tumaas ba ang iyong talon sa pangalawang pagsubok? Ano ang ginawa mo
para tumaas pa ito?
16
Limang Estasyon ng mga Pagsubok

5
Ang layunin ng pre-test ay maitala ang kasalukuyang estado ng physical fitness.
Sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga gawain sa aralin tulad ng isports, laro, sayaw,
at iba pa sa loob at maging sa labas ng paaralan, inaasahang mapauunlad ang
resulta o iskor sa pre-test. Malalaman ang pag-unlad na ito sa dulo ng aralin gamit
ang post-test.

Mga Pagsubok/ / Dahilan bakit madali/


Fitness Tests  Paraan para mapaunlad
1. 3-minute Step-Test
2. Partial Curl-up
3. Push Up
4. Stork Balance Stand Test
5. 50m run
6. Shuttle Run
7. Alternate Hand Wall
Test
8. Ruler Drop Test
9. Sit and Reach
10. Vertical Jump
17
Ano-anong sangkap ng physical fitness ang dapat mo pang paunlarin? Batay sa mga
naunang aralin, gumawa ng mga gawaing makasasagot sa mga sangkap na ito.
Gawin ang mga ito nang madalas para lalong mapaunlad ang pangkalahatang
kalusugan.

18
ARALIN V

Pagpapaunlad ng Cardiovascular Endurance


Nalilinang ang pagpapaunlad ng Cardiovascular Endurance (PE5PF-Ia-21)

Gawain I

Pinoy Aerobics (musikang masigla)

Halimbawa "Open The Door" ni Lim Chang Jung


Mga hakbang:

Figure1: pagja-jogging sa kinatatayuan sa 16 bilang.

Figure2: itaas ang dalawang kamay na inaabot ang langit pakaliwa at pakanan
sa 16 bilang.

Figure 3:
a. Ihakbang ang kanang paa at itaas ang kaliwang tuhod
kasabay ng isang palakpak bawat bilang sa 2 bilang.
b. Ihakbang ang kaliwang paa at itaas ang kanang tuhod
sabayan ng isang palakpak bawat bilang sa 2 bilang.
c. Ulitin ang (a) at (b) sa 4 bilang.
d. Humarap sa kanan at ulitin ang a-c sa 8 bilang.

Figure 4: Ulitin ang Figures 1, 2, at 3.

19
Damhin muli ang pintig o tibok ng iyong pulso. Sa hudyat ng guro, bilangin muli
ang pulso at ihambing ang kaibahan ng pintig o tibok sa naunang naitala. Bumilis ba
ang tibok ng iyong puso pagkatapos ng aerobics?
Ano ang iyong nararamdaman pagkatapos ng aerobics? Ano ang ibig sabihin
kapag bumilis ang tibok ng iyong puso?

Mga Halimbawa ng mga gawaing naglilinang ng Cardio Vascular Endurance

Hal: Pagsasayaw ng Aerobics at paglalaro ng mga Larong Pinoy

Gawain 2

May mga gawaing nakapagpapabilis sa pintig o tibok ng puso. Lagyan ng tsek


() ang mga gawain ayon sa epekto nito sa bilis ng pintig o tibok ng puso.

Mabagal na Mabilis na
Higit na mabilis Pinakamabilis na
Gawain tibok ng tibok ng
na tibok ng puso tibok ng puso
puso puso
pagdribol
nang hindi
umaalis sa
puwesto
pagdribol
habang
tumatakbo
paglalaro ng
tumbang
preso
pagbabasa
ng libro
panonood ng
TV
pagsasayaw
ng aerobics
pag-akyat sa
hagdan nang
naglalakad
pag-akyat sa
hagdan nang
tumatakbo
20
ARALIN VI

Pagpapaunlad ng Puwersa
(Muscular Power)
Naipapaliwanag ang mga uri/pinagmulan ng mga laro (PE5GS-Ib-1)

Suggested Activities :
Mga larong Pinoy na mainam na paraan upang mapaunlad pa ang Cardio Vascular Endurance tulad
ng Striking at Fielding Games :

Hal: Kickball , Syato,Tumbang Preso at iba pang laro na naglilinang ng pwersa.

