Mga Dapat Tandaan Sa Pagsulat NG Pormal Na Liham

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

Mga Dapat Tandaan

sa Pagsulat ng Liham
Pangangalakal

LILIBETH ELLAZAR-NADAYAO, PhD


 Ang pagsulat ng liham ay isa sa mga pangangailangan at di-
maiiwasang gawaing opisyal at transaksiyonal (pangangasiwa,
pamamahala, negosyo, atbp) at pagpapaigting ng ugnayang
panlipunan. Ang korespondensiyang pampamahalaan at liham
pangalakal at iba pang kauring liham ay dapat pormal. Sa ganitong
uri ng mga korespondensiya, nararapat lamang na nakabatay sa
layunin,kahika-hikayat, katanggap-tanggap at kapani-paniwala sa
bumabasa o pinadadalhan.
 Madaling maghanda ng isang liham, maging ito man ay pormal o di-pormal.
Subalit, iilan lamang ang mapipili at maituturing na mahusay ang
pagkakahanda. Ang pangunahing dahilan nito ay ang kakulangan sa bisa ng
liham.
Epektibong Pagliham

 Upang maging epektibo ang pagsulat ng liham, narito ang apat na karaniwang
mungkahi tungo sa mahusay na pagsusulat:
1. Ituon ang iyong pag-iisip. (Center your thinking.)
2. Organisahin ang iyong iniisip. (Organize your thinking.)
3. Tiyakin ang iyong iniisip. (Specify your thinking.)
4. Ilahad nang malinaw ang iyong mga idea o kaisipan. (Present your thoughts
clearly.)
Upang maging matagumpay ang isang liham, inilalahad dito ang ilang dapat
taglayin nito gaya ng mga sumusunod:

 Mahalagang isipin na kailangang maging pormal at mabisa ang liham


pantanggapan. Nangangailangan ito ng kaayusan ng mga ideang nais ipahatid
sa sinusulatan.
1. Malinaw (Clear)
 Una sa lahat, hatiin ang mga pahayag ng mga bagay-bagay na hangad ipabatid
sa liham. Iplano ang pagkakasunod-sunod ng mga ideang ipapaloob.
Pagkatapos ay suriin kung mahusay ang pagkakapahayag ng bawat idea. Ito ay
di dapat maging mahaba o maligoy. Higit na epektibo ang maiikling
pangungusap. Tandaan na ang kasimplihan ay daan ng madaling pag-unawa.
Mga dapat taglayin upang maging matagumpay ang isang liham

2. Wasto (Correct)
 Laging isaisip na ang ano mang liham na nangangailangan ng katugunan ay
dapat magtaglay ng lahat ng angkop at tiyak na impormasyon. Bago sumulat,
dapat alamin ang mga kailangan at ihanda ang mga ito nang naaayon sa kani-
kanilang priyoridad. Tiyaking wasto ang bawat pahayag o sasabihin lalo na ang
mga impormasyon bago ito isulat. Ang wastong pagpapahayag, pagbaybay, at
balarila ay napakapundamental sa kapuri-puring pagsulat ng liham o ano mang
uri ng akda. Mahalaga ring isaalang-alang ang tamang pagbabantas.
3. Buo (Complete)
 Pagsama-samahin ang lahat ng kailangang impormasyon sapagkat kapag
nakaligtaang itala ang isang bagay na kailangan ng sumulat, lalabas na kapos o
depektibo sa pangunahing sangkap ang liham. Upang maging kasiya-siya ang
tugon ng sinulatan, dapat na unang-una nakasisiya o sapat ang isinasaad sa liham
ng sumulat.
4. Magalang (Courteous)
 Hindi dapat mabakas sa sulat ang pagkabigla, pagkamagalitin, o pagkawala ng
kagandahang asal. Nakatatawag-pansin ang pagkamagalang, kaya’t agad
nakukuha ang tugon o reaksiyon sa liham.
5. Maikli (Concise)
 Iwasan ang paglalakip ng mga detalyeng walang kabuluhan. Ito ay isa lamang pag-
aaksaya ng panahon at nakapapawi ng interes ng nilihaman.
6. Kumbersasyonal (Conversational)
 Masasabing mahusay ang pagkakapaghanda ng isang liham kapag ang bumabasa
nito ay parang personal na kausap ng sumulat. Gumamit ng sariling pananalita at
iwasan ang pagkamaligoy. Ilahad nang makatotohanan ang mga idea at
paniniwala. Iwasan ang pagkamonotono sa paggamit ng panghalip na “Ako” na
karaniwang ipinoposisyon sa simula ng pangungusap.
7. Mapagsaalang-alang (Considerate)
 Pakatimbangin ang ano mang nais ipahayag ng sumulat. Bigyan-diin ang
mensaheng nagbibigay-interes sa sinulatan o bumabasa. Sikaping maging
mapagbigay sa lahat ng pagkakataon nang sa gayon ay maipadama ang
pagtitiwala at kabutihang loob.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Liham

