Gni at GDP at (Autosaved)

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

PAMBANSANG KITA

Ang Gross National Income (GNI) na dating tinatawag ding


Gross National Product .
Tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga
produkto at serbisyo .
Nagawa ng mga mamamayan sa isang bansa.
Kalimitang sinusukat ang GNI sa bawat quarter o sa loob
ng isang taon.
Ang GNI ay sinusukat gamit ang salapi ng isang bansa.
(Dolyar ng US.)
Halaga ng mga tapos na produkto o nabuong produkto at
serbisyo isinasama sa pagkwenta ng GNI.
 Hindi binibilang sa GNI ang mga tanim sa bakuran.
 Ang mga produkto mula sa impormal n a sektor o
underground economy ay hindi binibilang sa GNI.
 Tulad na lang ng :
• Naglalako ng paninda sa kalsada.
• Nagkukumpuni ng mga sira sa bahay
• Nagbebenta ng turon sa tabi ng bangketa.
 Dahil hindi nakarehistro at walang dokumentong
mapagkukunan ng datos ng kanilang gawain upang
masukat ang halaga ng kanilang produksiyon.
 Hindi rin isinasama sa GNI ang mga produktong
segunda-mano.
Sinusukat ng GNI ang kabuuang halaga ng lahat ng
nabuong produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng
itinakdang panahon.
Mga mamamayan ng bansa ang nagmamay ari ng mga
salik ng produksyong ito kahit saang bahagi ng daigdig
ito ginawa.
Ang GDP naman ay sumusukat sa kabuuang
pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto
at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang
panahon sa loob ng isang bansa.
Halimbawa: ang kinita ng mga OFW na nagtatrabaho
sa Singapore ay ibinibilang sa pagkwenta ng Gross
Domestic Income ng Singapore ngunit hindi kabilang sa
Gross National Income ng bansang ito.
Sa halip, ang kinita ng mga naturang OFW ay
binibilang sa Gross National Income ng Pilipinas.
Lahat ng salik ng produksiyong ginamit upang mabuo
ang produkto at serbisyo maging ito ay pagmamay-ari
ng mga dayuhan na matatagpuan sa loob ng bansa ay
kasma dito.
1. Paraan Batay sa Paggasta (EXPENDITURE APPROACH)
Ang pambansang ekonomiya ay binubuo ng apat na sektor:
SAMBHAYAN,BAHAY-KALAKAL,PAMAHALAAN, at PANLABAS NA
SEKTOR.Ang pinagkakagastusan ng bawat sektor ay ang sumusunod:

a. Gastusing personal ( C ) – pagkain, damit,


paglilibang, serbisyo ng manggugupit ng buhok at iba
pa. Lahat ng gastusin ng tao.
b. Gastusin ng mga namumuhunan ( I ) – kabilang
ang gastos ng bahay kalakal tulad ng gamit sa opisina,
hilaw na materyales para sa produksiyon, sahod ng
mangagawa at iba pa.
c. Gastusin ng pamahalaan (G ) – pagsasagawa ng
mga proyektong panlipunan at iba pang gastusin ng
pamahalaan.
d. Gastusin ng panalabas na sektor ( X – M ) –
makukuha ito kung ibabawas ang iniluluwas o export
sa inaangkat o import.
e. Statistical discrepency ( SD ) – ang anumang
kakulangan o kalabisan na hindi malaman kung saan
ibibilang. Ito ay nagaganap sapagkat may mga
transaksiyong hindi sapat nag mapagkukunan ng datos
at impormasyon.
f. Net Factor Income from Abroad ( NFIFA ) –
tinatawag ding Net Primary Income. Makukuha ito
kapag ibinawas ang gastos ng mga mamamayang nasa
ibang bansa sa gastos ng mg dayuhang nasa loob ng
bansa.

