Mga Gawaing Kasangkot Sa Pagbuo NG Teksto Pandalubhasang Pagsulat
Mga Gawaing Kasangkot Sa Pagbuo NG Teksto Pandalubhasang Pagsulat
Mga Gawaing Kasangkot Sa Pagbuo NG Teksto Pandalubhasang Pagsulat
MGA GAWAING
KASANGKOT
SA PAGBUO NG
TEKSTO
PANDALUBHASANG
PAGSULAT
1. Hikayat na Masining at
aystetiko(Artistic and Aesthetic
Appeal) - sa dimensyong ito
nagaganap ang pagtuklas at
kabatiran ng husay at fleksibilidad
ng wika.
2. Layuning Makapagpahayag
(Expressive Purpose) - ang
sumusunod na dimensyong
naglalayong magpabatid (express)
ng samu’t saring paksa at kaalaman.
3. Layuning Fanksyunal(Functional
Purpose) - isang madalas na
gamiting dimension. Nakatuon ito
sa kasanayan sa pakiusap,
paglalahat o pagsusumamo.
1.PAKSA – ito ang pinag-iikutan ng
mga kaalaman, ang siyang tampok
sa pagpapabatid.Mahalaga ang
wastong kabatiran upang
makapagpahayag ng mabisa.
2.LAYUNIN- ang tinutungo ng
pagsulat. May mga nagsusulat
upang umaliw ng mambabasa,
may nagdaragdag ng karunungan,
may nangungumbinsi at mayroong
Sumusulat upang isiwalat.
3. AWDYENS O TAGABASA- Nagsusulat
tayo upang may bumasa. Sa awdyens
nakatuon ang layunin ng isang
mambabasa. Ang talastasang
interpersonal ay malaking bahagdang
bumubuo sa pagsulat sapagkat
nagkakaroon ng palitan ng mga
kaisipan sa prosesong ito.
4. WIKA- ang behikulong daan sa
talastasan ang kabatiran ng estilo,
liitasyon at kakayahan ng
gagamiting wika sa pagsulat ay
mahalaga upang matamo ang
kabisaan nito.
5. KOMBENSYON- ang
kaangkupan ng isang sulating
kinikilala at tinatanggap sa isang
pamayanan, pangkat, larangan
at pag-aaral ay mahalaga.
6. KASANAYANG INTELEKTUWAL-
ang mga kasanayan sa lohika,
imahinasyon, o pagkamalikhain,
katwiran at iba pang gawaing
pampag-iisip ay mayroong malaking
maitutulong ssa pagtitimbang ng
mga karunungan at impormasyong
ipinahahatid.
7. KASANAYAN SA PAGBUO –
ang kronolohikal at may
ugnayang paghahanay ng mga
inihahaing kaisipan ay mahalaga
sa mabisa, maayos at
matalinong pagsulat.
8. SISTEMA NG PAGPAPAHALAGA- sa
isang tekstong binuo, anuman ang
genre nito ay nasasalamin ang katauhan
ng manunulat. Lumalabas ang mga
bagay at kaisipang nabubuo sa kanyang
pagsulat. Ito ay isang elementong
maibabahagi niya sa mamababasa na
maaaring makatulong saknya.
9.MEKANIKS- kasanayang
panggramatika, na mahalaga upang
ang mambabasa ay magkaroon ng
madaling pagkaunawa sa binabasa.
Kabilang ditto ang pagbaybay,
pagbabantas, wastong pagbuo ng
salita at kaangkupan nito sa teksto.
10.KABATIRAN SA MGA TAMANG
HAKBANG SA PAGSULAT- tulad ng
anumang gawaing teknikal at operasyunal,
ang tamang pagsunod sa proseso ang
nagpapadali sa pagsasagawa at pagtatapos
ng isang layunin. Mayroong mga hakbang na
sinusunod upang maayos ang kalalabasan ng
isinusulat.