 Sinasabi ng mga awtoridad na ang isang magandang liham ay maaaring


itulad sa isang magandang larawang nakakuwadro. Ang magandang
larawan ay ang liham, at ang kuwadro naman ay ang mga palugit
(margin) sa apat na gilid: sa itaas, sa ibaba, sa kaliwa, at sa kanan.
1. PAMUHATAN (Heading) Binubuo ito ng opisyal na pangalan ng tanggapan,
adres, telepono, at numero ng fax. Makikita rin dito ang logo ng tanggapan
(kung mayroon).

a. Nilimbag na pamuhatan (Printed letterhead)


 Ang nakalimbag na pamuhatan ay karaniwang nasa gitnang itaas o sa
kaliwang itaas ng papel. Ang logo o sagisag ng tanggapan o kompanya ay
karaniwang inilalagay sa itaas o sa kaliwa ng pamuhatan.Halimbawa na ang
logo ay nasa itaas ng pamuhatan.
b. Minakinilya (typeset) /Sulat-kamay na Pamuhatan
 Ito ay sinisimulan mula sa isa’t kalahati (1 ½ ) hanggang dalawang (2)
pulgada o maaaring pitong (7) espasyo mula sa itaas ng papel. Bawat linya
nito ay nilalagyan ng isa lang espasyo. Simula ito sa sentro pakanan, o kung
maikli, isulong sa kanan na hindi lalampas sa palugit sa kanan. Maaari ding
ilagay iyon sa kalagitnaan ng papel.
 Ang petsa ay binubuo ng buwan, araw, at taon kung kailan sinulat ang liham.
Karaniwan nang nauuna ang buwan, sumusunod ang araw at huli ang taon. Sa
ganitong anyo ay kailangang lagyan ng kuwit ang pagitan ng araw at taon.
Hal: Enero 17, 2020

 Kung nauuna ang araw, sumusunod ang buwan at taon, hindi na kailangan
ang kuwit. Maaari ding isulat ang petsa nang ganito:
Hal: Ika-19 ng Abril, 2013.

 Sa pagsulat ng petsa, iwasan ang pagdadaglat o pagsulat nang pinaikli.


Hal: 1/17/20
2. PATUNGUHAN (Inside Address)
Ito ay binubuo ng pangalan, katungkulan at tanggapan ng taong padadalhan
ng liham.
Kung kilala ang sinusulatan, sinusulat ang pangalan ng taong sinusulatan, ang
kaniyang katungkulan (kung mayroon), tanggapang pinaglilingkuran at
direksiyon. Iwasan ang pagdaglat sa pagsulat ng adres o direksiyon,
Hal. ave., st..

Kagalang-galang Virgilio S. Almario


Pambansang Alagad ng Sining
Tagapangulo, Komisyon sa Wikang Filipino
Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel
Malacañang Complex, 1005 San Miguel, Maynila
 Kung ang alam lamang ay ang katungkulan ng puno ng isang tanggapan,
ngunit hindi tiyak ang buong pangalan ng nasabing puno, maaaring gamitin
ang katungkulan bilang pamalit sa pangalan ng taong sinusulatan.

Halimbawa:

Kagalang-galang na Alkalde
Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong
Lungsod Mandaluyong, Metro Manila
 Kung may kaiklian ang liham, ang espasyo sa pagitan ng petsa at patunguhan
ay maaaring luwagan buhat sa apat (4) hanggang walong (8) espasyo. Gawing
isang pulgada at kalahati ang palugit sa kaliwa at sa kanan. Mahaba o maikli
man ang patunguhan, isang espasyo lamang ang pagitan ng bawat linya. Sa
pagsulat ng patunguhan, lalo na kung ang sinusulatan ay dapat bigyang-
galang, itinatagubilin ang paggamit ng mga titulong may wastong pagpipitagan
tulad ng G., Gng., Bb., Dr., Prop. at iba pa sa unahan ng pangalan ng taong
sinusulatan.