Ang formula sa pagkwenta ng GNI sa pamamaraan batay sa


paggasta o expenditure approach ay :
GNI = C + I + G + (X-M) + SD + NFIFA
2. Paraan Batay sa Pinagmulang Industriya
( INDUSTRIAL ORIGIN/ VALUE ADDED APPROACH )
Sa paraang batay sa pinagmulang industriya ,
masusukat ang Gross Domestic Product ng bansa
kung pagsasamahin sang kabuuang halaga ng
produksiyon ng mga pangunahing industriya ng
bansa.
Kinapapalooban ito ng sektor ng AGRIKULTURA.
INSDUSTRIYA, at SERBISYO. Sa kabilang banda,
kung isasama ang Net Factor Income from Abroad o
Net Primary Income sa kompyutasyon , masusukat
din nito ang Gross National Income ( GNI ) ng bansa.
2012 2013 2013

1,250,616 1,297,903 3.8 698,937 706,647 1.1

3,284,508 3,582,787 9.1 2,022,623 2,213,647 9.5


6,029,762 6,665,414 10.5 3,590,111 3,843,229 7.1

10,564,886 11,546,104 9.3 6,311,671 6,763,767 7.2

2,043,843 2,284,037 1,184,875 1,296,710


12,608,730 13,830,140 9.7 7,496,546 8,060,477 7.5
3. Paraan Batay sa Kita ( INCOME APPROACH )
a. Sahod ng mga manggagawa – sahod na ibinabayad sa
sambahayan mula sa mga bahay-kalakal at pamahalaan.
b. Net Operating Surplus – tinubo ng mga korporasyong
pribado at pag-aari at pinatatakbo ng pampamahalaan at iba pang
mga negosyo.
c. Depresasyon – pagbaba ng halaga ng yamang pisikal bunga ng
pagkaluma ng tuloy tuloy na paggamit paglipas ng panahon.
d. Di-tuwirang buwis – Subsidiya
1. Di – tuwirang buwis – kabilang dito ang sales tax,custom
duties, lisensiya at iba pang di - tuwirang buwis.
2. Subsidiya – salaping binabalikat at binabayaran ng
pamahalaan nang hindi tumatanggap ng kapalit na produkto o
serbisyo. Isang halimbawa nito ang pag-ako ng pamahalaan sa ilang
bahagi ng bayarin ng mga sumasakay sa Light Rail Transit.
 Ang Gross National Income sa kasalukuyang presyo (current o nominal GNI ), ay
kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga natapos na podukto at sebisyong nagawa sa
loob ng isang takdang panahon batay sa kasalukuyang presyo.
 Ang real GNI o GNI at constant prices ay kumakatawan sa kabuuang halaga ng
mga tapos na produkto at serbisyong ginawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa
nakaraan pang presyo o sa pamamagitan ng paggamit ng batayang taon o base year .
 Sa pagsukat ng nominal at real GNI ,kailangan munang malaman ang Price Index.
 Sinusukat ng price index ang AVERAGE na pagbabago ng presyo ng mga produkto at
serbisyo.
 Malalaman kung may pagtaas o pagbaba sa presyo ng mga produkto sa pamamagitan ng
Price Index.
 Mahalagang malaman natin ang real/constant prices GNI dahil sa tumataas ang presyo
ng bilihin nakakaapekto ito sa pagsukat ng GNI.
 Ginagamit ito upang masukat kung may pagbabago at paglago sa produksyon ng bansa nd
hindi naapektuhan ng pagtaas ng presyo. (Formula ng real GNI.)

 Malalaman naman kung may natamong pag-unlad sa ekonomiya batay sa Growth Rate.
 Ang Growth rate ay sumusukat kung ilang bahagdan ang naging pag-angat ng ekonomiya
kompara sa nagdaang taon.

 Income per capita ay masusukat kung hahatiin ang GDP sa kabuuang populasyon ng
bansa.
 Tinataya rin ng income per capita kung sasapat ang kabuuang halaga ng produksiyon ng
bansa upang tustusan ang pangangailangan ng mga mamamayan nito.
 Isa itong batayan upang malaman ang kalagayang pangkabuhayan ng mga mamamayan.

You might also like