Gawain I

Ang Kickball ay isang larong Pinoy na hango sa larong baseball at softball. Ang
kaibahan nito ay walang hawak na bat ang manlalarong nasa home base at ang
bolang gamit ay mas malaki kaysa sa baseball at softball. Hindi ito ihahagis kundi
pagugulungin papunta sa manlalarong nasa home base na ang layunin ay sipain ito
nang malakas at malayo. Ang layunin ng tagasipa ay makapunta sa mga base nang
hindi natataya at maka-home run, tulad din ng sa baseball at softball.

Mga Kagamitan:
 Rattan na bola/bola ng football/bolang pambata
21
 Beanbag bilang base
 Goma o manipis na tabla (12x24 pulgada)
 Metrong panukat

Paraan ng paglaro:

1. Gumuhit ng isang parisukat na katulad ng palaruan ng softball o baseball. Ang


sukat sa pagitan ng bawat sulok ay 10m.
2. Lagyan ng base ang bawat sulok. Tandaan kung alin ang unang base,
pangalawang base, ikatlong base, at home base. Ang home base ay dapat
isang goma o manipis na tabla na nakabaon sa lupa upang hindi humarang sa
bolang rattan na pinagugulong ng pitser (pitcher).
3. Maglagay ng isang tuwid na guhit na ang haba ay dalawang metro sa pagitan
ng home base at pangalawang base. Sa guhit na ito tatayo ang pitser na
magpapagulong sa bolang sisipain.
4. Bumuo ng dalawang grupo na may tig-siyam na kasapi. Ang lider ng bawat
grupo ay magtatakda ng katser (catcher), pitser, tagabantay ng una (1st base),
ikalawa, at ikatlong base (2nd at 3rd base), short stop, kanang fielder, gitnang
fielder, at kaliwang fielder. Ang katser ay tatayo sa likod ng home base. Siya
ang magbabalik ng bola sa pitser kung ito ay hindi masisipa.
5. Maglalaban sa "Bato-bato-pick " ang lider ng bawat grupo upang malaman kung
sino ang magiging taya. Ang grupo ng taya ay iaayos ang mga kasapi.
6. Kumuha ng isang bola para sa pitser. Pagugulungin ito ng pitser patungo sa
tagasipa ng kabilang grupo na sisikaping mapalayo ang bola.
7. Pagkasipa sa bola, ang manlalarong sumipa ay tatakbo patungo sa una,
ikalawa, at ikatlong base hanggang sa home base. Samantala, ihahagis naman
ng mga taya ang bola sa mga base hanggang sa home base. Kapag naunang
dumating ang sumipa sa home base kaysa sa bola, bibigyan ng isang puntos
ang kanyang grupo. Kapag naunang dumating ang bola sa base na pakay
takbuhan ng manlalaro, out o tanggal na ang manlalaro.
8. Ang sumipang na-out ay hahalinhinan ng isang kagrupo sa pagsipa ng bola.
Tatlong out na tagasipa ang kailangan para mapalitan ang taya. Ang grupong
may mas maraming puntos o home run ang siyang panalo.
9. Tandaan ang pagkakasunod-sunod ng tagasipa ng isang grupo dahil hindi
maaring baguhin ito hanggang sa matapos ang laro.

22
ARALIN VII
Batuhang Bola
Nailalarawan ang mga kasanayan na nauugnay sa mga laro (PE5GS-Ib-1)

Gawain I

Ang larong batuhang bola ang pagtutuunan ng pansin. Ito ay isang larong
nangangailangan ng mga kasanayang pagtakbo, pag-iwas, pagbato, at pagsalo na
nakalilinang o nagkapagpapaunlad ng lakas ng kalamnan ng puso (cardiovascular
endurance) at puwersa.