MGA HULWARAN
NG ORGANISASYON
NG TEKSTO
A. PAGLILISTA NG MGA
DETALYE- ang pinakasimpleng
paraan sa pagsasaayos ng
teksto. Isa-isang inilalahad ng
mga elemento o detalye upang
matugunan ang paksang
tinatalakay.
MGA
PAMAMARAAN
NG PAGLILISTA
1. KRONOLOHIKAL- ayon sa
sikwens o pagkakasunud-
sunod. Mula sa pinakaunang
nangyari hanggang sa
pinakakasalukuyan.
2. PAANGGULO- ayon sa
opinyon, anggulo o pananaw
na nais pagkunan ng
inpormasyon. Sa ingles ito ay
viewpoint.
3. Spatial o Paagwat-
maaring zoom-in (papalapit)
o zoom-out (papalayo) sang-
ayon sa nais ng manunulat.
4. SEKSYUNAL- hahatiin sa
dalawang seksyon ang mga detalye.
Kung saan mauuna ang isa kasama
ang mga itinalang katangian sa
ilalim ng seksyon o kategorya at
susundan ng ikalawang seksyon o
kategorya.
5. INDUKTIBO O DEDUKTIBO-
makakapagsimula sa isang
kaalamang pangkalahatan at itatala
ang mga kaisipan sa ilalim ng
paglalahat (deduktibo) o mula sa
mga payak na detalye na siya
namang lalagumin (induktibo).
B. GRAFIKONG PAGSUNUD-SUNOD-
sa tulong ng larawan, grap o mapa ay
naipapakita ang ayos o tamang daloy
ng ideya mula sa isang paksa o talakay.
Kasama rito ang angkop na
pagpapaliwanag kung paano
magaganap ang saykel na nakalarawan.
C. PAGSUSURI O KRITISISMO-
nakalista ang mga detalye na isa-
isang sinusuri at pinahahalagahan.
Ilan sa mga ganitong anyo ay ang
panunuring pangliteratura at mga
tesis.
D. HAMBINGAN AT KONTRAS- ang
kabuuan ng teksto ay tumatalakay sa
dalawang magkaibang bagay na
mayroong iba’t ibang direksyon.
Ipinapakita ang dalawang mukha nito
gamit ang paghahambing at
pagtatambis ng mga puntos nila.
Halimbawa:
-Ang paghahambing
kila Abel at Cain
-Ang kaibahan ng
Sining at Agham
E. SANHI AT BUNGA- ipinapakita
rito na kaya nagaganap ang A ay
dahil sa B. Ang mga ugat sa
pinapahalagahan upang malinaw
na matukoy ang dahilan ng
pagkakabuo ng isang bagay.
F. PROBLEMA AT SOLUSYON- inihahayag
ang isang kaisipang dapat malutas at isang
dahan-dahang eskalasyon ng mga
pangyayari ay makikita ang paraan upang
ito’y matugunan o matumbasan ng aksyon.
Sapagkat walang isang daan sa pagsagot sa
tanong, ang solusyong maihahain ay hihigit
sa dalawa.
G. PAG-UURI O PAGPAPANGKAT- ang
mga kalat at magkakaibang bagay ay
mayroon ding kinabibilangang uri o
pangkat. Sa prosesong ito ay
naipapakita ang isang pangkalahatang
larawan na binubuo ng maraming
elemento.
ANG MGA SALITANG
MAKAKATULONG SA
MABISANG PAGBUO
NG TEKSTO
Ang teksto ay binubuo ng mga
pangungusap at bawat pangungusap ay
binubuo ng salita. Kung ibig ng manunulat
na maging epektibo at malinaw ang
pagkakahayag sa mga kaisipan, dapat ay
taglay niya ang kabatiran sa paggamit ng
mga salitang angkop sa diwang
ipinapahayag.
Ang ilan sa mga salitang makatutulong
sa mabisang pagbuo ng teksto ay ang
mga sumusunod :