 Ang Bb. (Binibini) o Miss ay ginagamit sa isang babaeng walang asawa.


Ginagamit din ito sa isang babaeng maaaring may titulo ngunit hindi alam ng
sumusulat o kaya ay sa isang babaeng hindi tiyak ng nagpapadala ng liham
kung may-asawa o dalaga. May ilang ahensiya ang gumagamit ng daglat na
“Ms.” kapag alam nilang pinapaboran ng babae ang gayong titulo, bagaman sa
diplomatikong korespondensiya, ang “Ms.” ay hindi ginagamit.
 Ang Gng. (Ginang) o Mrs. ay ginagamit sa isang babaeng may
asawa. Maaaring siya ay isa nang biyuda na gumagamit pa rin ng
pangalan ng asawa. Maaari din namang siya ay may titulo ngunit
hindi alam ng sumusulat.

 Ang G. (Ginoo) o Mr. ay ginagamit sa mga lalaki at sa mga may


titulo ngunit hindi tiyak ng nagpapadala ng liham. Gaya ng
paggamit ng Bb., Miss o Ms. sa babaeng hindi alam ang
kalagayang sibil, ang paggamit naman ng G. sa lalaking hindi
alam ang ibang titulo, kung mayroon man, ay hindi ituturing na
mali.
 May mga pagkakataon na ang asawang babae ay kailangang isama sa liham,
ang titulo ng babae ay hindi na ipinapakita o ipinakikilala. Sapat na ang G. at
Gng., Dr. at Gng., o Atty. at Gng.
 Mahalagang tandaan na kung ginamit na sa unahan ng pangalan angkaukulang
propesyonal ay hindi na dapat ulitin pa ang karerang natapos.

 Tama nang isulat ang:


Atty. Percida Rueda-Acosta
Dr. Francisco T. Duque III

 Mali:
Atty. Percida Rueda-Acosta, LL.B.
Dr. Francisco T. Duque III, M.D.
 May mga awtoridad sa korespondensiya na nagsasabing ipinahihintulot ang
paggamit ng titulo ng babae kahit na kasama ang pangalan ng lalaki na
walang titulo liban sa Ginoo. Inuuna ang pangalan ng babae kasama ang
kaniyang titulo.

Alkalde Madeleine Ong at G. Hector Ong


Pamahalaang Bayan ng Laoang
Hilagang Samar

Ang Kagalang-galang na Alkalde ng Laoang at Ginoong Ong


Pamahalaang Bayan ng Laoang
Hilagang Samar
 Kung may titulo naman ang lalaki, maaaring ganito naman ang magiging
patunguhan o direksiyon sa sobre:

Gob. Elenita de Jesus at Dr. Reynaldo de Jesus


Kapitolyong Panlalawigan
Lungsod Antipolo, Rizal

Ang Kagalang-galang na Punong Lalawigan ng Rizal at Dr. De Jesus


Kapitolyong Panlalawigan
Lungsod Antipolo, Rizal
 Kung maaaring gamitin ang G. at Gng. sa iisang pangalan, iyon ay tumpak
sapagkat maaari naman talagang magkaroon, halimbawa ng isang G.
Jesus E. Ferrer at Gng. Gloria P. Ferrer din, kaya wasto ang:

G. at Gng. Jesus E. Ferrer


Pandacan, Maynila
3. BATING PAMBUNGAD (Salutation) Ito ay pagbati sa sinusulatan. May iba’t ibang
anyo ito at ang karaniwang ginagamit ay ang mga sumusunod:

Mahal na Ginoo:
Ginoo:
Mahal na Punong Mahistrado Sereno:
Mahal na Ginang:
Binibini:
 Kung ang sinusulatan naman ay kapalagayang-loob o kaya ay
kaibigan maaaring ang pagbati ay sa unang pangalan at ang
bantas na gagamitin ay kuwit.
Mahal na Ellen,
Mahal na Jhun,
 Ang Kagalang-galang/Kgg. ay natatanging pagbati sa mga taong may
matataas na katungkulan gaya ng Pangulo ng bansa, mga Senador at
Kinatawan, mga Gobernador, mga Kalihim ng Gabinete, Sugo ng Pilipinas,
mga Kalihim at Pangalawang Kalihim ng mga kagawaran, mga hukom,
komisyoner, mga alkalde. Ang karamihan sa matataas na katungkulang
binanggit ay ginagamitan ng Kagalang-galang/Kgg. sa unahan ng tao o
tungkulin.
Gamitin lamang ang apelyido kalakip ang titulo ng sinusulatan. Hindi dinadaglat
ang titulo kapag apelyido ang kasunod maliban sa Dr., Mr., Mrs. na ang mga
pinaikling anyo ay tinatanggap na sa internasyonal na pakikipagtalastasan.
 Mahal na Dr. Villon:
 Mahal na Propesor Cruz:

Ngunit kung hindi nakatitiyak sa kasarian ng inyong susulatan gamitin nang buo
ang pangalan o kaya ng Ginoo/G. kasunod ang buong pangalan.

 Mahal na Jhun Christian Sobrevega:


 Mahal na G. Jovic Sta. Maria:
 Ginoo/G. Danreo Sinta:
4. KATAWAN NG LIHAM (Body of the Letter) Ito ang tampok na bahagi
ng liham na nagsasaad ng paksa/mensahe sa sinusulatan.

Katangian ng maayos na mensahe


 1. Kailangang ang liham ay maging malinaw na malinaw at hindi dapat lumikha ng
anumang alinlangan sa pinapadalhan o babasa nito.
 2. Kailangang may tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita, pangungusap,
talata, at mga bahagi ng liham.
 3. Kailangang ito ay madaling basahin at unawain, may angkop na mga salita,
banghay, at bantas.
 Kung ang liham naman ay may kahabaan na hindi sasapat sa isang pahina,
maaari itong dugtungan sa papel na malinis, walang ulong-sulat o nilimbag na
pamuhatan, ngunit sa gayon ding uri ng papel, gayon ding sukat. Ilagay sa
kaliwa ang pangalan ng sinusulatan, ang pahina sa gitna at petsa naman sa
kanan.
 Iwasang magdagdag ng pahina kung ang bahagi ng liham na isusulat ay kulang sa
tatlo (3) o apat (4) na linya bago ang pamitagang pangwakas.
 May dalawang espasyo mula sa bating pambungad at sa pagitan ng dalawang
talata at isa sa bawat linya ng katawan ng liham.
5. PAMITAGANG PANGWAKAS (Complimentary Close). Nagsasaad ito ng
pamamaalam sa nililihaman.

Mga Dapat Tandaan sa Pamitagang Pangwakas:


 Ang bating pambungad at ang pangwakas ay iniaangkop sa katungkulan o kalagayang
panlipunan ng taong sinusulatan.
 Kung ano ang antas ng pamimitagang ipinahihiwatig sa bating pambungad ay siya ring
isinasaad sa pamitagang pangwakas.
Ginoo: Magalang na sumasainyo,
Kagalang-galang Lubos na gumagalang,
Mahal na Bb. Santos:
Mahal na Gng. Yap: Matapat na sumasainyo,
Mahal na G. Reyes:
Mahal na Ginoo:
6. LAGDA (Signature) Binubuo ito ng pangalan, lagda, at posisyon ng lumiham. Ito
ay nagpapakilala ng kapangyarihan at pananagutan sa nilalaman ng liham.

 Ang mga babae, kung nais nila, ay maaaring gumamit ng Bb., Gng. Ms. sa
unahan ng kanilang pangalan. Hindi gumagamit ng G. (Mr.) ang kalalakihan sa
unahan ng kanilang pangalan.
 Maglaan ng (4) apat na espasyo mula sa pamitagang pangwakas hanggang sa
pangalan na nakasulat sa malalaking titik (light o bold) at sa ilalim nito ay
ang katungkulan.
 Ang unang titik ng pamitagang pangwakas at ang pangalan (o titulo) ng
lumiliham ay magkatapat. Ang unang titik o numero ng petsa ay karaniwan
ding katapat ng unang titik ng pamitagang pangwakas.

You might also like