Mga kagamitan:
 Malambot na bola/ ginusot na papel na binilog/ lumang medyas na
pinagsama-sama
 Yeso o chalk

Paraan ng paglaro:
1. Gumawa ng dalawang guhit na may kalayuan sa isa’t isa. Maglalaban sa "Bato-
bato-pick " ang lider ng bawat pangkat. Ang nanalo ay pipili kung magiging
unang tagataya o tagaiwas.
2. Hatiin sa dalawa ang grupong tagataya na siyang babato sa tagaiwas. Ang
tagaiwas ay tatayo sa gitna ng palaruan sa pagitan ng dalawang guhit.
3. Ang bawat tamaan ng bola ay out o tanggal na. Maaari itong buhayin upang
makabalik sa laro kung masasalo ng kagrupo ang bolang binato.

23
4. Kapag isa na lamang ang natitira sa gitna, kailangang tamaan ito sa loob ng
tatlo hanggang limang direktang pagbato. Kung hindi ito nagawa, mabubuhay
ang lahat ng kagrupo na out o tanggal. Kung nataya naman, magpapalit ng
posisyon ang magkabilang pangkat at uulitin ang paraan ng paglalaro.

5. Ang bawat yugto ng laro ay magtatagal ng apat hanggang limang minuto.


6. Kung sa loob ng apat hanggang limang minuto ay hindi lang isang kagrupo ang
natitira, ang bilang ng natamaang kagrupo ang bibilangin. Ang pangkat
na may pinakamaraming miyembro ang natamaan sa loob ng apat hanggang
limang minuto ang siyang panalo.

Suriin ang iyong pakikilahok sa batuhang bola. Lagyan ng tsek () ang akma sa
ipinakita mong kagalingan.

Pinakama Mas Mahusay Bahagyang Hindi


Mga
husay Mahusay Mahusay Mahusay
Kasanayan
(5) (4) (3) (2) (1)
Pagtakbo
Pag-iwas
Pagsalo
Pagbato

24
ARALIN VIII

Syato
Naisasagawa ang mga iba’t- ibang kasanayan na nauugnay sa laro (PE5GS-Ic-h-4)

Gawain 1
Sa araling ito, ang larong syato ang bibigyan ng pokus. Ito ay isang larong
nangangailangan ng mga kasanayang pagpukol o pagpalo, pagtakbo, at pagsalo na
nakalilinang o nagkapagpapaunlad ng tatag ng kalamnan

Kagamitan:
 2 pirasong patpat na magkaiba ang haba
 Isang katamtamang butas ng lupaupang gawing base ng patpat sasimula ng
laro

Layunin:

 Ang layunin ng tagapalo ay paluin nang malayo ang maliit na patpat gamit ang
malaking patpat habang susubukin namang saluhin ng tagasalo ang patpat
para mataya ang kalaban.
 Kailangang malayo ang mapuntahan ng pinalong patpat para magkaroon ng
mas maraming bilang ng puntos base sa distansya nito sa panimulang lugar.
 Ang manlalaro o grupong unang makakuha o makaabot sa itinakdang bilang
ng puntos ang panalo.

25
Panuto :

1. Sa paglalaro ng syato, maraming kasanayan ang dapat na matutuhan.


Kabilang dito ang pagpukol o pagpalo, pagtakbo, at pagsalo.

4.Kung mas malayo ang marating ng patpat, mas mahihirapan ang kalaban na
saluhin ito.
5.Kung mas malayo rin ito, mas maraming bilang ng puntos ang kaakibat nito
para sa manlalaro o grupong pumalo.
6.Sa katunayan, ang malayong mararating ng patpat ang isa sa mga kapana-
panabik na pangyayari sa larong ito

Ang paglalaro ng syato ay nangangailangan ng diskarte at pagkakaisa ng grupo.


Hindi magiging kapana-panabik ang laro kung hindi kalayuan ang nararating ng patpat
na pinalo o kaya naman ay hindi tinamaan ang patpat gayundin kung madaliang
nasasalo ang patpat na pinalo. Para mas maging masaya ang laro, dapat ibibigay ng
mga manlalaro ang lahat ng kanilang makakaya.

Note:

 Competencies with no tag materials can be modified/ localized by the teachers.


 Activities here come from grade 4 and the basis of these are same competencies in grade 5 and the activities
here are suggested and these can be replaced or modified into higher level.
 Games and Dances in the PE Curriculum Guide are suggested only. They can be localized in the respective
region.
 Grade 5 competencies are more on Assessment and the performance is based in rubrics.

26

You might also like